BAGUIO TO SAGADA: I-SAGAD…AHHH MO PA!


SAGAD…AHHH PART 2 / 4

Hindi ko alam kung mabagal lang ba ang Pambansang Kunehong nasakyan ko o sadyang may mga parte lang talagang traffic paaykat ng Baguio. Kaya ang inaasahan ko 6-7 hours na biyahe ay naging 9 hours na. Tirik na tirik na ang araw pagbaba ko ng bus. Kung tutuusin nga mas malamig pa ang labas kaysa sa loob.

Ang sarap mag unat-unat matapos ang napakahabang biyahe. Naghanap kami agad ng ma-wiwiwian. Kaso hindi yata masikmura ni Donnie yung palikuruan ng Bus terminal (yung sa ibaba ng SM, may mga terminal na ordinaryong bus pababa ng Maynila). Sa huli sa SM na din nakapaglabas ng sama ng loob si Donnie (peace) haha.

Ito yung tinatawag na bahay na tinayuan ng bundok haha.

Ilang minuto din ako naghintay sa food court (labas ng CR) kinabahan akong baka na flush na yung kasama ko kaya nagawa ko na syang itext. Kaso walang reply. Noong medyo kakaiba na ang katagalan nya sa CR tinawagan ko na, kaso nasa loob pala ng lalagyanan ng camera yung dalwang cellphone nya na iniwan sa akin yay!. Kung hindi pa nag vibrate hindi ko pa malalaman. Kinabahan ako, baka nagkawalaan na kasi kami. Paano na ang biyahe namin😦

Matapos ang madaming minuto, Donnie’ng naka short na ang nakita ko at doon nawala din ang daga sa dibdib ko. (takot akong mawala😦 )

Agad kaming sumakay ng taxi papuntang Dangwa.

Bumuli kami agad ng ticket. Matapos noon ay pumasok na sa restaurant malapit sa terminal.

  • 220.00 = ticket (Baguio to Sagada)
  • 703.00 = previous
  • 923.00 =  Total

May kakainan sana kami na famous doon at dapat daw hindi iyon palagpasin kapag magbabiyahe ka pa-Sagada, kaso mukhang famous nga sa dami ng kumakain, kaya sa SAB-ATAN RESTAURANT na lang kami kumain.

Umorder ako ng pagkasarap sarap na Tosilog at Instant Coffee (Bruch na namin ‘to kung tutuusin BREAKFAST + LUNCH = BRUNCH).

  • 130.00 = brunch @ Sab-atan Restaurant
  • 923.00 = previous
  • 1,053.00 = Total

Sobra akong nabusog. Agad din kaming sumakay ng Bus papuntang Sagada, na tatagal daw ng anim na oras.

Naalala ko bigla ang pwede naming datnan na klima doon, tamang tama at may nagbebentang medyas at mga gloves kaya bumili na rin ako.

  • 100.00 = 2 pairs of socks + 1 pair of gloves
  • 1,053.00 = Previous
  • 1,153.00 = Total

Agad ding umalis ang Bus. Tuwang tuwa ako kasi mabibilang lang sa magkabilang daliri ko sa kamay ang mga pasahero ng Bus. Napakaluwag ng Bus at maganda ito kahit Ordinaryong bus lang. Hindi ko lang alam kung GL o Lizardo Transit yung sinakyan namin.

Ito yung unang kuha ko habang paakyat ng Sagada
Natuwa ako dito.

Kapansin-pansin yung mga plastik sa itaas na hawakan ng Bus. Mukhang madami ngang naduduwal dito dahil sa biyahe kaya meron na agad plastik sa itaas.

Sa dami ba namang zig zag na madadaan paakyat ewan ko na lang talaga kung di ka masuka. Maswerte lang talaga ako kasi tama ang tulog ko kaya hindi ako nahilo.

Wala pa man, sobrang busog na busog na ako sa bulubunduking nakikita ko. Kaso hindi ko kaya yung lamig at tama ng hangin sa mukha ko kaya isinara ko na lang.

Sobrang lamig ng hangin dito.

May pagkakataong halos gusto ko na buksan yung bintana para makakuha ng matinong larawan kaso hindi ko na mabuksan yung bintana. Noong nangangalahati na kami ng biyahe pa-Sagada, hindi ko na natiis kaya pilit kong binuksan ang bintana, buong araw din ‘atang sumakit ang daliri ko.

Pwede! natuwa ako sa kuhang ito, may nahagip pala akong Baka🙂

Sa Buong Biyahe isang stop over lang ang natandaan ko, malayo sa kwento sa akin na makailang ulit na stop over.

Kaya marahil kulang- kulang anim na oras lang nakarating kami agad sa Sentro ng Sagada kung saan matatagpuan ang CityHall nila. Nakakabilid yung kumunidad ang liit-liit lang na ayon nga sa napagtanungan ko nasa 10,000+ lang ang populasyon ng tao dito.

Pagbaba namin ng Bus nagtungo kami agad sa Sagada Homestay kung saan kami titira ng dalawang gabi. Isa sya sa pinakamataas ng Inn doon. Ayos naman yung place kita mo yung mga bundok sa bintana.

