AWAAAARD TAYO KAPANGARAP!


ERMITA, MANILA – Ika-11:00 na ng gabi iyon habang nasa loob ako ng computer shop. Aaminin kong tumutok talaga ako sa nalalabing isang oras bago matapos ang pagsasara ng botohan sa pagpili ng bagong Bloggers’ Choice Award ng 2011 Philippine Blog Awards. Ito na yun e! hahayaan ko pa bang mawala ang pagkakataong dalawang taon ko ding hinintay matapos ang huling nominasyon ko nung 2009? Karir na ‘to  kung karir! Hahaha😀

Sa bawat mabilis na minutong lumilipas, pabilis din ng pabilis ang pagtibok ng puso ko. Yung kaba na ilang sandali matatalo na ko uli hahaha! At kabang sa ilang sandali ay puwedeng matupad na yung pangarap mo.🙂

KA TATS.

Habang inaabangan ko kung sino ang mag-oonline na blogger sa Facebook  list of friends ko na hindi pa nakakaboto hand’un at sabayang nakikisubaybay ang mga Kapamilyang Ubloggers ko. Halos nag mistula ngang war room ng eleksyon ang Group Page ng United Bloggers. Nagmistulan ding mga poll watcher ang iba. Ang iba naman tila naghahanap ng pangalang nawawala sa mga presinto nila kaya tag kung rag! haha. Yung iba naman nagmistulang fying voters para makabili ng boto kapalit ng kagandahan (joke lang).

2:4 yata ang naging ratio ng dagsa ng boto noong mga oras na iyon. Habang nadaragdagan kasi ako ng dalawang na boto, sa kanila naman ay apat. Nakakatawa lang kasi akala ko, ako lang ang nakadarama ng pressured noong mga oras na yun pati rin pala yung mga bloggers na naghahabol sa boto. Salamat na lang at pasok sa bangga ang boto nila.

Natawa naman ang lahat noong halos maka 3 points shoot sa PBA si CJ sa huling minuto nito.

Halos mangiyak ngiyak ako noong mga oras na yun kasi pakiramdam ko na nanalo talaga ako.

Kaya para makasigurado inisa-isa ko lahat ng boto ko. At medyo nanghinayang nga dahil mahigit tatlumpung boto lang ako kumpara sa iba na kulang-kulang apatnapu.

Ganoon pa man maluwag kong tinanggap yung masasabing “pagkatalo ko” at lubus-lubusan ang pasasalamat sa mga sumuporta sakin. Naiisip ko lang na doon pa lang winner na winner na ko!🙂

KINAUMAGAHAN.

Tinamad ako gumising noong umagang iyon. Hindi na nga ako nakapasok dahil nga napuyat ako at tinamad na rin siguro. Kung hindi pa tumawag si Batang Mangyan para tanungin kung pupunta o anong oras at saan kami magkikita hindi pa ako babangon.

Sa totoo nagdadalawang isip ako noon kung pupunta ako, e wala din naman akong makukuha dun.

Ngayong taon nakakuha ako ata ako ng anim na nominasyon na inaccept ko (FYI hindi ko yun hiningi a! pero nung minsang may nagtanong syempre sinabi ko kung anong kategorya yun gusto ko –PERSONAL BLOG e personal blog naman talaga kasi ‘to). Sa anim na iyon nakatutuwang nakuha ko ang 3 finalists kabilang dito ang Readers’ Choice at Bloggers’ Choice pakiramdam ko kasi doon lang ako may chance manalo haha.. pero gulat much talaga ako noong nafinalist ako sa Humor Blog WTF! Sa totoo lang hindi ko alam kung ipagmamalaki ko ‘to o ikahihiya (inaccept ko pa kasi) Unang-una kasi hindi ko makita kung san banda yung pagka humor ng blog ko e tagalog pa nga lang mali-mali pa yung babay. Oo patawa ako minsan pero hindi naman talaga nakakatawa hahaha. Pangalawa yung ihanay ka sa mga finalists at 3 time-winner na blog tulad ng  The Profession Heckler noong panahong iyon…. may gulay talaga! What the Hek! Siguro sinama na nila ako para maging lima naman kaming finalists at magmukhang may nagtangkang kumalaban sa kanila haha.

PHILIPPINE HUMOR BLOG AWARD FINALISTS:

Naisip ko na lang oo nga sayang may pa raffle pala malay mo mabunot ako.😀

5:30 ang usapan namin ni Batang Mangyan sa Glorietta (Finalist kasi ang Taragis.com) ayun ang traffic pala sa Makati, buti na lang pareho kaming late. haha. Derecho kami sa Awards Night (Nakanang pang-Famas) sa RCBC Building pala kung saan gaganapin ang paghuhusga.

Doon palang bukod sa maliit talaga ako e nakakapangliit talaga sa mga bloggers na nakikita ko, hindi ko man nababasa ang ilan sa blog nila pero mukhang batikan na talaga at mahuhusay.

Una naming nakita si CuteBerl tapos nakita na rin namin si Mc ayun usap-usap picture-picture at nagpakasiba kakakain ng mansanas haha.

