HANGGANG SA DULO NG WALANG… MUHAN


Tila nama-maligno ako noong una kang nasilayan,
Nabighani agad ako ng sa iyong hiwaga’t karigtan…
na sa hinuha ko’t panaginip ay hindi ko inaasahan.

Nais kong magwika ng marahan,
humugot ng mga salita mula sa malalalim na panitikan,
halubugin ang buong silid-aklatan at doon  nais ilarawan kung anong pagtangis ang nais isigaw.

Minsan naisip kong sana’y naging isa ka na lang Kulisap
at sa una o sa hinaharap nama’y ako’y naging gaserang naglilingas,
hindi upang maging mapang-akit na liwanag sa’yo, kundi maging gabay mo saan mang landas.

Utak Galunggong man akong turingan ng karamihan,
bilasa at hindi ganoon kaaya-ayang samahan,
Nais ko paring subukan at ipaalam,  kung gaano kita kamahal!

Nananatili pa rin ang pangarap kong masawi para sa minamahal
Maging Bayani ang martir kong puso alang-alang sa pagmamahal
gawaran man o hindi basta’t nagawa kitang protektahan.

At sa pagkakataong nasa higit anim na talampakan na ako mula sa kailaliman,
Huwag sana kitang makitang lumuluha sa harap ko habang nasa damuhan.
Ikalulungko’t ko iyon, pero anong maggawa ko kung iyon lang ang paraan?

Wala ni-alin man sa kagawarang pangdalubwikaan o politikan ang kayang magpaliwanag ng aking nararamdaman.
Natatanging hangin lang ang kayang sumagot na nagpapaalintayog tulad sa saranggola ang kayang sumalamin dito,
nakalutang. -patuloy sa nagpapakabaliw sa minsa’y masarap subalit nakapapanakit na pagmamahal.😦

(Inspired by my Karas lels😛 )

]—–♥♥♥—–>

Ang Lahok na ito ay para sa “Bagsik ng Panitik” contest ng Damuhan


24 thoughts on “HANGGANG SA DULO NG WALANG… MUHAN”

    1. wahahaha iba talaga pag may pinaghuhugutan ilang sandali ko lang yan ginawa.. medyo nahirapan lang ako sa mga given na words🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s