DAVAO DAY 1: FIRST TIME IN MINDANAO


May mga empling na nakapansin sa title ng blog post na Davao Day Zero (0) ko. Bakit daw “Road to Davao” ang title e by air naman ako nakarating dun. Ano gusto nyo Air to Davao? ang korni ha! Hahaha.😛

Hindi naman sa heksayted ako makasakay uli ng eroplano kung bakit 1:30 palang ng umaga  ay nakaalis na ako sa apartment  papuntang NAIA. Hindi na nga ako nakatulog e.  Nagkataon lang talaga na 4:00am ang departure ko papuntang Davao.

Mga pasado alas-dos na rin akong nakarating sa NAIA 3 sa halagang P160.00 sa pamamagitan ng Taxi at sakto naman na 2 hours before the flight ay nandoon na ako.

Gaya ng nasabi ko sobrang kabado ako sa pagkakataong ito dahil first time ko sasakay ng eroplano na mag-isa. Para talaga akong mag-aabroad na hindi ko alam kung ano ang madadatnan ko doon.  Emu-emo tuloy itsura ko habang nakapila para kuhain ang boarding pass ko habang pinagmamasdan ang grupo-grupong magkakasama (inggit much!) . At dahil madaming beses na ako nakasakay ng eroplano, alam ko na ang kalakaran para makaupo ka sa tabi ng bintana. At take note kung dati kahit sa window side ka nakaupo pero nakatapat ka naman sa pakpak ng eroplano at mapapa “useless” ka nalang, ngayon hindi na!

Kaya naman:

Otep: Miss pwede sa side ng window… yung bandang likod ha?😀

Hindi pa man nakakaalis ang eroplano napagastos na agad ako. P200.00 para sa terminal fee at P135.00 pesos para sa pagkain na binili ko sa loob ng terminal. Mahirap ng walang makain sa loob ng dalawang oras sa ere. Nagtaka lang ako ng konti kasi P132.00 lang lumabas doon sa cashier register machine pero P135.00 yung siningil sa akin. Kaya humingi ako ng resibo para makita ko yung breakdown. Salamat naman at binigyan ako!… kaso napataob ako bigla, kasi binigyan nga ako ng resibo pero sulat kamay naman at ganito ang nakalagay “Cash… one hundred thirty five pesos..” kakaaning!

Inubos ko ang oras ko sa paghihintay habang nanlalait ang isipan ko sa mga taong nagdaraan. Parang ang guwapo ko lang. lels.

ONBOARD

Busog na busog ang mga mata ko sa nakikita ko sa labas ng bintana. At dahil madaling araw yun, nagmistulang mga bituwin sa lupa ang mga ilaw sa mga siyudad ng kamaynilaan. Sobrang ganda!

Mas lalo na noong bumabati na ang bukang liwayway sa bandang kavisayaan. Kitang-kita ko mula sa itaas ang malaking bahagi ng isla ng Cebu ganoon na rin ang kabuaan ng Bohol kahit hirap akong makita kung saan ba banda ang chocolate hills.🙂

Noong natanaw ko na ang isla ng Camiguin, parang ang sarap sa pakiramdam na sa wakas! nasa itaas na ako ng Mindanao. At doon parang nadagdagan na naman yung katuparan ng pangarap ko na makarating sa malalayong lugar. And yes! Ito na ang pinakamalayong narating ng pagkatao ko!🙂

Hanggang ngayon, habang pinagmamasdan ko ang mga larawan sa ibaba ang sarap isipin na personal kong nasilayaan ito. Ang matataas na bundok,  tila abo’t kamay at ikaw ang naghahari dito. Ang sikat ng araw na unti-unting sumasaklob sa buong kalupaan ang siyang tunay at tuluyang nagpakawala sa sekretong kagandaan nito kung bakit ito nasisilayan! Lupet talaga!😀

Hilagang Mindanao

Hindi na rin nagtagal at napadpad na rin kami sa Davao Gulf at nakabwelo na para sa aming paglanding.

