“MGA ANGEL NA PUTOL ANG PAKPAK”


Ilang araw bago ang huling araw ko naman sa opisina (yeah resigned na ako)😀, nakatanggap ako ng invitasyon mula kay Kuya Blue (Bernard Umali) upang samahan s’yang magbahagi ng mga laruan at saglit na kasiyahan sa mga batang sabihin na nating hindi nabigyan ng magandang pagkakataon para makasama ang kani-kanilang totoong pamilya. 

Kasama ang first class blogger na si John (kumagcow.com) nagkita-kita kami sa SM Makati patungong Tagaytay  kasama din si Windy, kaibigan/kahanap-buhay ni Blue. Sa tulong ni George (George Theodore Rutherford -tunay na pangalan) maswete naman kaming nakarating ng matiwasay (Ang swabe mag drive ni Kuya Blue!) Noong nakarating na kami sa Augustinian Sisters, sobrang tahimik. Ni-hindi mo kakikitaan ng tao sa bungad. Anim na madre lang kasi ang nandoon at may tatlumpung batang inaalagaan. Sa ibabang bahagi pa sila nanunuluyan. Sa unang tingin mo palang sa mga bata, halatang napaka-energetic nila at tila walang dinadalang mga kalungkutan sa buhay. Bawat bata nagbebless sa’min. Nagmukha kaming Ninong nila e parang magkaka-age lang naman kami. hahahaha lels. Natawa nga ako noong may batang nakipag shakehand sa’kin at niyakap-yakap pa ako para kontratahin akong ibigay ko sa kanya yung Police Car na laruan kapag nagkabigayan na ng regalo (Mahusay na Bata!). Nagsimula din naman ang programa ni Kuya Blue sa pamamagitan ng kwento na may pamagat na “Angel na putol ang pakpak”. Mukhang seryoso naman ang mga bata na medyo may kakulitan mga nsa 6-11 yung mga batang totoong nakikinig at nakikipagkulitan. Samantalang yung iba, medyo may katamlayan., pero maya-maya ay may nagkukusa nang magpapakarga at kakandong na lang sayo. Nagpakilala muna kaming mga panauhin, infairness magaling sila magkabisa. At ganoon din, kinilala din namin sila. Sa unang banat ni palang ni Kuya Blue sa kwento basag agad! 

Kuya Blue: “Ang kuwento natin ay tungkol sa Angel na putol ang Pakpak 

Bata 1 “Ay alam na namin yan e!” 

Kuya Blue: “Hindi, ibang kwento naman ‘to”😀 Hahaha with a twist daw. “wink!”

Sobrang natutuwa ako sa mga bata, halatang binubusog talaga sila ng mga kwento at aral ng mga guro nila kaya ang tatalim ng mga tanong. Nakakatawa lang yung isang bata na habang nagkukwento si kuya Blue ay hinihila yung balahibo nya sa kamay at paa. Hahaha Ouch yun! Natatawa na lang ako sa mga sumunod na mga pangyayari. Ang kwento kasi ay tungkol nga sa Angel na naputulan ng pakpak kaya mula sa langit nalaglag sa lupa. Tinulungan naman s’ya ng mga hayop sa ibaba: tulad ng Unggoy, Ibon at Lion. Hindi na daw magamit yung lumang pakpak, kaya gumawa na lang nang paraan yung mga hayop kaya dahon na lang at mga patpat yung nilapat. kaso Pakpak yun ng Angel so dapat puti. Hindi brown, hindi rin green. 

Kuya Blue: “Tinulungan sila ni Gagamba para makabit nila yung pakpak nung Anghel kaya naging puti” 

Bata 2: “Kawawa naman yung Gagamba baka maubusan nung sapot” (oo nga naman ang laki kaya ng pakpak) Hahaha 

Kuya Blue: “Hindi, tinulungan pa s’ya ng mga kaibigan nilang gagamba” -Hahahaha TNT ako dito😀

Si Daddy Blue habang binabantayan ang kanyang mga anak😀

Matapos noon, nagkaroon ng palaro na stop dance. Sobrang di talaga nagpapatalo ang bawat isa sa isa’t isa kaya binaligtad na ang mechanics ng laro:  Tuwing walang tugtog na sila gagalaw. Wah pa ding effect kaya kahit kurap tanggal na! Sa huli ang batang naggagalang (hindi ko na matandaan) ang nanalo haha. Sumunod na laro ang “Pahabaan”. Nagkaroon ng dalawang grupo. Grupo ko at grupo ni Windy. At sino ang nanalo? Syempre ako. Haha pinagtulungan ba naman nilang tanggalin yung sintas ng sapatos ko. At noong nanalo na, ako na lang mag-isa tumulong sa sarili kong magkabit.😀 Masayang kumain ng Spaghetti with Chickenjoy galing sa Ultimate favorite na Jollibee ang mga bata, kasabay ng pamimigay na dala naming laruan. Medyo naguilty ako ng kaunti dito, kasi hindi ako nakapagdala ng giftnoong Saranggola Blog Awards na sya namang pinamigay dito.

