SA BAGONG TAGPUAN



Ngayong kapaskuhan, season na ring maituturing ang bigat ng trapiko sa ating mga kakalsadahan. Ganoon din ang hirap sa pagkuha ng Taxi sa mga lansangan. Indemand kasi ang mga Taxi ngayon, hindi lang dahil sa madaming nangangailangan kundi dahil marami ding kumpanya ang namudmod ng pera o bonus ngayon kapaskuhan -13th month pay. Ibig sabihin, bakit ka nga naman makikipag-gitgitan sa mga tren at makikipag siksikan sa mga bus at jeep kung may pang Taxi ka naman di ba!?

Ang masaklap lang, madami talagang mga abusadong driver na hindi makaintindi kung bakit tinatangkilik ng ilan sa atin ang paggamit ng Taxi sa kabila ng mahal na pamasahe o singil dito.

Tandang-tanda ko pa noon, noong minsang nagkasakit ako at kinakailangang umuwi ng maaga para makapagpahinga. Tatlong beses yata akong tinanggihan dahil nalalayuan daw sila. Ang masaklap pa, yung pang-apat na huminto para isakay ako ay nagpapadagdag pa! putaness na yun! Sa sobrang inis ko nabalibag ko ang pinto sa pagsara ng Taxi sabay naglakad na lang papalayo.

Hindi naman ako galante, pero kapag nagbabayad ako ng Taxi kadalasan, hindi ko na kinukuha pa ang sukli. Kakainis! hindi na lang kasi maghintay ng biyaya, kung bakit kailangang magpadagdag agad sila!

Oo, kaintindi-tindi naman ang ginagawa nila dahil gusto lang naman nila kumita. Pero kalabisan lang talaga ang iba!

Pero isa na ‘ata sa hindi ko malilimutang kaganapan patungkol sa pagsakay sa Taxi ay noong minsang may nagpaunlak sa akin ng date. D.A.T.E! yun mga men! -D. A. T. E.! Ala-sais ng hapon ang usapan namin noon. Malas lang din dahil kapwa din kami ala-sais ang labas sa opisina. Ibig sabihin hindi dapat ako mahuli dahil nakahihiya kung siya pa ang mauuna.

Paglabas ko ng opisina nagngingit-ngit na kalangitan ang sumalubong sakin. Sumunod agad ang sunud-sunod na malalaking patak ng ulan at mabilis na pag-apaw ng tubig sa gilid ng daan. Kinabahan ako lalo na’t parami na nang parami ang nakikita kong pulang likod ng mga sasakyan -bumibigat na ang traffic men!.

Natanaw ko ang Taxing may ilaw ang ulunan ibig sabihin wala itong sakay. Pinara ko ito. Alam ko na ang magiging kalakaran kahit hindi ko pa nabubuksan ang pintuan.

sabi ko sa isip ko “kahit magdagdag pa ako ng 500 papatusin ko na ‘to makarating lang sa tamang oras” (yaman! joke lang “date” yun e!).

Nagpasikot-sikot ang taxi para takasan ang traffic. Madami kaming nadaraanan na kumakaway at pakaway-kaway na tila isang celebrity ang sakay nito, kakaway nga rin sana ko. lels. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko noon sa loob ng taxi dahil alam kong naghihintay na iyon (malapit lang kasi sa office nila yung meeting place namin). Gusto ko nga sanang itext pero naalala ko yung huli naming napag-usapan sa text.

"malapit na akong ma-empty bat.
naiwanan ko yung charger ko.
kita na lang tayo sa sa ilalim ng tulay"

Kaya useless kung ititext ko pa s’ya, hindi nya rin  naman ito mababasa.

Nagulat na lang ako sa sumunod na aksyon ni kuya.

“boy pakarga lang ako, baka hindi tayo umabot”

“Putang ina mo manong!”  napamura ako sa isipan ko. “Kung kailan ako nagmamadali doon ka pa magpapagasolina” -bulong ko.

Wala akong magawa kundi paganahin ang mga daliri ko na tila nagpa-piyano habang hinihintay si Manong sa pagpapakarga.

Inis na inis ako ng mga oras na iyon. Alam kaya n’ya kung bakit ako nag Taxi?

Mas nainis ako noong nakita kong nakikipag kwentuhan pa sa kapwa driver nya.

Hindi ko maipinta ang mukha ko noon, nababakas ko ang mukha ko sa salamin na tila lumuluha dahil sa mga patak ng ulan na dumadampi sa salamin.

