ANONG HAYOP ANG KAYANG MAGSAKAY NG HIGIT 50 KATAO? AS IN HAYUP!


SAGAD…. AHHH Part 1 / 4

Isang araw bago ang malayu-layo kong paglalakbay sa Sagada, nagpasa ako ng Leave of Absence sa boss ko. Wala naman sila magagawa kundi payagan ako sa halos apat na araw paglalakbay. Biyernes noon. Kung tutuusin kaya ko pa naman pumasok at dumerecho na lang sa Bus Terminal pag dating ng kinagabihan pero nilaan ko na lang ang araw na iyon para makapagpahinga.

At dumating na nga ang oras, Kalahating oras bago mag alas -10 ng gabi sumakay na ako ng taxi dala ang nag-iisa kong back pack na kung saan one is to one ang ratio ng damit kung ilang araw din ako mawawala.

  • P 150 = Taxi
  • P 150 = Total

10pm ang usapan namin di Donie sa terminal ng Victory liner sa Pasay, nauna akong nakarating. Nagulat na lang ako sa dami ng mga tao, limang beses ata ang dami noong huling punta ko noong pumunta naman kami sa Clark para sa Hot Air Baloon Fiesta. Kaya naman ganoon din ang gulat ko nang malamang Sunday morning na ang susunod na biyahe pa Baguio! Ganoon sya kadami.

Sa labas na ng terminal ko sinalubong si Donnie at naghanap na kami agad ng ibang terminal na may biyaheng pa-Baguio. Sakay kami agad ng Taxi na parang kasali lang sa Amazing Race lels😛.

Kay Manong driver na kami nagtanong kung san may malapit na terminal. Dalawa yung sinabi n’ya samin isa sa bandang Sampaloc at isa nga ang Philippine Rabbit.

Donie: Kuya ano mas mauunang terminal?

Driver: (bosses Mama’) Ahhh sa Philippine Rabbit.

Ang Magandang si Donnie. Pasensya na panget ang Camera ko.😀

Pagdating namin sa Terminal kakaunti lang ang tao, malayung-malayo sa hindi mahulugang karayom sa dami ng tao sa Victory Liner. Pumunta kami agad sa ticket booth para magtanong kung anong oras ang susunod na biyahe pero binato kami sa dispacher.

Sakto! 12:30am kaya bumili na kami agad bago maubusan.

  • P 444.00 = Ticket (to Baguio)
  • P 150.00 = Previous
  • P 594.00 = Total

Nagpasyahan muna namin kumain sa harap na Jollibee. Natuwa ako dito promise kasi noong high school pa ako dito ako madalas kumain (Arellano High School ako nagtapos) kaya malapit lang sa Recto at Rizal Avenue sa Maynila.

Ito ang Classic na tikcet ng Pambansang Kuneho. hoho

Kumain ako ng madami kasi alam ko magugutom ako sa 6 na oras na biyahe.

  • P 109.00 = Jollibee (chiken spaghetti w/drinks)
  • P 594.00 = Previous
  • P 703.00 = Total

Natanong ko si Donie kung kasya na ba ang cash kong 3,000 kaso hindi pa daw. Pero ang plan ko sa Baguio na talaga mag ATM.

Matapos namin kumain, bumalik na kami sa Terminal at nagpaalam sandali para nga pumunta sa pinakamalapit na ATM.

Wala akong makitang bangko kaya nagtanong-tanong. Maswerte namang may guard at tinuro sakin ang pinakamalapit na banko. Nakalimutan ko nga kung anong Banko yun.

Ganoon pa rin ang Recto nakakatakot pa din kahit may mga ilaw na ang sidewalk.

May nadaanan pa akong mag-asawang nagbubungangaan (joke lang di ko sure kung mag-asawa). Pagbalik ko nga matapos manggaling sa ATM iba na yung kaaway nya. Medyo naiilang akong tingnan sila kaya binilisan ko maglakad pero napapalingon pa din ako. Nagsasampalan sila mga men! Ang sagwa nga lang kasi lalake sa babae ang aaway kung sex yun okay lang Hahahaha sobrang Joke.

Paglagpas ko sa kanila, mga 15 na hakbang siguro, ayun nasa labag na yung babae na tila tinilapon nung lalaki. Ayun iyak. lumiko na agad ako at hindi ko na pinansin.

Pagdating ko sa Terminal kabadong Donnie na ang humarap sa’kin. Akala nya daw iniwan ko bag ko doon at nawawala na hahaha.😀

Ilang oras din kami naghintay. 12:30 ang biyahe namin pero ala-Una na wala pa yung bus. Padami na ng padami yung tao sa terminal na biyaheng pa Baguio. Noong minsan nga may dumating na bus sobrang unahan na sila. Kaso epic fail kasi ibang biyahe pala yun.

