COFFEE DREAM


ANG INIT! Sinong nagsasabing panget na magkape kapag mainit na ang panahon? Nitong weekend -wala na naman akong magawa (as usual) kaya nagpunta ako sa Mega Mall para maghanap ng anik anik na mabibili, makapag relax at maglibang na rin. Sakto namang naalala ko yung coffee shop na… na-research ko dati sa internet  tungkol sa mga kapihan dito sa Pilipinas bukod sa Starbucks.

Coffee Dream @ SM Mega Mall, 4th Level (Bldg. A)

Mahilig kasi ako sa Kape, kung sa office nga nakaka dalawa hanggang apat na baso ako ng instant coffee kada araw. Kung minsan naman sa bahay, nilalagyan ko ng bloke-blokeng yelo yung 3-in-1 para maiba naman. Minsan naman sa gabi, kahit may usaping baka hindi ka lalo makatulog e nagagawa ko pa ring magkape (decafenated naman e! lels) doon mas narerelax ko ang sarili at mas nauuwi sa mahimbing na tulog. Kapag nakaluluwag naman nagagawa ko namang mag-Starbucks.. (minsan lang yun, pero nakakasawa na rin.)

Ito yung store nila, malinis, simple pero Rock m/

Yun na nga! Nagawa kong sadyain yung Coffee Dream sa 4th Level ng SM Mega Mall malapit doon sa parking. At para maiba naman sa mga nakasanayang kapihan, inorder ko yung bago nila TSOKO FREEZE. hahaha kape tapos biglang tsoko inorder ko lels.

Coffee Dream's Tsoko Freeze

Putcha! napaka refreshing🙂 yung tipong parang kapipitas pa lang na Cacao sa puno tapos ginawa na agad na masarap na inumin. Hindi siya tipikal na chocolate flavor o kaya lasang Milo. Basta Tsoko talaga sya! ay! Tsoko na Gatas?, Gatas na Tsoko? hahaha lels.

Tulad din sa mga ordinaryong Coffee Shop meron din syang 3 sizes (tall, P110; grande P120; venti P130) at syempre venti agad binili ko patay gutom ako e😀. O di ba mas cheap s’ya ng kaunti kumpara sa ibang coffee shop. Affordable! at Sulit pa!

Pero ang totoo, kung bakit ako naging interesado sa Coffee Shop na ito? Ito  kasi yung saktong pangalan sana ng store na itatayo kung sakaling natupad yung pangarap ko na makapagpatayo ng coffee shop bukod sa itatayo ko pang publication. (Ambisyoso lang! bakit ba!?)

Sobrang saya ng pakiramdam ko habang hinihigop yung inumin ko.. yung tipong mararamdaman mo na parang may talk bubble ka sa ulo tapos nakasulat:

Ambisyoso lang lels.

Sana sa susunod na pagbisita ko Coffee Dream may kasama na ako🙂 Mas masayang magkape kapag may kausap🙂

May bago na naman akong kaaadikan. Parang trip ko tuloy puntahan lahat ng branch nila😀

–ooOoo–

Maraming Salamat muli sa/mga karagdagang email subscribers | followers!

  • toneddownandvintage

Sa nais pang mag subscribe punta lang sa upper rightside ng blog na ito.

Ilagay ang email o i click ang “SUNDAN SI OTEP”

Maraming Salamat!

47 thoughts on “COFFEE DREAM”

  1. Tamang tama pag nagpatayo ka na ng publication itabi mo yung coffee shop tapos take mo suggestion ni Bino “Libre lang Magkape” ang name hehehe.

  2. Hi Otep!
    🙂

    This is Krisielou of Coffee Dream. Thank you for this blog post! It’s very entertaining to read! Thank you for the kind words on our Tsoko Freeze, considering it’s a newly-released drink. Here’s to hoping you’d influence your friends, readers and followers to try the product, too!

    I do hope you could come to Cebu and check our branches here..
    Looking forward to meeting you by then!😉

    – K.

    1. Hi Krisielou! I really love the shop, the concept, the product everything! Wahahahaha wagas maka english! lels.

      utu-uto mga followers ko kaya itatry nila yan🙂 joke lang🙂 may taste ang mga readers ko kaya for sure itatry nila yan at hopefully i blog din nila🙂 specially yung tsoko freeze🙂

      makakapunta din ako sa Cebu at dadayuhin ko mga branches dyan🙂 salamat sa pag-aabalang mag comment sa blog ko😀 lels

  3. Wow. Mukhang masarap nga. Gusto ko yan, sokolet! I’m more of a chocolate lover kesa sa coffee drinker. Future diabetic, ganyan! Wag naman po sana. Kahit sa nasabing sikat ng kapehan, lagi chocolate binibili ko. Hahaha. Minsan lang ako mag-kape, ewan ko, di ko kasi nakukuha yung saya na naidudulot ng kape sa ibang tao. Bow!

    1. oi men! alam ko pangmayaman yang panlasa mo.. kaya dapat i try mo ‘to. pang susyal ‘to pero affordable haha..

      yun nga maganda sa mga coffee shop kahit na naturingang kapihan may mga tsokolate pa ring naliligaw🙂

      hopefully, makasa din kita habang nagkakape i mean mag tsokolate..haha mas masarap uminom lalo na kapag may kausap😀

  4. Coffee! Coffee din ang nagbibigay sakin ng buhay. Di kumpleto araw ko pag walang kape. Try Blenz. Masarap yung espresso nila. Dyan ako nagbbreakfast dito e.🙂

    Good luck sa kapehan! Libre ako pag pumunta lp ha. Hahaha

  5. super like ko yang blog mo! sana nilagay mo dun na naubos mo na 3n1 coffee sa drawer ko. hahaha! gusto ko rin matikman yan otep! mukha ngang masarap! may malapit ba sa office nyan? nananawa nko sa SB. puro dun nlng pix natin… sama mu kmi jan sa coffee dream mo ah?!

    1. hala ka kailangan bino-broadcast na ako nakaka ubos ng kape sa office? lels.

      sige sulat tayo sa coffee dream na sana mag ka branch na sa area malapit sa atin. haha

  6. not a coffee person here… but it’s good to feature local industries/franchises that can equal or surpass foreign brands… keep it up… they deserve the much needed “publicity” since they have the quality to back it up with…🙂 buy Pinoy!🙂

  7. na-curious naman ako sa coffee dream, mai-try nga din kapag napadaan sa sky garden, tama ba na meron nga sa sm north? (nabasa ko lang post mo sa ublog). dapat may libre kang kape kapag nagpunta ka ulit sa coffee dream, wagas ang promote mo dito sa blog at sa FB eh…hehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s