NBI CLEARANCE: REFLECTION


Kagagaling ko lang sa NBI kanina at ito nga kating-kati na ang mga daliri ko para mag blog -para ikuwento ang mahigit dalawa’t kalahating oras kong pagtayo’t upo kahihintay para makuha ang clearance ko.

Umaga palang gising na gising na ako. Galing na kasi ako sa Robinson Otis kahapon at nagulat ako sa dami ng tao. Akala ko kasi kung 10:00 am nagbubukas ang Mall malamang ganun din ang NBI kaso hindi e. hohoho. Kaya sabi ko aagahan ko talaga ngayon.

6:30 na ako nakarating kanina sa Robinsons Otis at tulad kahapon nagulat pa rin ako dahil hindi ko inaasahan na sa aga kong iyon nasa pangatlo pa rin ako ng paikot na linya sa labas ng Mall.

Maswerte pa nga ako kung tutuusin, dahil habang tumatakbo ang oras padagdag na nang padagdag ang dami ng tao.

Yung iba nga galing pa sa kabilang mall -Robinsons Ermita. Pero dahil daw may numbering doon, 500 katao lang daw ang kaya nilang serbisyohan. Ibig sabihin pag tapos ng 500 tapos na ang pila. Kaya doon na sa Robinsons Otis (ang pinaka malapit na NBI Clearance Outlet mula sa Ermita) sila nagpunta.

Alas 8:00 ng umaga nag bukas ang Mall para sa NBI Clearance.. (patay pa nga ang escalator ng mall). Pag tungtung palang sa 2nd level unahan na silang mag fill up ng application form.

Natatawa lang ako dahil napansin ko sa lahat ng nag sa-sign up tinatanong kung ano daw isasagot nila sa “Reflection” na tanong sa form. Sa totoo lang kahit ako hindi ko alam. Tinanong ko na nga ito sa lahat ng officemates ko kasama ang writer namin kaso hindi nasagot. Sa dami kasi ng ibig sabihin ng “reflection” hindi alam kung anong nais tukuyin ng NBI form.

Noong nasa harap na ako para i submit ang form ko, nakita ko yung nasa monitor ng computer nila. nakalagay “Reflection: Roman Catholic” Puchaness!! yun lang pala yun! bakit kasi hindi na lang “religion” hoho

Kaya nga isinama ko ito sa blog ko ngayon dahil alam ko maraming magtatanong.

Hindi ko alam kung ano pinagkaiba ng ng NBI clearance noon sa NBI clearance ngayon kung bakit kailangan pa mag sign up ng panibagong application form kung may dati ka na namang ng NBI Clearance copy.

Ang alam ko lang kung dati per window ang pila ng NBI Clearance noon, ngayon isang pila na lang. Kaya siguro wala na akong makita o mabasa na flow chart nila.

Sa pag aaply ng NBI Clerance huwag kalimutan ang mga ito:

  • Application Form (makukuha sa NBI Clearance Outlet) o kaya download mo ‘to para sample
  • (1) Valid ID: Postal ID, SSS, TIN etc.
  • Ballpen
  • Pambayad syempre.. P115 para sa local|overseas employment, depende kung saan gagamitin

Maari ding pumunta sa iba pang NBI Clerance Outlet ng mga Robinsons Mall

  • Robinsons Galleria
  • Robinsons Place Manila
  • Robinsons Otis
  • Robinsons Metro  East
  • Robinsons Place Cainta

At sa iba pang Municipal at City Hall

  • Quezon City Hall
  • Mandaluyong City Hall
  • Marilao Municipal Hall, Bulacan
  • Muntinlupa City Hall Victory Mall (salamat sa nag correct)

  • Las Piñas City Hall

FYI pala. wala na daw ang NBI Victory Mall.

Bago ko pala makalimutan, sa araw kung kailan kayo nagpa clerance maaari nyo na agad makuha ang NBI Clearace nyo KUNG wala kayong kapangalan o kung wala kayong bad record.

Tulad ko may kapangalan, 1 week ko pa makukuha, ang masaklap pa. doon ko pa makukuha sa NBI Main sa Taft Avenue.

Sa totoo lang napaka hirap pumila sa mga government agencies dito sa Pilipinas. Sana naman bilang mga tax payer ng bansa… bukod sa mga binabayad sa mga clearance fee na yan sana ganoon din kabilis at kaganda ang mga serbisyo.

