DUGYOT NA JOLLIBEE!


Hindi ito ang unang pagkakataon na magsusulat ako ng isang karanasan sa all-time-favorite nating fastfood -ang Jollibee. Madami na rin akong naisulat tulad o patungkol sa kanilang “mababait!” na crew at pati na rin sa promo nila sa mga SM Cinema (dati). Pero hanggang blog at opinyon lang naman ako. Bukod kasi sa… sa tingin ko’y pag-aaksaya lang ng oras ang magreklamo at sa tingin ko’y hindi na naman nila maibabalik ang pagkainis ko kaya hindi ko na ito ipinaalam sa pamunuan ng nasabing establisyemento.

Isa pa, bukas kakain na naman ako sa kanila.

Pero minsan naiisip ko rin na bakit hindi natin ipaalam sa kanila, malay natin magkaroon ng aksyon o kaunting pagbabago. Tutal yun naman ang dahilan kung bakit sila humihingi ng feedbackย  sa mga tao. Isa pa madali na naman makipag-ugnayan sa kanila ngayon dahil may internet na.

Kamakailan, humigit isa o dalawang buwan na ang nakakaraan, nagawa kong magreklamo sa Jolibee PGH-Taft branch nila (Minimention ko dito yung branch para hindi naman mageneralized lahat ng branches nila) Tungkol sa nakakadiri at nagsesebong mga baso. Gaya nga nang nasabi ko malay natin sa muling pagbalik mo/koย  maayos na lahat at wala na ang nagmamantikang softdrinks dahil sa hindi kalinisang baso.

Nagagawa ko namang papalitan, at sa pagbalik ng isang crew… nakalagay na ito malinis na disposable na baso. Ibig sabihin, sa baso talaga ang problema.

Nag-email ako sa kanila at nakakatuwang nagawa nilang sagutin ang reklamo ko.

(Click to enlarge) Ito yung unang reply nila sa akin (March 11, 2012). At aminado silang hindi ito ang unang reklamo na natanggap nila tungkol sa nagsesebo nilang baso.

At mas nakatutuwa hindi lang basta isang email o isang tao ang sumagot sa reklamo ko.

(Click to enlarge) O ayan ha! nag assured sila na aaksyonan nila para hindi na maulit (March 12, 2012)

Pero nitong Miyerkules (April 25, 2012) nagawa kong muli kumain sa nasabing branch. Inaasahan kong maayos na at malilinis na ang baso nila at hindi na kakikitaan ng mga nagmamantikang lumulutang sa softdrinks.

Resibo ko, katibayan na nangyari ito matapos ang matagal kong reklamo.

Hindi ko agad nakita yung softdrinks at sa pag-upo ko doon ko lang nakita ito. Mabuti na lang dala ko ang camera ko. Kinuhaan ko ito para i-email muli sa kanila na nabaliwala lang ang mga nauna kong reklamo.

Ang sarap di ba? mas masarap yan personal! haha

Hindi ako maarteng tao, at mas lalong hindi nakamamatay ang sebo. Pero kung iisipin mo na mula ito sa isang kilalang kainan at nagiging pagkakakilanlan na din ng mga Filipino na dapat ay mas lalong pinagkakaingatan ang kalinisan at tiwala ng mga tao.

Sabi ko nga sa mga email ko, madali naman ang solusyon: Kung hindi magawang malinis ng husto ang mga baso edi gumamit ng disposable na baso! di ba?

Alam ng lahat kung bakit gumagamit na ng mga hugasing kasangkapan ang mga fastfood ngayon upang maibsan o mabawasan ang kalat na nilalabas nito sa kapaligiran. Pero kung iisipin, anong pagkakaiba nito ngayon kung napapabayaan din naman ang kalinisan kung saan mas matindi pa!, dahil kalusugan na ng tao ang nakasalalay?

Alam ko lahat tayo may pangarap sa kalikasan, pero sana balansehin nyo naman!

Iniisip ko ngayon kung magiging OA ba ang kalalabasan ng karanasan kong ito sakaling mabasa nyo na. Pero saganang akin lang, Sayang lang talaga ang effort kong magbigay ng feedback ganoong wala din naman palang aksyon.

Ngayon, sakaling magpaulit-ulit ang ganitong siswasyon hindi na ako magu-guilty dahil nagawa ko na yung part ko, hindi lang bilang blogistang may kakayahang magbigay ng opinyon kundi bilang isang simpleng mamamayan na apektado sa kadukyutang ito.

