EPIKO NG “LINOG”


Noong nabubuhay pa ang Papa ko madalas kong marinig habang nag-iinuman sila ng mga ka-sunog baga n’yang kapitbahay ang joke ukol sa lindol sa langit.

Papa: Alam mo ba Pre, sa langit nagkakalindol din?

Boy (pangalan ng tropa ni Papa) : Owwws..?

Papa: Oo nga! Alam mo din ba ang tawag sa lindol sa langit?

Boy: edi earthquake!

Papa: Tanga! langit nga di ba? Edi heavenquake!

Boy: OO nga no! hahaha Ikaw na!

Papa:  Hahahaha No Boy! Ikaw na!😀

Ishmael Narag

Naku yari! Hindi ko pala  dapat dinadaan sa Joke ang lindol. Kamakailan lang kasi niyanig ng 6.9 magnitude ang buong Visayas kasama na rin ang ilang bahagi ng Luzon at Mindanao hindi pa daw ito major earthquake  pero habang isinusulat ko ito pinangangambahan na hihigit pa sa 100 katao ang nasawi dahil sa Lindol nitong nakaraang lunes.

Nitong Lunes din napanood ko ang SONA (State of the Nation Address with Jessica Soho) [manood kayo lagi nito ang ganda ng format kumpara sa 24 oras at TV patrol, walang kaechengan at gustung-gusto ko ang ang palitan ng conversation sa pagitan ng reporter, interviewee at ni Jessica Soho] Share lang.

Yun nga, Napanood ko yung interview kay Ishmael Narag Officer-in-Charge  ng PHIVOLCS-DOST ukol pa rin sa naganap at nagaganap na lindol sa Visayas. Ang dami kong natutuhan dito lalo na noong nagtanong si Jessica Soho ukol sa mga ninuno o nakatatanda na baka may natala o naramdaman na pagyanig na dito noong una,  ganoong sabi nga sa mga ulat ang nasabing lindol ay nagmula sa bagong fault o mga bagong bitak na ngayon lang nadiskubre.

Natuwa ako sa sagot ni Ginoong Narag, kasi aniya hindi lang sa mga nakatatanda, bagkus pati na rin sa mga epiko o mga kwentong bayan ay puwede tayo makakuha ng mga impormasyon. Nabanggit n’ya nga yung ukol sa epiko ng BIAG NI LAM – ANG. (Nakahanap ako ng kopya pero hindi ko nahanap yung magic word na lindol). Sa katunayan pa nga daw, marami pa daw katawagan ang lindol sa pilipinas tulad ng “linog” at iba pa.

Napa-search tuloy ako ng de oras. Ang astig kaya! Biruin mo, ang mga epiko kahit may mga kwentong kahiwagaan, ay may mga kabuntot talagang kasaysayan. Kaya pala ganoon ang pagtatalakay sa kwento ng epik-seryeng “AMAYA”.

May nahanap naman akong ibang epikong bisaya ito ng Labaw Donggon, sa ilang bahagi nga ng kwento kinakitaan ko nga ito ng salitang “lindol”

Sa pamamagitan ng kanilang mga engkanto, natagpuan at napatay ng magkapatid ang baboy-ramong at sa isang iglap, nanghina si Saragnayan. Ito na ang naging wakas nito. Natamaan siya ng palaso ni Baranugun. Sa dalawang mata siya napatamaan. Sa lakas ng sigaw niya, nabuwal ang mga puno at nanginig ang daigdig at nagdilim. Iyon ang unang LINDOL at unang gabi.

Ang kewl di ba?

Ganoon pa man kahit kapos ang pamahalaan upang tustusan ang pangangailangan ng ahensyang  higit na kailangan ng ating bayan (PHILVOCS), katulad sa mga ganitong pangyayari dulot ng natural na kalamidad. Lalung-lalo na ang mga bagong tuklas na kagamitan sa pagpapadali ng pagtuklas ng mga bagong bitak o fault line, nakatutuwa na nagagamit natin ang luma o napaglipasang kasaysayan sa mga ganitong bagay.

Ewan ko ba! pero angas na angas ako kapag kasaysayan ang pinag-uusapan.😀

Libre pa rin naman mangarap sa mga bagong kagamitan para sa PHILVOCS.

MABUHAY KAYO!🙂

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Maraming Salamat pala sa nag-iisang email subscriber ko sa nakalipas na isang linggo. Hahahaha!

Sa nais pang mag subscribe punta lang sa upper rightside ng blog na ito ilagay ang email o i click ang “SUNDAN SI OTEP”

Salamat🙂

8 thoughts on “EPIKO NG “LINOG””

  1. kewl!!! narinig ko ulit ang “biag ni lam-ang”! huli ko nabasa yan phil literature pa namin nung 2nd year college.. ang natatandaan ko lang na linya eh.. “I call upon you Oh. Pamlang…”…

    Ang kulit naman, parang napakaliterature geek mo rin nuh?…

    But i must agree… isa ang phivolcs sa mga least appreciated na agency.. parang pag-asa din… hindi nasusuportahan ng maayos ang ilan sa mga needs pero nag eexpect ang marami ng mas magandang service…

  2. lahat ng folk stories eh may halo pa rin talagang reality on one way or another. anyway..sana talaga eh mas bigyang pansin ng gobyerno natin ang mga tulad ng ahensya ng philvocs at pagasa. kasi buhay din natin ang nakasalalalay sa trabaho nila.

  3. Sorry naman sa pagreresearch. Haha. Nag-effort! Tama! San kaya napupunta ang funds ng gov’t? Dapat diyan sila mag-invest tulad ng ibang bansa. Pag sinabing uulan, lilindol ng ganto, totoo nga! Maaagapan sana ang pagkamatay ng kababayan kung ganun di ba?

  4. tapos may narinig pako, inililipat lang daw ng sto.nino sa kabilang kamay ung hawak nyag globe (lols, referring statue of sto.nino). then i realize eh bakit parte parte lang ang nililindol hindi naman buong mundo! eh kase nuon hindi pa naman laganap ang communications so malay nga ba nila na hindi naman lumilindol sa ibang lugar pag lumindol sa ibang parte.. awwts!

  5. anong oras po ba pinapalabas ang SONA (State of the Nation Address with Jessica Soho) ?

    –sobrang natakot ako sa lindol na yun nung last feb 6
    (-.-) sana hindi na mangyari ulet ..huhu

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s