#21 BIRTHDAY WISH


Isa ito sa mga liham na natanggap ko mula sa mga reader ko na katukayo ko pa na si Otep. Salamat sa inyo ha! apir*

Oo tama! saktong 21 days na lang bago ang birthday ko, pero huwag n’yong isiping 21 years old na rin ako. Basta more that 21 years old na ko ayos na yung info na yun para sa inyo😀 haha

Last year sobrang pakulo ang ginawa ko, malayo sa mga picture greetings o fan signs bilang pagbati sa kaarawan ko. E since libre lang naman mangarap o mag wish edi sinagad ko na! haha.

Sa kadahilanang gusto ko makareceive ng mga sulat bukod sa mga bills na natatanggap ko, naisipan kong i-birthday wish  na lang ang makatanggap ng birthday card/letter mula sa inyo.

Sobrang thankful ako kasi sobrang dami kong  natanggap. Natuwa nga ako kasi yung iba sa kanila kahit hindi nakasunod sa instruction ko na ipadaan sa Post Office ay nagawa pa ring mapasakamay ko iyon. Ang iba binigay sakin ng personal (doon pa sinulat yung address nila lol) tapos yung iba pinadala sa pamamagitan LBC, may laman pang 50 pesos pang-mcd0 daw. Nawala man sa orihinal na aspeto na ma try nila kung paano magpadala ng liham sa pamamagitan ng Post Office sa kabila ng modernong panahon ngayon, sobra-sobra pa rin ang pasasalamat ko kasi malalaman mo kung sino talaga ang maparaan at kung sino talaga yung mag-eefort para sayo.😀

May mga nagpadala sakin na mula sa opisina. May nagreklamo nga kasi nagpadala sa post office kaso hindi naman nakarating  sa akin pero nagpasalamat pa rin ako sa kanya. (hindi ko na inalam kung anong nangyari sa part ng post office). Karamihan sa nagpadala sakin  ay mga kapwa bloggers ko. May mga nagpadala din mula sa mga kaibigan, pero nakakatuwa yung iba na di naman nagbablog pero nagpadala din, salamat sa mga readers ko.🙂

Ngayong taon wala pa akong naiisip na pakulo kaya hayaan nyo muna ako mag-count down sa pamamagitan ng ilang pagkakakilanlan sakin. Umpisahan muna na’tin sa:

21 PLACES NA  GUSTO KONG PUNTAHAN AT BALIKAN.

#21 BAHAY NAMIN SA CAVITE

  • Syempre gaya ng sinabi ko “There’s no other place like home” kahit gaano pa kapanget ang lugar nyo, kaingay, kabaho at kahit ano pa. Babalik-balikan nyo iyon dahil doon nabuo ang pagkatao mo. Madalas nga kahit sinusumpa nyo na ang isang lugar may mga bagay talagang nagpapabalik sa inyo doon. Naniniwala akong kapag may iniwanan ka may babalikan ka -hahanap-hanapin nyo yun.

#20 MGA PROBINSYA NG MAGULANG KO

  • BICOL | PILI, CAMARINES SUR = Nakapunta na ako dito once, at dito ko naranasan ang mapulikatan ng puwet sa haba ng biyahe. haha. Dito lumaki at sinilang ang Mama ko. Syempre masarap isipin at alamin kung saan ang pinagmulan ng magulang mo at bilang pinagmulan mo na rin. Isa pa, dito makikita ang MT. MAYON na hindi ko pa nasisilayan ng personal. Dito din matatagpuan ang Caramoan Islands na laging pinaggaganapan ng Survivor
  • APALIT PAMPANGA = Madaming beses na akong napadaan dito, pero nakakahiya dahil naturingang home town ng mga “ZABLAN” ay hindi pa ako nakalagi dito kahit kalating araw lang. Tulad sa Mama ko, gusto ko din alamin ang kinalakihan at pinagmulan ng Papa ko.

#19 BAHAY AMPUNAN | HOME FOR THE AGED

  • Nararamdam ko pa rin hanggang sa ngayon yung naging pakiramdam ko noong una akong bumisita sa isang bahay arugaan sa Tagaytay. Kakaiba yung pakiramdam na makita mo sila at alam mong kahit papaano ay kabilang kang nakapagbigay sa kanila ng saglit na kasiyahan. Gusto ko sanang maulit yun, at kung mabibigayan uli ng pagkakataon maging sa arugaan ng mga matatanda.

#18 BORACAY ISLAND

  • Sa totoo lang, pakiramdam ko kapag nagpunta ako dito puro insecurities lang mararamdaman ko dahil sa mga turista dito. Pero mas dapat pala akong ma insecure sa kanila kung ako, ako na mismong Pinoy ay di pa nakakapunta dito. [see you on march]

#17 PALAWAN

  • Sa tuwing naririnig ko ang Palawan unang pumapasok sa isipan ko ang El Nido ewan ko ba, basta alam ko manghang-mangha ako kapag na fi-feature yan sa TV. Bukod doon gusto ko din mapasok ang Under Ground Subterrean River ng Puerta Prinsesa na pasok na sa new 7 wonders of nature. Congrats!