P.S. Nandidiri talaga ako, iniisip ko tuloy ngayon:ย  ilang laway kaya ang nagsama-sama sa basong iyon. Iniisip ko din kung sinasabon ba talaga ang mga baso? -gumamit sila ng JOY effective yun promise! haha lels.

60 thoughts on “DUGYOT NA JOLLIBEE!”

    1. wow galing ako sa bahay po.. food blog๐Ÿ™‚ yun nga maganda dyan, maaalis kahit paano ang pag-kauhaw sa pagkaing Pinoy๐Ÿ™‚ ganun din ba ang binibenta ng jollibee sa ibang bansa?๐Ÿ˜€

  1. May point ka Otep. Ako kasi paborito ko rin ang Jollibee. Yan ang nakalakhan kong kainan. Tama lang ako sa baso na hindi disposable, para mabawasan ang plastik, pero naiintindihan ko rin ang panig mo na dapat ito ay malinis. Wag naman sana nilang tipirin ang sabon para sa kalusugan ng mga parokyano ng Jollibee diba?

    1. Di ba te zen? sana balance talaga? nabawasan nga ang kalat baka madagdagan naman ang sakit ng mga tao dahil sa hindi kaaya-ayang kasangkapan ng Jollibee. -favorite ko pa rin ang Jollibee syempre sa ibang branch na lang siguro ako kakain.๐Ÿ™‚

  2. Yung friend ko pag kumakain kami sa Jollibee at ibang fast food chain, pati kutsara at tinidor nahingi siya ng disposable. Kasi madalas pati mga kutsara nila mag singit singit na itim sa tinidor.

    Hindi naman sa pagiging maarte pero syempre kailangan nating mag-ingat at pangalagaan ang ating kalusugan.

    May nagsabi sa amin na ang mga baso daw kasi sa Jollibee hindi naman sinasabon after gamitin ng ibang customer, binabanlawan lang ng tubig.

      1. i have been working for 2years in Jollibee po. Lahat po ng condiments and utensils eh dumadaan sa sanitizing machine kaya malinis po eto.ang problema lng po minsan nagmumukhang masebo ang ibang baso. pero hindi po lahat ng Jollibee food chain eh ganyan.. they are following standards po.

          1. yan ang matagal ng pini petition dito, ehehhe..mga copy cat lang ang meron dito, jolly-V dati na naging happy bee..in fernez, lasang lasang Jollibee naman.ehehhe

  3. pansin ko lahat ng blog entry mo puro reklamo sa lahat ng bagay. tsk tsk tsk. ginagawa mo lang ba to para pagusapan ang blog mo, what makes your blog credible? pati sa mga houserules ng mga pinuntahan mo nagrereklamo ka. sana maging positive blogger ka naman. mas sisikat ka sa ganun.

    1. Hahaha siguro talaga jollibee ka? anong credible ba gusto mo andyan na nga o sobrang balanse na yan.. kapag nagsusulat ka hindi lang dapat reklamo nandyan dapat yung maisa-suggest mo kung paano mareresolba ang reklamo.. saka pwede mo naman isa-isahin at tignan mo kung saan ako nagkamali?

      btw, nagsusulat ako hindi para sa ikasisikat ko at hindi ko ‘to ko pinagkakakitaan,

      salamat sa pagti-tiyagang mag comment๐Ÿ™‚

  4. LoL. truelaluu. napansin q nga rin. lalo na sa PhotoWalk topic niya. Complain to the max hahaha. Huwag ganun sister. Bad girl!

    1. haha natawa ako! naki-aayon ka sa sarili mong comment pareho kayo ng IP ADDRESS (202.78.78.130) na ginamit mo (naniniwala na ako taga Jollibee ka, ayaw nyo tumanggap ng katotohanan?).

      Btw, Salamat sa pagbabasa ng mga previous post ko๐Ÿ™‚

  5. Hay naku Otep, alang panget sa post mo, sa ‘yo pa nga nanggaling na ayaw mo mag-generalize eh, wag mo na pansinin negative comments dito, gusto lang nila I-discourage ka. Naranasan din ng friend ko yan, ibang branch naman.

    At karamihan ng post mo ay nabasa ko na, di ko naman napansin yun puro reklamo, bumabalik nga ako at ilan friends sa office dito sa blog mo kase napapatawa mo kami eh. Kaya wag mo na pansinin mga nag-comment ng negative.

