MY COFFEE DREAM CHALLENGE


Nitong mga nakaraang linggo ka-grabe ang init!, (Buti nga ngayon umuulan na sa Maynila) hindi ako makatagal sa apartment kong ayaw ng talaban ng electric fan. Bukod doon, wala din akong mapaglibangan dahil sira yung TV  na ibinalik ko na sa SM Appliance para irepair. Syempre alamang libangin ko ang sarili ko sa kakaibang paraan hahaha kacheapan! (bawal ang green😀 ) Kaya lumabas na lang ako at pumunta sa malayu-layong lugar.

Ang lakas ng trip ko no?! Dumayo pa ako sa SM Valenzuela para mag-Coffee Dream. Yeah sa SM Valenzuela talaga😀 Apat palang kasi ang branches ng bago kong favorite na kapihan dito sa Luzon. (SM Mega Mall, SM San Lazaro, SM Dasma. at SM Valenzuela).  Ito yung Challenge ko sa sarili ko.. na puntahan lahat ng branches nila. Sa July ko na uumpisahan yung sa Mindanao. lels.

Tamang-tama naman dahil mayroon akong kaibigan malapit doon sa lugar na once in a blue moon ko lang makita.

Itago na lang natin s’ya sa pangalang “Azul” oo nagpapatago s’ya ng identity, pero isasambulat ko ang picture nya sa baba. Hahaha. Huwag kayong maingay may pinagdadaan kasi syang sigwa. Kahihiwalay palang kasi nila ng jowa nya at hindi nya alam kung ano ang gagawin nya. Sabi ko nga magbigti na lang! Hahaha.

Coffee Dream SM Valenzuela, 2nd Level

Kaya saktung-sakto! i-kape na yan! Minsan kasi sa buhay natin kailangan nating mag-relax, e saan pa ba ang alternative at pwede? syempre doon sa lugar kung saan medyo tahimik habang nagpapakalunod ka sa kape. At doon pwede mo ilabas ang galit mo. hahaha.

Ito na nga yung sinasabi ko noong nakaraan, na mas masarap talaga mag kape (kahit hindi literal na kape iniinom mo) kapag may kausap. Mai-enjoy mo yung pag-inom.

Ang heartbroken na si Azul

Creamy Irish yung inorder ko (pina-order ko pala), natikman ko na kasi yung Tsoko Freeze last time na pagkasarap-sarap!🙂 (try ko naman yung iba everytime na pupunta ako sa store nila para matikman ko lahat.

Ang nagpapawis sa lamig na coffee dream! Sarap😀
Sabi ko kay Azul, iba orderin nya para matikma ko yung iba.
Pagserve samin nung order namin, heksayted akong nagtanong:
Otep: Ano inorder mo men?
Azul: Creamy Irish
Otep: Yung sayo?
Azul: Creamy Irish din
Otep: Taragis na yan! Sakit mo sa bangs!

Aawayin ko sana sya, kaso na-aalala ko nagdadalamhati pala sya, tapos sya pa nanlibre, sana lahat ng heart broken tulad nya -nanlilibre hahaha.

Ang Laki ng ilong ko dito, Nagalit kasi ako sa sarap.😀
Creamy Irish: Tall 130.00 | Grande 140.00 | Venti 150.00
Ang cute ng Ilaw nila o! pwedeng ulap, pwede ding talk bubbles lels😛 Pero mas cute yung tee ni ate, sarap arborin!

Ang sarap ng Creamy Irish walang halong kaek-ekan promise!:D  Hindi ko lang sure pero sabi sa nababasa ko tungkol sa recipe ng Creamy Irish…may halo daw ‘tong Irish whiskey wow! iko-confirm natin yan!

Sobrang simple ng store nila pero ang kakaiba talaga ay yung mga clouds na kapag natapat ulo mo, para kang nanaginip ng gising at nangangarap lang.. e yun ay kaeng-engan lang nag pag-iisip ko astig kaya!

Medyo nadidiliman lang ako ng kaunti sa store nila. Siguro pabor yun sa mga may dalang laptop at tab, pero sa tulad kong mahilig magbasa mukhang kailangan kong sa labas gumamit ng mesa . (tanungin nyo ko ang favorite book ko? wala akong masasagot, ganoon ako kahilig magbasa lels.)

