“MUKHA KANG PISO!”


Sa tuwing umuuwi ako sa Cavite hindi talaga maalis sa mga pamangkin ko ang manghingi sa’kin ng piso. Minsan nga magugulat ka na lang kapag limang piso na ang hiningi  nila sayo. Kaya ako na rin ang nagugulat sa sarili ko kapag nabigkas ko ito:

” Letche ka! mukha ang piso!” hahaha😀

Ewan ko ba sa mga pamangkin ko nasanay sila na sa tuwing uuwi ako talagang nakalatag na ang mga palad nila na tila may isang bag akong dala na tigpi-piso kung makahingi. Ayaw ko naman sila masanay kaya pinagagalitan ko.

Kaso wa-effect eh.

Noong huling uwi ko sa Cavite parang nabaliktad naman ang pagkakataon, ako naman ang halos magmakaawa para makuha yung bagong piso. Oo bagong piso! Ito yung commemorative coin na ginawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas para sa pagdiriwang ng ika-150 taong kaarawan ni Rizal noong nakaraang taon.

Minsan daw naisukli sa kanila yun akala nila peke.

Ayun binigay din sa’kin, sabi  ko kasi peke yan di yan nabibili bwuahahaha.😀

Nakakatuwa nga yung piso kasi dalawang mata na ni Rizal yung nakalabas kumpara sa mga ordinaryong barya na naka side view lang.

Hinanap ko sa internet kung magkano na ito nabebenta nagulat ako may nagbebenta pa ng 15,000.00 pesos sa halagang piso lang? grabe..

kaya naman 10k ko na lang ‘tong binebenta sa mga mahilig magcollect ng barya hahahaha joke.

PAMBANSANG DOKTOR

Bukod pala sa tinuturing si Rizal bilang pambansang bayani kahit hindi pa s’ya opisyal na dinideklara dahil wala pa naman daw batas na naiisalang sa mataas at mababang kapulungan ng Pilipinas, itinuturing din palang pambansang Doktor si Rizal😀

Kung napanood n’yo na ang Kimmy Dora and the temple of Kyeme nag extra si Rizal doon! (Ayaw ko magkuwento panoorin nyo na lang)😀

HAPPY 151st BIRTHDAY!

Ngayong June 19, 2012 ipagdiriwang na naman natin ang kanyang kaarawan. Hindi man kasing bongga noong nakaraang taon, sana sariwain natin muli ang kanyang kabayanihan at pangarap sa ating bayan. Ganoon din ang mga turo nya para sa mga kabataan.

Tandaan hindi kailangang mapugot ang ulo mo para ilagay sa piso at ituring ka bilang isang bayani. Maraming simpleng paraan para tularan ang kanyang kabayanihan tulad ng pagpapalaganap ng kanyang mga kwento’t aral, pag-sisikap, ganoon na rin sa pagtulong niya sa kapwa n’ya mamamayan.

Sabi nila ang Cancer daw ang pinaka taksil na sakit ng lipunan. Pero naisip nyo ba? na si Rizal ang kauna-unang naging doktor na lumunas sa karamdaman ng bayan.

MABUHAY KA! Kapepe!😀

►►►

Kung nais mong mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito.

Ilagay ang email o i click ang “SUNDAN SI OTEP”

Maaari ding i-like ang fanpage ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

11 thoughts on ““MUKHA KANG PISO!””

  1. nanood ako ng kimidora. at maliban sa umaro ka dere ni mura hindi ko natatandaang umekstra si rizal. :((

    ► sa last part s’ya si Marvin Agustin yung gumanap hahahaha umuwi ka siguro agad😀

  2. hindi kasi ako fan ni Rizal. Naniniwala kasi ako na si Andres ang dapat pambansang bayani. hehehe

    ► kanya kanyang pambansang bayani lang yan tutal hindi pa naman sya naisasabatas haha

  3. inisip ko kung san banda ung ke rizal sa kimmydora.. haha.. ung tumatak kasi sa isip ko eh si SANG KANG KANG weh. haha.. amp😀

    ► ikaw din di mo matandaan? sa last part sya.. yung parang spoof na.. ang ganda si SAN KAN KANG no? sana lahat ng ghost tulad nya haha.

  4. sana ay mag kaka ayos n kameng lahat ng mgkakapatid ksi ang hirap tlaga pg mgulo,,hindi kuna alam kong anong gagawin ko,,,pti mga pangarap ko ay nnsira nah,,cguro ito tlaga ang lyfe ko ddto sah mundo…

  5. Ang tagal ko na rin naghahanap ng bagong piso kaya lang hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapalad na magkaroon.

    Malay natin balang-araw. ^_^

    Magandang hapon sa’yo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s