GOODBYE CORONA


Mula noong naupo si Pangulong Aquino sa kanyang trono halos isa-isahin nya na lahat ng tao o pulitikong alam nyang nagkasala sa batas at mamamayan mula sa administrasyong kanyang pinalitan -ang Arroyo. At sa ayaw at gusto natin nagdesisyon na ang impeachment court  laban sa nasasakdal na punong hukom ng kataas-taasang korte suprema upang tanggalan ng korona ang nasasakdal. Ang hatol: Guilty! [20-3 (Arroyo, Defensor & Marcos)]

ba-bye na!

Hindi ako pulitikal o taong may malaking sa kaalaman sa nagaganap ngayon sa gobyerno, pero saganang akin nagsimula lang naman ito mula noong ilagay sa katungkulan bilang punong mahistrado si Renato Corona sa kontrobersyal na midnight appointee ni dating pangulong Arroyo, ilang buwan bago sya bumababa sa pwesto.

At dahil nga sa labag daw ito sa batas nagngingit ngayon si Pnoy na dapat s’ya daw ang nagkaroon ng karapatan upang magluklok ng bagong chief justice ng supreme court. Kaya naman hindi na nakapagtataka kung si Justice Conchita Carpio-Morales (noon na sya namang isa mga sa hindi bumoto na magluklok ang isang papaalis na pangulo ng bagong punong hukom) ang mas ninais panumpaan ni Pangulong Aquino.

Tila isang papasibol na binhi ang naganap matapos noon, nagkasanga-sanga na. Ang dating justice sa katauhan ni Carpio-Morales naluklok ngayon sa office of Ombudsman na sya namang naging isa sa malaking bahagi sa pagkakatanggal sa pwesto ng nasasakdal sa pagiging witness nito sa paglilitis. At dahil nga nagsimula ito sa binhi, nagkaroon na nang sanhi ang lahat ng bunga.

Ngayong natapos na ang ilang buwan ng bangayan, kasinungaling, diskusyon at argumento mag move on na tayo ha! Natanggal na sa pwesto ang pinupukol ng (sabihin na natin ng) mas maraming tao. At sa ayaw natin at sa gusto may natuwa pero alam din nating may nasaktan. At tulad din sa mga palabas na puno ng kadramahan at twist lahat nagtatapos pero sana alamin natin ang aral na mapupulot sa kwento.

Sa unang pagkakataon may naimpeach at nahatulan na isang Chief Justice sa kasayasayan ng Pilipinas pero sana hindi ito ang unang pagkakataon na matutoto tayo sa mga naganap.

Noong 1987 sa pagkakaupo naman noon ng bagong Pangulong Cory Aquino matapos palitan ang rehimeng Marcos narebisa ang batas na tinatawag natin ngayong 1987 constitution. Sana ngayong napag-alaman natin na isa sa pinakamalaking butas sa pagkakahatol kay Corona ay ang kanyang SALN o Statement of Assents, Liabilitues and Net Work, magkaroon na rin sana ng mas malinaw na batas ukol sa malinaw naman na pagsasaad ng mga pulitiko sa kanilang mga SALN ganoon na rin sa batas na Dollar Secrecy.

Pero alam nyo, bago pa man lumabas ang hatol napapaisip ako sa mararamdaman ko sakaling guilty o not guilty man ito. Sakaling maging not guilty kasi parang iisipin ko na nag-aksaya lang ng panahon ang gobyerno kung wala din naman palang mapapatunay. Sakaling guilty naman mapapaisip akong naging pabor lang ito dahil sa kasalukuyang administrasyon.

Pero kung iisipin, sa estado ng pulitika sa ating bansa at tulad natin marahil sa dalawang taong di nagkakaunawaan at nag-aaway wala pa ding mas magandang solusyon para magkaunawan ang dalawang panig kundi ang may mamagitan. At sa tulong ng mas may nakakaalam (Senado) wala tayong magagawa kundi tanggapin ang resulta pabor ka man sa hatol o hindi.

Naniniwala ako na upang magkaroon kapayapaan at maayos na pamayanan sa bansa… ay ang  higit na  paggalang at paniniwala sa kung anong desisyon hindi lang ng kung sino mang magagaling na hukom kundi na rin sa kung anong batas mayroon tayo.

Ang sarap pa rin mangarap para sa bansa lalo na kapag alam nating sa bawat kamalian meron na man tayong bagong natutuhan.

►►►►

Maraming Salamat sa mga bagong Email subscribers/followers ko🙂

  • Maricris Silvana
  • Micolai Roces
  • Marrymley
  • Jonverdavid

Sa nais pang mag subscribe punta lang sa upper rightside ng blog na ito.

Ilagay ang email o i click ang “SUNDAN SI OTEP”

Maaari ding i-like ang fanpage ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

Maraming  Salamat :)

6 thoughts on “GOODBYE CORONA”

  1. sana nga lang, ang ipalit sa pwesto eh patas at walang pinapaboran. yun lang. ganyan. hehehe

    ► oo nga no sino kayang ipapalit sa kanya?

  2. kontroberya —- (may salita bang ganito?)

    ► ay sorry po “kontrobersyal po dapat yan.
    SA BABASA : Ang BLOG na ito ay hindi perpekto, marami ring pagkakamali: sa baybay ng mga salita, sa daloy na istorya/katha kaya walang sinumang may karapatang dungisan ang sarili kong buhay sa mundo ng pagba-blog. Subalit ang lahat ay malayang makakapagkumento at makapagbibigay ng kanilang saloobin. Ang KOMENTO ay KOMENTO.. gaano man kasakit gaano man kaganda sa tipong nakakataba ng puso. Sa lahat ng mga nangangarap!! LIBRE lang po!! (isang paalala: HINDI PO AKO DALUBWIKA parang awa n’yo na! hehehe😀

  3. wla muna akong masyadong comment dito…talo ata ang idol kong si CUEVAS,hehehe at the same time idol kong sina Marcos, Arroyo at Santiago….matatalino sila eh…meaning napag-aralan nilang mabuti…..yun lang po….sori sa komentong ito…di nman ako pro-corona….hehehe

    ► di rin naman ako pro corona pero naniniwala talaga ako sa boto ni Senator-Judge Miriam Defensor-Santiago. ganun talaga.. number games.. majority win.

  4. Natapos din yan sa wakas. Ngayon naintindihan ko na bakit mainit ito. Niluklok siya sa pwesto bago bumaba ng pagka-pangulo si Arroyo. Yun pala yun. Gets.

    Wala rin akong matibay na kaalaman tungkol sa mga pangyayaring yan kaya hindi ako masyado makapag-komento. Pero dahil sa naririnig at nababasa ko dito sa internet mukhang napakalaking issue talaga.

    ► yun naman ay sa aking palagay lang.. pero sa tingin ko talaga dyan nag start yun mula noong si Gloria Macapagal-Arroyo yung nagpaupo kay CJ.

    Yeah maganda nga’t may internet very accessible na sa lahat para sa mga hindi nakakapanood gaano ng news sa telebisyon.🙂

  5. kwela ng picture ee
    aun buti namn at convict ang hatol dahil kung hindi gulo yan

    ► hahaha salamat at na appreciate mo yung ulo.. ang hirap magpalaki ng ulo nila hahaha.. pero totoo. Sakali kasing acquit ang naging desisyon di pa rin matatapos sa ganyan. salamat na rin at nagkaganoon.

  6. babasahin ko sana, kaso tinitigan ko na lang yung mga gumagalaw na ulo. lels

    basahin ko mamaya pag uwi

    ► sige hihintayahin ko ang iyong pagbbabalik hahaha😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s