UNANG LIPAD


NOONG bata pa tayo sino ang hindi nangarap makalipad o makasakay ng eroplano? siguro iilan lang sa atin, lalo na doon sa mga may phobia sa matataas. Sobrang dami nating tanong noon at isa sa mga nangingibabaw na tanong ay kung paano ito nakalilipad.

Noong nag-aral na tayo madami na rin tayong napapag-aralan hinggil o ukol sa pinagmulan at teorya nito. Sige nga sample “sino ang naka-imbento ng eroplano?” (comment your answer). lels

Akala ko noon, doon na matutuldukan ang pagtatanong natin matapos daanan ang elementary hanggang kolehiyo hindi pa pala. Isa sa mga tanong ngayon e kung saan napupunta ang dumi at ihi ng tao kapag inabutan ka ng tawag ng kalangitan (etse ng) kalikasan habang naglalakbay ka sa kaulapan?

Nagsisilbi ba itong bio-fuel na derecho sa fuel tank ng eroplano para maging enerhiya? at sa sitwasyong walang mapaglandingan ang eroplano at magpaikot ikot ito sa kaitaasan ay hinding hindi na maso-short sa gasolina dahil nga sapat na ang mga naiipong alternative fuel natin sa ating mga kapantugan?

Sa ibang banda, kaya ba minsa’y sa pag-ulan ay may malalasahan tayong maalat-alat dahil sa mga nagwiwiwi sa loob ng eroplano derecho palabas? O di kaya’y sa pagdumi sa isang pasahero ay sasabit na lang ito sa isa sa mga ulap? At dahil sa duming iyon ay nagkakaroon ng mistulang pataba ang isang ulap na nagiging sanhi upang mabuo ang nagbabanyang sigwa na tinatawag nating -kalamidad?

At sa sitwasyong patuloy na nga ang pagdagsa ng mga nagdadaang eroplano, patuloy din ang pagdagdag ng mga pupu na naiimpak sa mga kaulapan kaya naman ito’y bumibigat  at nahuhulog na lang? Salamat na lang at nagiging mistulang malinis na katya ang ating mga kaulapan kaya hindi ganoon kadumi at kabaho ang ulan.

Ahh basta! ang alam ko lang pangarap ko talagang makasakay ng eroplano. period.

Taon-taon sa pagpasok ng bagong buwan, nagsusulat talaga ako ng mga pangarap kong gustong matupad. Mahirap man matupad pero alam kong posible. Isa na nga dito ang makasakay ng eroplano kahit hindi ako alam kung saan.

Nitong Nobyempre, mapalad ko itong naisakatuparan at isa na nga ito sa hindi ko malilimutan🙂

Salamat na lang sa tulong ng mga kaibigan kong blogger na naging daan para maisakatuparan ito.

Ika-apat ng nobyembre noon, wala pang tulog. Hindi dahil sa nag-aadik ako kundi dahil sa sobrang sabik at takot na baka maiwanan ng eroplano. Ayaw kong maiwanan no! isa ito sa highlights ng mga pangarap ko.

Maaga naman kaming nakarating sa NAIA 3 ni Kurog pero mas maaga sila Cuteberl, Xander, Kumagcow, Mark at Bino. Ay mali! mas maaga pala si Ro Anne lels.

Sa kasagsagan ng paghihintay sa pagtawag ng flight namin, nakaramdam ako ng tila pag-uudyok ng kubeta. Hindi na ako nagdalawang isip magpunta sa palikuran ng Airport (bago daw e). Pagpasok ko sa kubeta malinis naman at malalaki ang cubicle.. ibig sabihin malake din ang inidoro.. kala ko nga hindi magkakasya puwet ko.. sakto naman. lels. Tatagalan ko pa sana kaso yun  nga baka maiwanan ako ng eroplano.. Syempre nag flush ako.. nagulat ako kasi akala ko kasama ako sa mapa-flush sa lakas na current nito. lels.

Paglabas ko sa CR patay malisha ako,  kunwari nagwiwi lang pero ang totoo naglabas ako ng sama ng loob doon.

Nang biglang may tumawag sakin…

“otep..! otep..!” gulat much ako, kala ko umabot  na sa loob ng CR na paliparan ang kasikatan ko.

si Mark lang pala hindi ko namalayan katabi ko lang pala na nanalamin.. tatanungin ko sana.

“tumae ka din?” hahaha lels. hindi ko na pinagpatuloy kakahiya.

Mabilis na tumakbo ang oras at hindi ko namalayan na nasa loob na ako ng eroplano. Para akong nananaginip ng gising noong mga oras na ‘yon. (Ganoon ka OA! Promise).

Dahil sabay kami dumating ni Kurog malamang magkatabi kami sa eroplano.. tatandaan ko Seat No. 21-D ako, sya naman Seat No. 21-E.. Medyo kinabahan ako ng konte kasi baka ito na ang una’t huling sakay ko😥..  21 din kasi ang birthday ko.. (lam mo yun… parang… 21 tapos.. 21 bday ko konek naman di ba? lels)

syempre picture-picture kahit pinapapatay na yung mga cellphones.. Akala ko nga may sasayaw din tulad sa mga balita, e sa Cebu Pacific lang pala yun.