Mabilis na ding lumipas ang oras pagpasok sa loob ilang minuto nag-Lupang Hinirang na rin at nag-umpisa na ang pagkilala sa mga natatanging Blogista ng Taon.

Parang napapadaan lang sa stage yung mga nananalo kaya mabilis ding nauubos ang mga award kasabay ng pagdaan ng mga pangalan ng mga blog na sinusuportahan ng mga ka-Ublog.

Noong nasa kategoryang Humor Blog na (dedma lang) pero nakakatuwa pa rin palang makita mong nagsisigaw blog mo sa stage -LIBRE LANG MANGARAP (ang laki kasi) and the winner is… for the fourt time The Professional Heckler  Wuuu Huuu! sana sumikat din ako ng ganun haha.. libre lang naman mangarap lels.

Syempre tuwa much sila. Hindi ko pinangarap yang award na yan ha. pero sumagi sa isip ko na.. “naku! kung nagmilagro pala anong sasabihin ko sa stage!?” siguro sasabihin ko “Ang award na ito ay para doon sa apat na finalists na mas deserving sa award na ‘to, ganoon pa man akin na lang ‘tong kalabaw” (hang ganda ka ng tropeyo).

Noong nasa pagpili na ng Bloggers’ Choice. sobra! hindi ko talaga inasahan yung nangyari lumaki ng husto yung tenga ko sa narinig ko at hindi  ako makapaniwala na ang “LIBRE LANG MANGARAP ang tinanghal na 2011 PHILIPPINE BLOGGERS’ CHOICE” (palakpakan!!! tatlo ata silang pumalakpak) lels. parang na mighty bond yung puwet ko nun tapos nanlamig yung kamay ko.. totoo pala yung mga nangyayari.

Umakyat ako sa stage na tila lumulutang ako blanko ko utak ko. Pagkakuha ko ng tropeyo na Kalabaw nakalimutan kong may kasama pala itong paper bag kala ko nga cellphone  e (haha ambisyoso), Rocket Plug-it Prepaid 4g 12mbps Broadband pala.

Nakalimutan kong magpasalamat sa SMART “Maraming Salamat Smart” (ako lang pala nabigyan nito) ewan ko lang maswerte lang siguro.

Nadukutan ako last time siguro ito na yung “Good karma” na sinasabi.

Pagkababa ko sa stage (hindi ko pa nga alam kung saan ako bababa) blanko pa rin ako di makapaniwala. Hindi ko na nga rin alam sinabi ko sa stage. Sayang kung alam ko lang talaga na mananalo ako sana naghanda ako ng sasabihin kaya dito na lang ako mag i-speech.

Unang-una nagpapasalamat ako kay Bro (naks). Sobrang dami ko ng blessings ngayong taon ay patuloy na nadaragdagan. Hindi ko ito inasahang lahat na nangyayari pero masasabi kong pinangarap ko itong lahat.

Pangalawa sa magulang ko na minsan ko na ring nakwento dito at wala pa rin syang kaalam-alam na minsan ko na siyang nabalahura dito (joke lang). Mahal po kita Mommy Selver.🙂

Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga miyembro United Bloggers na todo-todo ang suporta lalo na sa apat na admin na sina kuya Tsi, Bernard, Boni at Joel ganoon din sa mga hindi nakaboto haha.

Hindi ko na po kayo mababanggit isa-isa sa dami. Ganoon din sa mga entry post nyo, hindi ko na po mabigyan ng tugon isa-isa, pero pipilitin kong gawin iyon🙂

Syempre taos-pusong pasasalamat sa lahat ng bumoto sakin valid man o invalid ang boto. Ganoon din sa mga twitter followers ko at sa Facebook friends ko. Salamat din sa kulang-kulang isang daang followers ko sa Facebook fanpage at sa humigit-kumulang tatlong daang members ng Libre Lang Mangarap ng FB Group.

Pasasalamat din sa mga nag  like na umabot sa 348likes sa pagkaka finalist ko sa readers’ choice kahit hindi ko kilala ang ilan.

Salamat sa mga nagnominate sakin at sa bumubuo ng 2011 Philipine Blog Awards sa pagkakasama ko bilang finalist.

Salamat din sa Smart kahit nakalimutan ko kayong pasalamatan🙂

Ang Award na ito ay simbolo ng isang katuparan ng isang pangarap na kung lahat tayo bilang isang tao o grupo ay magkakaisa at mag babayanihan o mag u-unite sa iisang adhikain ay may mga pangarap tayong puwedeng matupad. (ito dapat sasabihin ko sa stage! kinabahan lang talaga ako sayang!) hahaha

Ang Award ding ito ay isang buhay na katotohanan na kung tayo ay mangangarap nang may gawa ay posible talagang magkaroon ng katuparaan.

