PHOTO-WALK : BAWAL MAG-SHOOT DITO!?


Ilang araw na ding nakararaan noong magyaya si Taympers (Mar Castillo) na mag photo-walk sa Intramuros. Sakto namang pareho silang dayoff ni Hamster (Jason De Guzman) tuwing wednesday. Hindi ko dayoff ang miyerkules pero dahil sa tabi-tabi lang ako ng Intramuros lumiban na lang ako sa part-time job ko sa isang pahayagan.

2:00pm ang out ko sa trabaho sa Alabang pero alas-4:00 na halos ng hapon kami nagkita-kita. Orihinal na magtatagpo sana kami sa SM Manila pero dahil heksayted silang dalawa sa “dati” na lang kami nagkita-kita. hoho

DATI: Dalawang Taon na ang nakakaraan noong huli kong napagmasdan 'tong Puno. Nakakapraning lang parang hindi kasi siya lumalaki. Parang ako lang. lels.

BAWAL MAGPHOTO-SHOOT DITO? WEH?

Nitong mga nakaraang araw din, napabalita ang mga nagproprotestang Litratista sa Luneta. Hinaing daw ito sa di umano’y pagbabawal ng tagapamahala ng nasabing parke sa pagpalilimita o pagkuha ng mga larawan sa pasyalan kasama na daw ang Intramuros. (Baka daw kasi biglang mag japan-japan si Rizal lels).

Ayon sa nababasa ko pati na rin sa napapanood, hindi naman daw ito tahasang pagbabawal o utos kundi paglilimita lang daw lalo na doon sa tinatawag nilang commercial photographers.

Anila, baka daw kasi maulit yung mga nauna ng mga pangyayari partikular na sa Libingan ng mga Bayani kung saan ginawang pre-nuptial photo background ng ilan nating kababayan, na sa totoo naman ay nakabastos naman talaga lalo na dun sa mga nahihimlay na. (siguro parang gusto lang nilang gawing literal yung mga banat na)

Lalake: Alam mo mahal, kapag kinasal tayo gusto ko sa Simenteryo.

Babae: huh!? bakit naman.

Lalake: Kasi patay na patay ako sayo! lels.

Naging isyu din sa mga lokal na litratista ang di umanoy “double standard” dahil, bakit daw ang mga porenger exempted ganung nagbabayad din naman ng buwis ang mga photographers.

Natatawa na naiinis lang ako. Bakit imblis na pagbabawal ng pagkuha ng mga picture/video ang ipagbawal nila, bakit hindi na lang batas o guidelines sa mga dapat at hindi dapat gawin kasama na ang kaukulang parusa ang ilatag nila, sakaling nakabastos man o nakasira ng imahe ang isang litratista sa pagkuha.

Ewan ko hindi ko makuha kung bakit bawal. Ako, personal na rin akong nasita sa Luneta. Akala kasi ng guard kinukuhaan ko ng video si Rizal e picture lang naman yun (tatlong taon na ang nakakalipas). Ano naman ang pagkakaiba ng picture sa video? Malamang magkaiba yun sa literal pero paano sa pagkuha kay Rizal? (Ahhh baka daw kasi biglang mag JumpShot.) lels.

Saganang akin, di ba mas okay nga kung mas maraming kukuha ng video at larawan sa mga pasyalan at tourist sites natin? Mas kakalat ‘to lalo na ngayon dahil computer age na. Ibig sabihin magkakaroon tayo lalo ng impact sa mundo para dayuhin tayo ng mga turista.

Ikaw ba kapag may pupuntahan kang lugar bumabase ka lang ba sa mga nariring? syempre hahanap at hahapan ka ng mga larawan para bubusog sa kukuryusidad ng isipan mo.

Ako, sa personal pa ring  perspectiv, sobrang dami kong pangarap mapuntahan dahil sa mga nakikita ko lang sa mga larawan at video. Sa tingin nyo papangarapin ko bang mapuntahan yun kung wala akong ideya kung ano ang mga matatagpuan ko dun?

Gusto ko din naman mag jumpshot at magjapan-japan sa Pyramid, Great Wall, Taj Mahal, Sao Paolo at sa buong mundo DAHIL SA MGA IMAHENG NAKIKITA.

Tapos para sa rebulto lang ni Rizal pagkakait nyo pa! dapat nga ay pinagmamaki natin yun sa buong mundo. Kung gumagalaw lang siguro rebulto ni Rizal bumaba na yun doon tapos bubulong satin.

