DAY 2: APO REEF TO SABLAYAN


Hindi ako isang travel blogger, pero tulad din ng karamihan, pangarap kong malibot ang buong Pilipinas at maikwento ang mga hindi ko malilimutang karanasan. Narito na ang Day 2 ng paglalakbay ko sa Apo Island na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng dagat ng Mindoro.

Maaga kaming gumising (sila lang pala) isa ako sa mga huli nang nakapag-unat. Ang sarap pala matulog sa malambot na buhangin habang may mga kahalinghingan kang mga niknik (lamok ng isla) pagkagising ko sobrang dami kong kagat sa kamay. Mabuti na lang at nag long sleeve ako kung hindi buong braso ko siguro ang namantal.

“TRABAHO NA”

-yan yung naririnig ko kay Chyng na ibig sabihin ay kumuha na ng picture.😀

Agad na rin kaming umalis para libutin ang buong isla. Hindi ko agad nahulaan na mayroon palang isang malawak na Bakawan na mayroon napakahabang tulay na kawayan sa gitna ng isla. Sobrang napahanga ako sa tinatago nitong sekreto. (e since nakita ko na sya hindi na sya secret lels.)😛

Pero hindi pa pala natatapos doon ang mga supresa, sa gitna pala ng kawayang daan na sobrang nakakachallenge dahil may mga parteng maninipis at minsan namay marurupok matatagpuan pala sa gitna noon ang napakagandang Lagoon. Para syang isang luntiang lawa sa gitna ng malalagong puno ng bakawan.

Sakay ng balsa na may makapal na styropor at mga kawayan sa ilalim, unang anim na tao muna ang sumakay para makarating sa kabila.

Hila-hila ng tour guide namin ang lubid na nakatali naman sa kabilang bahagi ng lagoon ang naging sagwan namin sa napaka payapang tubig.

Habang papalapit kami nang papalabit sa kabilang bahagi ng lagoon, papalapit na rin kami ng papalapit sa Light House kung saan napuntahan ko na rin kahapon (na eksayt lang, kung alam kung pupunta din pala kami kinabukasan sana hindi na ako naglakas loob kahapon haha)😀

Noong kapwa nakarating na rin ang pangalawang grupo, nagsimula na ring muli ang pakikihalubilo namin sa masusukal na bakawan. Bahagyang umulan noon kaya nagmadali na rin kami para makarating sa Parola ng Isla.

Hindi tulad kahapon sa pagpunta dito habang dinadaga ang dibdib, ibang-iba ngayon ang naramdaman ko dahil madami na akong kasama🙂

Kung kahapon hindi ko naakyat ang pinaka mataas na bahagi ng parola na pwedeng akyatin ng isang turistang tulad ko,  nagawa ko na s’ya ngayon. Napaka-ganda ng Isla. Kitang kita mo ang 360 degree ng kabuang isla. Kung tutuusin hindi naman sya kalakihan pero madaming aktibidad sa pwedeng gawin katulad ng ginawa namin sa paglalakad sa mahabang kawayang daan.

Sa itaas ng Light House wala kang makikitang ibang isla bukod sa islang tila malaking bato lang, bukod doon tanging isla lang na kinakatayuan mo ang maaaninag mo. (tatlong oras kasi ang layo nito sa isla ng Mindoro)

Sa itaas din ng light house makikita doon ang Lagoon ng Isla na pinuntahan namin kanina.

Halos kulang-kulang isang oras din ata kaming nanatili sa Light house kakapicture-picture. Matapos noon agad na rin kaming bumalik sa cottage namin.

At dahil nadaanan ko na ito kahapon, ako ang nanguna sa paglalakad. (tourist guide lang ang peg :D)

Noong naka impake na kami agad na rin kaming sumampa sa bangka namin habang ang sarap-sarap gupitin ng mga nguso ng mga kasabay namin. (Mahabang istorya pero may iba kasi kaming kasama sa bangka bukod sa aming 11 nainis yata sa amin dahil may balak pa sana kaming puntahan pero sobra na silang maka-react.. pero ang totoo tingin ko nainis lang sila dahil ang tagal namin sumampa sa bangka).

Nakakapraning ang bumayahe sa bangka bukod kasi sa para kang nakasakay sa malaking cellphone na 3310 na nagba-vibrate e wala kang ibang makitang iba kundi tubig.

Mabuti na lang kahit papaano ay may mga nilalang na nagawang magpapansin noong mga oras na iyon. Mga dolfin!! Nakakatawa nga e ako unang nakakita pero wala akong kuha sa kanila kahit hawak ko yung camera. Mas maganda kasi silang pagmasdan ng personal kaysa pagmasdan sila sa larawan.

Salamat na lang at may nakakuha sa kanila. salamat sa camera ni Jheng🙂

Halos patay gutom akong bumaba sa isla ng Pandan Grande ito yung parang commercial island na nila dito, may bar at kainan malapit na rin kasi sa malaking isla ng Mindoro as in tawid lang.

Napagod na rin kasi ang camera ko o sa tingin ko wala namang kakaiba sa isla kaya hindi na lang ako kumuha, parang tipikal lang sya na makikita sa iba pa.

Doon umorder ako ng spaghetti, chiken with rice, coke at bago pala kumain ay nagkape muna ako (astig nga e ako nga timpla self service kasi).

