EXPRESS PHILIPPINE PASSPORT!


Noong isang gabi nag enjoy akong gamitin yung ATM ko, ang saya saya kasi, parang all access na! hindi ko na kailangan mag labas ng cash. Debit kung debit kaso literal na ginasgasan ng SM Supermarket yung ATM ko matapos paulit-ulit na sinuwipe , offline naman pala! naayos naman.

Pagtapos noon, pumunta ako sa AstroPlus para maghagilap ng Zombie Movies. Alam nyo naman na pangarap kong maging part ng Zombie Movie o TV Series parang Walking Dead lang, pero gusto kong character yung mala Steven Yuen saka yung mga bumabaril sa Ulo! ang kewl nun😀 (heksayted na ako sa Episode 8) lels.

Isa pa, sinasanay ko nang huwag tangkilikin ang mga pirated DVDs kaya bumili ako ng Orig! kahit pa mismong Malacañang sa katauhan ni Presidential Adviser on Political Affairs Ronald Llamas ang tumatangkilik sa mga Pirata Yay!. Pero alam nyo ba kung ano disadvantage ng Original sa mga Pirated DVDs? sa Original kasi may disc 1 and 2 pa kaya minsan magugulat ka na lang pag biglang i-stop kala mo tuloy pirated din nabili mo lels. Kumpara sa pirated DVDs na minsan may 12 movies in 1 pa. Ayun pero isipin nyo na lang na baka dumating ang araw na kahit Pirated DVDs wala na tayong mabili kasi nga baka tamarin na rin ang mga producer dahil alam nilang pipiratahin din naman.

Sa Sobrang enjoy ko sa panonood ng Night of the Living Dead doon ko naalala na kinabukasan pala ang Appointment ko sa DFA (Department of Foreign Affairs) para sa passport. Agad naman akong nakatulog. Malas lang dahil kinabukasan hindi nag ring ang alarm clock ko. Yay!

Nagmamadali akong bumangon noong makita kong 10:30 na at 11:30 ang appointment ko. Pumasok ako agad sa CR at naligo. Sa loob ng 30minutes hindi ko alam kung anong milagrong naganap at nakalabas na agad ako ng Apartment.

Sobrang daming pasaherong nag-aabang ng Taxi sa lugar namin kaya ang ginawa ko pumunta ako sa kabilang kalsada at doon madali naman akong nakasakay. Kaso gaya ng sistema ng mga taxi drivers kapag alam nilang nagmamadali ka doon ka nila titirahin ng dagdagan portion.

Sa totoo lang sa mga ganitong pagkakataon bumababa talaga ako ng taxi, kaso naisip ko 30 minutes na lang ang hinahabol ko. Umu-O na lang ako.😦 Taragis!

Nagyabang sakin si Manong:

MANONG: “Sige sasaktuhin nating 11:20 yan. (nag-alinlangan) hmmm 11:25 basta dagdagan mo na lang ako)

OTEP: (ngiting aso) “heeehe Sige po”

MANONG: “Ayos din oras mo ha, aalis ka?”

OTEP: (sa isip isip ko, “hindi. sa bahay lang, kailangan kasi ng passport bago ka makapasok sa bahay”) “Opo, aalis na ‘ko magpapakayaman na sa ibang bayan”

MANONG: “Naku kung alam ko lang ‘yan noong kabataan ko, sana nakaalis na din ako, Hindi tulad ngayon ilang taon na akong taxi driver”

OTEP: “Sa bagay po, sa New York po malaki ata sahod ng mga Yellow Cab” lels.

Hindi ko alam kung nakuha nya yung sinabi ko pero hindi sya natawa. hahaha

Todo seatbelt ako noon, akala ko kasi ihaharurot nya yung Cab. “Hanak ng Weteng!” para akong nasa karo at nagdaan pa kami sa mga singit-singit ng Maynila, kaya lalo kaming nagkaloko-loko. Pagdating naman sa bandang CCP (Cultural Center of the Philipines) sinara bigla yung tulay patawid papuntang Buendia bandang PhilTrade kaya ayun, atras kami at lumiko papuntang Coconut Palace. Pagdating naman sa Macapagal Boulevard maslalong lumala at doon naipit na kami sa trapiko.😦 Wala na akong nagawa kundi ngumuso.