Rizal: “Doon tayo banda sa Ocean Park -bawal dito”. hahaha😀

PICTURE-PICTURE

Natapos naman ang photo-walk naming tatlo na hindi naman nasita sa loob ng Intramuros (buti naman) Nag enjoy kami at naranasang masaya talagang maging malaya saan mang aspeto o sa anu mang pamamaraan.

Sana malaman ng tagapamahala ng mga parke ganoon na rin sa mga namamahala ng tourist at historical site sa bansa, lalung lalo na sa tulad nating mamamayan na hindi lahat ng kalayaan ay dapat nating abusuhin. Ang kalayaan ay hindi lang pribilehiyo kundi RESPONSIBILIDAD.

25 thoughts on “PHOTO-WALK : BAWAL MAG-SHOOT DITO!?”

  1. agree ako sa lahat ng sinabi mo lalo na dun sa way of promoting rizal park ang mga pictures and videos na naiuupload sa net. tsk dapat talaga may guidelines na lang, gumawa na alng sila ng do’s and dont’s wag naman totally ban or something like that

    1. maraming salamat sa pag agree supejaid, sa totoo lang first time may nag agree sa mga sinabi ko lels.

      exactly! ganun na nga.. mga dapat at hindi dapat gawin hindi yung kaekekan nila.

    1. May nakapag sabi sakin kung bakit bawal mag pic sa mrt. Baka daw kasi malaglag sa riles. Hahaa.. ” hindi kayo kasya, atras.. atras a.. sige pa” hanggang nalaglag. Hhaha.

  2. talaga may nag photoshoot dun para sa kasal sa luneta? OMG! ang bastos naman nun.. kawindang… well kahit na oldies na yang luneta at intramuros, proud pa din ako sa mga place na yan…

  3. Limang taon din ang ginugol ko sa Intramuros.. dun kasi school ko nung college eh :p

    Year 2006 ng ipagbawal di lang ang pagkuha ng larawan kung di pati ang pamamasyal na walang permit sa naturang tourist spot. Naalala ko pa kasi noon dun kami nag-lu-lunch sa wall (yup, sa ilalim ng katirikan ng araw). Pero later on ay pinagbawal na nila. No wonder, kasi yung iba ginagawang motel at CR ang mga suluk-sulok dun. Ang nakakaasar nga lang is bakit tayo lang? bakit hindi ang mga foreigners?

    Anyway, naka-relate ako sa topic mo! Concerned citizen din ako na nakikitang hindi patas ang ginagawa nila🙂

  4. Congrats for being a finalist.

    I also started a blog just a few days ago (transferred early posts out from my Facebook account), So maybe you could give a noobie some pointers on how to improve it. I am tied between making it humorous, serious or combination of both. I am also confused if I should make the topics a detailed analysis (which would make me out-of-date because I need to compile all the pertinent facts first) or just spur of the moment bite-size commentaries to make it easier to recall and not very tedious to read. The problem is, there is so much information that I wish to share, a single paragraph would not be enough. I am also arguing with myself If I want to be preachy and opinionated or just tell the story as a third party observer. One thing I wouldn’t want to take out is my penchant for adding my own personalized illustration or graphics. As you could easily deduct, I am still searching for an idendity to call uniquely my own and not just a clone or imitation of another blog. Thanks and more power to you, guys. ..and by the way,I am not after any award or recognition. I just want to learn how to bring out the best in me. Thanks again.

    bekindtoustrolls.wordpress.com

  5. Galing kay leah napunta dito. Congrats nominado ang blog.At bakit naman may mga ganyan sa luneta park.Mag isip nga sila ng ibang pweding ipagbawal diyan kasi ang dami kong nakikitang di kaaya-aya.

  6. ngaun lang ulit ako nagawi dito.
    tumpak nadali mo..
    tama lahat…
    tsaka pagnaftatanung ka kung bakit bawal, ang sasabihin lang, bawal sir eh. yun lang wala man lang reason kung bakit…

  7. Bawal pala mag-shoot sa Rizal Park at Intramuros? Eh parang ang dami kong kuha ng mga lugar na yan sa blog ko hehehe…

    Pwede pong kumuha ng picture sa Intramuros at Rizal Park for personal use po. Ang bawal eh kung gagamitin mo yung pictures sa magazine. Commercial na ang labas ng picture mo nun kaya need mo na magbayad ng buwis.

    Hindi po bawal mag-shoot sa Rizal Park at Intramuros per se.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s