Tapos noon nag snorkeling na uli sila ako di ko na kinaya kasi ang sakit na sa balat ng init takot akong mangitim pero useless pala nangitim din ako haha.

Pero di ko na rin natiis, kaya nagawa ko na ring mag snorkeling salamat sa pinahiram sakin ni Chyng na snorkel.

Totoo nga! nakakahinga ka kahit matagal kang nakalublob sa tubig (yung nagamit ko kasi kahapon na snorkel ay sira). Kahit mababaw lang yung pinag snorkelan ko kitang kita na agad ang ganda, at mga nilalang doon paano pa kaya sa mas malalim?

Muli na kaming sumampa sa bangka na bukod sa nabusog ang aming mata sa mga lamang dagat, literal din kaming nabusog sa mga kinain namin.

Ang mas kinakatakaman naman namin ngayon ay ang tubig tabang o fresh water, bukod doon gusto na rin naming makahiga sa kama.

Sa tulong ng aming mababait na tourist guide (w/ s) hinatid kami sa palengke ng Sablayan kung saan meron daw doong murang hotel. Kaya naman tumataginting na 1k ang inabot naming tip para sa kanila.

Agad kaming kumuha ng kuwarto sa halagang 150 per head -solo ko yung room ko. Naligo at lumabas din agad para habulin ang paglubog ng araw.

Ang ganda ng paglubog ng araw dito, hindi mo na kailangan lagyan ng kung anong setting ang camera mo sobrang natural kasi.

Imblis na kumain kung saan napag pasyahan na lang namin magpaluto ng ulam sa namamahala ng hotel, mas nakamura kami.

Habang naghihintay ng dinner, ayun tsismisan muna sa kani-kanilang room🙂

KAKAIN NA!

Nag-uusok at katakamtakam na Tinolang manok ang inulam namin, kasabay ng kape na order ko. May panghimagas pa! -manggang hinog!🙂

At dahil baka bangungit kami sa busog, nagawa pa nilang mag-inuman. Hindi ako umiinom ng alak pero napa-shot ako, konti lang naman.


Ang sarap nilang kakwentuhan, nag-aala family feud pa sila kung ano ang mga ranking ng mga napuntahan nilang lugar, tameme lang ako wala pa kasi akong napupuntahan gaano.

pero para sakin…

Rank 1 pa rin ang beach ng Guimaras. Pero kung paguusapan ang isla No. 1 sakin ang Apo Island.. the best! ang daming actitivities na pwedeng gawin sulit ang biyahe sa bangka na 3 hours.

Sa inuman at masarap na kuwentuhan natapos ang Day 2 ng aming paglalakbay sa Occidental Mindoro🙂

DAY 2 EXPENSES

  • P       320.00 = Food (pandan Island)
  •             35.00 = Softdrinks
  •             25.00 = Coffee
  •          100.00 = Tip (contri)
  •            75.00 = Dinner (contri)
  •            15.00 = Coffee (again)
  • P     570.00 = Total
  • P  3,829.48  = Day 1    
  • P 4,399.48 = Total

DAY 1 – SNORKELING: APO REEF

► ► ►

Maraming Salamat sa mga bagong Email subscribers/followers ko :)

  • bobong henyo
  • Dwight D.

Sa nais pang mag subscribe punta lang sa upper rightside ng blog na ito.

Ilagay ang email o i click ang “SUNDAN SI OTEP”

Maaari ding i-like ang fanpage ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

12 thoughts on “DAY 2: APO REEF TO SABLAYAN”

  1. impernes, ganda ng mga shots mo ha.

    ikaw na talaga ang travel blogger ^_^

    ► Hindi nga ako travel blogger hahaha.. mana lang ako sayo 🙂 paano pa kaya kung may DSLR ako? lels hahaha bigay mo na sakin cam mo. hahaha

  2. huwow! inggit much ‘pre! inferness ha magandang reference itong blog mo for travel, may computation talaga ng expenses. pak!

    ► kasi naman pre, sumama ka na sa Davao bago ka pa manatili sa Dubai.. para matry mo din yang kalakwatsahan ko🙂 Pak! lels😀

  3. ang saya ng byahe nyo. ang gaganda ng mga pinuntahan nyo eh na halata kasi ang ganda ng kuha mo. grabe. sarap puntahan ng apo island. someday sana makapunta din ako dyan. =D

    ► Pagpupunta ka dun sama mo ako.. gusto ko uli makabalik doon.. magdadala ako ng madaming pagkain😀

  4. ang ganda ng byahe mo tas nakasama mo pa ang idol travel blogger na si chyng ikaw na!!
    inggit ako ang ganda!!!sana makapunta din diyan..

    ► naku axl parang di kumpleto buhay mo kapag hindi mo talaga napuntahan yan. sobrang ganda dyan🙂 sobrang bait ni Chyng!

  5. tulad mo mae2xperience din namin ang kagandahan ng APO REEF…this coming march,,excited na ang lahat sana di bagyuhin..para mafeel din namin kung ganu kasaya at kaganda ang number one tourist in sablayan…

  6. tulad mo mae2xperience din namin ang kagandahan ng APO REEF…this coming march,,excited na ang lahat sana di bagyuhin..para mafeel din namin kung ganu kasaya at kaganda ang number one touristspot
    in sablayan…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s