GE DIGITAL CAMERA

DAVAO DAY 3: TALICUD ISLAND


Tamad na tamad akong bumangon pagdating ng umaga. Alas-ocho ang call time namin pero namamalipit at nakapalupot pa rin ako sa kumot dahil sa hatid na lamig ng pangmayaman naming aircon sa kuwarto😀. Hinintay ko pa talagang dumating si CJ bago ako kumilos. Doon ko nalang nalaman na may oras pala ang alis ng bangkang sasakyan namin papunta sa isla ng Talicud para sa Episode 3 ng Davao trip na ito (Nakanang umi-episode parang PHL360.com lang!) lels :P kaya naman naligo na din kaagad ako with hot shower mode saka umalis.

At dahil nagmamadali na kami para mahabol ang alis ng bangka, nagtaxi na lang kami papuntang pier (Sta. Ana Wharf) kulang-kulang 70.00 ata yung metro namin mula sa Lacson Street sa harap ng Jazzy James Country Hotel kung saan kami nag-i-stay.

Kung hindi ako nagkakamali Isla Reta sana ang ferry-boat na sasakyan namin, kung saan, siya ding resort na pupuntahan namin.

Sayang lang talaga at hindi maganda ang pakiramdan ni ate Leah noong mga oras na iyon kaya hindi na s’ya nakasama.

ISLA RETA FERRY-BOAT SCHEDULE

  • 9AM from Sta. Ana Wharf  [approximately  30-45 minutes ang biyahe]
  • 3PM from Talicud Island pier

Pero dahil nga sa paimportante ako, late na kaming nakarating doon at nagmelagrong meron pa rin palang ibang pampasaherong bangka papunta doon. Pacific boat yung nasakyan namin na P60.00 ang pamasahe.

Sta. Ana wharf
Pier
Ferry boat ng Isla Reta
Ang classic ng Pier no?
si Kuya nagrereview sa song list na dadalhin nya sa Isla

Maayos naman yung bangkang sinakyan namin. Mukhang kumpleto naman ang mga emergency kit at anik-anik nila sa bangka. Sandali lang din kaming naghintay at hindi na pinuno – dahil may oras talaga ang pag-alis.

Mga alas-Diyes ng umaga kaming nakaalis mula sa pantalan.

Dahil sa pagmamadali namin kanina hindi na namin nagawang mag-almusal. Salamat na lang at may mga vendor na pumapanik sa bangka para mag-alok ng mais, itlog at kung anu-ano pang makakain. At dahil patay gutom nga talaga ako bumili ako ng dalawang itlog sa halagang P15.00.

Ang itlog ni Otep hahaha

Maayos naman ang klima ng umalis ang bangkang sinasakyan namin. Napakapanatag ng tubig sa dagat na parang hini-hele ka lang kaya magagawa mo talagang makatulog, Haluan pa ng preskong hanggin.

Cloudy Morning
Ang panatag na tubig. Tanaw ang Isla ng Samal
Pantalan ng Talicud Island

ISLA RETA

Pagdaong namin sa pier medyo napapaisip ako kung ano namang madadatnan namin dito?. Nagkamali ako. Doon ko nagamit ang kasabihang “don’t judge the pier on it’s cover” haha.

Naglakad kami ng humigit kumulang 300 na hakbang bago namin natuntun ang Isla Reta. Yung chapel ang una naming nakita. Tamang-tama pala ito tuwing mahal na araw o holy week tuwing summer, yung tipong kahit nag-eenjoy kayo pwede pa ding magnilay-nilay.

Chapel Talicud Island
Sa loob ng Chapel, Talicud Island

Pagpasok namin sa gate ng resort, para akong nagbubukas ng regalo at sa bawat pagpunit ng gift wrapper, unti-unti kong nasisilayan ang supresa nito sa loob.

Sobrang berde ng lugar kasing berde ng pag-iisip ko. hahaha.

Parang wala kami sa beach noong mga oras na iyon kundi sa Golf  Course, napapa-“pangmayaman!” na lang ako. Mas lalo na noong napadpad na ako sa tabing dagat “shetness!” talaga. Ito na yung ideal beach ko kasi sobrang lilim na lugar, ‘yung tipong pwede kang mag sun bathing sa lilim. haha. Ito na yung place para sa mga ayaw umitim.

