terradong palayan ng sagada

ANG HAMOG, TALON NG BOMOD-OK AT TERRADONG PALAYAN NG SAGADA


Ang Sagada Rice Terraces

SAGAD…AHHH PART 3 / 4

Makapal na hamog ang bumungad sa ikalawang araw ko sa Sagada. Tuwang-tuwa akong makitang basa ang salamin ng bintana tulad sa basong may malamig na inumin. Totoo nga! bumababa ang mga ulap mula sa bundok papunta sa mga kabahayan ng Sagada. Ang sarap tuloy matulog kaya hindi maiiwasang bumalik na lang uli sa higaan.

Makikita sa salamin ng bintana ang malamig na hamog.

Halos magtatanghali noong lumabas kami ng lungga namin para kumain muna na agahan at tanghalian (sabay na yung “BRUNCH”  uli para tipid) Maswerte namang may nakausap kami (na kapit-kwarto namin) na pwede naming sabayan sa pag-akyat-panaog namin sa mga kabundukan upang masilayan ang Bomod-ok falls.

Ang Sagada Home Stay na aming tinuluyan.

Pagbaba namin sa tinutuluyan namin amoy na amoy pa din ang mga bagong lutong tinapay sa paninderya malapit sa amin. Hmmm ang bango! Naghanap kami ng Makakainan at sa Salt and Pepper Diner kami napadpad.

Salt and Pepper Diner ng Sagada.

Dahil hindi nga kami nag-agahan, napadami ng kaunti ang kinain ko. Madami ang serving nila, at nakakatuwang napakadami ng extra rice nila. Hindi na nakakapagtaka dahil taniman nga pala ng Palay ang buong Sagada. Sila na walang rice crisis lels.

Pork Adobo with damu @ Salt and Pepper Restaurant

Syempre, dahil feeling ko hindi buo ang araw ko kapag hindi ako nakainum ng kape kaya umorder na rin ako ng Instant Coffee (Kopiko ata yung brand, cheap pero ang sarap sarap sarap! lalo na sa malamig na klima.

Ang instant coffee ko.
  • 180.00 = Pork Adobe + Instant Coffee @ Salt and Pepper
  • 1,503.00 = Previous
  • 1,683.00 = Total

After lunch ang usapan namin ng Cavite Group na magkikita-kita sa sentro. At dahil nauna kami ni Donnie sa usapan naglibot-libot muna kami. Napadaan nga din kami sa Sagada Museum pero walang tao kaya bumaba kami agad ng hagdan. Naglibot-libot kami sa mga tindahan doon at naghanap na rin ng computer shop pero sarado.

Maya maya dumating din sila. Kakaiba aura nila na tila handang-handa na silang sumabak sa mahabang lakaran. Naisip ko “oo nga pala lakaran yun at tiyak na mauuhaw ako”.

Bumili na mun ako ng bottled water at sinaman na rin ng Sneakers.. wow, minsan lang ako makatikim nito sa Sagada ko pa nakabili.

  • 80.00 = Bottled water + Chocolate
  • 1,683.. = Previous
  • 1,763.00 = Total
Ang Cavite Group pagbaba ng sasakyan.

Dahil nga nakasasakyan kami patungong falls ilang sandali lang nandoon na kami. Pero kahit malayu-layo yun, ang mga foreigner ang hilig-hilig maglakad. May nakakasalubong kasi kami ng pangilan-ngilan.

Dumerecho muna kami sa Information Center kung saan doon kami kukuha ng Tourist Guide. At si Bert nga yung ibinigay sa amin. Confirmed! may beki din pala sa Sagada. Hahaha lels. Berta nga tawag sa kanya.

Natawa lang ako, kasi “Subali” sya ng “Subali” akala ko dialect nila yun.. “So, bali” pala yun! hahaha.

Bert: “Subali yung nakikita nyong mga bahay, ayan yung unang barangay dito sa Sagada bago sila umakyat sa itaas” -parang ganyan😀

Ito yung unang barangay na madadaanan namin papuntang Bomod-ok falls. Kakatuwa para akong mangangaso na susugod sa bayan para mamirata. lels.

Alam nyo ang oras pala matapos mananghalian ang best time para pumunta sa Falls kasi ang araw ay nasa likod ng mga bundok kung saan kayo magdadaan kaya ang presyo. Hindi nga tumulo pawis ko! ewan ko lang pagbalik haha..

Ito na yung treking namin. Sabi kasi ni Bert sa likod yung mababagal mag lakad. sa likod ako pumuwesto kasi mag pipicture-picture ako🙂

Pagdating namin sa isang baranggay may nadaan kaming palikuran at doon ay nag wiwi muna sila. Doon din matatagpuan ang isang Information Center may 10pesos na parang entrance fee, parang tulong na rin sa community at para may tutulong sayo kapag nahulog ka sa bangin hahaha..

