DULING-DULINGAN


Sa ikalawang pagkakataon muling nagkita-kita ang mga kapwa Ubloggers ko sa United Bloggers Experience (UBE 2) na ginanap sa Tivoli Garden Residences sa Mandaluyong City sa temang Real Estate 101. Bukod sa nakalulula ang lugar dahil nasa 34th floor kami (kung hindi ako nagkakamali) mas nalula ako kung gaano kagarbo ang magkaroon ng isang condo unit. (Hindi pa talaga kaya ng bulsa ko kahit magpatambling-tambling pa ako haha) Bukod doon nakatutuwang… parang ang yaman-yaman pala ng Pilipinas sa mga balak at mga bagong itatayong instraktura pagdating o sa mga susunod na taon. Kasama na dito ang pagpapalawig ng sebisyo ng LRT sa bansa, mga kalye pati na rin ang Entertainment City. Magkaka tower na rin tayo! yebeee!!

Makati Skyline mula sa Tivoli Garden Residences -Mandaluyong
Ito na si Banker. Bernard Umali😀

UBE 2: REAL ESTATE 101

At dahil minsan mo lang makita sa personal ang mga kapwa mo blogista ang sarap mag trip! ayun picture-picture with matching duling-dulingan ilang beses ko yun ginawa, may mga ibedensya pa nga ako. Hindi ko alam pero nadadama ko na nagsisimula na palang sumakit ang ulo ko.

(L-R) Bino (Damuhan.com), Axl (axlppi.com) Joel (Batang Mangyan) & Magandang Roan🙂

Sabi nila baka daw nabanat yung mga nerve ng mata ko kaya sumakit yung sintido ko… hanggang kumalat na hanggang sa namaga ang utak ko.

(L-R) Wifey ni Anton, Anton (pusang kalye), Marvin (Kikilabotz) & John (Kumagcow)

Dumaan ang linggo masakit pa din kaya ininuman ko na ng paracetamol. Pag dating ng Lunes nakapasok pa ako pero nilalamig ako sa office na bibihira lang mangyari kahit may aircon pa kami. Ayun, kinagabihan nagsimula na ang lagnat ko na may kasama ng panginginig at ang sakit sakit ng katawan ko.

Hindi ako nakapasok sa office kinabukasan, at noong kinagabihan hindi na kinaya ng power ko kaya nagpadala na ako sa Ospital.

OSPITAL NG MAYNILA

Noong nakaraang buwan sa hindi inaasahang pagkakataon napadpad ako Medical City sa Ortigas para dalawin ang dating boardmate ko na naoperahan dahil sa mga batu-bato nya sa katawan (hindi ko alam tawag e) basta na operahan sya. nakakatuwa kasi hindi naman ganoon kalaki wakwak ng tiyan nya parang apat ng maliliit na butas lang. Ganoon na pala ka moderno ang panahon ngayon hindi mo na kailangan magpasira ng tiyan para makuha yung nasa loob nito kung ano man yun.

Sobrang ganda ng ospital na yun parang hotel. Ang kuwarto, konting laki na lang isang buong apartment ko na o baka nga kasing laki na. Nagawa ko pa ngang tumae sa CR ng kuwarto alam mo yun? may kusa ng lalabas na tubig para hugasan ang pwet mo. Nagulat nga ako e, sana meron din akong ganun sa bahay. hahaha ganoon ka hi-tech ang ospital na yun.. inidoro lang ang dami pang “push na botton“.

Kaya ganoon na lang siguro ako magkumpara pagdating ko sa Ospital ng Maynila.

Sakay ng taxi, may sumalubong sa amin na guard. Ako unang bumaba pagkabayad ko ng 100pesos, samantalang si mama nag enjoy yata sa taxi kaya ang tagal-tagal bumaba. Walangjo! hinintay pala ang sukli sa taxi e 83 pesos na metro namin. Nakita ko na lang may hawak na syang 20pesos nalugi pa tuloy yung driver. Si Mama talaga.

Lumapit ang guard sa amin may hawak na wheelchair.

Guard: O kaya bang maglakad?

Hindi ako nagsalita at umupo na lang. Nahihilo kasi ako.