    1. yun! haay salamat naman sa sinabi mo.๐Ÿ˜€ ito yung nakaka tanga talaga sa mga bloggers kapag nakaka katangap ng panget na puna, hindi naman pwedeng puro good comment pero nakaka praning din talaga hahaha.

  6. Ang ginagawa ko diyan, binabalik ko kagad yung order ko at papapalitan. Para mas mabilis yung aksyon. (Pero in a nice way syempre.)Pero kung ayaw nilang palitan, ipapainom ko sa manager yung coke na may sebo. Kanyang kanya na. Harinawang magawan ng aksyon yan sa lahat ng branches nila. Magkaiba ang kaartehan sa kalinisan. Kaya hindi OA ang reaksyon mo. Lalo na’t maraming bata ang tumatangkilik sa kanila.

    1. yeah. alam mo hindi lahat ng tao kayang ipatawag pa yung manager. lam mo yung ginagawa ko, tumatawag na lang ako ng crew at pinapalitan ko. tapos sabay sulat sa kanila. sumasagot naman sila, kaso ang masaklap walang aksyon.. kaya pauulit-ulit talaga.

      1. alam mo po, sa 3 branch na pinagtrabahuan ko na jollibee, kapag nakakatanggap kmi ng reklamo kahit katiting, isang kadamakmak na aksyon ang gagawin agad at kung maaari binibigyan agad namin ng mas mabuting serbisyo.

  7. isa lang ang solusyon jan magdala ka ng sarili mong baso dun mo ipalagay kung ano man ang gusto mong inumin para nakakasigurado ka at nakakatulong ka sa kalikasan.

    1. ano yan starbucks? lels. hahaha di naman sa ganun.. sana kahit paano yun man lang kalinisan.. kaw kaya mo bang uminom sa maduming baso? kaderder kaya.

    1. Wahahaha natawa ako sa bareta.. iniisip ko din baka sama-sama talaga ang paghugas ng mga kasangkapan nila.. di ba dapat baso muna ang una? hahaha hindi kasi ako naghuhugas ng pinggan pero yun yung sabi sakin, sapat unahin yung pinakamdadadaling hugasan.

    1. syempre pinapalitan ko. pag balik nasa disposable na lalagyan na.. at makikita mo talaga saan yung problema..

      instant wala ng sebo.. madumi talaga ang baso.

  8. Nakow!๐Ÿ™‚ I worked before sa Jollibee and to be fare maganda ang standard nila when it comes to cleanliness. But, yung mom ko was admitted at PGH for 4 month sa and I dinned here once – tapos hindi na ako bumalik kasi nga ganun, d ko rin feel kahit disposable na spoon and pork ang gamit ko kasi off nga yung ambiance…hehe I go instead sa Robinsons Place mas okay dun๐Ÿ™‚

    1. hi christine, yun na nga kaya sanabi ko yung branch dito para hindi na ge-genaralized lahat ng branch.. wala pa ding tulad ang jollibee, minsan nakakalungkot lang bakit may mga ganitong branch.

      1. uu nakakalungkot talaga, bilang alam natin na bata ang main market nila๐Ÿ˜€ dami kasi sub standard na Jollibee store dito. Makakakita ka nalang ng maayus na store sa mag totyal na place๐Ÿ˜€

  9. Problema kasi sa mga fast food sa atin sa Pinas, tao ang naghuhugas ng mga gamit. Wala man lang dishwasher. Okay lang naman kung tao kaso dahil maramihan ang paghugas hindi na nila nare-realize na hindi maayos ang paghugas nila.

    Lupet naman ng Jollibee! Kumpleto siguro sila ng mga aparato pero walang dishwasher samantalang ang mahal mahal ng franchise niyan. Bulko-bulkong milyon ang kinakamkam nila makuha lang ang pangalan, iba pa ang bayad sa mga kagamitan.

    1. Oh my!!๐Ÿ™‚ ndi nmn lahat ng jollibee..๐Ÿ™‚ even ibang fastfood chain dto sa pinas same experience, lalo n ung gumagamit ng reusable wares.. Na experience ko din yan, may problem yan sa tao.. Bka pumapasok lang para sa sahod, walang concern sa ginagawa nya… Anyways bigyan nten ng chance baka gumawa ng action..๐Ÿ™‚ what do you think?

  10. Ayan tau eh… Wala sa hulog! Ive been to Jollibee The Fort, it was an excellent experience. Sana tuluran ninyo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s