Sa loob ng Isla Reta Resort mayroon na ding kainan, kaya nga hindi na rin kami bumili sa syudad ng Davao dahil alam naming may makakainan na rin dito.

Umorber kami ng Sinigang na baboy na pagkasarap-sarap saka isang nakaka highblood na liempo na pagkasarap-sarap din naman samahan mo pa ng isang 1.5 litre na happiness -Coca-cola ahhhhhhhhhhhhh. -coca-cola! haha. syempre may tatlong kanin, ewan ko ba feeling ko nagpapanggap lang yung mga kasama kong hindi malakas kumain ng kanin. peace!

Humigit kumukang 450 ang nakain naming tatlo.

Kung buhangin naman ang pag-uusapan wala ka na rin masasabi sa kalidad ng buhangin dito, maputi at mala-pulbos sa pino. Kaya nga hindi ko na rin naiwasan na maglumpasay na tila ngayon lang ako nakakita nito. hahhaha😀

Hindi naman sa sobrang ka-OA-yan ko pero ang Talicud Island ang no.1 beach ko! Number 1! Number 1! so far😀

MY TOP 3 Beaches

  1. Talicud Island (Davao del Norte, Mindanao)
  2. Apo Reef (Occidental Mindoro, Luzon)
  3. Guimaras Islands (Visayas)

Bukod sa aming tatlo wala ng ibang tao sa Isla Reta maliban sa dalawa na kung hindi ako nagkakamali ay magsyota/asawa. Doon nagkaroon sila ng pagkakataon sisirin ang ilalim at babaw ng dagat. Yeah puwedeng mag snorkel at mag diving.
At dahil kami lang ang tao doon libre naming nagamit ang mga cottage.🙂

Nakakatuwa ang isla na ito, first time ko yatang makakita ng mga tupa, tapos sa isla pa. Noong nilapitan ko sila nag-aykatan sila sa mataas na bahagi ng lupa doon. Mabuti na lang at may nahagip akong baby tupa🙂

At dahil nga sa matataas ang mga bato dito na siya namang kabaliktaran ng baba ng mga puno na kung hindi ako nagkakamali ay tinatawag na “talisay” na tuwang-tuwa naman naming nilalambitinan😀 (parang mga bata lang hahaha)

Pero dahil may oras lang din ang bangkang sasakyan namin pabalik ng Davao City nag pack up na din kami kahit wala naman kaming ipapack-up.😀 Nakakatawa nga kasi parang kami na lang hinihintay pumanik sa bangka para umalis. (VIP lang ang Peg)

Isa pa pala bakit napasama ito sa Top Beaches ko dito sa bansa ay dahil sa linis ng kanilang palikuran o shower room! Kayo na talaga Isla Reta!

At dahil maliwanag pa nang makarating kami sa Sta. Ana Wharf may time pa para pumunta pa sa ibang lugar. Katabi lang ng Pier ang Magsaysay Park kung saan matatagpuan din ang madaming vendor ng Durian na pagkakakilanlan syempre ng Davao.

MAGSAYSAY PARK / DURIAN VENDORS

Sa harap naman ng mga bilihan ng Durian ang China Town. Akala ko sa Maynila lang may China town meron din pala dito sa Davao.

CHINA TOWN DAVAO CITY

TAOIST TEMPLE [not sure] (Lon Wa Buddhist temple)

Mula doon sa harap ng China Town Arch, sumakay kami ng jeep papunta sa next destination namin -ang Taoist Temple.

First time ko makapasok sa loob ng temple at makapagdasan din na sana yumaman ako. haha. Salamat na rin sa guard na sya ding nagbigay permiso sa amin na makapasok.

Nagawa ko din magsindi ng  insenso at malaman kung ano ang tamang pagsindi dito.

Yung matabang part pala sa dulo ang sinindihan hindi yung kabilang dulo. Halatang walang kasincere-sincere ang pagdarasal ko. pero sana nga. Sobrang na appreciate ko ang lugar na iyon at syempre nandoon yung matibay na paggalang dito.

Doon natapos ang buong araw na may liwanag. Bumalik kami sa hotel para maligo dahil lagkit na lagkit kami kahit hindi naman talaga kami naligo.

