BAHAGHARING ITIM


Malungkot na masaya, masaya na malungkot -ganito na yata ang buhay ko. May mga bagay na hindi mo maipaliwanag kung magiging masaya ka ba sa ikinalulungkot mo.

Katulad ng mga pagkawala at mga bagong pagdating. Tila nga isang makulay na bahaghari. Sari-sari, iba-iba. Katulad ng mga emosyon kung iiyak ka ba o tatawa.

Parang kang naghahanap ng kasiyahan sa tumpok ng ginto. Kaso, dahil hindi mahanap ang dulo nito… naiisip mo na may mga magaganap pang konektado sa buhay mo.

Nakakatakot. Wala namang ibang magagawa kundi mag-abang.

Naisip ko lang, na ang pag-abot pala sa pangarap ay para ding pagsuot sa butas ng karayon. Kadalasan habang isinasagawa mo na ang ang pagsuot dito, may pangyayaring mahuhulog ito. At sa pagkahulog na iyon, masasasabi mong nagkamali ka.  Maaaring sa kadahilanang hindi mo ito hinawakang mabuti o baka nagpakatanga ka lang talaga.

May pagkakataong hindi mo na ito makikita dahil sa liit nito o sa pagkakataong hindi mo talaga maisusuot dahil malabo na ang mga mata mo (binulag ka ng kahangalan mo).. Kadalasan naman maaari kang humingi ng tulong, o baka ang tulong na ang lumapit sayo.

Minsan nagiging matapang tayo. Minsan naman ang tapang ay nagiging kayabangan mo. Sinasabi mong kaya mo  ang sarili mo pero pag nandyan na pang-aakit at magiging mahina ka, sasabihin mo “nadarang lang ako”.

Kaya mong pumatay pero ang masaklap kaya mo ring mamatay.

Kaya mong tumapon ng mga pangarap. Kinakaya mo ring tumapon ng mga taong nag-aalala sayo.

Ang masaklap lang, dahil din pala sa pangarap mo, kayang mo ring ipagpalit ang sarili mo.

Alam ko na hindi ako kasing mahal at hightech ng IPhone 4 pero kinaya mong ipagpalit ito. Pero tandaan mo na tulad ng bagay na ‘yan may hangganan din ako at kaya ko ring masira. Hindi siguro sa sarili kong kagagawan pero maaring sa taong may ganyan.

Naiinsulto ako sa mga paraang hindi naman dapat ako ipinagpapalit sa ganoon. Pero anong magagawa ko? kung sayo na nag mula na ikaw na ang pinaka-walang kwentang taong makikilala ko.

Salamat na lang sa isang pagkawala at isa pang pagkawala kasama ang mga ginagalang at minamahal kong ka-trabaho dahil may mga bagong pintong nagbubukas. Hindi para makalimutan ang mga bagay-bagay, kundi para ituon sa mas makulay na layunin sa buhay.

Malungkot dahil kailangan nating iwanan ang mga bagay na ginugusto natin. Masaya dahil may mga bagong bagay tayong gugustuhin.

Simula na 25 ng Hulyo magkakaraon na ako ng bagong tahanan.. at bago iyon may pintuan akong isasara pero hindi kasama ang mga aral at saya.

Siguro ganoon din sa mga taong pinapahalagahan ko, maaaring hanggang dito na lang, pero nakasisiguro akong.. kung malalaman ko ang puno’t dulo ay mananahimik na rin ang kalooban ko. Hindi man literal pero ang damdamin ko. Damdamin!

Pipilitin kong kulayan ang bahaghari kong itim, pipilitin kong hanapin ang gintong nakalaan sa akin.

4 thoughts on “BAHAGHARING ITIM”

  1. nice men. tama suong lng ng suong, kasi hindi nman ibig sabihin na kapag may iniwan eh kinalimutan mo na rin eh. may mga bagay na pisikal na iniiwan pero nananatili sa puso at isipan.

  2. Ganyan talaga ang buhay… isang hamon na dapat nating labanan… minsan mananalo tayo pero kadalasan talo tayo… God bless sa bago mong bahay.. I pray na sana makita mo na ang hinahanap mo…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s