Sa loob ng Coffee Dream SM Valenzuela

Sa last post ko pala tungkol sa coffee dream daming nagtatanong kung sponsor post ba ‘to. MALAKING HINDI sobra lang kasi akong natutuwa sa pangalan sa store. At tungkol naman sa coffee dream challenge ko yun ay pakulo ko lang. Sobra kasi akong boring na tao, ako yung taong hindi mo mapapanatili sa iisang literal na lugar kaya naiisipan ko ‘to.

At dahil sa challenge nga, gusto ko lang sabihin o ihambing na ang “Challenge” at  “Pangarap” ay parang iisa lang  yan!, kung hindi mo ii-enjoy at paghihirapan, sobrang boring din ng pangarap diba? lalo na kapag nakuha mo sya nang ganoon kadali.

Ang pangarap mas masarap makamtan kapag alam mong matagal mo itong  hinintay, at sa bawat daan bago mo marating yun masarap balikan kung alam mong… sa bawat hakbang mo, sobrang dami palang kwento na pwede mong balik-balikan. ansabe? haha

Creamy Irish yumyum!😀

Nakakadalawang store palang ako, pero sobra na akong nag-eenjoy. Sino gusto sumama sa next Coffee Challenge ko? Pwedeng sa SM San Lazaro pwede ding sa SM Dasma🙂

–ooOoo–

Maraming Salamat muli sa/mga karagdagang email subscribers | followers!

  • emilayskie
  • CrazyFrog

Sa nais pang mag subscribe punta lang sa upper rightside ng blog na ito.

Ilagay ang email o i click ang “SUNDAN SI OTEP”

Maraming Salamat!

25 thoughts on “MY COFFEE DREAM CHALLENGE”

  1. eh di ayoon, nag-on ng comments! hahaha. Parang nakikinita ko na sa Davao eh maghahanap tayo ng coffee dream! Isasama sa itinerary? lels. at nagmomoment ung kasama mo ah.

    1. tomoh.. okay lang ganyan ang kasama basta nanlilibre hahaha😀

      oo nga e, 5 days tayo dun sa davao., tatalon ako ng eroplano kapag hindi nyo ako pinayagan pumunta sa SM Davao. haha

  2. Hayyy… Buti ka pa… You like coffee… I’m not a coffee drinker kasi pero ganda ng trip mo ha…

    Anyways, mukhang hindi naman problemado ang kasama mo based sa pic. LOL

    1. hahah @Mangyan Problemado yan promise haha.

      naku sayang naman.. madami namang klase ng kape for sure kahit isa dun may magugustuhan ka🙂

    1. kaya nga ako naghahanap ng kasama kasi papalibre ako lels. hahaha sige ba, san ba province mo baka may coffee dream na dun?

  3. its a break…its a coffee time…..class naman na coffee yan….sa amin…native lang…hehehe

    1. hahaha parang kit kat lang.. have a break have a kitkat.. try mo yung tsoko freeze nila pagkasarap sarap na tsokolate😀 meron ding hot.

      1. naku…hehehe parang hanggang tingin na lang ata ako….ganda ng picture eh….makatulo-laway

          1. hehehe…pauso lang po…..talaga naman eh…..palibhasa’y di pa nakatikim nyan…promise…..

  4. nakita ko yung store nila sa mega pagbalik ko doon susubukan ko mga kape nila. muka kasi akong kape pero kuripot ako e kaya bihira ako magkopishap hehe

  5. Mukhang masarap nga (ulit). Kaya lang, half price ang frap ng starbucks ngayon, baka walang bumili sa kanila. Hahaha. Pero i wanna try. Pwede ka na nilang bigyan ng gift cert dahil sa free endorsement mo. Hahaha. Sobra pa ang puri mo kaya dapat i-link na to sa kanila. LOL

  6. Akala ko ba isasambulat mo yung picture ni Azul? Hahaha..

    Aba hindi ko na yata naabutan yang coffee dream na yan ah. Kelan nagbukas yung sa Megamall? Hmmm..

    Oo nga mukhang madilim masyado diyan. Suggest mo liwanagan ng kaunti yung mga clouds nila parang umaga ang dating. Hahaha..

    Nakaka-miss yung init sa Manila kapag nanginginig sa lamig dito. Parang gusto ko na umuwi.

    1. @emilayskie yun na yung pic! hahaha

      hindi ko sure e.. pero yung sa SM Mega nasa gitna lang sya ng mga tindahan tapat ng escator.

      ang cute talaga ng clouds.😀

      kaw na nasa malamig.. buti nga mga kapihan dito, kapag mainit may mga chills coffee kapag malamig syempre may mainit na kape😀

      uwi ka na! hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s