KARAS


Sobrang nakaka hayskul ‘tong isusulat ko ngayon, ewan ko ba!  pero minsan kasi sa pagpi-facebook, pagti-tweeter o kahit sa minsang pagbablog lang natin may mga bagay na lang na bigla na lang susulpot. Mga bagay na magpapasuntok sa atin sa buwan at mapapa “Shet! karas ko na sya!” (tigas titi lol) 😛

Ang hirap lang talaga. Kahit sabihin mong karas mo s’ya.. parang hanggang karas na lang yun. Maliban na lang kung may bayag ka para sabihin mo sa kanya kung ano ba yung kinikislot este tinitibok ng puso mo.

Yun na nga ang tanong. Papaano mo sasabihin na karas mo sya?

Kung puwede nga lang sana sabihin ng ganito kadali tulad ng mga sumusunod edi ayos sana.

  • Ice ka ba? crush kasi kita.
  • Uy Alam mo karas kita! Apir*
  • Karas kita, kiss mo ko. sige na.
  • Karas kita, karas mo din ba ‘ko?

Kaso nga hindi ganoon kadali. Sa totoong buhay nga, madalas napapadasal pa tayo at natatawag pa natin lahat ng mga santo para lang masabi lang yun. Naku! paano pa kaya ngayon nadagdagan pa ang mga santo? (kaya wag nyong kakalimutan si San Pedro Calungsod sa susunod ha)

Pero ano nga ba ang madalas na nagiging dahilan kung bakit nahihirapan tayo magtapat sa mga karas natin o kahit yung simpleng pagpapaalam lang na karas natin sila?

  • Takot kasi tayo sa rejection.
  • Paano kung sabihing hindi pa s’ya ready?
  • Iwasan n’ya tayo?
  • Mailang s’ya?
  • Magpatiwakal s’ya sa narinig nya?
  • Ipapatay tayo?
  • Isumpa?
  • Isumbong sa kuya nya’t ipagulpi tayo?
  • Higit sa lahat baka makarinig na lang tayo ng “Thank you” saklap men!

Pero sabi nga nila madalas dinadala na lang yan sa diskarte:

  • Ipagsasabi mo sa iba na karas mo sya. Secret lang daw pero halos sinabihan mo na pala lahat. Hanggang malaman nya na dahil sa tsismis.
  • “Karas kita!… JOKE lang!” -ayun dinadaan sa biro para sa reaksyon man lang maka kita ka ng pag-asa.
  • Dinadaan sa pagpapansin (Pag like sa status nya sa FB, pagretweet at pagfavourite ng tweets nya, pagko-comment sa blog nya, o di kaya’y dinadaan sa mga direct messages, personal at secret messages. Kasama na rin doon ang mga text messages tulad ng GM (group messages) pero sa kanya mo lang palan sinisend. Para-paraan nga kung tutuusin.
  • At kung anu-ano pa.

Kaso hindi naman lahat nabibigyan ng ganyang kakapal na pagmumukha, ibig kong sabihin lakas ng loob para gawin yan. Madalas nagkukubli na lang tayo sa mga nararamdaman natin para sa mas ligtas at para hindi na rin mawala yung mga taong iniingatan natin sa paningin.

Sobrang hirap talaga lalo na kapag alam mong sa social media mo lang naman s’ya nakilala.

Bukod kasi sa nahihirapan kang magtapat, nandoon din ang ilan sa mga pangamba.

  • Paano kung karas nya din ako pero paasahin lang ako sa wala.
  • Paano kung sinabi nyang pareho din sya ng pagtingin sayo pero ginawa nya yun para hindi ka masaktan
  • Paano kung haliparot din sya tulad ng iba, nilalandi ka lang din nya?
  • Paano kung gusto ko sya, gusto nya din ako kaso may gusto pa syang iba?
  • Paano kung gawin nya akong reserba?
  • Paano kung gawin nya lang akong panakip-butas?
  • Paano kung mapaglaro lang sya.. at paglaruan lang feelings ko?
  • Paano kung gusto nya din pala ako, kaso bilang katuwan at libangan lang?
  • Paano kung…..

O diba? minsan sa pag-iisip sa isang bagay nalilinis ka na ng totoong pakay mo kaya mas lalo kang nagugulo sa pagpapasya (tulad ng sinusulat ko ngayon na nalilihis na ng landas haha).

Pero yun nga! Sa pagsasabi ng mga salitang walang kasiguraduhan dapat malaman mo ang mga pwedeng maging sanhi at bunga.

Sabi nga ng online buddy ko na pasulpot-sulpot lang, dapat daw sa paghanga o pakikipagrelasyon ay huwag masyadong maging futuristic. Sa ibang salita huwag masyadong isipin ang mga bagay na mga posibleng mangyari sa hinaharap lalo na yung mga negatibo. (Huwag maging nega).

Anu’t ano pa man, sa simpleng karas lang naman ito nagsimula. Bakit hindi ka muna mag focus kung paano mo mapaparating sa taong iyon ang gusto mong iparating.

  • Kung hindi pa kayo nagkikita bakit hindi mo muna s’ya ayain sa simpleng pamamaraan. Hindi naman tulad sa isang date, yung parang simpleng eyeball lang. Tandaan iba ang picture attraction sa physical attraction.😀
  • Pakikipag-usap man lang sa kanya, hindi yung panay papansin ka lang sa kanya.
  • At iba pa.

Sa ganoon malaman mo nang lubusan kung ano ba ang totoong nararamdaman mo sa kanya. Baka kasi gusto mo lang ba talaga s’ya bilang kalandian o sa mas malalim na nalalaman mo. Malay mo mas gusto mo pala syang maging kaibigan kaysa maging kasintahan mo.
Sa Huli, walang mas iba pang hihigit na tips o mas effective na pamamaraan sa pagsasabi ng nararamdaman mo sa isang tao, kundi ang iyong pagiging tapat at malinis na intensyon mo.

Kaya ko ‘to!

ay mali! Kaya na tin ‘to! hahaha

(Edi ako din nakasagot sa sarili kong tanong! Haha haaaaaaaaaaaay)

►►►
Maraming Salamat sa mga  bago kong Subscriber/Followers
akosijonathandiesta
http://joniskratspaper.wordpress.com
premenepebenyet
http://premenepebenyet.wordpress.com
realdale
http://realdale.wordpress.com
Mikel Carl
http://torpengromantiko.tumblr.com
MANwithaHOOD
http://manwithhood.wordpress.com
ianignacioagngarayngay
http://hyperlenses.wordpress.com
fzierom214
http://behindthickframedglasses.wordpress.com
gord
http://crumpledpapel.blogspot.com/
stainlessthoughts
http://thoughtsinmyballoons.wordpress.com
rubisara
http://rubisara.wordpress.com
kaaayceee
http://ifiwerecheska.wordpress.com
aboynomore
http://aboynomore.wordpress.com
akocmayey
http://akocmayey.wordpress.com
louiebaliza
http://louiebaliza.wordpress.com
itskevincible
http://kgbarrios.wordpress.com
wandering soul
http://kamillemoraleja.wordpress.com
mamromy
http://rommatawaran.wordpress.com
Kung nais mong mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito.
Ilagay ang email o i click ang  “SUNDAN SI OTEP”
Maaari ding i-like ang fanpage ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

10 thoughts on “KARAS”

  1. WOW! isang sanaysay na naman OTEP ha, na relate na relate si AKO… HAHAHA :)) “VERY MUCH WELL SAID” OTEP………. 2 thumbs up for you.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s