So There! Si KumagCow Habang pinagmamasdan ang mga Bata

Naging Instant Daddy naman si Kuya Blue noong halos ayaw ng bumitaw sa pagkakarga ang isang bata na rosy cheeks.Bago ko pala makalimutan tuwang-tuwa ako sa mga ngipin ng mga bata dito -ang puputi at kumpleto. Inalagaan talaga.🙂

Ang Puppet at ang mga batang masayang naglalaro

Kahit pa sobra ang nadala naming mga laruan para sa mga bata, hindi talaga maiwasang may magkainggitan at magkaiyakan na natural naman sa mga bata.🙂

Mga Kaibigan ni Blue (dalawang babae sa kaliwa), John (KumagCow), Windy, Otep at Kuya Blue

Ang sarap ng pakiramdam ko nang mga oras na iyon, na bilang wala namang naiambag sa grupong ito bukod sa pagsama ay nabigyan ako ng pagkakataong masaksihan ang mga bagay na madalas ay tagong-pipi ng ating Lipunan. Ang dami palang batang nangangailangan ng kalinga at tulong. Kinurot nga ako ni Sister sa sinabi nya, na kahit hindi magsalita ang mga batang iyon masaya silang may bumibisita sa kanila at may nagpapakitang may nagmamahal at nagpapahalaga sa kanilang iba.

Salamat kay George: Sakay na!😀

Bago kami umalis, taos-puso namang nagpasalamat sa amin si Sister dahil kahit kami-kami lang naging matagumpay ang outreach namin sa tulong pa din syempre ng marami nating Bloggers🙂. Nakatutuwa din yung sinabi nyang tumagal kami sa Tirahang iyon ng maraming oras, hindi tulad ng iba na kadalasan ay isang oras lang. Madami pang naikwento si Sister tungkol sa mga bata at kung paano sila napunta dito. Medyo mahirap pakinggan, mahirap unawain na meron pala talagang ganito sa totoong buhay. Nalulungkot ako sa mga sanggol ganoon din sa mga batang nasa 12-13 taong gulang na sa ayaw at gusto nila, ililipat din sila sa iba na namang tuluyan pagdating ng panahon. (Hindi ako sigurado pero wala talagang permanente sa lugar na iyon sa buong pagkabata mo) Syempre, nakakalungkot isipin ang maiiwanan nila ang mga kalaro at kaibigan na nakasama nila sa mahabang panahon. Haaaaaaay Minsan nang naputulan ng pakpak ang mga Angel na iyan dahil sa iba’t ibang kwento kung paano sila napadpad dito. Sana tulad ng hayop na tumulong sa isang Angel sa pagkakahulog n’ya, tulungan din sana nating muling makalipad at makatayo ang mga batang wala namang kasalanan pero nabibigyan ng kanitong kaganapan sa buhay. Maraming dahilan at paraan para tumulong. Sa mga susunod na sandali ipopost ko dito ang contact number ni sister at saktong lugar. (kapag nakuha ko na) at narito na nga:

Augustinian Sisters-Tagaytay City

ADDRESS. Augustinian Sisters Servants of Jesus and Mary. Mo. Teresa Spinelli Novitiate House, Kabangaan Road, Iruhin West, 4120, Tagaytay City. Philippines. Tel:- 046-413-39-45 Fax:- 046-860-00-16 Celphone:- 09192658058 E mail address:- srcarmenborg@yahoo.com website: Augustinian Sisters Servants of Jesus and MaryBago kami umalis nagkantahan pa ang mga bata “♪♪Thank you.. thank you.. ang babait ninyo thank you! ♪♪” Parang pasko lang. haha Akala ko nga aampunin na ako nila Kuya Blue at iaalis na kina Sister kaya nag-iiyak ako.

“Sister! huwag nyo po akong ibibigay sa kanila!” hahaha (natuwa naman si sister)

Ang araw na iyon ay natapos sa pagkain namin ng Bulalo sa Leslie’s-Tagaytay at matiwasay muling nakauwi. Salamat kay George ay! Kay kuya blue pala sa paghatid😀

–oOo–

If you drop it, Pick it up

If you sleep in it, Make it.

If you open it, Close it.

If you empty it, Fill it up.

If it rings. Answer it.

If it barks, Feed it.

If it cries, Love it.

–oOo–

(kinopya ko lang yan sa House rules nila)

__________________ Maraming Salamat muli sa mgakaragdagang email subscribers |  followers! Sa nais pang mag subscribe punta lang sa upper rightside ng blog na ito ilagay ang email o i click ang “SUNDAN SI OTEP” Salamat :)

12 thoughts on ““MGA ANGEL NA PUTOL ANG PAKPAK””

  1. yey, parang pinagpala narin ang pakiramdam ko! dahil nakagawa tayo ng munting kasiyahan para sa mga bata! more good deeds ubloggers!

  2. haha natawa ko sa tshirt ni MJ sa so there hahah… anyway im so happie at na experience mo ang ganyan sobra over whelming ang pag tulong sa mga bata…
    so happie for you.. at syempre kay kuya blue.. ikaw na ang story teller ng bayan hahha…

  3. Masayang malungkot ang post na ito. Kalunggkot dahil may mga batang nagdurusa at nalulunggkot dahil sa pag-iwan sa kanila. Masaya dahil nakapagpasaya kayo at ang inyong mga ginawa sa mga batang ito, kahit sandali lang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s