VISITA IGLESIA’12 PHOTO CHALLENGE


Sa mga susunod na linggo gugunitain o sasariwain na naman natin ang pagpapakasakit at muling pagkabuhay ni Hesus (holy week). May plano ka na ba sa darating na mahabang bakasyon? Alam ko marami sa atin ay may kani-kaniya nang lakad o pamamaraan kung paano natin ito gugunitain, pero sa mga tulad kong wala pang plano bakit hindi n’yo ito subukan.😀

Dahil nga sa wala akong plano, bigla kong naisip na bakit hindi ko hamunin ang sarili ko at i-challenge din ang iba sa pamamagitan ng Visita Iglesia with a twist! Oo may twist! sa pamamagitan ng Church Photography o pagkuha ng mga larawan ng Simbahan.🙂

Madami sa atin ay hindi naman talaga panatiko/palasimba, at alam ko hindi naman lahat sa atin ay katoliko. Bakit hindi natin subukan na sa pamamagitan ng labing-apat (14) na simbahang pupuntahan  ay katumbas di ng 14 na istasyon ng Krus. At sa bawat isa nga doon ay kukuhaan natin ito ng Larawan.

Astig di ba? Hindi ka lang gumugunita sa kabutihan ni Jesus sa pag-ako ng mga kasalanan natin, kundi ginugunita mo din ang kasaysayan dahil madami sa mga simbahang iyan sa Lunggod ng Maynila ay sadya naman talagang historical.

Ang nakikita nyo sa itaas na larawan ay ang pinaka madaling pagkakasunud-sunod, para magdugtong-dugtong ang labing-tatlong simbahan.

Kung itatanong nyo kung bakit naging labing tatlo na lang, kasi mas maganda kung ang una o huling simbahan na pupuntahan nyo ay yung nasa pinaka malapit sa inyo kung saan lagi kayong nagsisimba.

Kung hindi naman, ikaw na bahala kung saan ang una o panghuli mong simbahan.

Pero dahil sa Pandacan ako nanunuluyan, ito yung una kong pupuntahan.

Matapos noon susundan ko na ang orihinal na pagkakasunud-sunod ng mga simbahan mula Sta. Ana Church hanggang sa Sta. Cruz Church. Lahat ng simbahang iyan ay matatagpuan sa anim na Distrito ng Maynila.

At para mas ganahan ka sa gagawin mo sakaling subukan mo ang hamon ko. Mag isip ka ng pangarap o kahilingan at itanim mo sa isip mo na matutupad ito.🙂

