“WALA KANG PAKIALAM SA NARARAMDAMAN KO!” -MAMA


Kagabi mga alas-diyes na ata ako nakauwi galing sa pangalawang work ko sa Manila. Naalala ko wala pala sa apartment ko kinabukasan si Mama e birthday nya rin pala kinabukasan kaya bumili ako ng keyk sa Red Ribbon sa Taft corner Pedro Gil buti na lang hanggang 12am sila at buti na lang wala na ‘kong pang taxi kaya nakapag jeep ako ng de oras.

Pagkauwi ko tulog na si Mama. ayun tengga ang Keyk.

Kinabukasan (kanina) niyayakap ako ni Mama naglalambing habang natutulog ako.

MAMA: “Tip, happy birthday ko ngayon, akin yung cake?”

OTEP: “Hindi. sa kapitbahay.”🙂 (tulog uli)

MAMA: “Haha. ala-singko na lit ka naman nyan”

OTEP: “5 minute pa zzzzzzzzz”

MAMA: “Magtaxi ka di ba?, sabay na tayo uwi ako Cavite”

OTEP: “Okey.. zzzzzzz”

ALABANG SOUTH STATION

Pagdating namin dito sa South Station wala lang naisipan ko lang, feeling ko ang sweet kong anak (wala sa itsura), bago ako umakyat ng overpass para pumasok sa work nahalikan ko si Mama sa Noo.

“Ma, dito na ko late na ko, ingat ka, Happy Birthday (Muaampt) ” ang tunog ng kiss ko bahagya lang kasing dumikit.

At habang nag-susulat ako ngayon bigla ko na lang naalala yung mga sandaling nagkakautot ako katatawa dahil kay Mama.

Kailan nga lang yung tungkol sa Creamer-S® hahaha.. (Kung nabasa mo na. kung hindi basahin mo yung post bago ‘tong entry post na’to)

Isa sa hindi ko malilimutan e noong kasagsagan ng commercial ng Clear ni Rain. Kamukha ko daw kasi si Rain dati (ngayon si Bentong na.) :P  Sabi ko. “My name is Rain” tapos bigla na lang sumulpot si mama “May name is Nicole” hahaha laughtrip talaga.

Tapos isa sa hindi ko malilimutan yung mga sandaling nababanggit ni Mama yung tungkol sa naireregalo ko tuwing pasko “Mukha na ba akong ‘selver’ ?” Hahaha sorry naman nagkataon lang talaga na panay silver naireregalo ko.😀

May mga pagkakataon namang naiinis na natatawa ako.

Tulad noong highschool ako ang hilig basahin yung mga love letters namin ng girlfriend ko, kaasar kaya yun! Tapos mas nakakaasar kapag naikukwento nya mga nababasa nya. yay! nakakahiya!

Tapos noong college na ako hanggang ngayon binibenta na ako sa mga dalagang anak ng mga kumare nya. Kinikilabutan ako. Basta! Hahaha. Kailan ba daw ako magkaka “jowa” uli? “jowa” talaga term nya.

Ang dali-daling maka adapt ni mama. Minsan nga nagbibiro ako kapag may mga bagay na hinihiling ako na hindi ko nakukuha sa kanya (Pa-biro lang) “Wala kang pakialam sa nararamdaman ko!” ayun hanggang ngayon binabanggit pa din nya kahit sa mga amiga at kaututang dila n’ya.

Alam nyo hindi man kami perpekto, sobrang nagpapasalamat ako dahil naging Mama ko yun!

Sobrang ginapang ako nun sa trabaho dahilan para makapagtapos ang nag-iisang anak sa limang magkakapatid na nakatuntong at nakatapos sa kolehiyo. Nakakalungkot lang kasi hindi ko pa ring masabing nakakatulong na ako sa Mama ko.

Sana dumating agad yung panahong iyon, habang normal pa lahat sa mama ko. Ibig kong sabihin hindi pa ganoon katanda ang mama ko malayo pa sa mga sintomas na labis na pagtanda tulad ng paghina ng pandinig at kahirapan sa paglalakad.

Naku Lord! wag pa po sanang dumating yun sobrang dami ko pang pangarap sa Mama ko.

Ayun naniniwala pa rin naman ako na dadating pa ang oras na sobrang mapapasaya ko pa ang Mama.

Mahalin natin ang mga Mama natin! Yey!

HAPPY 61st BirthDay ‘Ma!

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Maraming Salamat sa (2 someone) dalawang  karagdagang email subscribers |  followers! HAY LUV U OL!

Sa nais pang mag subscribe punta lang sa upper rightside ng blog na ito ilagay ang email o i click ang “SUNDAN SI OTEP”

Salamat :)

17 thoughts on ““WALA KANG PAKIALAM SA NARARAMDAMAN KO!” -MAMA”

  1. niyakap ko agad si mama right after reading this post…losing a dad is not that easy..i don’t want to lose a special person again..i love my mom..nice one otip..your mom must be very proud. such a sweet and good-looking (kuno) son..hahaha..keep it up!

  2. Ang sweet naman na anak ni kuya Otep. For sure, your Mom is so proud of you. I know she will `cos magiging proud ako kung ako ang Mom mo🙂

    Happy birthday Mama Otep!❤

  3. hahaha!! mamas boy din ako kaya ako na touch sa kuwento nito…

    i cant remember, but … isang post mo na kasama ang mama mo ag pinakaunang post mo na nabasa ko…

    😀 happy bday sa mama mo…😀 she must be proud of you otep…

  4. Napadaan ako sa blog mo Otep. Na-impress ako.. mahusay kang sumulat. Bilang isang magulang na rin.. na-touch ako. Bravo !! Babasahin ko pa ang ibang blog mo. Good Luck sa iyo at sa Mama mo.

  5. ALam mo sobrang na touch tlaga ako…Kasi kahit palgi kaming nag-aaway ng mama kahit maliit na rason lang ehhh…mahal na mahal o yun…. Alam ko yun kasi ginapang din kami nun….para lng mkapag-aral ….kaya ngayong college na ako cla yung inspiration ko…. kahit wlang Love life since brth at least nandiyan parents ko… love my mama and papa…
    Good luck sa iba mo pang blog OTEP..GO!

  6. Tama nga naman ermat mo nung pagkasabi niyang kamukha mo na si Bentong. hahaha Biro lang Otep🙂 Cool si ermat ahh!

  7. Napadpad ako sa Blog mo kuya Otep dahil sa Pang-Straight ng Buhok yun pala post ng pagpapakulot mo ang Lalabas… Hahaha… :)) Grabe yung Post mo ng Creamer-S,Madaling araw ngayon at hagalpak ako ng tawa… Nakakatuwa… Same tayo ng Mama,Medyo Pakialamera at gusto lahat ng nangyari sa buhay mo ikwento sa iba… :)) Maswerte ka po sa Mama mo at Feel ko ang Kabutihan niya Pero mas mswerte po ang GF/Mapapangasawa mo dahil po ang Mga Lalakeng May Pag-galang at Pagmamahal sa sariling Nanay ay Marunong Magmahal at Magpahalaga sa Kakasamahin sa Buhay…🙂 *Pasensya telenobela ang comment*

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s