LATAK NG MINA


Namulat ang opinyon ko tungkol sa isyung pangkalikasan noong mga panahong nagdedebate sina Manny Pangilinan (Chairman ng Philex Mining Corporation) at si Gina Lopez (Managing Director naman ng ABS-CBN Foundation) sabi ko: pare-pareho lang naman sila ng pinaglalabanan -negosyo.

Bilang isang tsismosong tao na isa din sa humigit isang daan at tatlong milyong kabuang bilang ng populasyon ng mga pilipino,  di man akong direktang apektado minsan gusto ko na ring maki-epal kaya ginagawa ko ito.

Salamat sa mga palatastas ng mga korporasyon sa pagmimina sa print at iba’t ibang media nalalaman natin kung ano nga ba ang naiaambag nila sa lipunan at kuminidad.

RESPONSABLENG PAGMIMINA

Sabi nila may tatlong pamamaraan o alituntunin na pumapaloob sa mga salitang responsible mining.

  1. Maiaambag nito sa Ekonomiya.
  2. Pagtulong sa Komunidad na maapektuhan nila at
  3. Pananagutan nito sa Kalikasan.

Pero paano nga kung nagkataon na  ‘yang tatlong iyan ay parang hindi naman nakikita.

NO TO MINING!

Kung mayroon mang kinikilalang kontrabida ang mga negosyante sa larangan ng pagmimina malamang sila na itong nangangalap ng mga pirma para tutulan ang mga ganyang aktibidad.

Salamat na rin dahil hawak din ng isang malaking tv network ang nasabing foundation kaya fair na ring maipapabatid sa mamamayan ang mga kaaya-aya at di kaaya-ayang dulot nito sa bayan.

“LATAK NG MINA”

Nitong linggo napanood ko ang special edition ng FAILON NGAYON na original na napapanood tuwing sabado ng hapon. Mula noong una hanggang matapos ang programa wala akong nakitang ni-isang kagandahan ayon sa palabas ang hatid ng pagmimina dito sa Pilipinas.

Saganang akin, sang ayon talaga ako sa pagmimina dito sa Pilipinas nabibigyan kasi ng mga hanapbuhay ang mga tao bukod doon napapaganda ang kumididad at nasusolusyonan ang mga kakulangan nito tulad sa Edukasyon at Kalusugan.

Pero aaminin ko din na matapos ko mapanood ito nagbago talaga ang pananaw ko.

MGA PANGAKONG NAPAKO.

Tulad sa mga pulitiko na gasgas na rin sa ating mga pandinig, nangyayari din pala ito sa mga ganitong sitwasyon. Ang mga pangakong “maayos na kumunidad” -nawawala. Ang mga pangakong trabaho hindi naman talaga panghabang buhay o pangmatagalan,  ang masaklap wala pang benepisyo. Ang mga kabundukan na kanilang kinakalbo at kinawkaw hindi na tinaniman ng mga bagong puno tiniwangwang pa, kaya pagdating ng tag-ulan dinadala din pababa papunta sa mga tao. Ang masaklap pa hindi na lang bundok ang apektado kundi na rin ang Karagatan. Kaya naman halos kasabay ng pagpatay ng kagubatan kasabay na rin nito ang pagpatay sa mga nilalang sa ilalaim ng tubig  dahil sa pagdaloy ng putik sa kailaliman.

MISTULANG NINAKAWAN!

Kasama sa naisaad ko sa itaas patungkol sa tatlong uri o pumapaloob sa responsible mining ay ang Ekonomiya. Dito ako pinaka nagulat 2% lang pala ang nakukubra ng Pilipinas sa kabuang kita sa pagmimina dito sa Pilipinas. Malayung-malayo sa naibabahaging kita ng mga minahan sa ibang bansa na umaabot sa 10 hanggang 30 pursyento. At sa 2% daw na iyon paghahatian pa ng lokal at national government. yay!

At dahil mga malalaking tao at institusyon ang mga nagbabangayan sa isyung ito, hindi na nakagugulat kung pati ang nasa mababa na nasa kuminidad ay hindi na rin nagkakaunawaan kaya nahahati na rin sila pagpabor at hindi pagpabor sa pagmimina ng kanilang lugar.

Bilang isang blogistang Pinoy wala naman talaga akong maitutulong para diyan bukod sa ikwento lang ang napakinggan ko ding kwento at magbigay na rin siguro ng suggestions na napakinggan ko din😀

Bakit nga ba hindi na lang nating gawing “GAWA muna bago MINA”? Halimbawa, ipatayo muna nila ang mga pangako nilang Paaralan, Health Center o kung anu-ano mang pangakong ‘yan. Magtanim muna ng mga puno sa ibang lugar, tutal marami na tayong kalbong kagubatan bukod pa doon sa bubungkalin nilang lupa. Taasan nila ang buwis o pagkubra sa kita ng pagmimina (Sabi nga nila mas mataas pa ang buwis na nakukuha natin sa mga sin taxes at petrolyo kaysa sa pagmimina) Sa gaanoon hindi man nila tuluyang magawa ang mga pangako nila matapos nilang sirain at pagkakitaan ang lupain natin, hindi na tayo lugi.

HUWAG naman sana magpakatanga ang Gobyerno! hindi naman pangmatagalan ang dalang kaginhawaan ng mga minahan sa Pilipinas. Hindi lang naman usaping puno ito na kapag pinutol matataniman uli ng bago. Isipin nyo kung gaano katagal ang process ng pagtubo o paglaki nito. Paano ang mga apektadong tao? kapag nawalan na ba ng trabaho mabibigyan nyo agad ng bago? e kung paano kung dati silang mangingisda na naging minero ang kaso noong babalik na sila sa pangigisda wala na rin mahuli dahil puro putik at patay na ang mga korales na tinitirhan ng mga isda dito?

“Ang taong may totoong pangarap sa kalikasan at  bayan hindi muna maninira bago ito mapaganda tanga!”😛

►►►

Salamat sa mga new subscribers at followers ko🙂

Kung nais mong mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito.Ilagay ang email o i click ang “SUNDAN SI OTEP”

Maaari ding i-like ang fanpage ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

2 thoughts on “LATAK NG MINA”

  1. wala namang mali sa mining kung responsable lang sana ang mga minero. di rin kasi tayo mabubuhay ng di gumagamit ng mga materials na galing sa pagmimina.

    ► yun na nga yung point sana talaga,🙂 teka bakit minero? lels

  2. Kwento kasi sakin nung kaibigan ko, (na mataas ang posisyon sa mining company, o diba ako na may friend na mayaman) hindi naman daw nakakasama ang mining. Responsible mining lang naman ika nga. Yung mga small time mining daw ang dapat sirain. At dati “daw” nasa convention itong si Lopez, then nabara bara daw siya kasi she doesn’t know anything daw about mining or let’s say limited knowledge (nung panahong yun), kaya parang yun din siguro ang isa sa mga dahilan she keeps on forwarding her adhikain.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s