DAVAO DAY 2: ANG AGILA AT ANG “LITTLE TOKYO”


Napasarap ang tulog ko kagabi sa kabila ng kawalan ng aircon sa hotel/Inn na tinuluyan ko. Salamat na lang at umulan kinagabihan na kahit sarado ang bintanang jalousie ay may mga tilamsik ng ulan sa siwang nito na kapagdala sa akin ng kaunting kaginhawaan naks!. Ganoon pa man maaga pa rin akong nagising dahil sa liwanag na sumaklob sa buong apat na sulok ng kuwarto ko -wala kasing kurtina. Bumangon ako’t dumerecho sa palikuran (palikuran!? parang probinsyo lang, CR na nga lang).🙂

Sariling-sikap sa lumang salamin.

Maaga akong nakaayos ng mga gamit ko dahil lilipat na rin ako pagkasundung-pagkasundo namin kina ate Leah at Jhiegz sa airport na nagmula pa sa Iloilo. At dahil alam kong susunduin din ako ni CJ mula dito.

Ang kaso mag-aalas diyes na wala pa din si CJ kaya nag check-out na ako at sa ibaba na lang maghihintay habang kumakain ng almusal.

ang kulay penk na kainan ng Sampaguita Tourist Inn.

Nakakailang-subo palang ako sa inorder kong Hotsilog at Instant Coffee sa halagang kulang-kulang P100.00 nang dumating na si CJ, syempre inubos ko muna bago kami tumungo sa airport.

“WELCOME TO DAVAO”

Isang oras din sila naghintay sa amin ganoon pa man magsalamat na lang sila at nasundo sila! (ako nga hindi e. hahaha bitter pa din.)

ako, (yaya) leah at taba-ching-ching na Jhiegz

Tila pagkikita ng nagkalayong pamilya ang scene namin sa airport may yakapan portion pang nangyayari samantalang si Jhiegz nganga lang.😀

CJ, ate Leah at Jhiegz

Dahil hindi ako nakapagpa picture-picture sa Durian kahapon kaya pinilit kong magpicture kahit may kuha na sila doon.

Ang tawag diyan ay DUUURIAAAN. malaki e!

JAZZY JAMES COUNTRY HOTEL

Halos tanghali na noong nakarating kami sa downtown. Dumerecho muna kami sa hotel na pangmayaman😀  ito yung JAZZY JAMES COUNTRY HOTEL na matatagpuan malapit sa VICTORIA PLAZA MALL sa kahabaan ng J. P. Laurel Avenue at sa Lacson street naman ang hotel. Weird nga lang ang rate ng hotel nila dito kasi mas mura ang triple kaysa sa double. Syempre mas pipiliin dapat namin yung mas mura kaso wala pang vacant kaya kinuha muna namin yung double.

  • ROOM RATES
  1. Standard Single – Php 699.00
  2. Standard Double – Php. 999.00
  3. Matrimonial Deluxe Php 899.00
  4. Triple – Php 899.00
  5. Quadruple Php 1,196.00

Fully Airconditioned ang mga rooms nila, Hot and Cold ang Shower nila, meron syempreng Elevator!, In-House Restaurant, telepono, Cable Television na flatscreen, Parking Lot, accessible sa mall/ kainan higit sa lahat Wi-fi! (mabilis wi-fi nila dito promise) Kaya sana sa pagbalik ko dahil sa blog post na ito, discounted na ko hahaha!😀

Pagkalapag na paglapag ng aming mga gamit pahinga muna kami ng kaunti at lumarga na para kumain sa Mcdonalds na malapit lang din sa nasabing hotel. Salamat kay ate Leah para sa Chicken fillet with drinks at sundae.🙂

Mabuti na lang at hindi namin tinake-out dahil isang oras pa pala papunta sa next destination namin -Philippine Eagle Foundation.

Pero bago pa man iyon dinala muna kami ni CJ sa Calinan Museum.

PHILIPPINE-JAPAN HISTORICAL MUSEUM

Mula sa Harap ng Victoria Plaza mall (J. P. Laurel Avenue) sumakay kami ng jeep papuntang Bankerohan Public Market, o San Pedro Street Extension sa halagang P8.00 at mula doon sumakay kami muli ng Jeep o L300 style na sasakyan papuntang Calinan Public Market sa halagang P40.00. Bumaba kami sa De Lara Steet at mula doon nagtanong kung saan matatagpuan ang Museum. Maiman na magtanong dahil may papasukan pang kalye papunta doon.

Sa paglalakad, doon na rin ako nakakita ng puno ng Durian kung saan, makikita mo kung ano ang itsura ng bunga nito kapag nasa puno.😀

OTEP: e paano malalaman kapag hinog na ang Durian?