Driver: O teka, sino ba ang pasyente?

Taragis na yan! napagkamalan pa palang si Mama yung pasyente at mukhang may sakit sa amin.

Dinala agad ako sa emergency room.

Doctor na mukhang Nurse: Ano pong nangyari? Hindi makalakad?

Hiyang hiya ako sa lagay na yun kasi para akong artista habang nakatingin sila lahat sa akin.

Bigla akong tumayo, pakiramdam ko naglakihan mata nila na mula sa pagkakawheeler e nagmilagrong nakatayo.

Otep: Sabi ko naman Ma, kaya kong maglakad (malakas ng kaunti na may kasamang ka-eplingan para hindi nakakahiya).

At dahil nga sa hindi alam kung anong lagay ko, binigyan ako ng botelya para ihian at kinuhaan ng dugo. Grabe yung nurse na kumuha sa akin ng dugo, hindi ko alam kung licensed nurse na ba o intern palang kasi apat na beses nya akong tinuruan ng injection bago nakuha yung mamahalin kong dugo. Ayun namaga.

Matapos noon dinala na agad sa Laboratory, matapos ang higit isang oras may lumapit sa aking nurse at tinanong kung ako ba si Zablan. Kinabahan ako kasi kukuhaan daw ako uli ng dugo.

Sobrang kinabahan ako noon akala ko kumukuha na ng second opinion baka may kung ano nang nakita sa dugo ko. HIV? AIDS?😀 Pagnagkataon yun, panghihinayangan ko iyon na hindi ko man naranasan ang buhay romansa ko tapos nagkaroon ako noon? unfair di ba!?

Otep: Nurse bakit po anong nangyari?

Nurse: Nagkamali po ng lalagyanan

Otep: Taragis na yan! ilang oras hinanap ugat ko tapos mali pala (sa isip ko lang yan sinabi)

Ayun isang turok lang sa kaliwa kong kamay napuno na agad ang isang matabang injection. (sabi na e, may something talaga sa unang nurse na tumurok sa akin)

Halos apat na oras din kami naghintay ng resulta, habang nakaupo sa bangkuang pang pasyente lang daw. Grabe hindi man kami nagawang pahigain samantalang emergency yun. Hindi man namin magawang manisi dahil nga sa public yun at mas may nangangailangan sa mga kama na sobrang limitado lang.

Ayun tiis-tiis inabot na kami ng mag aalas-siyete ng umaga bago ako tawagin ng duktor.

Tinignan ang resulta ng Lab ko ayun! walang namang panget na balita, kasi wala namang nakitang abnormalidad.

Pagtingin ko ng reseta. “Paracetamol #8” at “hydrite #14” na inumin ko daw 2-3 liters a day sakaling madehydrate ako sa taas ng lagnat.

Umuwi ako sa bahay na parang wala lang, sana pinahinga ko na lang at tiniis ang sakit kung alam kung bukas gagaling na din naman pala ako. Hindi sana kami napuyat ni Mama.

Ganoon pa naman, malaki ang pasasalamat ko at walang masamang balita sa akin ganoon na rin sa dalawang mababait na doktor at Nurse ng Ospital na Maynila, maliban sa Nurse na nag enjoy sa braso ko kakatusok.

Nakalimutan ko, natawa pa nga ako noon… noong nakakuha na nang dugo yung Nurse.

Nurse: Ayan na ayan na! (parang heksyated lang habang nakikita na may nakukuha na syang dugo).

INSURANCE

Matapos ang umagang iyon, maayos naman akong nakapasok sa opisina kinabukasan at napaisip na hinding-hindi na ako magpapadala muli sa public hospital. Kaya naisipan ko nang kumuha ng Insurance. Hindi lang para paghandaan ang kamatayan ko kundi para paghandaan ang mga ganyang uri ng pagkakataon. Ang hirap gumalaw pag alam mong wala kang ipon o investment man lang na pwede mong magalaw.

Isipin mo, kung hindi pa nangyari ang mga bagay na yan, hindi ko maiisip ang kahagahan nang paghahanda o pagpaplano ko sa hinaharap. Saganang akin, hindi ka na lang pala pwedeng umasa sa bangko mo, iba na rin pala kung insured ka.