Nais ko sanang sabihin na kung kakikitaan man tayo ng maliliit na buto ng pangarap sa puso natin, huwag natin itong iwanan bagkus ito’y diligan ng mga positibong pananaw. Dahil ang butong iyan kapag ating inalagaan ay puwedeng mag-ugat at magsanga ng pag-asa  na puwedeng mamunga ng tagumpay.

Masarap po mag ani kapag tayo mismo ang nag tanim!🙂

Maraming Salamat po!

Para sa lahat -Libre Lang Mangarap.


Narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo:

  • Best Advocacy Blog

Environment Philippines http://www.environmentphilippines.com

  • Best Beauty and Fashion Blog

Jenne Chrisville http://www.jennechrisville.wordpress.com/

  • Best Busines Blog

Ready to be Rich http://www.fitzvillafuerte.com

  • Best Culture and Arts Blog

Sining Factory http://www.siningfactory.weebly.com

  • Best Entertainment Blog

Without Wang 2 http://andronico.wordpress.com/

  • Best Food & Beverage Blog

Ralph Guzman // Foodie http://www.ratedralph.com

  • Best Gaming Blog

The Otaku Fridge http://www.otakufridge.com

  • Best Hobbies and Recreation Blog

kuhol.net – cars, culture, competition, community http://kuhol.net/

  • Best Home and Parenting Blog

Dainty Mom http://www.daintymom.com

  • Best Humor Blog

The Professional Heckler http://professionalheckler.wordpress.com

  • Best Lifestyle Blog

Geek Girl Manila http://geekgirlmanila.com/

  • Best Literature Blog

Pointless Paranoia http://www.pointlessparanoia.wordpress.com/

  • Best Personal/Diary Blog

I Am Fickle Cattle http://www.ficklecattle.blogspot.com/

  • Best Photo Blog

RosariOko http://www.rosarioko.com

  • Best Society, Politics and History Blog

It’s True! It’s True! http://www.mistervader.blogspot.com/

  • Best Sports Blog

CebuRunning http://www.ceburunning.com

  • Best Technology Blog

LS Geekster Online http://www.lsgeekster.blogspot.com/

  • Best Travel Blog

We are Sole Sisters http://www.wearesolesisters.com/

  • Best Videocasts and Podcasts Blog

Brink Notes Podcast Network http://www.bncast.com

SPECIAL CATEGORIES

  • Best Filipiniana Blog

Live in the Philippines http://www.liveinthephilippines.com

  • Top Video/Podcast

Krimmy Couple: A Korean-Filipino Love Story http://www.mykoreanboyfriend.com/2011/02/krimmy-couple-a-korean-filipino-love-story/

My Korean Boyfriend http://mykoreanboyfriend.wordpress.com

  • Top PhotoPost

2011: its 1/1/11, a new year and a fresh start http://www.lantaw.blogspot.com/2011/01/2011-its-1111-new-year-and-fresh-start.html

Lantaw http://www.lantaw.blogspot.com

  • Top Post

Blood Stains, the Smell of Disinfectant and the RH Bill http://www.orchestroscopy.blogspot.com/2011/05/blood-stains-smell-of-disinfectant-and.html

ORCHESTROSCOPY http://www.orchestroscopy.blogspot.com/

  • Best Blog Design

Markable http://www.markable.me/

  • Readers’ Choice

Culture Shack http://www.cultureshacked.blogspot.com/

  • Bloggers Choice

Libre Lang Mangarap https://otep.wordpress.com/ (ito tayo Winner!)


30 thoughts on “AWAAAARD TAYO KAPANGARAP!”

      1. uy binasa ko naman ito
        –na tinamad ka, kala mo talo ka
        –na umasa ka mananalo sa raffle
        –na parang myti bond ung pwet mo, di makatayo nung tinawag ka na winner
        etc etc

        binasa ko to noh.
        heehee
        nice post
        you should write more often

        CONGRATS

        Next Pangarap mo dapat: Talunin si Professional Heckler lels

  1. wow!!! nababasa ko lang to nung nakaraan… pero ngaun… panalo ka na… sensya hindi ako nakasali sa boto mo… eniweis… masaya ako ara sa katuparan ng mga pangarap mo otep…

  2. Libre Lang Mangarap di ba? ayos parekoy atleast WINNER ka na…. Kita nga namin yung reaksyon mo nung tinawag ung name ng blog mo… para kang natatae na ewan…. tama si zyra dapat next time matalo mo na c professional heckler…. Ako kahit talo masaya padin kasi alam kong may nanalo na kaibagan ko sa UBLOG FAMILY.. Congrats salamat sa alam mo na….

  3. Hihi.. Ang galig ng speech. In-imagine ko na andun ka sa entablado at nagsasalita na.. haha! Tatlo lang ba yungpumalakpak nun? Ayan, pumapalakpak ako. Ako na pang-apat. Lels..

    Ikaw na Otep!! Congratulations!🙂

  4. Hi Joseph! I hope you will still remember me. This is Jonathan, one of ur classmates during elementary days (remember?) anyway I’m so proud with u and congratulations for winning Blogger’s Choice Award. Your elementary friends are so proud of u. I wish the best of luck for you and God Bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s