Davao Gulf
Davao City

TOUCHDOWN

Noong nakababa na sa kalupaan ang epleyn namin. Binuksan ko na yung phone ko at masayang tinext si CJ na “touchdown”. Agad naman nya akong binati ng “congratulations” (parang award lang) lels.

Davao International Airport

 Gaya ng sinabi sakin ni CJ pwede daw akong kumuha ng Map sa tourist booth dun kaso wala akong nakita. Actually wala ngang gaanong tao sa mga booth dun kasi nga sobrang aga pa ata ng 6:00am.

Lumabas na ako ng airport at nag-expect na may banner akong makikita na nakapangalan sakin. Hahaha joke lang. pero nagexpect ako na nandoon na si CJ para sunduin ako.

Inulan ko s’ya ng text kung nasaan na sya o kung ano na ang gagawin ko pero madaming minuto din na wala siyang reply.. Habang tumatagal nadadagdagan ang daga ko sa dibdib kasabay nang unti-unting pagkaubos ng mga tao sa waiting area.. 20, 10, 5 hanggang naiwan na lang ata akong mag-isa.😦

Naalala ko bigla yung huling pag-uusap namin ni CJ na 7am ang pasok nya.. e mag-aala-syete na noon kaya sigurado na akong hindi nya na ako susunduin.

Tinext ko si Bino kung saang hotel ang pwede kong tuluyan na mura at malapit lang. Madaming naibigay sakin si Bino. Naalala ko yung binigay sakin na hotel ni Neo (Richard Diongson/Tubong Davao) na Sampaguita Tourist Inn. Mura lang daw dun. Since wala akong wi-fi phone.. i mean meron naman wala lang battery. tinext ko uli si Bino kung saang Lugar ang Sampaguita Tourist in. -Mt. Mayon St.

Habang nakaupo ako sa mala-tubong bakal na upuan sa waiting area… pakiramdam ko talaga OFW ako tapos na illegal recruiter.😦 Sobrang kabado ako. Nanalangin ako na wag akong bisayain ng masasakyan ko.

Welcome to Davao

Nagtungo ako sa pila ng Taxi. Yung haba ng pila doon kanina ngayon wala na at may dalawang taxi na lang ang natira.

Lakas loob akong nagtanong:

OTEP: Kuya may alam ba kayong hotel dito na malapit at mura?

Madami siyang sinabi pero wala akong naintindihan sa dami kaya nag iba na lang ako ng tanong.

OTEP: Kuya malayo ba dito yung Sampaguita Tourist Inn?

DRIVER: Saan yun?

Sasagutin ko sana.

OTEP: Sa Cebu. (charot! joke lang hahaha)

…. Sa Mt. Mayon Street daw po. mga magkano po kaya aabutin?

DRIVER: Mga 300 siguro.

OTEP: Naku! ang mahal po pala no?

Sabay andar na kami.

DRIVER: Bago ka lang ba dito?

OTEP: Opo e. Hindi kasi ako nasundo.

Nagtaka na lang ako noong pinindot nya yung metro ng taxi (pinatay).

OTEP: Kuya paki-metro na lang.

DRIVER: Sige pakidagdagan na lang ha.

Wala na ako nagawa, ayaw ko naman maligaw kaya umo-O na lang ako.

Mabait naman si kuya ang daldal nga e. Ini-isyu pa ako na kasintahan ko daw ang pupuntahan ko dito “Kasintahan” talaga term nya. Pati pagsisisi nya sa kabataan nya kung bakit maaga syang nag-asawa at kung anu-ano pa.

Siguro halos kalahating oras din ang tinagal ko sa Taxing iyon na punung-puno ng kwento ni kuya.

Expected ko talaga na aabutin ng mahigit P300.00 yung babayaran ko sa Taxi pero inabot lang ng P150.00+. Dahil ayos naman si kuya hindi ko na kinuha yung sukli sa P200.00 dahil sumang-ayon naman ako sa “dagdagan” na sinasabi nya. Bumaba akong may ngiti at pahabol na “madiskrasya ka sana” hahahaha joke lang yun.

