KAPAG KABIT POKPOK AGAD?, HINDI BA PWEDENG ______ MUNA?


Ngayong linggo, sobrang tunganga mode ako sa office. As in wala akong ginagawa! Sobrang nakakapagod pala talaga kapag walang ginagawa. Hindi naman pwedeng magtitigan kayo ng monitor mo. timing naman na naka-online lagi ang mahaderang Pards ko. Joke lang! Ayun email galore ang drama namin, hanggang napasok kami sa usapang pag-ibig. Paki-alam mo love month naman ngayon! haha kaya pasok na pasok sa banga kung ita-topic natin ang ganitong kwento.

Narito ang sulat nya:

Dear Otep,

Ganito kasi yan pards. Hoho

Naging kami, may gf pa siya, so in short, 3rd party ako. Take note: 1st bf ko siya. During courtship hindi ko pa alam na may gf siya. Pero later on nalaman ko din. Pero nahulog na ko, ang hirap umalis sa pagkakahulog ko dati. Hanggang sa nagpromise siya na-iibreak niya na yung isa, kaya naging kami na nga. Nung kami na, andami kong natuklasan: Live-in pala sila, 5 years na sila, halos mag-asawa na tingin sa kanila ng mga magulang niya- Pero lahat naman tinaggap ko, patay na patay pa kasi ako nun sa kanya.

Mga 3 months na kami bago officially naging hiwalay na sila ni Girl. Kasi andami pang aberya, nagtangkang magpakamatay si girl at tsaka humiling din xa kay ex na wag muna siya iwan. Hindi nga naman kasi ganun kadali pinagsamahan nila.

January, kami na talaga, as in wala ng iba. February 2010 biglang sumulpot si Girl, buntis daw si Girl (sa iba ko pa nalaman pre). Kinonfirm ko kay Ex, sabi niya oo daw, 2 months. Guho mundo ko nun, as in shet na malagkit. Pero after all, tinanggap ko pa din, mahal na mahal ko e. Kasi nag-dodoubt din ako nun na baka palabas yun ni girl.

So ayun tinaggap ko. Two years kami. Sa loob ng two years na yun, never niya ko pinakilala sa parents/family niya. Kasi galit nag alit buong angkan niya sakin, boto sila kay Girl.

Dati Friendster pa lang, minemessage ako ng ate ni ex. Inaaway ako, keso landi ko daw, kabit daw ako, etc. Tapos sa fb, yung ibang kapatid niya naman. Pati sa text, tinitext nila ako sinasabihan ako ng “muka kang katulong, muka kang aso.” Lahat ng shit na yun tinannggap ko, mahal na mahal ko e.

One time nga pinatulan ko, nagalit pa si Ex sakin, wag ko daw patulan. Pati Mama niya nagcocomment sa mga pictures namin na “ayan ba yung pinagmamalaki mong pokpok” taragis eh noh. Pero lahat naman tinanggap ko. Mahal e. (letcheng pagmamahal yan, lels)

For the past two years hindi ako nakaligtas sa lait ng family niya. Pero consequence yun ng ginawa ko, kaya naintindihan ko din minsan.Yung pinaka-worst nga pre, sa simbahan. Fiesta pa nun samin. Daming tao. After huling basbas, di pa man nakakalabas yung pari may lumapit samin ni Ex. Yung kapatid niya, sabay kasama yung mama niya. Dinuro-duro ako sa harap ng madla. Buti to the rescue mga ka-youth ko, inilayo nila ako. Pagkalayo-hagulgol much. Kakahiya, kasi nag-iskandalo sila, tapos nakita ko from afar pinagsasampal niya yung anak niya , si Ex. Ayun yung magkaka-baranggayan na, yung mga lola’t tita ko ipapabaranggay sila. Nung sa simbahan, ako, tita ko , kapatid ko pati mga pinsan ko nag-iiyakan kami. Dahil nga sa eskandalong ginawa nila. Taenis, hiyang hiya ako kina father at brother. After nun, pinalayas si Ex, kaya nag-apartment na lang xa.

Minsan sa bahay ko siya pinapatulog. Tapos sa work niyang pag-gabi nakatagpo siya ng mga bagong friends. Eh may ka-work sila na inaasar sa kanya. Sakin naman, ok lang, biruan lang naman. Kaso dumating sa point na magkatext na sila nung inaasar sa kanya. Sa fb kitang kita ko asaran nilang mga magttropa. Kainsulto men! Sinabi ko sa kanya naininsulto ako, sabi niya “wala ka dapat ika-selos” sabi ko hindi ako nagseselos, galit ako. Nakaka-babae e. Ehdi continue pa rin ang kasiyahan nila, hanggang sa napuno na ang timba. Umapaw na at iminessage ko yung babae sa fb. Nag-reply, siya pa galit. Tae pala niya Eh. Ehdi nag-away kami ni ex, bakit ko daw minemessage, kexo wala daw ba ko tiwala sa kanya. So tahimik na lang ako. Ako pa napapasama e.

