Philippines_flag

KALAYAAN 2012: Pananagutan ng Bayan para sa Tuwid na Daan


‘Pananagutan ng Bayan para sa Tuwid na Daan’

Kamakailan habang nagdadaan sa isang kainan papasok sa opisina, napansin ko ang isang watawat na nakadikit sa isang salamin. Napansin ko na nasa kaliwa ang pula nitong kulay. Kung ating aalamin, sumisimbolo ito sa isang himagsikan o senaryong mayroon tayong nais ipaglaban. Hindi na iba sa atin ang ganitong kaganapan, may mga pangyayari na ring naganap ito sa malalaking okasyon tulad sa mga internasyonal na palakasan ganoon din sa mga pagtitipon ng mga lider ng iba’t ibang nasyon sa buong mundo. Ganoon pa man, nakalulungkot na sa sarili nating bayan kung saan tinitingala ito bilang pinakamatayog na sumisimbolo sa bansa ang siya pang madalas na hindi maitama.

Isang daan at labing apat na taon na ang nakararaan mula noong dinesenyo ng dating Heneral Emilio Aguinaldo ang watawat ng Pilipinas na tinahi naman sa pagtutulungan nila Marcela Marino de Agoncillo at magkapatid na Lorenza at Delfina Herbosa de Natividad. Na siya namang unang iniwagayway sa Kawit, Cavite sa pagdedeklara ng ating kasarinlan sa paglaya sa mga dayuhan.

Tunay na nga nating nararanasan ang pamana ng ating kasaysayan at literal na kalayaan sa iba’t ibang aspeto tulad ng papili ng nais nating ihalan. Marapat lamang tayong magpasalamat, alalahanin at ipagdiwang ang patuloy nating nararanasan na kasarinlan.

Ngayong ibinigay na sa atin ito, nasa atin na rin ang karapatan para ipagpatuloy ito. Kaya marapat lamang natin tandaan na sa bawat karapatan ay mayroon tayong pananagutan sa bayan para alagaan ito. Pero papaano?

Noong 2010 presidential election, nangako ako sa sarili ko na iboboto ko kung sino mang presidentiable ang kayang mangako din na pananagutin ang papalitang administrasyon sa mga isyung tawagin na nating “tiwangwang” at kung tutuusin at walang malinaw na paliwanag. Pero aaminin kong binoto ko ang pambato ng papaalis na administrasyon.

Hindi ko pinanghihinayangan ang boto kong iyon kahit natalo pa ang pambato ko. Naniniwala pa rin naman ako at nagpapasalamat na sa isang administrasyong hindi man perpekto pero alam kong pinahahalagahan ang lahat ng Filipino ang syang nanalo.

Madalas naiisip ko, na hindi gaanong pumasok sa sintido ko noong panahon ng kampanyahan.  Na bago pala magkaroon ng isang malayang daan tungo sa dulong bahagi nito, ay dapat magkaroon muna ng malinis landas kung saan mawawala ang lubak. Na nagiging sagabal naman sa isang ligtas na paglalakbay.

Aminin na natin na napakaraming lubak sa gobyerno at maswerte tayong isa-isa na silang natatanggal at naaaspalto. Hindi man maiwasan na sabihing isa itong pang pulitikal at hindi lehislatibo ang nakakarami pa rin ang nananaig kasama at sambayanan kaya dapat natin itong igalang. Tulad ng resulta sa isang pambansang eleksyon -hindi ba?

Ang nakaraan na impeachment trial sa senado ay isang malaking bahagi ng pananagutan sa bayan. Kahit marami pa ang napataas ang kilay sa resulta nito.

Lahat tayo nagkaroon ng laya para magbigay ng kani-kanilang opinyon at soloobin, marahin sa pamamagitan ng mga representante natin sa mababang kapulungan o mga senador na niluklok natin. Pero higit sa resulatang “Guilty” na bumulaslas sa mga labi ng ating mga halal na lider, lahat tayo nagkaroon ng isang malawak na bukas na mata para sa mga posible at mga maling gawaing na pwedeng gawin sa atin mismo na mga nilalagay natin sa pwesto bilang lider.

Hindi man natin hinihiling o  inaasahan na mangyari ito, mapalad tayong maari nang maharang ang ganitong gawain bago pa nila gawin sa hinaharap at para na rin mga hindi pa pinapanganak na lider. Kaugnay sa di tamang pagdedeklara ng yaman ng isang pulitikal na tao. At sana maisabatas na rin ang Freedom of Information bill o kalayaan ng media at sambayanan na mabuksan sa tao kung ano mang nais o karapatang malaman ng mamamayan.

Napakapalad nating nabigyan tayo ng kalayaan, hindi lang na kasaysayan kundi pati na rin sa kasalukuyan. Kaya marapat lamang din na magkaroon tayo ng kalayaan sa pagbibigay ng opinyon, boses at pagbabantay sa ating kapaligiran para magkaroon tayo ng proteksyon at bago pa maabuso ang tinatawag nating kasarinlan.

Salamat sa mga bayaning kumamit ng pangarap na kalayaan para sa ating bayan🙂

Maligayang Araw ng Kalayaan!

►►►

Maraming Salamat sa bagong Email subscriber(s)/follower(s) ko :)

Sa nais pang mag subscribe punta lang sa upper rightside ng blog na ito.

Ilagay ang email o i click ang “SUNDAN SI OTEP”

Maaari ding i-like ang fanpage ko sa www.facebook.com/librelangmangarap.

4 thoughts on “KALAYAAN 2012: Pananagutan ng Bayan para sa Tuwid na Daan”

  1. sana’y lahat tayong mga Pinoy ay pahahalagahan ang kalayaan na meron tayo… gamitin natin ang ating mga karapatan nang maayos: )

    happy independece day din sa’yo otep🙂

  2. sobra ko pong naapreciate ang talatang ito … sana hindi natin abusuhin ang kalayaang ipinaglaban ng nakakarami para sa atin ..🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s