Pumasok ako sa loob ng Sampaguita Tourist Inn. Tama nga! mura dito, sa sobrang affordable walang bakante at tanghali pa daw magkakaroon. Dahil sa sobrang aga noon ayaw ko naman tumunganga ng ilang oras para sumugal kung magkakaroon ng bakante o wala. Nagulat na lang ako noong sinabi nung babae na tignan ko daw sa kabilang branch nila (bandang likod) baka may bakante at mas mura pa daw doon. Natuwa ako syempre kung yung branch nga nila na iyon ay naglalaro lang sa P300-500.00 per day ay mura na paano pa kaya sa kabila?

CHECK IN

Hindi ko alam kung swerte o malas pero swerteng may nag-iisang bakante sa halagang P200.00! Amazing. Kaso walang aircon at walang TV. papatusin ko na sana dahil antok na antok na ako nun. Mabuti na lang at may binabang susi, ibig sabihin may bagong bakante sa halagang P300.00 w/ TV.

Room 415 ang binigay sakin. Syempre inalam ko kung saan ang daan. Nakakatawa man pero tinuro nila ako sa hagdanan. Hala ka! fourt floor ang hahagdanin ko. Wala na akong nagawa kundi umakyat -mura e.

Huli man para magsisi, ito na yun e! napamura naman ako -literal! Hahaha. Wala ng panahon para mag-inarte ang mahalaga ay nakatipid kahit walang sabon, tuwalya at aircon.

Nagpromise na lang talaga ako na next time maglalaan ako ng malaking budget para sa maganda-gandang hotel.

Pero kung gusto nyo talaga makatipid just in case na malagi kayo sa Davao ito na yung tourist Inn na suwak sa budget!

Naghubad ako at agad ding nakatulog ng 8hours!😀

Pag-gising ko masama pa rin ang loob ko sa hindi pagsundo sa’kin, pero naisip ko na masisira lang bakasyon ko kung gagawin ko iyon. Pero dahil reasonable naman kung bakit hindi ako nasundo at kasalanan ko din naman na hindi na clarify ang lahat. Back to normal ang lahat.

Nagulat na nga lang ako ng may kumatok sa pinto at sa pagbukas ko may taong nakaputi.

OTEP: Hindi po ako tumawag ng masahista. (sasabihin ko sana) haha

(Naalala ko lang paano ako makakatawag e wala naman telepono sa kuwarto ko.)

Si Cj ang tinutukoy ko. Nag-aya na akong bumaba para makakain dahil hindi pa ako kumain ng almusal o tanghalian man lang.

si CJ ng Silaabdabaw

KAINAN NA!

Dinala ako ni CJ sa TAPS sa harap ng People’s Park.

Ito ang unang pagkaing Davao na makakain ko.

Taps’ Friend Chicken

Dahil patay gutom ako umorder ako ng Fried Chiken at Balbacua at softdrinks kung hindi ako nagkakamali umabot din ata ng 150 ang order ko. mura na para sa dalawang pagkain at inumin. Nakakatuwa yung fried chiken nila, instant kasing two-piece😀

Taps’ Balbacua

PEOPLE’S PARK

Ang unang activity ko sa Davao ay ang malibot ang People’s Park. Infairness pang mayaman sa ganda at sobrang higpit ng security nila. Sana lahat ng park sa Manila may kapkapan portion din. Pag naging mayor ako ng Maynila papagawa din ako ng ganito. haha.

People’s Park in Davao

Dahil gabi na noon, hindi na ako nakakuha ng picture kasi madilim.

Philippine Eagle @ People’s Park

Grabre! Lumalaki pala ng husto ang Philippine Eagle ng ganito kalaki! Hahaha. Yun naman ay naiisip lang ng utak niknik na tulad ko.