Habang naglalakad din, tuwang tuwa ako sa mga mata ng mga tao dun ang ku-kyut ng mata parang mga mata ng Mongolian. -tao mula sa bandang Mongolia (Malamang!) na matatagpuan sa itaas ng China.

Tuwang tuwa din yung mga babaeng kasama naminsa Cavite Group. Inggit na inggit sila sa mga buhok ng mga bata na ang iitim at ang dudulas. (Iba na daw kapag wala pang ganung kemikal na dumadapo sa buhok nila tulad ng mga shampoo at conditioner).

Stop over na ring maituturing. Nakapahinga ng sandali.
  • 10.00 = Information Center
  • 1,763.. = Previous
  • 1,773.00 = Total

Napakaganda ng tanawin super! kaya hindi ko na alam kung saan ko ilalagi ang mata ko. Nang may marinig akong…

Donnie: “O picture-picture”

Hindi ko alam kung Bomba ba ang narinig ko kaya nagpanic ako. Kaso ang masaklap nadulas ako sa batong nilalakaran sa gitna ng palayan. Ayun! Basag ang tuhod ko. Lumabas ang pari kasama ang tren.

May narig pa nga ako e.

Unknown: “Yung Camera nahulog!”

Mas concern sila sa camera ko kaysa sakin hahaha!

Pinuntahan ako ng Guide namin pero under survival na ako. lels.

Sobrang na amaze ako sa tungkod ko kasi nalaglay sya sa mga 5 feet sigurong taas na palayaan at doon tusuk na tusok sya sa putik na may palay. Inabot yun ng paa ko at nakuha ko naman. Napa sigaw na lang ako matapos nun. “I SURVIVED SAGADA! joke lang walang ganun haha.

Hindi ko maimagine kung ano na istura ng paa ko pagdating ng panahon kagagala. hahaha

Tuloy tuloy pa rin ang lakad, at manghang mangha pa rin ako sa tanawin, Hindi ko nga maisip ang ganda nito. Kung maganda na ang Sagada Rice Terraces paano pa kaya ang Banaue at Batad sa Ifugao?

Malapit na!

Noong nadaan na namin ang mabatong ilog, sinyales na pala yun na malapit na kami sa falls.

Maya-maya nakarinig na lang kami ng kaluskos ng tubig at tumambad na sa amin ang pagkalaki-laki at pagkataas-taas na Bomod-Ok falls.

Dito ko naranasan yung sinasabi nilang “breath taking”.

Ang tilamsik at malamig na hangin na dumadampi sa balad ko ay sadyang kakaiba na parang isang biyayang gusto mong ipasalamat dahil nasumpungan mo yung ganoong pagkakataon! ang lupet men!

Ang talon ng Bumod-Ok.

Wala na kaming inaksayang oras. Yung mga kababaihang kabilang sa Cavite Group ay nagswimming sa pagkalamig lamig na tubig. Siguro kung naligo ako dun literal siguro na nanigas itlog ko tulad ng sa yelo! hahhaha lels.

Salamat sa kumuha sakin na si Donnie sa malaking Bato🙂 Hindi ko alam kung dito tumayo si Love Añover noong nag proposed sa kanya yung asawa nya.

Dahil sa sobrang lamig hindi ko maiwasang maihi, kaya pumunta ako sa malayu-layo. Sa likod ng pagkalaki-laking bato doon ako umihi at bumulong na. “Makikiihi lang po huwag nyong palakihin itlog ko”😀

Hampas Palu-Palo na lang ang kulang.. hahah!

Kung hindi ako nagkakamali kulang-kulang isang oras din kaming nag-stay dun at umakyat na muli. Mahirap ng abutan ng dilim at may pupuntahan pa daw kami.

Ang sarap mag lakad sa gitna ng palayan😀

Humigit kumulang tatlo hanggang apat na oras daw kaming naglakad, Mabilis na daw yung sa mga tulad naming baguhan.

Pagdating namin sa information center kung saan hinatid namin si Bert. Hahaha kami talaga naghatid sa Tourist Guide. Nagpahinga kami ng kaunti at nagbayad na.

At dahil nga sa sabit lang kami ni Donnie nakatipid kami. Kaya tag 100 lang ang binigay o share namin.

Kung may usapan pala kayo noong nakuha nyong driver/sasakyan. Yung driver na pala ang magbabayad sa Information Center. May kumisyon din ata yung mga driver sa paghatid.