Kaya kayo isama nyo na rin sa pangarap nyo ang magkaroon ng sariling Health & Life Insurance plus investment.

Sa ngayon mayroon na akong Life Insurance. Health Insurance na lang!😀

pero ang pinaka natutuhan ko sa pangyayaring ito ang hindi na magduling-dulingan! sakit sa ulo men!😀

—–

P. S. Hangga’t maaga pa pag-isipan nyo na ang magkaroon ng insurance, habang nadadagdagan kasi ang edad nyo, mas nagmamahal kasi ito. Isa pa natutuhan ko na ang pag-iinvest ay hindi lang sa kung gaano kalaki ang perang naipapasok mo, kundi sa maagang pagpaplano🙂

x———ooOoo———-x

Sa nais pang mag subscribe punta lang sa upper rightside ng blog na ito.

Ilagay ang email o i click ang “SUNDAN SI OTEP”

Maaari ding i-like ang fanpage ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

Maraming  Salamat :)

9 thoughts on “DULING-DULINGAN”

  1. minsan kasi wag aabusuhin ang sarili.. anodaw?haha wawa ka naman pre

    ► wawa nga ako pre, walang nag-aalaga sakin.. sakitin daw talaga pag walang pagibig. hahaha

  2. Nung bata pa ako, nagkapneumonia ako. Tinurukan ako ng IV (dextrose) sa kanang kamay. Kaso for some reason nagkaproblema sila dun sa ugat so nilipat lipat nila hanggang nagsettle na sila sa kaliwang kamay ko. Nung matanggal yung IV, nagkapeklat yung kaliwang kamay ko na ngayon ay may dot sa dinadaanan ng ugat na parang nunal. lol

    Dapat talaga may insurance. Di reliable ang PhilHealth. LOL

    ► ako naman noong bata ako, sanay na sanay na ako sa dextrose hindi na nga ako natatakot doon. natatakot lang talaga ako pag may operasyon na. Naranasan ko na.. na mamaga yung kamay ko dahil sa dextrose ayun pindot ako ng pindot sa emergency button kaso walang dumadating na nurse kung hindi ko pa natext si mama para bumalik sa ospital hindi ma pupunta yung mga nurse para ilipat yung dextrose. Hahaha nagkwento ng kwentong ospital e no?

    Tama hindi na talaga reliable ang philhealth lalo na kapag hindi hinuhulog ng company😀

  3. Yan, kasi… Baka may hindi natuwa sa duling-dulingan mo, nausog ka tuloy… Hehehe…

    Pero totoo, mahirap magkasakit lalo na pag malayo ka sa pamilya mo… Kailangang may natitira ka pang lakas para dalhin ang sarili mo sa ospital… nagawa ko na yan ng ilang beses at parati akong natatawa kapag nagtatanong ang reception kung sino ang pasyente…

    Mas mahirap kung naaksidente ka… Naranasan ko rin yan ng 2 beses… Buti na lang may mga kaibigan akong maasahan…

    Ok pa rin at andyan ang Mama mo at ang mahalaga, ordinaryong trangkaso lang…

    And yes it pays to have good insurance coverage…🙂

    Ang hirap magcomment… Walang FB app… Hehehehe… Kaya maigsi lang comment ko… Hehehe… Hindi ko maintindihan bakit kailang kong magfill-in ng log-in info samantalang nakalog-in na ako sa WP account ko…

  4. Kung ako ang kinuhanan ng dugo ng nurese na yun siguro tatakbuhan ko siya dahil takot ako sa syringe at mga tusok tusok sa balat. Pano pa kung marami na. Buti okay ka na. Mahal ba ang insurance? Mahirap talaga magkasakit kaya dapat prepared lagi.

  5. Waah??? apat na beses tinurukan bago makuha ang dugo??? kaya ako nung ojt ako sa ospital ayokong kumuha ng dugo sa pasyente lalo na’t mahirap hanapin ang ugat. ok lang sakin ang kuhaan ako ng dugo, wag lang ako ang kukuha ng dugo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s