Matapos malibot agad na ring kami lumabas ni CJ ng People’s Park at tamang-tamang may naghihintay na Dirty Ice Cream sa labas. Syempre anong flavor pa ba ang pipiliin kundi Durian flavor yumyum!

DOWNTOWN

Sinunod na agad namin ang paglibot sa buong downtown ng Davao City sa hindi nakakapagod na paraan. Sumakay kami ng Jeep at instant naming naikot ito. Ayos na ayos para sa mga taong ayaw mapagod. Kung tutuusin wala namang gaanong pinagkaiba ang Davao City sa Kamaynilaan. Kung meron man, ito ‘yung napapansin kong disiplinado sila sa kalsada.

Walang gaanong matataas na gusali sa Davao kung ikukumpara sa Makati City pero kung iaadvance natin ang isipan natin, hindi imposibleng mangyari na magkaroon din ng ganoon ang Davao. Lalo na noong nakita ko ang mga gusaling balak ng itayo, at narinig naman kay CJ ang mga proyektong gagawin doon ng mga negosyante at lokal na Gobyerno.

Sayang wala akong mga kuha noon.

Dahil medyo busog pa ako sa kinain namin ni CJ sa Taps, hindi na ako bumili ng makakain na kanin na dadalhin sa hotel pang dinner, bagkus bumili na lang ako ng snacks na sa halagang P130.00..

Elpidio Quirino Ave cor. Mt. Mayon St., Davao City

Maraming salamat kay CJ sa tour na yun dahil nalibot ko ang Davao. Nakakapagod man pero sulit ang paglalakwatsa sa gabi🙂

Heksayted na ako kinabukas para sa toong simula ng paglalakbay ko sa Davao City!🙂

DAY 1 EXPENSES

  • P 160.00 – Taxi to NAIA
  •     200.00 – Terminal Fee
  •     135.00 – Food @ NAIA
  •     200.00 – Taxi to Downtown Davao
  •     300.00 – Sampaguita Tourist Inn
  •     150.00 – Food (Brunch) @ Taps
  •        18.00 – Transpo & IceCream
  •     130.00 – Food (Snacks)
  • 1,293.00 – Total

Next Post: DAVAO DAY 2: ANG AGILA AT ANG “LITTLE TOKYO”

►►►
Kung nais mong mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito.
Ilagay ang email o i click ang  “SUNDAN SI OTEP”
Maaari ding i-like ang fanpage ko sa www.facebook.com/librelangmangarap.

9 thoughts on “DAVAO DAY 1: FIRST TIME IN MINDANAO”

  1. Natuwa ako sa iyong pagkukuwento Otep – very detailed, at kasama pa talaga yung expenses sa ibaba…

    Wow, grabe yung shots huh, gondo! Sayang lang di ako nkapunta sa People’s Park that time. :))

    ► naku, sana pala binalikan natin.. gabi ko kasi napuntahan ang peoples park siguro mas maganda sa umaga.

    oi! asan na mga post nyo?😀

  2. Ikaw na!

    At kaya pala issue sa yo ang pagsundo sakin ni CJ sa airport… Bakit, poon ka ba? lels…😀 Nice entry Otep. Kakatuwa nga ang pagkukwento mo… Ginawa mong masahista si CJ… Hahaha!

    Napakamura nga sa Sampaguita… Ideal for transients and backpackers na talagang matitipid… Good for you at nakakain ka ng balbacua… I’ve here in Cebu for more than a decade pero di ko talaga gusto ang balbacua…

    Yes, disiplinado ang mga tao sa Davao… Naaappreciate ko rin na multi-lingual sila, at gamit na gamit ang Filipino…

    ► oo nga e unfair pagsundo sayo.. wala pang 30 minutes nandyan na. sila ate leah 1hour tapos ako di nasundo.. pwede bang maging alagad ng poon para ambunin din ng blessings? hahaha

    sa totoo lang di ko masyadong nagustuhan ang balbacua parang ang sebo kasi.🙂 pero masarap naman.

