SAGAD….AHHHH


Ito na yung katuparan ng pangarap ng pagkabata ko. Medyo sad post muna ‘to habang hinihintay nyo ang 3-part + pre-Sagada trip blog entry ko.

Medyo sentimental kasi ‘tong pagkakaton na ito. Hindi nyo naitatanong mula noong pagkabata ko sobrang ninais ko na makakita ng Rice Terraces. Ewan ko ba siguro natanim lang talaga sa isipan ko yung mga tinuro sa akin ng guro ko noong nasa Grade 1 palang ako patungkol sa 8th wonder of the world -Banaue Rice Tarraces.

Minsan nga noong pinag-aaralan namin sa isang klase ang mga natatanging gawa ng tao sa mundo, minsan akong nagtaas ng kamay at sinagot nga ang tinutukoy ko dito. Manghang-mangha sila sakin ewan ko kung ngayon lang nila narinig nun o sadyang nasa lower section lang kami. -Mga bobo. charot! haha

(balik senti)

Mula noon hanggang tumuntong ako ng sekondarya at kolehiyo kating-kati akong makita yun. Kaya noong college days talaga nagplano talaga akong umakyat kasama yung mga kaklase ko. Todo ipon ako noon at ilang buwan ko ding naging bukang-bibig sa kanila iyon. Kaso sa kasamaang palad -palpak. Unang dahilan ang kawalan ng budget nila. Medyo na disappointed ako noon kaya yung perang nilaan ko sa biyahe dapat… inubos ko sa isang shapingan sa mall. Ilang libo din ang nawala sakin ng isang iglap. Ganoon ako na deppressed. Kung may lakas lang sana ako ng loob para umalis mag-isa.

Kaya sabi ko na lang sa sarili ko dadating din ang pagkakataong iyon.

Isang imbitasyon ang nakuha ko mula pa rin kay Donnie para pumanik sa Sagada kaya ‘oo’ agad.

At narito na nga ang mas malalim ko pang kwento.

  • DAY O – 24feb2012: Anong hayop ang kayang magsakay ng higit 50 katao as in Hayop! (i-click dito)
  • DAY 1 – 25feb2012: Baguio to Sagada (i-click dito)
  • DAY 2 – 26feb2012: Sagada Falls (i-click dito)
  • DAY 3 – 27feb2012: Sagada-Bontoc-Banue-Manila (i-click dito)

Maraming Salamat muli sa (7) dalawa na namang karagdagang email subscribers |  followers!
Mula february 15 hanggang sa mga oras na ito.

  • mmc.XD
  • Janmaykill
  • Sunakochan29
  • (4) someone (email subscribers)

Sa nais pang mag subscribe punta lang sa upper rightside ng blog na ito ilagay ang email o i click ang “SUNDAN SI OTEP”

Salamat :)

18 thoughts on “SAGAD….AHHHH”

  1. sana magawa ko rin ‘yan, matagaol na akong naiimbitahan sa ganyan kaso puro drawing pa. hehehe

    pero dito sa ‘Pinas, pinakagusto ko munang mabisita ay ang Davao. buti na lang okay na ang Palawan. first ko yun sa bandang visayas at mindanao.

    mabuhay!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s