CJ: Kapag nahulog.

OTEP: oh?

Bago makapasok sa museum kinakailangan mong magtanggal ng sapatos o kung naka-tsisnelas ka na siguro…. – kailangan mo pa din magpalit.😀  Tulad sa tradisyon ng mga east asian countries kinakailangan mong magtanggal ng sapatos sa pagpasok ng isang tahanan upang mapanatiling malinis ang kanilang bahay. Kaugalian sa bansang Hapon ang  paghuhubad ng sapatos bago pumanhik sa loob ng bahay. Ang sapatos ay hindi dinadala sa loob ng bahay at may nakalaang lalagyan sa may pintuan o “genkan” kung saan ito itinatabi. May mga tsinelas na ginagamit para sa loob ng bahay, ngunit ito rin ay hinuhubad bago pumasok sa isang “tatami room”. (o di ba maka search wagas!) haha
Bago sumiklab ang pangalawang pandaigdigang digmaan naging sentro daw ng pag-aabaca ang Davao partikular sa Mintal  na siya namang naging malaking bahagi ang mga hapon. Doon umosbong ang maraming pag-iibigan naks! kaya nagawang magpakasal ang mga lalakeng hapon sa mga lokal na kababaihan ng Davao.
Noong napadpad ako sa Davao, ganoong nabansagan na nga itong “Little Tokyo” ng Pilipinas, minsan mapapatanong ka pa rin kung bakit parang wala ka namang gaanong nakikitang singkit ng mga tao dito.
At may paliwanag na ang teorya ko dito!😀 sumama na kasi ang mga asawa’t pamilya nila maaring sa bansang hapon o sa iba’t ibang parte ng Pilipinas para maghanap ng ikabubuhay o sa alam nilang mas giginhawa ang buhay nila.
Matapos ang digmaang pandaigdig muling bumista ang mga Hapon sa Davao upang balikan ang mga sentimental na pangyayari sa buhay nila at doon nga tinayo ang Museum na ito para mapreserba kung anong kasaysayan ang naipon sa mahabang panahon.
Kaya naman sa loob ng museum madami kang matatagpuan na uukit sa iyong imahinasyon kung anong pamumuhay mayroon sila noon.
At bilang isang layout artist na inspired ako sa mga lumang pahayagang hapon na naka-display dito. Ang sarap isipin kung sino ba ang naglayout ng pahayagan na ito, isipin nyo naging bahagi sya ng kasaysayan.😀
Bukod doon madami ka pang makikita tulad ng mga japanese dolls, mga gamit nila, kasuotan at iba pa kaya dapat huwag mong palagpasin ang Philippine-Japan Historical Museum kapag napadpad ka sa Davao.
Hindi naman mabigat sa bulsa ang pagpunta dito.
RATES
  • Foreign Visitors – Php P30.00
  • Local Visitors     – Php 10.00 (13 y/o above) | Php 5.00- children

Nanatiling bukas ang ang Museum araw-araw maliban kapag holidays mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

At syempre saan pa ba magandang lugar para magjapan-japan? -edi dito!😀

PHILIPPINE EAGLE CENTER

Mula sa Calinan Museum sakto namang may tricycle na nakontrata namin. P20.00 isa papuntang Philippine Eagle Center.

Medyo naguilty na nga ‘ko kasi medyo may kalayuan pala tapos P80.00 lang binayad namin. Mas naguilty ako noong nakalimutan ko magbayad kung sino man nag-abono hahaha lels.

Si manong driver, na may lahing japanese ata. panay janapese kasi pinapatugtog nya sa MP3 nya.🙂

Pagdating namin sa Davao City Water District, isang mala gubat at refreshing na lugar ang sumalubong sa amin.🙂 Doon, kinakailangang magbayad ng P5.00 na entrance at P3.00 para sa mga batang tulad ko lels.

Bukod doon, sinalubong din pala kami ng mga nagbebenta ng hand-made bracelets na naka traditional customes. Hindi ako bumili kasi magui-guilty na naman ako kapag yung iba hindi ko mabilhan.

Pagkabayad sa entrance fee sa Davao City Water Ditrict kinakailangan pa ding magbayad ng  P50.00 para sa matatanda at P30.00 pesos naman sa mga kabataan (18 years old and below).

Bago namin pasyalan ang buong Philippine Eagle Center, nagpalamig muna kami. Bumili kami ng Mango Shake sa halagang P50.00 at P45.00 para sa Abocado Shake yumyum!