Nung 2nd anniv naming, habang nakain kami sa festi, may katext siya. Kainis, tapos nung tingnan ko magkatext sila. Nag-init na naman dugo ko kasi text pa nung babae “bakit di mo ko hinintay unuwi? Katampo.” Naku sumabog na talaga galit ko. Tapos siya naman tong galit din, bakit daw ako ganun mag-isip friends lang daw sila. I-frends niya muka niya! Walk-out lola mo. Tapos nagtext si Ex sabi ba naman “wag ka muna magtetext sakin, may pag-iisipan lang ako.” Siya pa may gana mag-ganun. Tinext ko ulit yung girl, sabi ko nag-aaway na kami dahil sa kanya. Eh ang tigas ng muka, sumasagot pa, ang bobo ko daw, ang kitid daw ng utak ko, wala daw akong tiwala. Tapos sabi ko “kala mo naman ang ganda mo” sabi ba naman “kundi ako maganda hindi magkakandarapa bf mo sakin ng ganito”. Ang kapal.

Kinabukasan nagtext si bf, galit nag alit. Bakit daw inaaway ko yung babae, napahiya daw siya sa tropa. Tapos sabay nagtext tong si girl sabi “Dahil jan sa kabobohan mo hindi ko matanggap na naiyak si Pepito sakin ngayon.” Putek pala sila eh, magsama-sama sila.  Simula nun hindi na ko nagtext, pero sabi ko sa kanya ayuko na. Kaya ko naman titiisin lahat ng pangagago ng ibang tao basta wag lang siya. Eh wala, nagkakagaguhan.

Kaya ayun, kapit ako sa mga ka-youth ko, sa mga tropa ko, sa papa ko. Nagpagupit ako ng buhok (arte parang si kc concepcion lang), tapos nag-unwind ako sa batangas. Yung mga ate kuya ko sa youth to the rescue sila, counseling etc. Hanggang sa nakapag-move on na ko. Narealize ko lahat ng katangahan ko.

Then bigla siya nagtext na “kamusta ka na” sabi ko “ayus ha, kung maka-kamusta ka parang walang nangyari”. Bitter pa din konti. Nagtetext siya mag-usap daw kami. Pero hindi siya nag-effort puntahan ako sa bahay at mag-sorry. Hanggang after three months break-up, nagkalakas ako ng loob kausapin siya. Ayun nilabas ko lahat, tapos sinabi ko wala na talaga, as in wala ng pag-asa. After nun maayos na kaming naghiwalay. Nag-sorry xa etc. Tapos nakapag-sorry na din ako sa ex niya dati na niloko naman. Tapos recently nag-sorry sakin yung katrabaho niya. Ayon, peaceful na ko. Bilog ang mundo. Haha Ang haba, di ko na inedit. Basta yan na yon.

♥ Love,

Kepyas

Wala na namang dapat ipayo sa kanya kung tutuusin kasi wala na naman “sila”. Pero kung iisipin natin no? parang ang hirap manisi sa mga ganitong mga kaganapan sa buhay ng isang tao, ang hirap din naman isisi sa mga salitang “nagmahal lang naman ako” Ang hirap din naman magsalitang kapwa-biktima rin naman ang mga KABIT (haha kinaps-lock talaga). Gusto ko lang talaga ipalabas sa post na ito na nakakatanga lang talaga ang pag-ibig. Katulad sa mga sitwasyong sukdulan na kaya mong isugal kung anong meron ka.

Lahat naman tayo, nagmamahal para lumigaya pero kadalasan yung ligayang yun ang ending, suicidal lels.😀

Sa personal na aspeto, nagmamahal ako para talaga maging masaya hindi lang ako pati na rin siya. Kaya nga wala ng sense ang isang relasyong-pag-ibig kapag nagtatangahan na lang kayong dalawa  -na parang walang nangyayari. Wala pa akong naging perpektong buhay pag-ibig pero nagkaroon ako ng perpektong pagmamahal sa tao ang ending –EMO. hahaha

Naniniwala akong lahat sa atin ay may nakalaan kahit mukha ka pang kuyukot. Normal ang magmahal at magpakatanga ang hindi normal yung wala kang natutuhan para mag-analisa at manakit ng iba. Pero hindi rin, minsan kahit hindi mo naman intensyon makasakit nakakasakit ka din.

Ganito kakumplekado ang pag-ibig. Sanga-sanga. in other words tanga-tanga!. hahaha. lels.