Dito kami nag Stay sa Sagada Homestay lels.

Nagpahinga kami ng sandali at bumaba din agad para magpareserve sa buffet sa Log Cabin. Sikat din daw ito. Dito daw kasi nag shoot ang pelikulang Don’t Give Up on Us  ni Piolo Pascual at Judy Ann Santos noong 2006. At dito rin nanuluyan ang mga sikat na personalidad tulad ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Log Cabin

Matapos namin maglakad-lakas sa napakalamig na Gabi at daanan ang mga sikat na establishments doon tulad ng Kimchi House, Yogart House at iba pa. Bumalik na rin kami agad sa Log Cabin para kumain.

  • 350.00 = Log Cabin Buffet
  • 1,153.00 = Previous
  • 1,503.00 = Total

Magiging sulit naman ang 350.00 kasi buffet naman, may coffee or tea na may desert pa na napakasarap aside sa ice cream.

Ang sarap di boh? kung malakas lang ako kumain binalik balikan ko na yun buffet naman🙂

First time ako nakatikim ng mga kakaibang pagkain na ito. (ewan ko lang, pero mga bago talaga sa panlasa ko kaya hindi ko naenjoy ng kaunti) Pero sarap na sarap ako sa Brewed Coffee nila. Mas lalo na sa ice cream nilang kakaiba kung di ako nagkakamali pork and ham ice cream ata yun nasa maliit na lalagyanan. May trivia pa nga e: Mas masarap daw ang Tea kapag tumubo sa itaas ng bundok kasya sa ibaba, o ang pinakamasarap na tea daw ay matatagpuan sa matataas na lugar.

Matapos naming kumain dumerecho kami sa bonfire. Tamang-tama sa klimang napakalamig sa gabi, kasama ang mga nakasabay namin sa buffet na nakaka nosebleed pakinggan. Doon na rin natapos ang unang hapon at gabi ko sa Sagada🙂

At narito pa ang nakaraan at pagpapatuloy ng kwento.

  • DAY 0 – 24feb2012: Anong hayop ang kayang magsakay ng higit 50 katao as in Hayop! (i-click dito)
  • DAY 2 – 26feb2012: Sagada Falls (i-click dito)
  • DAY 3 – 27feb2012: Sagada-Bontoc-Banue-Manila (i-click dito)

***

MGA TIPS NI OTEP

  • Laging magdala ng tissue paper sakaling maramdaman ang tawag-ng-kalikasan.
  • Magdala din ng plastik sakaling maduwal ka sa biyahe. Tandaang hindi lahat ng bus katulad ng nasakyan ko paakyat ng Sagada🙂
  • Ugaliin ding magdala ng paunang lunas sa sakit tulad ng pagsakit ng tiyan at ulo.

***

Maraming Salamat muli sa (2) dalawa na namang karagdagang email subscribers |  followers!
Mula March 10 hanggang sa mga oras na ito.

  • i am charm
  • someone (email subscriber)

Sa nais pang mag subscribe punta lang sa upper rightside ng blog na ito ilagay ang email o i click ang “SUNDAN SI OTEP”

14 thoughts on “BAGUIO TO SAGADA: I-SAGAD…AHHH MO PA!”

  1. As usual, napangiti mo na naman ako sa post mo! At ang plastic, ready talaga! Dapat lahat ng nasasakyan kong bus eh may ganyan dahil isa din akong mahiluhin. Hays, sarap magbyahe pero kahirap sa katawan, tugma ba sinabi ko, parang mali,…hehe!

  2. natawa ako sa plastic na blue. ready ang driver takot maglinis ng bus. hahaha. Ayos, kumpleto tips at budget, pinagaan mo ang plano papuntang Sagada.

    Day 2 and 3 na! hehehe, atat.

  3. Ang ganda nung kuha mo sa Sagada na may kasamang baka. Parang Switzerland lang. Haha. Ewan ko, yun ang unang naisip ko. Hehe.

    Hanep ka kuya! Ginutom mo ako. Swear! Kanina pa ako natatakam sa sinangag at itlog. Di naman ako makaalis `cos duty pa. Hay~ magti-tinapay muna ako.🙂

  4. Infurrness..😀 ang galing mong mag account ng pera… halatang sanay ka na sa biyahe at out of towns..😀 ako hindi ako marunong niyan..😀 madalas.. kung hindi ako nag ooverspend.. nagtitipid ako.. ang una kong punta ng baguio.. meron akong excess na 1,500… sa baon ko,, hindi kase ako halos namili ng pasalubong..

    nung pagalawang balik ko dun.. nagkautang ako ng 2k… haiz… turuan mo nga ako niyan.. (turu turuan mo ko niyan!)

  5. eto ang gusto kong subukang way pagbalik ng sagada, yun nga lang pakiramdam ko mas masakit sa puwet sa haba ng byahe hehehe. yung Good Taste restaurant yung malapit sa terminal di ba? masarap nga dun lalo na yung tapa at longganisa, yung iba kumakain dun, imbes na kape, beer ang iniinom hehehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s