ANG KAPLASTIKAN: KOKO PIMENTEL VS. MIGZ ZUBIRI


Nitong mga nakaraang araw puro pagmumukha at pangalan na lang nila dating Senador Migz Zubiri at Senador Koko Pimentel ang maririnig at makikita sa mga periodiko’t telebisyon . Kaya naman hindi maiwasang mapatanong ka o ungkatin kung ano ba ang pinaglalaban ng dalawang panig.

Noong 2007 first time kong bumoto. Tulad ng paparating na eleksyon sa susunod na taon, midterm election din noon. Sobrang excited akong bumoto kaya naman bilang first timer sinigurado kong karapat dapat ang iiboto ko. Naging una sa listahan ko ang congressman noon na si Migs Zubiri. Naging advocacy nya kasi ang pangangalaga ng kalikasan na naging batayan ko at bukod doon isa s’ya sa may hawak ng may pinakamraming batas na naisabatas. Kilala din sya sa pagkakaroon ng perfect attendance sa mababang kapulungan noong 12th hanggang 14th Congress kaya naman pinagkatiwala ko sa kanya ang iisa kong boto.

Kaya nakatutuwang napasama at nakuha nya ang panglabing dalawang halal na senador noong 2007.

Pero dahil sa mga akusasyon, reklamo at mga naglabasang saksi sa di umano’y dayaan sa nasabing eleksyon. Sa unang pagkakatoon sa kasaysayan ng senado, kusa na ring bumaba sa pwesto si Sen. Migz Zubiri.

Maraming nanghinayang at nalungkot sa pagkakatong ito pero maraming ding natuwa dahil makakaupo na rin daw sa wakas  ang totoong nanalo at kabilang sa huli o bubuo sa labingdalawang mga senador na si Koko Pimentel.

Hinangaan si Migz Zubiri sa kanyang ginawa at nakatutuwang makikita naman sa telebisyon na halos kapwa tila nabunutan ng tinik sa dibdib ang kapwa senador.

Ayon sa karamihan malaki ang posibilidad na kapwa manalo ang dalawang senador sa susunod na eleksyon dahil sa sitwasyon kanilang naranasan sa magkasunod na administrasyon.

Ngayong nabubuo na ang mga koalisyon at partido sa papalabit na eleksyon una nang napasama sa United Nationalist Alliance (UNA) si Migz Zubiri na kinasama naman ng loob ni Koko Pimentel. Hindi ko lang maintindihan kung ano ang kinapupupok ng buchi at ayaw nyang makasama sa Alyansa si Migz.

Nakakalungkot lang sa mga nakikita na’tin na tila kaplastikan lang pala ang ginawa noon ni Koko Pimentel sa telebisyon na nagka-ayos na sila ni Migz Zubiri. Lalo na’t kay Koko na rin nagmula na mandaraya daw si Migz!

Saganang akin lang sana makita ni Koko Pimentel na kapwa biktima lang naman sila ng pandaraya sa nasabing eleksyon. Kinasama lang, nakakapit kasi noon si Migz sa administrasyong Arroyo na utak daw ng pandaraya. Kaya aminin man n’ya o sa hindi malaki ang naging pakinabang ni Migz sa mga pumasok na boto.

Ngayong lumalaki na ang isyu sa pagitan nila, hindi ba’t napaka pangit tignan ganoong wala pa namang kasiguraduhan na mananalo nga sila ay nagbubungangaan na. Paano pa kaya kapag nanalo?

Kung mababasa lang siguro ito ni Koko Pimental na isa sa pinakamagandang dapat gawin ng isang pulitiko bukod sa huwag manglamang at kumurakot ay ang pagkakakaisa. Ganoon na rin sa pagsuporta sa magagandang adbokasiya ng bawat isa sa kanila kaysa sa bungangaan at hatulan ang isang tao ng mabibigat na paratang.

Huwag sanang… ito pa ang ikatalo ni Koko Pimentel lalo na’t  pang labing dalawang pwesto lang sya noong 2007 at wala pang gaanong napapatunayan dahil unang beses palang nyang naupo o nahalal ng tao.

Kung tutuusin lamang na lamang si Migz kay Koko kung pag-uusapan lang mga nagawa nila. At huwag isipin na silang dalawa lang ang naglalaban sa pagkasenador.

Inaamin kong pabor ako kay Migz pero sana huwag sanang ilayo ni Koko Pimentel ang mga posibleng boto sa kanya ng tao.

Sa darating na eleksyon naniniwala akong mananalo pa rin ang lider na may malaking pangarap para sa Bayan.

►►►

Kung nais mong mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito.

Ilagay ang email o i click ang “SUNDAN SI OTEP”

Maaari ding i-like ang fanpage ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

salamat.

5 thoughts on “ANG KAPLASTIKAN: KOKO PIMENTEL VS. MIGZ ZUBIRI”

  1. isa si Zubiri sa mga binoto ko noon kaya di ako naniniwalang dinaya siya. Pero anyway, trapo na tuloy ang naging kalagayan ni Koko, naninira para lang manalo. Kaya sa darating na eleksiyon eh boboto ako , pero wala siya sa listahan ko

  2. I used to loathe everything and everyone connected to the GMA administration, ergo I preferred Koko over Zubiri. But now I know, you enlightened me with this article. Thanks for posting this. Nonetheless, their bickering on media still annoys me. At least, I know whom I will listen to.

  3. ewan ko sa kanila…….bahala na sila sa buhay nila…..magsiraan sila hanggang sa gusto nila…pero isa lang sasabihin ko,,,pareho silang wala sa listahan ng mga napupusuan ko…hehehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s