Huwag kang mag-alala hindi naman puro lakad ang gagawin mo, pwede naman sumakay😀

ANG DAAN NG KRUS

  • I Ang Huling Hapunan (Pandacan Pandacan Church) – Dito ang pinakamalapit sa bahay namin kaya dito ako magsisimula.
  • IIAng Paghihirap sa Halamanan (Sta. Ana Church) – Dito tayo magsisimula. Madali lang naman makapunta dito. Sumakay ng LRT at bumaba ng Pedro Gil Station doon marami ng sakayan papunta dito. Kung hindi ako nagkakamali 8 pesos ang pamasahe (pero dahil nagtaas na nga P 8.50 na) lels. Matapos manggaling dito sumakay muli pabalik ng Taft (Pedro Gil) at bumaba sa Paco Church.
  • IIISi Jesus sa Harap ng Sanedrin (Paco Church) – Pagkagaling dito, bumalik kung saan ka bumaba at sumakay ng pa-Robinsons Place Manila (Ermita). Bumaba sa M.H. Del Pilar kung saan mismo nakatayo ang Simbahan.
  • IV Si Jesus sa Harap ni Pilato (Ermita Chruch) – Maaring kang sumakay mismo sa labas ng Simbahan papunta sa susunod. pero maari mo na rin lakarin isang derecho lang naman.
  • VAng Paghagupit kay Jesus (Malate Church). Pumunta sa Likod ng simbahan (Mabini Street) at sumakay ng Jeep papuntang Pier o Manila City Hall. Bumaba ng Padre Burgos sa Luneta. Pumasok sa loob ng Intramuros at derechohin ang General Luna street. Ito yung street sa  Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM). Doon din kayo dadaan mamaya para sa Susunod na Simbahan.
  • VIPinasan ni Jesus ang Krus (San Agustin Church). Meron ditong Museum maari ding pumasok. Matapos dito derechohin muli General Luna street at sa dulo noon sa harap ng papuntang Fort Santiago, matatagpuan ang Manila Cathedral hindi ko lang sure kung anong itsura nya ngayon kasi under renovation daw,
  • VIIPinasan ni Simon na taga-Cirene ang krus (Manila Cathedral) Sa harap ng simbahan/fountain (huwag kalimutang mag wish🙂 ), may sakayang papuntang Manila City Hall hindi ko lang din sure kung may pa Divisoria. Kung wala, sa City hall na lang rin sumakay pamuntang Divisoria at bumaba ng Binondo Church. Kung nagpepenetensya ka talaga,  lakarin mo mula Manila Cathedral hanggang Binondo.
  • VIII Nasalubong ni Jesus ang mga Babae ng Jerusalem (Binondo Church). Pagkagaling dito. Hindi ko alam kung may sakayan papuntang Tondo Church. Pero kung may sakayan man siguro mapipilitan din akong maglakad kasi Divisoria ito.
  • IX Pinaghati-hatian ang Kasuotan ni Jesus (Tondo Church) Mula dito pumunta sa sakayan sa kahabaan ng Claro M. Recto at Sumakay papuntang Legarda. Sa Legarda malapit doon matatagpuan ang pambihirang (Twin Churches). Magkaibang simbahan iyon na magkatabi.
  • XSi Jesus sa Krus (Twin Churches Bustillos) Mula dito maari mo nang lakarin ang susunod sa Simbahan ng San Sebastian.
  • XISi Maria sa Paanan ng Krus & XII – Ang Pagkamatay ni Jesus (San Sebatian Church) Dito may sakayan ng papuntang Quiapo. Pagkababa: sa kabilang kalsada ito ng simbahan, kaya dadaan ka ng underpass para makapunta ng simbahan.
  • XIII – Ang Paglilibing kay Jesus (Quiapo Church) Mula dito s Quiapo malapit lang yung Simbahan ng Sta. Cruz dito papunta lang papuntang Carriedo.
  • XIV – Ang Pagkabuhay ni Jesus (Sta. Cruz Church) Dito na matatapos ang Visita Iglesia mo. Accessible nman dito pauwi dahil dito malapit ang LRT Carriedo Station. Mag wish sa Plaza Sta. Cruz. sa Fountain. Madalas kong gawin yun dati. Doon kasi kami nagsisimba ng madalas nung highschool student pa ako.

(Alam nyo ba magiging wish ko?)

At para may katibayan na nagawa mo nga ang challenge, ipost ang 14 na simbahan sa blog mo🙂

Kung hindi ka naman nagbablog mag comment ka na lang dito at sabihing:
HALLELUJAH! Nagawa kO!😀 haha

Ingat kayo! GOD BLESS🙂

17 thoughts on “VISITA IGLESIA’12 PHOTO CHALLENGE”

  1. Ah, malapit ka pala sa Pandacan nakatira, Otep. O, sa Pandacan ka mismo? Tagal ko rin tumira dyan, 12 years! Kaya kabisado ko every nook and cranny ng Pandacan hahaha. Nagulat nga ako nung makita ko yung Balagtas Park kung saan madalas ginaganap ang Buling-buling, aba, ang bongga at may fountain na pala! Wala lang, nabanggit ko lang kasi nga nabasa kong malapit ka lang sa Pandacan Church nakatira hihihi

    Good luck sa photowalk at sana ay maraming makasama sa ‘yo.

    1. haha doon yung apartment ko malapit sa oil depot.. yung fountain dun.. four years ago dumating ako nandun na yun sa balagtas.😀

      san ka nag aral? sa st. joseph’s😀

  2. ayun, nakahanap ka din ng gagawin. :))

    Parang ang sarap sumama, di pa ko nakakapag visita iglesia eh. Kaya lang uwi naman ako sa amin. Sayang!

    Hintayin ko na lang ang update mo tungkol dito. Ingats Otep!🙂

  3. HALLELUJAH! nagawa ko, hindi ko pa napopost sa blog ko e, hehehe, kaso naka 13 lang kaming simbahan kasi kinulang na kami sa oras ^_^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s