SI ANDREW LAPPY


Matapos ang napakaraming taon buhat noong nagkatrabaho ako, at mangarap magkaroon ng isang bagay na sa aking palagay ay potensyaling maging tapat at matalik kong kaibigan, sa wakas at nabigyan na rin ito ng isang magandang katuparan –ang laptop.🙂

Ewan ko ba! Lagi naman nasa new year’s resolution ko ang pagtitipid para makabili nito, nagkakaroon naman ako ng iba pang pagkakakitaan at nakakapunta pa nga sa iba’t iba at malalayong lugar pero bakit kailangan ko pang umabot sa napakahabang taon para mapasa akin ito. Siguro masyado lang talaga akong gastador kaya walang maipon.

At Siguro nga may mga bagay ka munang dapat matutuhan bago mapasaiyo ang isang bagay. At marahil nga, (saganang akin) ang paghihintay sa anu’t ano pa mang kahilingan ang pinaka magandang aral na pwede mo ditong matutuhan. At sa aminin ko man o hindi sa pagkakataong ito, sa tingin ko sa bawat katuparan may mga responsibilidad kang dapat panghawakan.

Ito si Andrew. Masyado kasi akong natuwa sa Amazing Spiderman kaya pinangalan ko ‘to kay Andrew Garfield. Kung hindi lang talaga sya naging blue baka Maria Ozawa ang naging pangalan nito😀

Salamat na lang talaga at na aprubahan ang Credit Card ko sa Banco de Oro kung saan nagiimpok din ako. Marahil naging dahilan din iyon kung bakit napadali ang pag-aapruba dito,

Salamat na din sa dating kong trabaho kung saan, kung hindi dahil sa kanila hindi ko rin magagawang mag open account sa nasabing bangko. At isa pang salamat na kahit resigned na ako sa kanila ay nagagawa pa rin nila akong matawagan para mag part time job kaya tuloy pa rin ang pag-iimpok ko.

Kapag sa BDO ka nagka credit card may kasama agad SM Advantage Card astig!

Syempre bago ko muna binili ito (inutang pala) sinugurado ko munang kaya kong magbayad o bayaran. Panatag naman ako na kayang-kaya ko naman itong bayaran. Pinili ko talaga ang 12% zero interest tapos sinamahan ko pa ng cash/debit para mas mababa ang bayaran ko kada buwan kahit alam kong medyo may katagalan.

CREDIT CARD SCENARIO

Noon pa man mulat na naman ako sa kung ano ang mga kinahihinatnan ng mga credit card holder lalo na sa opisina. Ilang beses na rin akong nakasagot ng telepono ng mga ahente ng bangko na naniningil. Ewan ko lang kung ganun ba talaga ang nakasanyan nilang paniningil ng mga may utang sa kanila o paraan nila iyon para manindak ng mga may pagkakautang sa kanila. Kaya siguro ayaw na rin silang kausapin ng mga nagkakautang. Hindi lang talaga siguro nila alam yung kasabihang “walang bagay na hindi nareresolba sa mahinahon at maayos na pag-uusap” o kahit yung kasabihang “kahit ibitin mo ng patiwarik ang isang taong may utang, kung wala naman talagang maibabayad ay wala ka ding mapapala” (sadyang maswerte lang talaga ako nang minsang makasalo sa bulyaw ng isang tawag sa telepono). haha

Kaya naman hindi ko lang susubukan kundi ipapangako ko sa sarili ko na hindi ako dadating sa puntong magiging tila kriminal kang hina-hunting sa telepono.

Pinangako kong ang laptop lang na ito ang una’t huli kong bibilhin (uutangin) ngayong taon hangga’t hindi pa ako fully paid, maliban na lang sa mga airline promo ticket na bibilhin (uutangin) ko sa pamamagitan ng Credit Card.

Parang ang dali lang sa akin na mangako no? haha

Pero ang sarap pala talaga gumamit ng credit card sa pagbili ng anik-anik sa mga department store at makakain sa iba’t ibang resto.🙂

TIPS PARA MAKA-IWAS SA TUKSO

May nakapagsabi sa akin na para iwas tukso daw sa paggamit o pangugutang gamit ang Credit Card ay:

  • Magbayad On time para iwas at hindi lumobo ang interest.
  • Iwan na lang ito sa bahay.
  • Kabisaduhin na lang daw ang impormasyon ng credit card sakaling may biglaang airfare promo kung saan gaya ng napangako ay doon ko lang gagamitin. (Iwas diskrasya pa sakanilang mawala ang Credit Card mo at di magamit ng iba)
  • Iwasan din daw ang online shopping kung hindi nakakasiguro.
  • Huwag na huwag din daw mag cash advance (kung hindi naman emergency) dahil napakalaki ng patong dito. (Mangutang muna sa kakilala Lol)😀
  • Marami daw gumagamit ng Credit Card na parang debit Card lang para madagdagan ang points o reward nila tulad ng pagbabayad sa mga kilalang stablishment at pagpapakarga ng gasolina at iba pa.
  • Pero ang pinaka magandang tip na narinig ko ay ang pagiging responsable sa paggamit nito.

