PAANO PASABUGIN ANG GRANADA? TSUG!


Kanina nilamlam ko yung kanta ni Bruno Mars.. hindi ko naman kasi hilig alamin yung lyrics ng bawat kanta basta nagagandahan ako sa melody yun na yun!.. Ayun nga kanina bigla akong tinamaan sa lyrics. hoho marunong na pala ako umintindi?

Pero hindi rin, kadalasan kapag malalim ang iniisip natin tapos sinamahan pa natin ng tugtug malamang maintindihan natin yung message nung kanta.

Hindi naman ako emo.. may mga bagay lang akong narealized.

Tulad ng mga bagay na ginagawa mo na hindi para sayo kundi para sa iba kahit hindi nila hingiin.

Ang hirap din pala minsan magpanggap na ayos ka lang, pero ang totoo pinaplastik mo lang pala sarili mo.

Sabi ko nga sa status ng facebook ko kanina:

“Minsan okey din palang pinaplastik natin ang sarili, tumitibay kasi tayo tulad ng sa tupperwear”ūüôā

Akala ko kasi dati kapag naging totoo tayo sa sarili na malungkot tayo, mas mabilis yung pagdadaing natin. Pero di rin pala, napatunayan ko na kung magiging simple tayo sa bawat araw , sa kabila ng katotohanang may dinadala kang kalungkutan, mas makakatulong ka pala sa mga taong naaawa sayo para hindi ka kaawaan.

Aminado naman akong KAAWA-AWA talaga ako, ikaw ba naman magpakatanga, umasa sa mga chances na hinihingi sayo. Nagpadala sa mga paglalambing na wala naman pala talagang kaugnayan at katotohan… hmmmm siguro may mga ganun lang talagang tao.

Kapag natutu ka daw tanggapin ang katotohanang TANGA KA sa lahat ng aspeto! matututo ka rin sa pinaggagawa mo. Para¬†kang nauntog tapos sasabihin mo “sino ako? anong nangyari? tao ba ko?”¬†yun nga! -baliw baliwan ka nga. (Kaw baliw ka ba bakit ka nagbabasa nito may napapala¬†ka ba dito?)

Kung gusto mo talaga ang tao.. magiging tanga ka.. kahit ilang granada pa hawakan mo okey lang sa kanya, pagmamasdan ka pa nga nya e habang nagkakalasug-lasug ka na! wala naman sya magawa kasi tanga ka nga! hawakan ba naman ang granada! haha

Kung gusto mo ang isang tao… magpapahabol ka pero kapag hindi ka hinabol matuto kang habulin sya. mahal mo e. kasi nga¬†TANGA ka di ba?¬† hahawak ka ba ng granada kung di ka TANGA?

Kung may kasabihan nga na “Para kang kumuha ng batong ipupukpok sa sarili mong ulo” siguro mas astig ng gamitin ang kasabihang “Parang kang kumuha ng granadang papasabugin mo sa sarili mo” o di ba ang kewl?

Gawin¬†mo lahat ng gusto mong gawin habang makontento ka¬†sa katangahan mo! doon mo kasi makikita na.. ang galing TANGA¬†pala ako.. ang kewl uli.ūüėõ

Kung mahal mo ang isang tao, hindi mo magagawang sisihin sya. nagiging mabait ka pa nga sa kanya..

Pero ang masaklap kapag nawala na ang pag-aalala (worried) mo sa kanya.. nangangahulugan na pala ito na hindi mo na pala sya mahal.

Mag-iisip ka naman ngayon kung malulungkot ka o magiging masaya sa mga nangyayari..

mas uusigin ka ng pagiisip mo sa mga bagay na nasaktan ka nya (tulad ng sabihin ka ng boring mo kasama) kumpara sa mas masasaya nyong alaala.

Minsan gusto mo mag-isip ng masama para sa ikabubuti nya, ganoon din sa pag-iisip ng ikasisiya nya.

Masaya sya.. sasaya din ako… MASAYA ANG BUHAY!ūüôā

P.S. Minsan masarap ding mangarap para sa katuparan ng pangarap nila.

5 thoughts on “PAANO PASABUGIN ANG GRANADA? TSUG!”

  1. Mabuhay ang mga “TANGA” hehehe… naging tanga rin ako minsan..siguro parte talaga ng pagmamahal ang maging tanga pag di ka naging tanga di ka nagmamahal…bongga!!!

  2. nung unang narinig ko rin yung song na un, nagustuhan ko rin. siguro tanga nga ang tawag dun, pero may mga pagkakatao naman talga na you cant help but be that way eh. lahat ng dumanas ng special moments at umaasang tuloy-tuloy na tas sa wala rin na punta eh makakaramdam ng ganun. hehehe. galing mo talaga tsong, in simple words there is full of wisdom.

  3. nice.. TANGA ka talaga. Joke… Minsan sa buhay ng tao kailangan natin magpakatanga sa ibang bagay. Minsan kasi mas maganda ang walang alam kesa sa sobra ang alam. Gets mo? Tanga lang magcomment noh… O siya basta sa bandang huli matuto ka dapat sa katangahan mo at ito ang maging susi ng iyong pagiging MASAYA at hindi na pagbalik sa pagiging TANGA.

    aH ewan.. nahawa na ata ako.. TANGA din ako dati… pero feeling ko TANGA pa din ako…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s