Parang ngayon hindi ko alam kung paano ko tatapusin ‘to kasi wala naman talagang katapusan ang  ganitong usapang (Parang usaping relihiyon lang). Kung meron man, mawawalan na ng trabaho ang mga DJ na nagbibigay payo, mawawala na din ang mag telenobela’t teleserye at mga pelikula sa mundo. At habang may mga tao sa  mundo paulit-ulit na magaganap ang mga kabiguan, kaligayahan at katangahan dito.

Ah! basta! naubusan na naman ng sustanya ang blog post kong ito, nakikita nyo yung title ko sa taas? sagutin nyo na lang yung blanko🙂

KAPAG KABIT POKPOK AGAD?, HINDI BA PWEDENG __________MUNA?

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Maraming Salamat sa dalawang karagdagang email subscriber ko sa nakalipas na dalawang araw. Hahahaha!

  • naringoodfaith
  • tabianmuch

Sa nais pang mag subscribe punta lang sa upper rightside ng blog na ito ilagay ang email o i click ang “SUNDAN SI OTEP”

Salamat :)

25 thoughts on “KAPAG KABIT POKPOK AGAD?, HINDI BA PWEDENG ______ MUNA?”

  1. KAPAG KABIT POKPOK AGAD?, HINDI BA PWEDENG “fubu” MUNA?

    binasa ko from start to finish…

    at putek lang dumaan ako sa ganitong stage…yung tanga tangahan stage, 3rd party, singit whatever you call it..nakakaburaot lang kasi hindi mo nakikita sarili mo kelangan ka pa sitahin ng MMDA para mauntog. sabi kasi nakakamatay eh tumawid kaya yun casualty tuloy at least after the incident markado ka na…

    ok ang haba na…hello otep!🙂

  2. Dear kepyas,

    Kung kakilala kita, kakaratehin kita sa leeg. wala me masabi, nagsurvive ka, kaya congrats. Sa susunod, gamitin ang utak wag ang puso.

  3. bigay lang ako ng opinyon. walang kontra ah hihihi

    for me, di katwiran ang “nagmahal lang ako” kasi bago ka dapat pumasok sa isang sitwasyon dapat alam mo yung consequences.. kung makakaapak ka ng iba bakit mo ipagpapatuloy?di ba pwedeng maging ok muna ang lahat bago nyo pagbigyan ang sinasabing pagmamahal nyo sa isat isa?true love waits ika nga nila. and time is the best way to express your love. di porket nagmamahal ka eh ok ng makasakit ka ng iba.

    1. yun nga daw.. hindi nya kasi alam na may jowakers na itong si lalake.. tapos na fall na sya nahirapan na syang kumawala..

      ewan ko doon mahirap din naman kasing batukan yung tao para magising haha.. ang masaya lang natauhan na sya.😀

  4. Oo nga pala, kilala ko yung tinatawag mo na pards. Minsan nakita ko sa U-blog ng FB..LOL sa palagay ko, siya yun.

    Kapitan Bola.

  5. All I can say is, ‘Love conquers all’. Wala ka na magagawa pag nainlove k n talaga. Pag mahal m kahit n nagmumukha k ng tanga ok lang basta maparamdam m lang sa kanya n mahal m talaga sya. Mahirap lang talaga pigilan pag emotion n ung pinag uusapan, lalo n pag sobrang napamahal k n sa tao.

  6. I’ve read this before, ngayon lang ako nagcomment. di pa at wala akong balak pumasok sa ganitong situation. pero bago tayong lahat pumasok, kung sakali man, sana mag-isip muna tayo. di naman porke’t masaya ka sa umpisa, ibig sabihin okay na.

    I like what you’re friend did. at least she realized that she’s just giving too much. I like that you didn’t judge her.🙂

    Hope she feels better!🙂

  7. heheheehhehee….tapos nko jan…pero pumapasok na nmn ako..ang sarap kaya nung feeling na pangalawa ka.hanggang sa ikaw na yung number 1,super challenging yun,pagnakuha mo na xa sa iba,tapos iwanan mo bigla sa ere?di ba ang saya saya nun?

  8. nka relate ako d2…s 22o lang mhrap tlga..pro tama c frnd mo..pag andun kna s situation n un..ang hrap kumawala..ako nga hanggang ngaun hold on pa rn..,lalo na kung ayaw ka ring btwan ng mhal mo..hhaayyyyy…but ders no regret…kz alam ko kung ano 2ng pnasok ko..at alm ko my dhlan..kung ano man un,,,hnd ko pa alam..,sna lngpag nlman nyong kabit wag lng ntn husgahan kz s 22o lng..,pag nagmhal kna tlga..mhrap ng pglan.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s