NANG NA-EMO NG DAHIL SA ULAM…


Nitong linggo gutom na gutom akong lumabas ng bahay para makahanap ng makakainan (parang patay gutom lang). Hindi ko alam kung ano kakainin ko pero gusto ng may sabaw. Sumakay ako ng bus biyaheng pa-Quiapo mula sa Pandacan at doon sa SM Manila bumaba. Pagtuntong ng kanang paa ko sa lupa (semento pala) agad na nag hello sa akin ang Andok’s at tila nang-aakit na tikman ko ang Sinigang na baboy nila. Tamang-tama sa nanunoot  at sabik sa sabaw kong lalamunan, kaya doon ko na lang napagpasyahang kumain.

Photo credit: http://www.andokscorp.com/
Andok’s Pork Sinigang Yumyum🙂

Kung inaakala nyo nagrereklamo na naman ako sa kinainan ko hindi no! (pinangunahan ko na kayo haha😀 )

Lima hanggang pitong minuto ang hinintay ko bago na serve ang kumukulong ulam. Taragis itsura palang katakam-takam na. Pina-serve ko na rin agad ang mais con yelo ko, pasa sa bawat pag higop ng asim-alat na ulam sasabayan ko ito ng matamis. (katakam no?)

Habang kumakain, biglang nagbalik tanaw sa aking isipan ang mga araw ng pagkabata ko. Ewan ko ba! tila may pagka time machine ang ulam kaya naisip ko ang mga bagay na ito. Bumalik bigla ang nakaraan.

Noong bata pa kasi ako/kami ng lima kong magkakapatid naranasan namin ang maraming bagay tulad ng masasabi kong nararanasan din ng maraming pamilya ngayon, pinagsasaluhan namin ang isang lata ng sardinas. Hindi ko lang alam kung Ligo yun o Youngs town na mabibili sa hindi bababa noon sa sampung piso. Ganoon kahirap ang buhay namin noon, at madalas hindi namin yun binibili..  inuutang pa.! Salamat kay Aling Luningning na nagpapautang sa amin kahit lagi na lang syang nakasimangot sa  tuwing ako ang uutusan mangutang. (sa ngayon sumama na sya sa bagong lalake n’ya sa buhay, buhat nang na biyuda s’ya. hahaha tsinismis pa!)

Ewan ko ba! Habang kinakain ko yung Sinigang na baboy ng Andok’s, na mas madami pa kaysa sa kanin, naiisip ko yung pagkakataong hinahati pa namin ang isang pirasong sardinas sa dalawa. Alam nyo yun? parang tinapa na mahahati sa gitna kaya magiging dalawa. Minsan nga umiiyak pa ako kapag hindi sa akin napunta yung tinik. (malambot kasi yung tinik ng sardinas sa lata, dagdag laman din ng sikmura).
Isipin nyo yun kung paano namin nakakapagkasya sa limang magkakatid na nasa edad tatlo hanggang  labing dalawang taong gulang. Minsan nakikihati pa sa amin si Papa. (pero minsan lang yun kapag may tira, -sa lagay na yun!). Kaya tuwang tuwa kami kapag nagkakaroon ng higit sa apat na piraso ang sardinas na laman ng isang lata.

Ilang pamilya pa kaya ang nasa ganoong sitwasyon ngayon?

Nakakatawa nga minsan,  hindi man alam ng mga kapatid ko noong mga panahong iyon, pero madalas nag iimagine na lang ako ng may ulam akong mas masarap pa sa sardinas kapag naubos ko na yung parte ko at kanin na lang ang naiwan.

Hmmmm.. prayd tsiken!

Hmmmm.. hatdog.

Hmmmm.. mitlop.. (meatloaf) at iba pa.😀

Minsan, nababahagian pa ako ng mga kapatid ko kapag nagkakaroon pa sila ng sobra. (sa puringgit na iyon, nagmamahal pa kasi kami nun hahaha😀 )

Minsan kapag walang-wala na talaga, gatas na may asukal (kapag meron), toyo na may mantika (madalas toyo lang kasi mahal ang mantika) at  ang hindi maubos-ubos na asin.

Kaya ganoon na lang siguro ka emo ko noong hindi ko naubos ang Sinigang na Baboy ng Andoks sa dami. Ilang bata kaya ang hindi man makatikim ng ganoon sa ngayon?😦

Madalas sa pagkabata na’tin, kusa na ring magkakaroon ng puwang sa utak  ang mga pangarap sa pagtanda. tulad ng “Sisiguraduhin kong hindi na ito mangyayari sa magiging pamilya ko” at “Paglaki ko, titikman ko lahat ng masasarap ng pagkain” at iba pa.

