DAVAO DAY 4: EDEN NATURE PARK & RESORT


NAKAPALUPOT ako sa kumot nang magising ako bandang mga alas-8:00 ng umaga. Nakakatamad bumangon pero kinakailangan dahi babalik na ako sa Maynila sa pagpatak ng  alas-dose ng tanghali. Ibig sabihin kinakailagang alas diyes palang nasa Davao International Airport para masunod ko ang guidelines ng AirAsia na two hours before the flight ay nasa paliparan ka na. Pero sobrang daming nag-uudyok sa isipan ko para mag extend pa.

Ngayon kasi ang dating ni Mark Salvador aka Mahal na Poon dito sa Davao, at nandito na rin daw si Joel Matira aka Batang Mangyan. Susunod pa daw si Will Cabrera. Sayang naman kung mami-missed ko lahat ng pwedeng mangyari kasama sila. Ayun! nagpapigil na lang ako sa sarili ko kaya extended pa!😀

Sakay ng taxi kasama sina Ate Leah, Jhiegz at ang bagong dating na si Mahal na Poon nagtungo kami sa MTS (Matina Town Square), kung saan katatagpuin naman namin si CJ at kuya Bernard.

Mula naman doon, nakita naman namin sila. haha. Nagtanong-tanong kami (sila lang pala) kung paano makarating sa Eden Nature Park & Resort. Sumakay kami ng Jeep papuntang Toril at bumaba sa Mercury Drug Store. Mula naman doon may paradahan na mga tricycle at habal-habal paakyat ng  bundok ng Talamo na aabutin din ng kulang-kulang isang oras na biyahe.

Mapalad akong si Mahal na Poon ang nakasama ko sa motor na may sidecar (hindi ko masabi kung tricycle iyon dahil wala namang mga dingding at bubungan maliban sa payong na tulad ng mga nagsosorbetes sa daan.

Noong una, hindi ko naisip kung bakit kami pinagpalit ng pwesto sa pagkakaupo ni Mahal na Poon, at si Mahal na Poon na rin ang sumagot na para daw maging balanse kami.

Sa biyahe paakyat ng bundok, ihanda na ang tenga sa pagbabara nito dahil 3,000 feet above sea level ang taas ng pupuntahan nyo, para ka ring nasa eroplano.

Kahit medyo may pakiramdam na parang tatalsik kayo sa daan habang hindi mo rin matansya ang kalsada kung kailan bibilis at haharurot ang sinasakyan nyo, ma-eenjoy mo pa rin naman ang kalikasan at ang linis ng Davao. Mapapansin nyo din ang mga kulay kahel sa kalsada na hindi mo mawari kung laruan, prutas o kung ano mang bunga ito. Ito daw yung Mickey Mouse Plant. Parang gusto ko ngang hawakan kung may pagkakataon.

Photo by Ate Leah (kita nyo ko? haha)

Nakarating naman kami sa gate ng Eden Nature Park ng matiwasay. At dahil wala akong wallet noon dahil na kay Yaya (Ate Leah) si Mahal na Poon na ang nagbayad. Hindi ko lang alam kung magkano pero nasa 50-80 pesos ata ang isa. Nakalibre na naman!😀

Mula sa loob ng Nature Park nakahanda na pala ng buffet na pihanda namin haha.. kami talaga nagpahanda. Doon, natanaw na namin si Joel mag-isa, syempre nagulat kaming lahat dahil nauna pa sya. Mas nagulat ako noong makita ko si Marvin Gaspar aka Kikilabotz. Lumingon-lingon ako sa paligid baka may makita pa akong iba na ako na lang ang hindi pa nakakakita. Ayun wala ng ibang dagdag silang dalawa lang.

Ang daming pagkain! pero pakiramdam ko kakaunti lang ang nakain ko, siguro nabusog ako sa hangin kanina sa sobrang dami kong nasinggot. Sayang kasi yung pagkakaton na makalanggap ng hangin kaya nilubos lubos ko na.😀

Hindi pa yata kami nagsisimulang kumain bumuhos na ang napakalas na ulan! Hindi naman matansya kung kailan titila. Pero noong ambon na lang, matapos kumain ay lumabas na din.

Ang sarap pala sa pakiramdam yung pagkakataong nasa matatas kang puno tapos kakatapos lang umulan. haaaaaaaaaaaaaay. buhay. -that’s life. sarap!

Nagsimula na kaming mamundok, kapansin-pansin ang mga walang pakialam na mga hayop na naglalakad lang kung saan-saan, hindi ko nga lang sila makilala basta mukha silang mga kamag-anak ng manok.

