“DI KO NAMAN SINABI…”


Pakabog-kulog ang ‘di ko mawaring nagaganap noon sa’king dibdib

‘di lubos maisip kung anong mga bagong imbentong salita ang aking sinisilid…

Masabi ko man lang, kung paanong pahiwatig ang nais kong ipabatid.

Di mawari’t minsan’y akin namang nasasambit

Ang mga salitang di mo man nais marinig ngunit iyong pilit-matang ipinipikit…

Mawari’y sanang iyong maisip na ang aking mga banggit ay pilit-suksok pa rin sa iyong isip.

Isipin mo man lang:

“Hindi ko naman sinasabing sundin mo lahat ng sinasabi ko, ang sinasabi ko lang ay pakinggan mo kung ano ang sinasabi ko sayo” 

Nais ko sanang magpakonyat de kalimot sayo,

Ngunit anong magagawa ng kutos sa noo, kung nauna na ang bukol sa puso kaysa sa ulo?

O baka sa ulo na lang  umusbong at tuluyang pagkawala sa puso mo?

Mahirap ipabaon sa bunbunan ang mga sanaysay sa bungong puno na nang laman.

Mga nilalamang puno ng kasakiman at sa pilosopiyang natatanging pansarili mo lang.

Kailan mo iwawaksi ang mga matutuhan sa mga magaganap palang?,

Kung sa kasalukuyan ay kayang-kaya mo namang lunasan?

Di ko naman sinasabing lubos-lubusan akong pakinggan,

Pero sana naman, sa ngalan ng ilang sandaling sinabi mong isa akong kaibigan ay iyong pagbigyan,

Patawarin mo nawa sa minsang pamumutawi ng mga barubal na pananalita’t mga salita.

Tandaan mo na wala akong ginagawa at ginawa para sa iyong ikasisira!

Tanging-puro pagbabanta sa inaakalang pupuksa sa iyong katapangan.

Inaamin ko ang aking kamalian, hindi ko dapat sinubok ang ating pagkakaibigan.

Pero paano tatatag ang puno ng samahan kung sa sanga-sanga nito’y ni-ayaw mo padapuan ng mga insektong inaakala mong pesteng sisira sayo?

Tandaan mo din sana, na kahit ipis na tinututing nating peste ay may pakinabang sa mundo.

Di ko sinasabing utak-ipis ako at may malaking pakinabang ka sa anino ko,

Ang sinasabi ko lang lahat ng tao meron nito.

Alam kong nababakas mo ang itim na kulay nito..

Pero sana makita mo yung puting handang sumaklob sa aminin mo’t hindi’y -kadiliman mo.

Ayoko lang ng ganito,

Mas nalalaman ko ang ikalulumbay kaysa sa ikagagalak ko.

Aaminin ko, Di ko man masabi.. ikaw ang kalungkutan ko…

Malamang sa mga tulad mo din mahahanap ang ikasasaya ko.

Nobenta’y neuve nga sigurong mapapatunayan na sa kalungkutan din natin makukuha ang kaligayahan..

Iniisip ko lang.. sa dinami-raming ikasasaya ko sa mundo,

‘yung nag iisang porsyento pa pala ng ikasasaya ko ay nasa sa iyo.

Ibig sabihin, ikaw din pala ang bubuo sa ciento persyentong ikagagalak ko.

3 thoughts on ““DI KO NAMAN SINABI…””

  1. ang dami mong malalalim na salitang ipinukol dito sa posteng ito na nagpakita kung gaano kalalim ang importansya ng taong pinaguukulan mo ng posteng ito….

    GODBLESS kapatid… Malay mo mabasa niya ito,…

  2. kasabihan nga na kung saan ka nadadapa, dun ka rin bumabangon. ang galing naman nito, otep. natuwa ako dun sa ‘konyat de kalimot’ haha!

    malalim pero madamdamin, gumamit man ng mga salitang bibihirang turan ng karaniwan, andun pa rin naman yung nais ipakahulugan.

    si otep, nagmamahal. yun yun eh!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s