Sana tulad ko mag-isip ang mga batang iyon sa ngayon…  noong mga kasing kaedadan ko sila. Hindi man ako mayaman ngayon, pero alam kong nakakain ko lahat ng gusto ko. (maliban sa tao lels😛, ang green!) hahaha.

Anu’t ano pa man, napatunayan ko noon na ang pag-iisip ng masasarap ng ulam noon hindi man literal na nakakabusog pero nakakabusog naman ng isipan sa hinaharap. Kagutom!🙂

x———ooOoo———-x

Sa nais pang mag subscribe punta lang sa upper rightside ng blog na ito.

Ilagay ang email o i click ang “SUNDAN SI OTEP”

Maaari ding i-like ang fanpage ko sa www.facebook.com/librelangmgarap

Maraming  Salamat🙂

16 thoughts on “NANG NA-EMO NG DAHIL SA ULAM…”

  1. Mas magaling daw sa buhay ang mga taong nakaranas ng paghihirap snung bata pa. Mas masinop sa pera, maabilidad. Kapag natikman na natin ang mga ulam na pinapangarap natin noon, diba nakakamiss din mag-ulam ng toyo at mantika, isama mo pa ang asukal saka tubig at asin.

  2. natuwa ako sa post mong ‘to. nadanasan ko rin yong ganitong klaseng buhay,sardinas din ulam namin, pero hindi ligo… spanish sardines naman. joke.

    pero natikman ko rin kahit pano mga instant ulam noon, yong gatas na may asukal o kaya milo, yong toyo na may mantika, o mantika na sinabayan ng bagoong isda at calamansi. ganun. and im not regretting na natikman ko yun, pasalamat din ako na natikman ko kahit pano ang lasa ng hirap ng buhay, otherwise hindi ako magsisikap sa kung anong narating ko ngayon. (sikat?)haha.

    sa ngayon, pinagtatalunan pa din naming magkakapatid kung anong mas masarap yong ligo na sardinas o yong youngstown. hehe.

    di ko pa natitikman yong sinigang ng andoks. pero yong sinigang ng chicboy, masarap. ayoko naman nung sinigang ng mang inasal, masyadong maasim. parang galit sila magluto. lols.

    1. sabagay, totoo nga kung hindi natin natikman yun noon, hindi tayo magsisikap ngayon. napaisip tuloy ako kung yung ibang tao friend chiken na agad yung kinamulatan nila.. ano pa kaya hinahanap ng dila nila?

  3. Nag-emo ka nga dahil sa sinigang. Haha. Blessed na kasi ang pamilya ko noong panahon ko at ng bunso kong kapatid. Medyo hindi na kami masyado nakaranas ng hirap kaya thank you Lord! Pero yung mga kapatid ko, mula sa ate ko hanggang kuya, apat silang nakaranas ng mga ganyang kahirapan. Kinukwento nga nila sa amin, which made is very grateful sa blessings na binigay ni Lord! Share it to your children in the future para makita din nila ang dapat nila ipagpasalamat.🙂

    1. may dare ako sa yow! dapat matikman mo yan lahat. try mo mag ulam ng gatas o kaya toyo lang, o kaya asin ang ulam. malunok mo kaya?.. isa ka pa mapapaladm yow! (parang nagrarap lang yow!)

  4. masayang balikan ang iyong kahapon upang buhaying muli ang mga gunitang nagpatibay at nagsilbing gabay upang makamit mo ang tagumpay….mapalad ka pa rin at hanggang sa ala-ala mo na lang muling natitikman ang ganoong buhay

    Ako nama’y ihanay mo sa iyong ala-ala na kasalukuyang nabubuhay sa iyong nakaraang buhay….

    1. sobrang napakalalalim na iyong hinuha, ako man hindi mawawala sa alaala ko yan, bagkus naging malaking bahagi yan ng pagkatao ko’y pagkabata. Mapalad akong hindi man nakakain ng masarap, nagkaroon naman laman ang aking sikmura mula sa masisipag at matitiyaga kong magulang.

      1. malaking pasasalamat naman talaga sa kanila….pero sa susunod hindi lang hanggang pasasalamat….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s