Sa loob, madami kang matatagpuan na iba’t ibang uri ng halaman na ngayon ko lang nakita. Kasama na dito ang pabolosong Waling-waling. Totoo nga walang paris ang kagandahan nito.🙂

At syempre, bukod sa pambansang ibon ng bansa, samu’t sari ding mga hayop ang matatagpuan at makikita dito. May mga babala pa pala tungkol sa mga ligaw na ahas kaya dapat daw mag-ingat at magmadyag sa nilalakaran. -manakot daw!? Hahaha

Hindi ‘to Philippine Eagle, Lawin to! (kinindatan nya ko!😀 )
side view🙂
Kinararir ko ang pag-picture sa kanya🙂
Monkey! -Monkey Eating Eagle? o pagkain ng Eagle?
Ang ingay ng Ibong ‘to promise!
Brown Deer
Di ako sure, pero ito daw si Pag-asa! dream come true na makita sya!
Ibang posing nya!
ito pa! napakalayo nito. salamat sa zoom ng camera.

Sobrang sulit ang pag-punta dito, kaya marahil hindi ‘to nawawala sa puntahin ng mga turista.

Madaming malalaking Isda din sa tubig.

Akala ko paglabas namin sa Philippine Eagle matatapos na ang adventure ko -hindi pa pala. Wala namang ibang masasakyan kasi doon pabalik sa terminal ng mga L300 kundi habal-habal. May kaba man dahil perstaym ko sumakay sa ganoon, pero sobrang naenjoy ko iyon. Kumportable naman lalo na’t ginawa akong sandwhich ng jhiegz at manong driver. haha

DINNER TIME!

Dahil patay-gutom na itsura ko noon, dinala naman kami ni CJ sa napakasarap na kainan pero suwak na suwak sa bulsa -ang Mandarin Tea Garden na matatagpuan pa rin sa Victoria Plaza Mall.

Inorder ko ang Chicken with mushroom na nakalimutan ko ang totoong pangalan sa sarap hahaha basta may chicken saka muchroom. Yung inorder naman nila hindi ko na ilalam gutom na ko e.

Syempre nagpahabol pa ako ng Mango Shake. Sa kabuuan umabot lang sa P130.00* ang inorder ko

Ang nilamon namin.
ang pakyu-t na mango shake!

Pagkaka-alam ko may pupuntahan pa sana kami kaso hindi na namin kinaya, kaya bumalik na kami sa hotel. Si Ate Leah sa kamag-anak nya at si CJ sa bahay nila.

Hindi ako makatulog noong mga oras na iyon dahil sa heksayted na pagpunta namin sa Samal Island kinabukasan, kaya nagbasa muna ako ng Magazine na ninakaw ko sa eroplano kahapon. hahaha (wag kayo maingay).

Pang mayaman lang ang acting!😀 haha

Ayun! Goodnight! Bukas uli.😀

DAY 2 EXPENSES

  • Php 100.00 = Breakfast
  • Php 100.00 = Taxi to Airport
  • Php 499.00 = Jazzy James Hotel
  • Php 16.00 = Jeep to terminal (vice versa)
  • Php 80.00 = L300 to Calinan (vice versa)
  • Php 10.00 = Entrance fee Museum
  • Php 20.00 = Trike to Phil. Eagle Center
  • Php 5.00 = Davao Water District
  • Php 50.00 = Entrance Fee Phil Eagle Center
  • Php 45.00 = Abocado Shake
  • Php 15.00 = Habal-Habal
  • Php 130.00 = Dinner
  • Php 1,070* = Total (hindi po yan yung actual kasi madaming pagkakataong librehan at kalimutan haha)

Next Post: DAVAO DAY 3: TALICUD ISLAND AT ANG BY NIGHT

►►►

Kung nais mong mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito.
Ilagay ang email o i click ang  “SUNDAN SI OTEP”
Maaari ding i-like ang fanpage ko sa www.facebook.com/librelangmangarap.

16 thoughts on “DAVAO DAY 2: ANG AGILA AT ANG “LITTLE TOKYO””

  1. travel na travel blog na to ! galing otep! detalyado😀

    ► mga travel blogger na lang tayo. hahaha sa tingin mo mas madaming nagbabasa😀

  2. Ayos! Uwian mo ako ng talampunay (datura metel, thorn apple, angel’s trumpet). yung 3rd na picture. Sunod sa waling-waling at pinecone ginger.

    ► lahat ng pinapauwi mo sakin hindi ko alam kung ano yun. hahaha.. ahh yun ba tawag dun?😀

  3. nakakuha tuloy ako ng idea magkano magagastos ko sa apat na araw kong gala sa Davao..salamat po s info..nakakatuwa talaga mga kwento mo..🙂

    ► wow kailan ka pupuna? gusto ko nga bumalik kasi hindi ako nakapunta sa SM davao haha.. wala akong picture ng downtown (cityhall) saka davao museum hindi ako nakapunta. sayang.