Halos 11:40 na ako nakarating sa DFA, Akala ko hindi na ako papapasukin pero sa awa ng Diyos nakalusot naman.

  • Validation: Pagpasok ko sa gate meron na doong mga computer tatatakan yung print out mo na galing sa internet kung valid.
  • Step 1: (Processing) Pumila na ako sa napakahabang pila pero mabilis naman sa mga window. Doon mo ipapasa yung requirements (IDs, Birth Cetificate (NSO) at iba pang Supporting Documents) pero IDs lang saka Birth Certificate yung kinuha sakin. Kapag kumpleto ka sa requirements papipiliin ka kung  rush ba (express) [8days] o regular [2 weeks]. P1200.00 para sa express at P950 naman sa regular.
  • Step 2: (Payment) papaakyatin ka sa second floor para magbayad
  • Step 3: (Enrolment) pagtapos mo mag bayad ipi-present mo ngayon doon yung receipt mo para bigyan ka ng number at doon na magsisimula ang kalbaryo. Ang number ko ay 2459 at noong mga oras na iyon nasa 2100+ palang. Sumatutal inabot ako ng isa’t kalahating oras para lumabas sa screen ang number ko. Kung may anik anik ka sa katawan ipapatanggal ito, katulad ng Kwintas pati na rin yung kurete sa buhok. At  Bawal din ang may contact lens at makapal na make-up. Kaya kung pupunta ka sa DFA para sa passport huwag ka nang magnilande lels.
  • Step 4 [optional] (Delivery) pumunta ako sa carrier nila para ipadeliver na lang yung passport ko at hindi na ako bumalik pa sa DFA. P120.00 ang binayad ko at doon natapos ang kalbaryo.

TIPS MULA KAY OTEP

Hindi na’tin gamay ang dagsa ng tao sa DFA kaya kung magpapa-appointment ka kuhain mo yung pinaka-maaga. Hindi katulad ko kinuha ko yung 11:30 mabilis ang PROCESSING kaso pagdating sa ENROLMENT doon naipon yung may mga early appointments.

Kung hindi maiiwasan ang late appointment magdala ng SKYFLAKES lels. Hindi tulad ko ginutom.

Higit sa lahat gumising ng maaga. hahaha!

Para sa online application puntahan lang ang website nila DFA Passport Appointment System

Sana nakatulong ako sa mga first timer sa DFA! lels

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Maraming Salamat muli sa dalawa na namang karagdagang email subscribers |  followers! HAY LUV U OL!

  • Someone
  • lyzius

Sa nais pang mag subscribe punta lang sa upper rightside ng blog na ito ilagay ang email o i click ang “SUNDAN SI OTEP”

Salamat :)

8 thoughts on “EXPRESS PHILIPPINE PASSPORT!”

  1. sayang may offer a naman ako sayong zombie role sa indie film na ipoproduce at ididirect ko. haha LOL

    May point ka dun sa mga mga producer na baka tamadin kapag puro pirated na binibili natin. Pero dont worry may mga sumusoporta naman sa kanila, yung mga masugid manuod, yung mga may dalang camera sa sinehan. haha

    LOL sa yellow cab! pero mas lol kasi dedma lang si manong, di nagets! haha

    (Ayuko magcomment masyado ha)

    1. isa ka pa, pwede mag sorry? hahaha.

      SA BABASA : Ang BLOG na ito ay hindi perpekto, marami ring pagkakamali: sa baybay ng mga salita, sa daloy na istorya/katha kaya walang sinumang may karapatang dungisan ang sarili kong buhay sa mundo ng pagba-blog. Subalit ang lahat ay malayang makakapagkumento at makapagbibigay ng kanilang saloobin. Ang KOMENTO ay KOMENTO.. gaano man kasakit gaano man kaganda sa tipong nakakataba ng puso. Sa lahat ng mga nangangarap!! LIBRE lang po!! (isang paalala: HINDI PO AKO DALUBWIKA parang awa n’yo na! hehehe😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s