INDIANA JONES

Noong una talaga, akala ko ito na yung zipline, mabuti na lang talaga walang nakahalata sa kamangmamangan ko. Syempre kailangan ma-try ito, kahit pa feeling ko mataas pa sa akin ang kababagsakan ko kung saka-sakali. Walang nakapigil sa amin kahit pa maputik ang paligid dahil katatapos nga lang ng malakas na ulan.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko na magmura kapag napapadpad na ako sa dulo sakay ng India Jones. Halos italsik ka kasi nito pabalik ng Maynila sa lakas kaya mapapura ka talaga (Parang Ay! Put@@#$%^!). Sorry talaga sa pagmumura haha.

Hindi kami nakontento sa medyo mababa kaya sinunod namin ang next level (medyo mahaba at mataas ng konti.). Ayun nagsawa din ang mga bata😀

POOK PASYALAN

Matapos noon sinunod muli namin ang paglalakwatsa, lakas talaga ng trip  kahit maputik lakad kami ng lakad. Hanggang mapadpad kami sa  Pook Pasyalan kung saan makikita ang iba’t ibang uri ibon at hayop na ngayon ko lang nakita at dito natagpuan.

Pagkalagpas namin sa Pook Pasyalan, madami pang magagandang tanawin ang nakita namin, bukod pa iyon sa magandang swimming pool at mga punong ang lakas maka-Twilight😀

BUTTERFLY GARDEN

Sobrang natuwa ako sa lugar na ito. Dati kasi sa TV ko lang ‘to napapanood ngayon nakasalamuha ko na ang mga butterfly. Ang gaganda pala talaga nila sa personal at hindi sila naiilang sa mga tao😀

ZIPLINE

Ito na talaga ang totoong zipline. Sa totoo lang nakakalula, pero iniisip ko na lang na kung ang roller coaster ay kinakaya ko, kaya ko din siguro ‘to.

P150.00 kada tao ang bayad para masubukan mo ang napakataas ng zipline. Kalahati lang  sa amin ang sinubok ang tapang.

Mahal na poon, Leah at Jhiegz
Marvin, CJ at Joel
Ang mga batang Celine😀 (Protektado) Bernard, Cj, ako at Leah.

Unang sumabak si CJ walang kaabog-abog at nagpatuloy sa kanyang documentary😀 Iba talaga kapag taga-Mindanao -Matatapang!

Sumunod si Ate Leah at Kuya Bernard na matiwarik style. Nakakatakot ang ginawa nya, -buwis buhay style😀. Hindi ko iyon kinaya😀

Masayang natapos ang araw na iyon sa Eden Nature Park na puno ng mga bagong karanasan. Kahit hindi namin nalibot. Paano ba naman 80 hectares ang laki nun, saka medyo masama ang panahon.

Paglabas namin, muli kong masusubukan ang habal-habal, yun lang kasi ang available doon sa taas dahil bawal ata tumambay yung pampasaherong mga motorcyle na may sidecar.

Napagpasyahan namin na magkanya-kanya muna pagkababa ng downtown at magkita-kita pagdating ng hapunan sa Penongs.

At ito na nga ang aming mga kinain😀

Ang mga Karne (Photo by Ate Leah)
Ang mga Seafoods (Photo by Ate Leah)

Matapos ang kainan, bahagyang nagkainuman sa harap din ng Penong’s sa kahabaan ng Santa Ana. Umuwi na rin kami agad para sa paghahanda ang muling paglalakbay sa Crocodile Park kinabukasan! Heksayting makikita ko na si Pangil!😀

DAY 4 EXPENSES

  • P 475.00 – (All in, including buffet* etc.)
  • P 0.00 – Taxi Fare to MTS (Hindi ko sure kung nag share ako)
  • P 0.oo – Jeep Fare to Toril, Mercury Drug (Di ko uli sure kung sino nagbayad)
  • P o.oo – Zipline (Libre ni kuya bernard, o kinalimutan ko lang talagang hindi magbayad)
  • P 30.00 – Habal-habal to Toril, Mercury Drug
  • P 00.00 – Toril to Downtown (Sorry uli nalibre ata ako haha!)
  • P 00.00 – Dinner @ Penongs (May mabuting loob uli) haha
  • P 505.00* =Total

Pasensya na walang kwenta ngayon ang Day 4 expenses ko.😀 Pero siguro 1k para sa ika-apat na araw sa Davao ay sobra sobra na🙂

next post: DAVAO DAY 5-6: CROCODILE PARK, BACK TO MANILA

►►►
Salamat sa bago kong Subscriber/Follower!
Kung nais mong mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito.
Ilagay ang email o i click ang  “SUNDAN SI OTEP”
Maaari ding i-like ang fanpage ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

4 thoughts on “DAVAO DAY 4: EDEN NATURE PARK & RESORT”

  1. below sea level talaga?! hehehe… saka mt talomo po.😉

    ►joke lang ito naman patola. wahahaha ayan pinalitan ko na ng “above”😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s