  4. nice trip🙂 see you davao by aug 10🙂 muchas gracias

    ► wow malapit na. sana tayos na day 5 ng blog ko dun para may idea ka sa napuntahan ko, at kung hindi mo pa napupuntahan, sana mapuntahan mo. sarap mag zipline dun😀

  5. Loser ko naman, di pa ko nakakapunta jan. Cute pa naman ng eagles. Haha.

    (saka pwede mo naman talaga kunin yang magazines na yan, ayaw lang sabihin ng airlines na pwede.. shhhh) :p

    ► basta ninakaw ko pa rin yun! hahaha oi. balik tayo lels. saan next mong gala? sama😀

  6. Nice take on the Brahminy Kite… Noong una akong nakarating dyan sa Phil Eagle Foundation, excited akong magpicture ng mga agila… Pero medyo nafrustrate ako kasi ang lalayo nila! So tingin-tingin, at basa-basa na lang…🙂

    Ngek, nasa Victoria Plaza Mall lang pala ang Mandarin Tea Garden na yan… Hahaha! Puro cellphones ang nakita ko dun… Hahaha! At nahirapan akong pumili dun ng makakainan noong last night ko na. Kaya, nag Shakeys na lang ako…

    ► tomoh ang lalayo nga nila. sana pwede makipag interact sa kanila tulad sa lawin.

    hhahaha kung anong laki mo mahal na poon syang liit ng paningin mo, tutuklawin ka na ng Mandarin tea Rest.😀 natawa ako sa shakeys parang native lang lels.

  7. detailed kung detailed. travel blog na ata to. super nice shots!=D sana makarating din akong davao.

    ► makakarating ka din doon. basta mangarap lang saka gugustuhin mo.😀 mananawa ka sa davao😀

  8. tabachingching tlga Otep. Lols!…

    Naaliw tlga ako sa Philippine Eagle Foundation kasi nakita ko in real si Pag-ASA, eh pano hanggang TV ko lang napanood siya before. Kaya aun nga, memorable ung moment na un!

    On the other end, ikaw na ang historian! Napakadetailed mo tlga maglahag ng infos. Kudos Otep!

    Nonetheless, ung mga shots ba sa taas ay pics ng digi cam mo with comp enhancement? Hostig kasi! Sarap balik-balikan! :))

    ► oi taba ching ching baka gusto mo na magblog hahaha.

    yeah true. dream come true na makita sa personal.🙂

    haha ganun talaga nakaka curios naman talaga kasi ang litle tokyo.

    digicam ko lag yun. crop ko lang. walang enhancement yan. maganda pa rin ang natural shots.

  9. Astig otep.. Galing ng details. Salamat sa pagbisita sa aming lugar🙂 wag ka nang bitter, nag enjoy ka naman eh, kakamiss anoh? Buti nalang at natuloy ka sa galang davao

    ► oo ganun talag pati paninira ko sayo dito dapat detailed din hahaha.. joke lang naman yun. magandang ikwento yung mga ganun sarap balikan.😀 nagpapakulay kasi yun sa karanasan.

    oo nakakamiss buti na lang natuloy kao.

  10. Ang ganda ng waling-waling! Pwede ba mag-uwi ng waling-waling dito sa Manila?

    Naks, si Zhira nandito na rin, nunahan ako. Hi Zhira!😉

    ► si ka twiter nandito😀.. alam ko kasi endanger na ang waling waling, ewan ko lang pero kung alalagaan naman why not di ba, dadami sila. pero kung uwing pitas ewan ko lang hahaha.😀

    balita ko magdadavao daw yang si Zhira😀

    1. sa Sept. 7-10 pa naman, sama ka na kc Tal ayaw mo non my model ka na at meron na akong photographer..haha

      dalhan kita Tal ng waling-waling, madaming madaming picture, pati SM Davao para kay otep..magasasawa kayo sa dami…haha lahat ng angle meron..haha.. heksyted na ko basahin ang day 3..hehe

      na pressured naman ako sa day 3. maeenjoy mo next entry ko Dagat kasi.😀 wala naman ako camera para maging photographer hahaha.. oi ano sa visaya ang photographer? hahaha..

      1. nakita ko kc samal island pictures mo sa fb nainggit ako kaya isasama namin sa itinerary namin ang samal island..haha bisaya ng photographer ay “maghuhulagway or litratista”, ang picture ay “hulagway”.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s