Alam nyo kung ano pangarap ko para sa NBI? Sana maging hightech pa palo.. ibig kong sabihin sana magkaroon na ng online application sa ganoon hindi man maiwasan ang mahabang pila maging mabilis naman sana.

Pero alam nyo bilib din ako sa mga Pilipino na sa kabila ng kakulangan at mabagal na sistema nagiging matatag at nagiging matiyaga tayo. Ganoon naman di ba? anu’t ano pa makakakuha rin tayo lahat ng clearance! hoho.

35 thoughts on “NBI CLEARANCE: REFLECTION”

  1. ahaha…di ko napansin yung REFLECTION na part… parang wala nman yun dati… anyway, sa cavite meron ding kuhaan ng NBI clearance at super duper haba rin ng pila…at 500 lng din ang pinoproseso…

  2. reflection ..haha kahit sino ata mapapa .. ” ANO TO?”

    medyo kakadisappint nga ang agencies ng gobyerno.

    sa LTO din pamatay ang pila.

    sa comelec sobrang high tech .kulang na lang gamitan ng type writer ..hehehe..

    salamat sa pagbibigay kasagutan kung ano ang reflection maggamit ko ang kaalamang ito pag ng punta n ko ng NBI .😀

  3. got mine today sa Victory Mall ng Muntinlupa..3hrs inabot ko..and the application form is different from the one above..wala yung “reflection” chennes at back to back..may barcode din yung form..mas maganda kung may 2×2 picture ka na with white background para di ka na pa picture dun..may bayad kasi..

    kung walang ID, pwede na daw yung birth certificate na NSO copy..basta NSO certified na document pumapayag na sila…

    Minimum 20days ang processing. Yung akin sa Aug. 15th pa makukuha..

  4. Agree ako na sana hightech na ang NBI Clearance. Parang sa NSO, pwede ka lang makipagchat, magbayad at presto, kung walang aberya, within three days nasa bahay na ninyo.

    Hayyy, good luck sa akin kasi kukuha ako ng renewal.

    Salamat sa magandang artikulo!

  5. hi, can u help me fill up the application form,, what will i put at the purpose box, ref. code, what is AH?.. your help will be much appreciated..

    hoping for your reply..

  6. Itatanong ko lng po kung pwede b ako mg apply ng clearance ulet kahit may application n ako sa province nmin almost 2 months n kc wala pa rin daw kaya lumuwas ako ng manila para mg apply ng bago kaso may nakapag sabi sakin na hindi daw pwede n may dobleng application. Plss help!!

  7. Hello, ngayon ko lang ito nabasa dahil nangangailangan talaga ko ng impormasyon tungkol sa pagkuha ng NBI. Salamat at ngayon alam ko na anong ilalagay sa reflection. Haha! Sa Lunes ako kukuha ng clearance at talagang gigising ako ng madaling araw para lang mapabilang sa mga mauunang aplikante. Sana lang talaga magkaron na ng online application katulad sa DFA. Nang sa gayon, di na ganito kahirap at di na kailangan pumila, iskedyul na lang.
    Salamat sa pagshare! Finollow ko na nga pala itong blog mo.

    Ronadelle
    http://www.ronareviews.blogspot.com

  8. pahirap talaga ang pagkuha ng nbi clearance. tga marikina ako at wala na yung nbi office sa riverbanks, at sa robinsons metro east naman 500 lng tatanggapin at kelangan pa yatang magkampo overnight para lang sa papel na iyan.

  9. Yahoo! Got my NBI clearance in 30 minutes. Check out Robinson’s Otis on weekday afternoons to avoid long queues:)
    saturdays for releasing only

  10. Belated happy birthday! Salamat sa impormasyon. Try ko sa rob ermita, para malapit lang sa school ko. Yun nga lang, mukhang kailangan ko talagang agahan.😀

  11. guys thanks sa info nyo ha bukas punta me nbi sa taft u.n. sana mabilis lang din or hindi me mapahirapan ng husto kc renewal lang din me….comment me kung pinahirapan me hehehe(,”)

  12. Sa NBI Quezon City Hall walang ganyan na nakasulat… hahahaha.. tsk dun madaming pila pila ka bawat bintana.. old school😀 wala lang mashare ko lang po… kung pupunta kayo ng NBI 3am palang pumila ka na sigurado ako merong paden mas mauuna sayo hahahaha….

  13. npka ganda ng bagong system ng nbi nagun,hndi katulad dati na sobrang pahirap, ngayon thru online pwede ka ng mag karon ng nbi..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s