Naniniwala akong nasa nagdadala lang yan. Lalo na kung alam mong hindi naman agad-agad nagkaka interest ang utang mo kung nakakabayad ka naman on time.

Sana nga. :/ hahaha.😀

FIRST TIMER (LITERAL NA PAGGAMIT NG CREDIT CARD)

Grabe sobra akong kinabahan sa pag gamit nito. Naghanda pa ako ng mga valid IDs sakaling hanapan ako. Simple lang pala ang proseso

  1. Syempre kukuhain/ibibigay mo yung credit card mo. (ako naman si bigay)
  2. Pirmahan muna yung likod ng Credit Card (ayun since bago nga pinirmahan ko muna. anga-anga lang)
  3. Isu-swipe yun. Sakaling walang lumabas na papel rejected o baka ubos na credit limit mo. Sakaling meron edi Okay!😀
  4. Bibigyan ka ng dalawang papel para pirmahan mo. Ibalik mo yun dahil sa kanila yun hindi sayo.
  5. Ichi-check nila kung pareho yung pirma mo sa card at sa maliit na pinirmahan mo. (doon yata hinihingiin yung ID mo sakaling mukhang may kababalaghan kang ginagawa. Pero never pa naman ako hiningian ng ID. Kaya nga siguro sobrang pinag-iingat lahat ng mga credit card dahil sobrang dali magamit nito. Hindi naman kasi mahigpit ang karamihan sa mga establishment pagdating sa credit card [para sakin] kasi kita na ng negosyo nila yun e.)
  6. Syempre kapag okay na. Huwag mong kalimutan ang credit card mo. Aside sa maliit na papel na (hindi ko alam yung term) basta yung para ding resibo kasama ang official receipt mo na ibibigay sayo.
  7. Itago lahat ng transaction receipt mo at laging icheck sa online o telepono ang mga naging transaksyon mo. Para mamonitor kung tama ba lahat ng mga pinaggamitan mo at sakaling hindi nga matatawag mo agad sa provider mo para na rin sa proteksyon mo.

Sa ngayon, tatlong buwan ko ng nahuhulugan si Andrew (Pangalan ng laptop ko) 9 months na lang at akin na akin na sya. Masaya ko ding nagagamit ang Credit Card sa Salon, Delivery, Department Store, Restaurant at kung anu-ano pa at nababayaran pa naman on time kaya hindi nagkakainterest sana tuluy-tuloy na ang pagiging responsable kong mangungutang😀

10 thoughts on “SI ANDREW LAPPY”

  1. yung maliit na papel, charge slip ang tawag dun. and required ang mga establishments na humingi ng valid identification sa mga purchases worth 5k pataas to avoid credit card fraud

  2. Ingat sa paggamit at wag na wag maging impulsive. Mahirap na baka dumami pa ang dapat mong bayaran. Never ever kang magpahiram ng credit card based on my experience, ako pa nagbayad ng utang ng nanghiram sa akin.🙂

  3. wow. ako honestly takot sa credit card. yan ang rason ng paghihirap namin eh kaya kapag ako na siguro yung may work baka di ako kumuha. dakilang gastador pa naman ako.

  4. pero ako ay may masamang karanasan sa credit card na yan. Kaya ngayon gusto ko ipanawagan sa mga mamayang Pilipino na iboycott ang paggamit ng credit card… biro mo kaya nga nag-avail ka ng zero interest in 12 months ay dahil gusto mo maliit lang ang binabayaran mo. …tapos di ka lang makabayad ng at least 3 months dahil nga nag-abroad ako at di nakapagbayad e pinapabayaran na sa akin ang buong amount na inutang ko plus patong na finance charges at penalty charges pa. at kinansela pa agad ang card ko at may demand letter pa galing sa collection agency….HSBC ang card na ito. I hate to say this. …Kaya dapat gumising na tayo…ang credit card company ay higanteng negosyo in the guise of helping us alleviate our finances by offering zero interest. …Pero again kapag nag-failed ka ng bayad….duon na lalabas ang tunay na kulay ng mga credit cards na ito. Huwag na tayo paalipin sa mga buwayang credit card companies. Mag cash na lang tayo.

  5. Maraming salamat dito sa post mo! First time ko ring gagamitin ang credit card ko dahil nagdecide akong gamitin na sya habang wala pa akong binabayarang fee sa kanila. Ayun. Sobrang helpful yung steps kung paano gamitin ang CC at kung ano ang mga ieexpect mong mangyayari during the transaction simula sa pagabot mo ng CC sa establishment. Thanks again!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s