Kaya naman naisipan na nilang gumawa ng human pila.. alam mo yun? pilang walang direksyon.. human pila tawag kapag hindi de-numero.

Noong dumating na yung napakalaking kuneho na kayang magsakay na humigit kumulang 50 katao doon at nag-gitgitan na! na kala mo pila sa relief goods na noong malaman nilang magkakaubusan na, Hayun! at nagsisingit na!

Taragis! Haaaaaaay ang pinoy talaga. Alam na naman kasing madaming pilipinong walang disiplina kapag alam nilang walang sistema kaya dapat ayusin nila Terminal nila.

Parang adik lang kasi ang Philippine Rabbit alam naman nila kapasidad ng bus nila pero sobra sobrang ticket ang binenta nila sa gaanong oras. Ni-wala ngang seat number o bus number ang ticket namin. Terminal kaya yun hindi Bus Stop.

Yun nga, nagmistulan kaming sumakay na kalsadang hindi namin alam kung anong oras dadating ang bus at para ding LRT na sa pag bukas ng pinto ayun! Balyahan.

Maswerte na lang talaga ako kasi si Donnie na sanay sa biyahe at magaling dumiskarte.

Pag-akyat ko ng Bus ang daming bigong nagbabaan ang hindi na makakaupo. Mabuti na lang na mayroon akong taga reserba haha!. Yun nga lang may krak yung bintana na sa sandaling makatulog ka at mauntog sa salamin ay maaari agad na lumabas ang ulo mo.

Pasado ala-Una na ng makaalis ang bus o mahigit kalahating oras buhat noong makatuntong yung Kuneho sa Terminal.

Nakakaawa yung mga pasahero sa loob yung tipong kahit alam nilang aabutin ng mahabang oras ang biyahe nila paakyat ng Baguio ay tiniis pa rin nilang maupo sa gitna at makisiksik sa pang-dalawang upuan.

Ganoon nga ang nangyari sa akin, may nakiusap na makiupo sa siwang sa pandalahang upuan.

Noong minsang ngang nakaiplip ako, nagising na lang ako nang kumikirot na ang leeg ko, nakasandal na pala sa tagiliran ko yung binatang nakiusap tumabi sa pandalawang upuan. Ayun deadma.

Natulog na lang ako muli sa hindi ko malamang puwesto.

At dyan natapos ang Day 0.

  • DAY 1 – 25feb2012: Baguio to Sagada (i-click dito)
  • DAY 2 – 26feb2012: Sagada Falls (i-click dito)
  • DAY 3 – 27feb2012: Sagada-Bontoc-Banue-Manila (i-click dito)

TIPS NI OTEP:

  • Iwasan ang  Peak Season o dagsa ng mga tao.
  • Sakaling hindi maiwasan ang Peak Season, magpabooked ng mas maaga sa Terminal.
  • Laging maghanda ng alternative sakaling ma-fully booked ang Terminal.
  • Mag widraw agad ng perang alam mong kakailangin at sasapat sa iyong gagastusin sa pupuntahan.

****

Maraming Salamat sa bago na namang karagdagang email subscribers |  followers!
Mula february 29 hanggang sa mga oras na ito.

  • Thank you Sey!🙂

Sa nais pang mag subscribe punta lang sa upper rightside ng blog na ito ilagay ang email o i click ang “SUNDAN SI OTEP”

17 thoughts on “ANONG HAYOP ANG KAYANG MAGSAKAY NG HIGIT 50 KATAO? AS IN HAYUP!”

  1. lesson learned: book ng advance😀

    swerte mo may tagareserba ka hahaha.
    kung ko yan sasaksakin ko ung mga nakikipagunahan sa kin. agusan ng dugo hahaha

  2. Sabi sa ibang sites ang Victory Liner daw talaga ang may pinaka-magaling na mga drivers ng bus papuntang Baguio, kaya susundin ko ang tip na magpa-book ng maaga. Dati nakasakay na ako sa Philippines Rabbit ayun sa awa ni Bro, muntik na kaming mahulog sa bangin dahil hindi nakontrol ni manong ang manibela ng bus, muntik na maging byahe papuntang heaven.

    At bakit pinayagan nilang may nakaupo sa gitna, wala tagalang sisterma. Buti na lang at may tagareserba ka.

    1. oi Sey! nice meeting you ha… ang tahimik mo nung nung Get Together natin. haha😀

      ganun na nga siguro kasi maganda serbisyo ng Victory Liner.

      Hindi na ako uli sasakay sa Philippine Rabbit🙂

    1. humor blog nga di ba? so joke lang yun hahaha lels..

      ERRATUM:
      the word “pick season” should be read sa “peak season” and not as published. haha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s