PANGARAP NI LOVELY EMBUSCADO


MUNTINLUPA, ALABANG –Gaya ng dati hindi pa rin ako makapanood ng TV, bukod kasi sa kapos ako sa oras e wala talaga akong telebisyon sa bahay. Haha. Ganoon pa man kapag may ginusto akong panoorin na programa , sinasadya ko talagang halubugin ang buong internet makapanood lang.

Isa nga sa pinaka-aabangan ko ang Protégé. Ewan ko ba! Ang hilig hilig ko sa kantahan ayaw naman sakin ng mga kanta. Kaya hindi na maikakatwa kung ang Protégé ang isa sa mga pinaka-aabangan ko. Syempre iba kasi ang hatak kapag may mga sinusoportahan kang kalahok.

Noong week 1 palang o noong nasa audition stage pa lang ang Protégé nagkaroon na agad ako ng bet. Kung naaalala nyo pa si Archimedes na Protégé ni Jaya na taga Davao malamang sya yun. Nakakalungkot lang kasi imbles na sya ang mapili (para sakin) si Lovely yung nagustuhan ng mga judges (infairness kay Lovely ang galing galing din naman kasi n’ya saka interesado ang buhay) Sana dalawa na lang. Aabangan ko na lang si Archimedes sa mga susunod nyang sasalihan. Isa pa pareho namang alaga yun ni Jaya. Mahuhusay pala ang mga Davaoeño sa pagkanta. (I’ll be there in Davao on july lels)

BAWAL MAGING PANATAG!

Hindi ito ang unang pagkakataon na magsusulat ako patungkol sa isang taong sinubok ang tandaha ng kasikatan sa pag-awit. Nauna na dito Jovit Baldivino ng Pilipinas Got Talent saka si Angeline Quinto ng Star Power at iba pa. Si Bugoy lang ata hindi ko nagawan kasi alam kong hindi siya mananalo Joke lang! Isa iyon sa mga aral para sa mga fans na huwag magiging panatag lalo na kung botohan o text votes. Hindo porke’t alam nating maraming sumusuporta sa mga bets natin e mag fi-feeling safe na tayo.

SUPORTAHAN SI LOVELY!

Nakakalungkot nga noong nasa week 5 na (fifth elimination) ang protégé naganap nga yung hindi inaasahan. Natanggal lang naman si Lovely! (kainis) Salamat na lang sa isang himala at noong gabing iyon ay magaganap ang big twist (wildcard). Pumasok muli si Lovely sa week 6 at ngayon sasabak na sa grand finals sa Linggo (December 18) Yey! kaya kayo kung gusto nyo manalo si Lovely. Patuloy nyo lang ang page text votes!

TEXT: PROTÉGÉ (space) LOVELY and send to 367 for Smart, TalkNText o 2344 for GLOBE, TM, SUN.

Wala na kasi akong load kaya baka dito makatulong ako kay Lovely  hahaha!!

BITUIN LOOK A LIKE?

Alam ninyo ba kung bakit gustung gusto ko siLovely? Bukod kasi sa naaalala ko sa kanya sa Bituin Eskalante dahil sa nguso nya, nakaka-inspired kasi ang buhay nya. Kung alam ko nga lang na nakagaganda ng boses ang pagkanta sa harap ng mga baboy sana kinantahan ko na lang babuyan namin noon sa Cavite. Kaso hindi ko na magagawa yun dahil bukod na giniba na iyon… e nagmukha na itong squarter area dahil nagkanya-kanya ng tayuan ng bahay ang mga kapatid ko, malamang naitae na yung mga baboy o baka naging maliit na parte na ng katawan ng mga nakakain nun.

Aminado naman tayo na hindi kagandahan si Lovely at wala yung total package na tinatawag nila pero luklukan naman ng kagandahan ang boses ni Lovely. Hindi lahat ng mga guwapo at magaganda sumisikat! Nasa ganda din yan ng inspirasyon na ibinibigay ng mga kalahok sa kani-kanilang mga taga-hanga. Sabi nila kapag tumagal naman gaganda at gu-guwapo din ang mga yan lalo na kapag sumikat at nagkayaman.. Teka teka si Bugoy (2nd place sa Dream Academy) at Jovit ba kamusta na ang itsura nila? Hahahah (ang guwapo ko e no? manominate nga ang sarili sa TABA blog awards bilang guwapong blogger!. ) Biro lang mga kapangarap! Libre pa rin mangarap ng kagwapuhan. lels

Pero sa seryosong pananaw, lahat tayo dumadaan sa kabiguan, tulad ni Lovely sumikat lang gusto na syang bawiin ng NAPAKABUTI NYANG AMA!, nabigo sa kalagitnaan ng laban, bumangon at kita nyo naman ngayon… sasabak na sa huling bahagi na labanan. Kaunti na lang at makakamit nya na ang pangarap n’ya sa buhay!

PERSONAL NA MENSAHE PARA KAY SINGING CINDERELLA

Lovely kaya mo yan! Asahan mo na dadami ang mga halimaw sa masasalubong mo sa pagtahak ng mas marami pang mga pangarap sa buhay (kung ako nga na nanalo lang sa PBA dumami na haters ko! Naku kung patola lang talaga ako!!Inggit! Inggit!) hahaha. Manalo-matalo maraming salamat sa mga inspirasyon sana gumanda ka lalo tulad ni Cinderella😀 at Para sa mga dadagdag na haters mo kung magkaroon man pagnahagilap mo sila batuhin mo ng kabila mong sapatos para dalawa na silang nawawala hahaha!!.

Good Luck Lovely!

P.S. Gusto ko manood ng Grand Finals!😥

 

9 thoughts on “PANGARAP NI LOVELY EMBUSCADO”

  1. Nung dun pa tayong lahat sa Iloilo, medyo hindi ako nakarelate sa pinapanood nyo.. yun ngang Protege. hehe.. Di kasi masyadong nanonood ng TV si ate Leah. Lels.. Pero kitang-kita, dun palang todo-suporta ka na ke Lovely.

    Good luck sa kanya!! Manalo o matalo man sya sa competition, winner pa din naman sya dahil hindi sya nag give up sa kanyang pangarap. Pero syempre, iba pa rin ang ligayang hatid ng tagumpay. Sana manalo! Hehe.🙂

  2. pinapanood ko rin ang protege at kay lovely din ako ngayong finals…buti na lang nde nakapasok ang alaga ni claire, dahil ayoko kay claire…ehehe, sa mentor pala ayaw! good luck kay lovely! ^_^

  3. hnd ako nakakapanood ng protege, kapamilya ako eh hehe!.. believe ako sa support ma ah, nilagay pa talaga paano magtxt.. Sana manalo siya, kamukha talaga siya ni Bituin Escelante.. Good Luck Lovely!!!!

  4. ACtually, hindi ako nanonood ng Protege, (kasi kapamilya ako) hehe. Pero, I see your admiration kay Lovely, at gumawa ka pa talaga ng blog para sabihin ito sa madlang blogosperyo. Haha.. Good luck kay Lovely, sana manalo siya.. ^_^

  5. I am really sorry for Jensen for not making it to Top 3. But I am very sure she will make a name together with whoever wins this season. Lovely has a very good voice. And she can perform well.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s