ANG TULOK NI MAMA


Alam n’yo minsan natatawa na lang ako sa sitwasyon naming mag-ina. Para kaming aso’t nanay na Pusa. Kaya madalas, kahit  apartment o pamamahay ko iyon (kung tutuusin), ako pa yung lumalayas. awkward no? Kaya naisip ko na para iwas away di na lang ako nagsasalita o umiimik. Hanggang dumating yung araw na may narealized ako.

Mama: Otip! anong oras na, may opisina pa ba ng ala-una!?

Mama: Otip! naghihilamos ka na naman! gusto mong lumabo mata mo!?

Mama: Otip! katatanggal mo palang ng sapatos, nagbabasa ka na naman ng paa! gusto mo mapasma!?

Mama: Otip! gabi na di ka na naman natutulog!

Naiintindihan ko naman Mama ko kaso mula noong high school ako, nakatapos ng kolehiyo at nakapagtrabaho laging ganyan. Kakasawa.

kaya minsan ganito na lang ang naisasagot ko

Otep: Ma! Paulit-ulit?

Minsan nanonood ako ng TV habang si Mama nagbubungkal ng tela na gagawing basahan (libangan ni mama retired na kasi).

Mama: Otip, yung pamangkin mo wala ng gatas, yung asawa ng kapatid mo hindi na makadiskarte blah blah..

Otep: Kaya nga ako di pa nag-aasawa, yung nakatapos nga hirap na kumita ng pera yung di pa kaya nagtapos tapos nakabuntis pa blah blah…

Mama: Kaya nga anak minsan tumulong ka naman sa mga kapatid mo.

Otep: Ma, baka mamihasa lang yang mga ‘yan at di na talaga makahanap ng trabaho.. blah blah..

(sabay akmang ililipat ko sana ng channel yung TV kaso di ko mahagilap yung remote control)

Otep: Ma, nakita nyo yung remote?

Mama: Ang alin?

Otep: nandyan sa tabi nyo. Remote.

Mama: Ano?

Otep: remote. Paulit-ulit? (pero pa biro lang naman)😀

Mama: Kayo talaga.. di ko lang narinig ng maigi. di pa nga ako tumatanda, paano pa kaya kapag nabingi na talaga ako? sigh*

(kung narinig nyo lang pagkadeliver ni mama ng pangungusap na yan)

Otep: (sa isip-isip ko) Aw.

AFTER A WEEK

Mama: Otip, sakit ng tenga ko, napasukan kasi ng tubig kanina. tapos parang may tumutulo*

Otip: lumalabas na naman pala e.. pa side na lang kayo matulog mamaya lalabas din lahat yan.

….wag na kasi kayo linis ng linis ng tenga. Sabi daw kasi minsan lang dapat. Sensitive daw kasi yan baka mawala yung “silla” (balahibo sa tenga) na nagsasala sa dumi’t hindi pumasok sa loob.

Ilang araw ng dinadaing yun ni Mama kaya dumating na sa point na parang nagkasugat na at parang nana* na daw yung lumalabas. ew!

kaya sabi ko pacheck-up na. Kaso tigas ng bangs! Kapag kaming mga anak n’ya nakararamdam ng sakit parang mamamatay na kami kinabukasan kaya tinatakbo na kami sa ospital. Samantalagang kapag sila naman nagkakasakit -ayaw!

Isang gabi umuwi ako galing work. Naabutan kong natutulog si Mama habang may kung ano sa tenga.

Otep: Ma, Kumain na kayo?

Otep: Uo, meron dyang frayd chekin.

(Nagulat ako sa nakita ko)

Otep: Ma! ano yang’sa tenga nyo?

Mama: May tumutulo pa kasi, nilagyan ko ng betadine* kunti lang naman.

Otep: Hala! adik lang? maaahhh.. pang external lang yun! bahala kayo kapag natuyo yan magsasara na tenga nyo. (nananakot lang)😀 …. o wag muna kayo magbayad ng apartment (sabay abot ng pera) magpachek-up muna kayo bukas.

Naalala ko tuloy yung mga binanggit nya sakin noong mga nakaraang araw, paano nga kaya kapag dumating na sa point na humina na pandinig ng mga magulang natin. Kahit ilang beses nating sabihin na mahal na mahal natin sila ‘di na nila tayo maririnig.😦

Tama nga sabi nila kapag senior citizen na ang mga magulang natin, nagiging sensitive na sila sa mga bagay-bagay hindi lang literal kundi pati na rin yung kanilang emosyonal na nararamdaman.

Kaya kayo wag nyo na sasabihang ng “paulit-ulit” magulang nyo. Si Vice Ganda na lang nagsasabi nun.

Ayos na si Mama ngayon normal na pandinig nya at wala ng kung anong tumutulo sa tenga nya.. Pero hanggang ngayon manghang-mangha pa rin sya sa mga tulok na nakuha sa kanyang tenga  na naipon ng 61 years😀

Dapat daw kasi at least once a year nagpapacheck-up tayo ng tenga at iwasang gumamit ng bulak dahil naitutulak lang nito yung dumi paloob.

Naku madami pa akong pangarap sa mama ko, sana kapag dumating yung araw na iyon  normal pa lahat sa mama ko. ♥

►►►

————————————

Salamat sa new subscriber/ follower ko :)

  •   Panicking Secretly
Kung nais mong mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito.Ilagay ang email o i click ang “SUNDAN SI OTEP” Maaari ding i-like ang fanpage ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

7 thoughts on “ANG TULOK NI MAMA”

  1. ang swerte mo may nanay ka pa. wag mo pabayaan🙂

    ► tama sobrang swerte talaga. ayan pla ni make sure ko na allow ang mga comments haha😀

  2. Kaka-touch naman tong kuwento mo. Post-mother’s day post to ah?! Galing naman ni Otip.

    ► Wow natouch ka dun? lels.. oo post-mothers’ day yan.. pwede ring fathers day kasi nga si mama na rin nagtaguyod samin since yumao na si erpats😀

  3. Ika nga ng isang kumakalat na quotation, “habang tumatanda tayo, nakakalimutan nating tumatanda na rin ang mga magulang natin..”

    Buti naman at ok na ang mama mo, ganun pala yun, naiipon ang tutuli. hahaha! Kala ko ok na yung nagcocotton buds tuwing after maligo..

    ► gusto ko yung qoutation mo!😀 kaya ikaw dahan dahan lang paglilinis ng tenga saka dapat nagpapacheck up at least one a yeah😀

  4. so dapat pala nagpupunta sa eent at least once a year, salamat sa info Otip!

    agree sa sinabi mo na nagiging sensitive tao kapag tumatanda, ganyan din parents ko ngayon eh, maliit na bagay eh pinagdaramdam na, kaya kelangan hinay-hinay sa pakikipag-usap sa kanila.

  5. di ko alam kung maiiyak ako o matatawa sa entry na ito. pero one thing i realized, magsabi ng i love you sa mga magulang habang buhay pa sila. kahit gaano pa sila kakulit sa atin. *sigh*

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s