BY NIGHT

Sa hotel, nagkaroon kami ng bisita si Xprosaic, first time ko lang sya makilala kung alam ko lang dati na pangmayaman sya, sana dati ko pa sya kinaibigan hahaha lels.

Ayun, at natapos na rin maligo si jhiegz kaya matapos nun pinagdrive nya na kami papunta sa sa aming dinner venue! Kainan na!

bestfriend kong si Xprosaic hahaha lels. at si CJ

PENONGS

Kung nagkalat man ang mga Mang Inasal na sikat dahil sa kanilang unli rice sa kamaynilaan, Siguro ang Penong’s na ang pinasusyal na Mang Inasal sa Davao city. Biruin mo pati fruit shake nila merong Payong. haha SUSYAL!

Saktong ngang nakasabay pa naming kumain si Kuya Bernard na kadarating lang din noong umaga. Dahil nga hindi nakasama sa amin si ate Leah sa isla maswerteng nakasama na namin sya dito sa Dinner!🙂

P200.00 pesos ang naging share ko sa dinner na ito kasama na ang chapsuey, mango shake at BBQ.

ICE GIANT

Syempre pagkatapos mag dinner ano pa ba ang isusunod? -kundi ang katakam-takam na Dessert.

Bumiyahe pa kami para makarating sa Ice Giant sa kahabaan ng Santa Ana Avenue kung saan nagsisigaw sa laki ang ice cream nila😀

si Giant CJ at ang Ice Giant😛
yum! yum! yum! YUM!😀
Picture lang talaga pinunta namin dito hahaha😀

Nakakatawa man, pero hindi maiwasan na kuhaan s’ya ng kuhaan ng picture. Parang pumunta lang kami dun hindi para kumain kundi para magpa picture sa mala-artistang Ice Giant😀

Magkasuka-suka man kami sa kabusugan sa Penongs, tuloy pa din ang lamon ng ice cream sa Ice Giant🙂 -Sarap buhay.

Pasensya na kung hindi ko masasabi kung magkano dahil hindi naman ako nagbayad, pero kung madadaan ka sa Davao City huwag na huwag mong palalagpasin ang Ice Giant!🙂

VIDEOKE NIGHT

Pagkatapos noon, hinatid kami ni Bestfriend Xprosaic sa Videokehan, (yeah bestfriend na kami pero ako lang may alam hahaha). Sayang nga e kailangan na ring umalis.

sa halagang 100.00/per hour sobrang sulit na ang buong gabi dito sa Cats and Dogs Bar (Karaoke) na matatagpuan sa Rizal Street.

Photo by Ate Leah🙂 Me, CJ, Kuya Bernard & Jhiegz

Tulad sa Ice Giant may nagmagandang loob na naman, kaya wala nanaman akong binayaran sa. haha

Doon natapos ang napakahabang araw ng Day 3 ko sa Davao, madami pa nga sanang naka line-up dyan pero sobrang bitin ang araw bukas na lang KUNG! mag-eextend pa ako.🙂

DAY 3 EXPENSES

  • P 70.00= Taxi [devided by 3] (20)
  • P 15.00 = Itlog
  • P 120.00 = Round Trip Ferry Boat
  • P 450.00 = Food @ Isla Reta (150.00)
  • P 75.00 = Entrance Fee @Isla Reta
  • P 16.00 = Other Transpo.
  • P 200.00 = Dinner
  • P 596.00* =Total

next post: DAVAO DAY 4: EDEN NATURE PARK AT ANG ZIP LINE

►►►
Salamat sa bago kong Subscriber/Follower!

13 thoughts on “DAVAO DAY 3: TALICUD ISLAND”

  1. as usual very detailed pa rin ang travel post mo. super ganda nga nung shaded area sa seashore bet na bet ko yan. nakakatuwa pa yung pic mo na nakasabit. super happy ng itsura mo. natanggal lahat ng stress. at ang giant ice cream. ang sarap!!!

  2. ang saya ng travel blog mo! naaalala ko si bino dahil sa itsura ng blog.. I love the pictures and it looks like you really enjoyed your time there..🙂

  3. haha nabighani ako sa Ice Giant😀
    tsalap tsalap😀

    Okey yung mga post mo, so detailed. Ganito yung preferred travel blog posts ko:D

    Keep up the good work po🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s