Noong natanaw ko na ang lugar kung saan kami magkikita ng ka-date ko,  agad akong pumara at nakasimangot na nagbayad.

Nagtatakbo ako kasabay ng mga tilamsik ng tubig sa paanan ko. Habang nasa ulunan ko ang bag na ginagawa kong panangga sa ulan. Halos Naghahabol ako ng hininga noong natunton ko ang ilalim ng tulay. Nakadama ako na katahimikan habang unti-unting binabalot ng kadiliman ang kapaligiran.

Magkahalong kalungkutan at panghihinayang ang bumalot sa katauhan ko noong mga oras na iyon. -Hindi ko na naabutan ang katagpuan ko.

Habang pinakikinggan ko ang malungkot subalit napakasarap na himig ng patak ng ulan, nilatag ko ang kamay ko sa ulan at tila nais kong salain ang tubig. Gusto ko sanang itong mahawakan  at sa pagkakatiklop ng palad ay makulong ko ito.

Nasandal ako sa batong pader ng tulay at doon naiapak ko ang kaliwa kong paa habang nayuyuko. Para akong basang sisiw noon habang tumutulo ang basang- basang buhok ko.

Maya maya nakadama ako ng pagpatak ng ulan, -ulan sa lilim ng tulay?. Nagtaka ako ganoong nasa lilim naman ako.

Napalingon ako sa kaliwa. “Kanina ka pa!?”

Hindi ko nakikita pero nangislap ang mga mata ko. Nangiti ako at winikang “Hinnndi kadarating ko lang medyo nabasa lang hehe”

Napaka O.A. ko noong mga oras na iyon, salamat na lang sa ulan at hindi nabakas ang mga mata ko.

“Sorry na late ako, may inutos pa kasi si boss ko” aniya.

“Akala ko kasi nauna ka na” wika ko.

“Ano ka ba? di ba may usapan naman tayo na ano mang  mangyari ay maghihintayan tayo.. di ba?”

Naasiman ako sa tagpong iyon. Umaabot sa tenga ang ngiti ko.

Ilang sandali din kaming hindi nag-imikan, nakangiti naming pinakinggan ang mga awit ng ulan.

Ngayong “wala” na kami, basta maalala ko lang yaong mga tagpong iyon nangingiti na lang akong bigla. Wala akong maramdamang kabitter-an, Dahil alam kong lahat ng bagay ay nakapaghihintay.

—-

Hindi man kami umabot ng aniversaryo, ang poste namang ito ay lahok sa patimpalak sa pagdiriwang ng ika-apat na taong aniversaryo ng pagbablog ni Gasoline Dude™ at nais kong manalo ng 1TB Portable Hard Drive!

14 thoughts on “SA BAGONG TAGPUAN”

  1. Ang sweet ng story, I enjoyed it.🙂 napaka romantic. Ganun dapat ang date. On time. Ang ibig sabihin kasi non, pinapahalagahan moang oras ng ka date mo. Good impression lasts nga daw sabi nila🙂 Good luck po, and happy new year🙂

  2. Oh shit, that’s really romantic. It’s like I’m watching a romance film. It’s very real and I like/love how you play with words. Nice one.

    TAMAAAA. There’s no need to be bitter or anything. The important thing is, nagkakilala kayo and you fell in love with each other.

    Happy 2012 and good luck sa pa-contest dude. Sabihan mo lang ako kung kelangan mo ng tulong ko pagdating sa votes. I’ll be there, humihingal pa.🙂 HAHAHA.

  3. hahaha. comedy ka talga pards. hahaha. tapos umaalma kp sa Best Humor Blog nomination mo sa PBA eh nakakatawa naman talaga mga post mo. hahaha. the best ka talga. keep it up utep🙂

  4. Oy ang galing naman ng post na ito. Nabilib ako. Pwede ka bang add sa list? Kakabalik ko lang sa mundong ito. Hehe..

    Alam mo pareho tayo. Nagbibigay din ako ng biyaya sa mga taxi driver na hindi nanghihingi ng kahit ano except metro. Kapag nanghingi sila ng dagdag, ang bigay ko yung saktong dagdag lang talaga. Pero mas madalas, kapag nanghingi ng dagdag bumababa ako. Kahit saang parte pa ng Maynila ako mapadpad. Hahaha.. Mabuti na lang at buhay pa ako hanggang ngayon. ^__^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s