Ang daming sinasabi sa eroplano di ko nakabisado.. isa lang natandaan ko sabi:

“Bawal maglaro ng eroplano sa loob ng eroplano” natawa ako syempre.. yung iba hindi parang KJ lang, nakakatawa kaya yun.

Ayun. pamahiin pala yun sa mga eroplano para maging soft din ang paglalakbay.. Imaginin nyo na lang yung eroplanong pinapalipad sa kamay ‘di ba sobrang wavy? ayun sana napaliwanag ko. hahaha.

Akala ko noong mga oras iyon… umaandar na ang eroplano at  lumilipad na kami. Hindi pa pala nasa kalupaan pa pala kami.. nahihilo na nga ako sa kakalakad ng eroplano.

“wala na bang ibibilis ‘to?” sabi ko. Mga men! bumubwelo lang pala!.. noong malayo na ang nararating namin.. maya-maya nag announce na yung  piloto.

Sabi…. ahh…  (hindi ko kabisado english e..) Basta pagkakaintindi ko ready to take-off na.

Kinabahan ako mag pre! pakiramdam ko pumapantay itlog ko kasabay ng pagkaipit nito sa dalawang hita ko. napapahawak ako sa hawakan ng upuan. Hindi ko alam kung ipipikit o didikit ko ang mga mata ko sa hindi ko matanaw-tanaw na labas ng bintana..

Kasabay ng medyo may kadilimang ilaw sa eroplano natanaw ko ang linawag sa labas!

“Men! This is it! I’m Flying! I can’t believe i Can fly!!!” -yun nagsisigaw sa isip ko yan habang damang dama kong umaangat kami ng wagas wagasan..

Nahimasmasan naman ako noong medyo panatag na ang eroplano kaso nawiwi yata ‘ko.. Namamaluktot ako kasi pakiramdam ko anytime puputok na pantog ko.. e bawal pa daw magtanggal ng sinturong pangkaligtasan o seat belt.. Sabi ko “isang oras lang naman ‘to, kaya mo yan otep!! 

Wala sa intensyon kong gumamit ng palikuran ng eroplano habang umaandar ito pero hindi ko na kaya. Kaya noong puwede ng tumayo ayun takbo agad sa dulo ng eroplano.

Nakaraos naman ako. Kaso mas leveling pala ang ang flush dito kamuntikan na akong higupin palabas ng eroplano.

Sobrang saya ko dahil nakaranas ako mag wiwi sa loob ng eroplano. Pero hindi ko nasagot ang tanong kung saan ba napupunta ang dumi ng isang taong tulad ko?

Ganoon pa man, ako’y umaasa na maging magandang bahagi ito ng nasa ibaba.

Nabitin ako sa biyahe! kasabay ng nagluluga kong pandinig!

Men! alam mo bang halos ma-dehydrate ako kakalunok ng sarili kong laway pero hindi pa rin mawala-wala ang barado kong tenga.

Heksayted kaming bumababa. Ay! ako lang pala.. gusto kong maglulundag at mag planking sa airport kaso baka nga magulungan ako! Ang sarap ng pakiramdam dahil sa unang pagkakataon bukod sa nakalipad ako e nakalabas ako ng Luzon!

hindi pa ako nakapunta sa ibang airport pero ang Airport ng Iloilo ay sadyang napaka linis! at napakaganda kumpara sa NAIA!

Sana marami pa akong masakyan ng eroplano kasabay ng mga bagong pangarap na nais kong marating🙂

18 thoughts on “UNANG LIPAD”

  1. Hahaha.. napakasayang perstaym experience ito, Otep.😀 Di talaga nakatulog nang maayos kasi sobrang excited at takot na baka maiwanan ng erpleyn? Hihi.. Apir! Ganun din ako sa perstaym ko. Lels..

    Natuwa’t naaliw ako sa paglalahad mo ng estorya. Feeling ko talaga, kasama moko dun sa erpleyn. hehehe..

    Ay buti ka pa.. nakaranas kang gumamit ng restroom ng plane. Ako, umiiwas akong gumamit nun.. Praning lang kasi, baka biglang magka turbulence.. Lels.

    Ayan! Na-proud naman ako. Syempre, malinis at maganda ang airport namin. (Iloilo) At syempre, aabangan ko ang next post.😀

  2. Aha! Dahil nakakuha ka ng video habang lumilipad ang eroplano, meaning you have violated civil aviation rules and regulations… Irereport kita para di ka na muling pasakayin… hehehe…

  3. ayan.. nakapunta ka na ng iloilo… next stop, other country naman. Preferably english speaking country. mahihirapan kang mamasyal kung di ka nila maiintidihan and di nila mabigay ng maayos ang mga directions.

    hope you log (post) your next adventure.. aabangan namin.. hehehe! :))

  4. Hi, Otep!

    I’m a first-time reader of your blog. Ang saya basahin ha!🙂 Like you, I also blogged about my first experience of flying and my trip to Manila in general. Got super excited nung time na yun kasi parang it’s amazing how such a heavy metal object is able to fly. Diba?

    Sige, yun lang.
    :)))))

    KAI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s