  • 100.00 = Bomod-Ok falls
  • 1,773.. = Previous
  • 1,873.00 = Total

Sumunod na pinuntahan namin ang Sagada Pottery. Nasa ilalim nya ng nagtataang sa pine trees na sabi nga ni Donnie

“Ang lakad maka-twilight”

First time ko nakita ng mga ganitong uri ng kasangkapan na hinulma ng kamay astig. Wala kaming nadatnan sa Pottery House dudukot nga sana ako ng isa kaso baka may halimaw sa loob mahirap ng madala sa Maynila. Joke! Kornik. haha

Sagada Pottery

Sandali lang kami nag tagal sa Sagada Pottery at bumalik na agad sa Van. Ang next destination ay sa Lake Danum. Ang hirap paniwalaang may Lawa pala sa itaas ng Bundok.

Ilang dandali lang natunton na namin agad yun. Maganda ditong mag camping kaya marami sigurong nagtatayo ng tent at nagsisimula ng gumawa ng bonfire.

Akala ko ayun lang meron doon, yoon pala doon din pala ang pinaka magandang viewing point para pagluksaan ang paglubog ng araw.

As in “WOW” talaga. Akala ko nga hindi namin masisilayan ang araw kasi nga medyo maulap. Yun pala pa epal lang at lumilitaw din daw  kadalasan.

Pulang pula ang kalangitan na naglalabas ng analogous na kulay (wow analogous anu yun? haha) sa tuwing tatama sa mga ulap ang liwanag.

Lubog na nag araw dito. post ko yung video next time😀

Matapos noon bumaba na rin kami sa bayan. Sobrang saya sa pakiramdam kasi nga nasumpungan mo yun.

Nagbayad kami ng tag 200 pesos uli ni Donnie ibang bayad naman daw yun sa mga pinuntahan namin.

  • 200.00 = Sagada Pottery & Lake Danum
  • 1,873.. = Previous
  • 2,073.00 = Total

Dumerecho na kami agad sa Yoghurt House para maghapunan. Sobrang nagutom kami sa aming paglakbay. Inorder ko ang Spicy Chicken Indian Curry na naglipana ang berdeng maliliit na sili. Perstaym ko nakatikim ng ganito. Pang karindera lang kasi panlasa ko. Perstaym ko din nakatikim ng kulay violet na kanin na wala namang lasa parang kanin lang din. Pero siguro kakaiba lang talaga sya.

Nsa 180 to 200 ata yung kinakin ko + 50-60 pesos yung brewed coffee sobrang sulit naman.

  • 250.00 = Yoghurt House
  • 2,073.00 = Previous
  • 2,323.00 = Total
Spicy Chicken Indian Curry

Gagala pa yata si Donnie pagkatapos naming kumain kaya pagkatungtong namin ng Homestay hindi na ko lumabas. Kapagod kaya. Magandang tanawin, masarap na pagkain sarap buhay! at doon natapos ang day 2 ko sa sagada🙂

MGA TIPS NI OTEP

  • Huwag ng kumain ng Agahan para makatipid hahaha Joke!
  • Seryoso na ‘to: Humanap ng paraan para makatipid sa paglalakbay -humanap ng makaka-share.
  • Magdala ng manguguya sa paglalakad para makabawi sa pagod at gutom.
  • Huwag tatanga-tanga sa paglalakad.😀

At narito pa ang nakaraan at pagpapatuloy ng kwento.

  • DAY 0 – 24feb2012: Anong hayop ang kayang magsakay ng higit 50 katao as in Hayop! (i-click dito)
  • DAY 1 – 25feb2012:  Baguio to Sagada: I-Sadad… Ahh mo pa! (i-click dito)
  • DAY 3 – 27feb2012: Sagada-Bontoc-Banue-Manila (i-click dito) soon..

SUNDAN SI OTEP

Wala man ni isang karagdagang email subscribers |  followers!
sa nakalipas na dalawang araw. Hahaha

Sa nais pang mag subscribe punta lang sa upper rightside ng blog na ito ilagay ang email o i click ang “SUNDAN SI OTEP”

10 thoughts on “ANG HAMOG, TALON NG BOMOD-OK AT TERRADONG PALAYAN NG SAGADA”

  1. ang mahal ng brewed (kopiko) coffee nila noh? hehehe. kung sakaling makapunta man kami dyan balang araw lagi kong tatandaan na magdala ng sarili kong kape. hahaha.

  2. Kamusta naman yung camera mo? hehehe. Joke. Napansin ko ang mahal ng pagkain pero katakamtakam yung damo na kasama ng pork adobo. Parang may lubid sa taas ng falls, anu yun? Subali pag nakapunta ako jan, hindi ako maliligo dahil takot ako sa malamig na tubig.

  3. ganun lang talaga ang manga presyo ng pagkain at inumin dun, remote place napuntahan mo eh, you have to bare with it, you felt special!:)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s