    siguro city lang talaga ang davao city kaya nagtatagalog din sila at yun ang maganda doon🙂

  3. Kung magagalugad ko na ang Pilipinas, babalikan ko lahat ng post mo dito….🙂
    Yalla… Day 2 na🙂

    ► Hahaha sama mo ako! ang dami kong unfinished businesses dun😀

  4. 300 per day ba yung hotel na tinuluyan mo? galing ng pagkakakwento! next entry pls.🙂

    ► yeah 300 per day ang mura no? pero may kasing halaga pa dyan pero hindi kasing ganda🙂 i mean mas maganda😀

  5. Ang galing naman, hindi nawawala ang fried chicken sa mga pinapakain sa mga bagong dayo sa Davao. Haha mura lang kasi. Natawa rin ako dun kay CJ Masahista. Naks!

    ► uu mura na two-piece pa.😀 hahaha joke lang yung masahista baka magalit lels😀 peace*

  6. wala akong masyadong alam sa davao kasi bobbo ako sa philippine geography. pero gsto ko ring maranasan yung magbyaheng magisa. nakakakaba nga tulad ng sinabi mo pero magandang experiencs yun im sure. =D

    ► yeah magandang experience kaso nakakakaba.. ewan ko di ko maexplain pero makakalimutan mo din mag-isa kapag nasa taas ka na ng erpley kapag nakita mo na yung nasa labas.. nakakbilid si God e. ang Ganda!.

  7. Naks naman, galing mo talaga magkwento Otep, kumpletos rekados.😉 Kainggit naman ang Davao trip ng mga u-bloggers, sana marating ko din ito. Ano nga pala yun balbacua?

    ► yeah makakarating ka din dyan basta gugustuhin mo🙂 yung balbacua karne sya, hindi ko lang alam kung baka o baboy hindi ko kasi alam yung pagkakaiba hahaha.. masarap sya.. kaso medyo masebo nga lang.🙂

  8. wow… napa-wow ako. hayyy gusto ko din kase pumuntang davao bago ako lumipad ulit.. (may pakpak ako te), may gusto akong dalawin na friend.. pero parang hanggang drawing na lang yun dahil hanggang ngayon imagination pa rin ang budget..

    anyway.. hmmm… pagpatuloy ang kwento.. madami pa akong gustong marinig.. in case lang naman matuloy din ako..

    lol.

    at wait naalala ko.. nakakainis naman si manong taxi..sabi sayo 300.. tapos ay ah.. 150 lang pala.. ayuko ng ganung taxi drive.. mando.. mando-rugash.. hehehehe.. buti na lang mabait ka.

    ► naku teh, lagi ko sinasabi basta gusto may paraan, kapag ayaw maraming dahilan. Ako basta gusto ko kahit mag-isa lang ako gagawin ko, pero mas maganda pa rin kapag may kasama para ma share mo sa kasama mo kung ano nakikita mo.. ang awkward kasi kapag nakakita ka ng kakaiba o kaya maganda tapos sasabihin mo “wow ang ganda no!?” tapos ikaw na in sasagot “oo nga no!” haha baliwbaliwan ka nun.

    oo, tungkol pala sa drive, in all infairness mababait sila, yun nga lang nakaka turn off. May nabasa kasi akong blog sabi ang mga driver daw sa Davao ang pinaka mapapagkatiwalaan, ayun nga ng nangyari.. pero sana isolated lang🙂

  9. oi congrats, napadpad ka na sa mindanao. ayos, may paggagayahan na ako ng itinerary kapag napadpad ako ng davao😉 magkano nga pala bili mo sa tnf bag mo?

    ► oo tama, sige gawan kita ng summary kapag may time😀. mua lang ng tnf galing lang kasi vietnam.. 1,500 yun sa sulit.com may 1,200 ata kaso ang kinaibahan lang yung 1,500 free shipping na hindi kapa napagod🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s