USAPANG EEESSSSSSS…


Sabi ng teacher ko sa values education noong nasa high school pa ako, ang virginity daw ang pinakamagandang mairereregalo ng isang babae sa aming mga kalalakihan matapos ng kasal (unang gabi). Para daw kasi itong literal na regalo habang unti -unting binubuksan mula pagkakabalot nito ng partner mo. Proud pa nga teacher ko noon habang kinukwento n’ya, dahil nagawa nya nga daw itong iregalo, na sobra niyang iningatan para sa taong nakalaan sa kanya.

Pero kadalasan daw, ang masayang supresa dapat… ay nagiging supresang nakagugulat lalo na doon sa mga bagong kasal.

Nakakagulat talaga, minsan kung sino pa yung mga taong di-makabasag pinggan sila pa pala yung mga taong tagung-tago ang kulo.

Ang masaklap pa, ang iba’y magagawa pang magsinungaling na sila ay mala- birheng Maria yun pala mala-Santa Santita!

Minsan tuloy magtatanong ka (lalake):

“Masyado lang ba talagang malaki ang lagusan nya?” “o baka naman, sadyang maliit lang talaga ang sa akin?” haha. lels.

Alam nyo, naniniwala naman ako sa kasabihang “kung mahal mo naman talaga ang tao, tatanggapin mo s’ya kahit ano o maging sino man sya” pero paano mo matatanggap ang senaryong hindi naman kayo pero nagagawa nyo yung mga ganoong bagay.

fact: wala naman sigurong makikipag tooo-tooot* sayo ng ganoon kadali kung wala pa syang karanasan sa iba. Pero naniwala ka naman tanga!. Fact you! talaga

Ang sistema lang nung “kayo” pa ay hindi man n’ya nasabi yung nakaraan n’ya kahit tinatanong mo. Sobrang pinaniwala ka n’ya sa lahat ng first time n’ya “kuno” sa piling mo tulad ng first kiss at holding hands. ‘Yun pala naganap na ang sagad-sagarang maaring matamo ng isang pagkatao sa larangan ng chuvaness!.

Doon mo maiisip bigla lahat ng nagawa mong pakikipaglaban sa nararamdaman mo para sa kanya. Ang mga pakikipagbuno mo sa larangan ng pag-ibig at pagmamahalan laban sa tinatawag na “hangal na pag-ibig” ekek.

Doon biglang babaliktad ang sikmura mo na parang… sa sitwasyong sa pelikulang “AMOK” ng cinemalaya 2011, akala mo tunay na babae ang kahalinghingan mo yun pala transexual… -na magaling ang pagkakagawa?

katulad din sa galing nya sa pagsisinungaling na akala mo’y tunay na birhen yun pala birhen-birhenan lang pala!

Hindi ko nais pagdiinan dito na kamuhian natin ang mga HINDI NA VIRGIN.. bakit malinis ka!? Pero nais ko sanang pagdiinan ang KATAPATAN sa kapwa mo ke-gumagawa kayo ng kasalanan o milagro.

Ang isang kasalanang tulad sa maagang pagpapalabas ng makamundong pagnanasa ay hindi na dapat sundan pa ng isang kasalanang tulad ng pagsisinungaling na saganang akin ay katumbas ng sakit na AIDs na wala ng lunas. (kasi naganap na pero…)

Hindi masamang magpatawad.. ang masama ay kung ikaw na ang nagkasala ay hindi ka pa marunong humingi ng tawad sa kapwa.

LAHAT NG TAO MAY DUNGIS SA KATAWAN, PERO PUWEDE YUNG MABAWASAN KUNG ILILIGO MO LANG NG KATAPATAN!

11 thoughts on “USAPANG EEESSSSSSS…”

  1. Sabi ni Doktora Margie Holmes, yung YUMMINESS daw ng Pagchu-CHORVA ay wala sa size ng keme kundi nasa LOVE ng dalawang mag partner. Passion of LOVE. Mahirap husgahan ang mga di na Virgin. Para sakin hindi naman yun sukatan ng Kabuuang pagkatao. Physical lang yun. Ang Dignity ay wala sa Tooot kundi nasa kaluluwa at puso. (^_________^)

  2. “Masyado lang ba talagang malaki ang lagusan nya?” “o baka naman, sadyang maliit lang talaga ang sa akin?” haha. lels. ~

    Grabe. haha! Natawa ako dito!😀 hahahha!

    Oo nga naman at kung mahal talaga natin ang isang tao, matatanggap natin kung V pa sya o hindi na. Pero wala rin namang sense kung magsisinungaling ang isang babae na V pa sya, yun pala eh hindi na. Yun ang mas masakit na parte.

    Napadaan po🙂

  3. Guýz,ang ta0ng wa£a nang virgin ay mahirap ng makahanap na mapapangaswa kc almu naman na ang gus2 ng mga lalaki is un virgin ah¡peo wg mawalang ng pag asa dhl makarec0ver kapa hanggang my panah0n kapang magcc at ab0tin ang iy0ng hangarin,;-)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s