#16 BOHOL | CHOCOLATE HILLS

  • Dahil naman sa isang dokyumentaryo tungkol sa mga mang-aawit ng LOBOC o Loboc Children’s Choir kaya mas gusto kong pumunta dito. Syempre para masaksihan din ang pabolosong Chocolate Hills.

#15 ANYWHERE OUTSIDE THE COUNTRY

  • Wala namang specific na gusto kong mapuntahan sa ibang bansa, basta ibang bansa ayos na yun. Siguro kaya hindi pa ako excited masyado kasi nandun pa yung fear ko magpag-isa dahil hirap pa ako sa english haha!. Pero sa birthday ko asahan nyo wala ako dito dahil nasa Malaysia ako. (Iwas pakain haha). Syempre given na yung mapuntahan yung mga madalas nating marinig sa ibang bansa: Great Wall of China, Great Pyramid, Jeju Island, Paris, Europe at iba pa.

#14 ILOCOS | WINDMILL

  • Haaaay sobrang gusto ko na makarating dun. Try ko talaga next year kung kaya ng budget ko. Gusto ko magpapicture sa kalsada tulad ng pinopost sa FB , yung sa magkabilang gilid ng dagat at bundok, sa gitna ng konkretong paszigzag na daan. Sa windmill! sarap mag picture siguro, maligo sa pagudpud, sa maglakad sa vigan, sa paoay church! yay nakaka excite!

#13 MT PULAG

  • Kung may aakyatin man akong bundok, gusto ko ito na yun! Gusto kong maranasan ang kakaibang lamig sa gabi at makita ang napakagandang kaulapan sa ibaba nito. Ang sarap siguro sa taas ng bundok na yun. Balita ko nga nagyeyelo daw yun sa pinakamalalamig na buwan tulad ng Disyembre.

#12 TUGUEGARAO

  • Marami daw mapupuntahan dito, pero gusto kong mapuntahan yung Callao Church sa loob ng kweba. Pakiramdam ko kahit hindi ako relihiyoso mapapadasal ako dun, ewan ko lang.

#11 DAVAO

  • Yeah nakapunta na ako dito, pero dahil sa sobrang laki ng lungsod na ito ang dami kong hindi napuntahan. Kapos talaga ang limang araw ko doon. Gusto ko mapuntahan yung Samal Island.

#1o CEBU

  • Syempre ang Cebu ang isa sa pinaka sikat na lugar sa Pilipinas, kahit madami akong naririnig na negatibo dito tulad sa mga daan. Iba pa rin kung ikaw ang magpapatunay sa mga naririnig mo. Wala naman akong pakialam dun kung tutuusin dahil gustung-guto ko marating dito. Gusto kong magpapicture sa Magellan Cross.

#9 BAGUIO

  • Mula 2008 hindi pa ako nagmintis makapunta dito kada taon. Ewan ko ba parang nagiging panata ko na ang pag-akyat dito. Hindi kasi nakakasawa. Hindi ko malilimutan yung burger nila dito na kasing lagi ng tinapay yung kamatis na palaman, galing nga e!

#8 BUKIDNON | CDO

  • May mga blogger akong nakausap tungkol sa mga lugar na ‘to. Sakaling makapunta ako dito “tuhog” ang gagawin ko (Isang biyahe pero madaming mapupuntahan -tuhog) Gusto ko mapuntahan yung malawak na lupain ng Bukidnon, madami daw taniman dun kaya siguro tinawag na BUKID-non lol. Doon nanggaling si Idol Migz Zuburi (so alam nyo na sa 2013! maki warrior tayo! haha)

#7 CAMIGUIN

  • Kung may lugar man na bumisita na sa panaginip ko ito na yun.. Hindi naman sa natakot ako pero nakakita ako ng sementeryo sa ilalim ng tubig, tapos yung inalam ko kung anong lugar yun, sa Camiguin pala. Ang galing no? kaya gusto ko makarating dito.

#6 ZAMBOANGA | TAWI TAWI

  • Syempre gusto kong makapunta sa lugar ng mga kapatid nating muslim, gusto ko makakita ng mga cute na estudyante sa mga kasuotan nila papasok ng school, gusto ko makakita ng mga mosque na na may buwan at bituin. ang kewl siguro nun.🙂 Gusto ko din makasakay sa Vinta ng Zamboanga🙂

#5 SHOOLS

  • Syempre hindi lang naman puro gala ang gusto kong gawin, gusto ko ding balikan yung Bagong Buhay Elementary School. Minsan nadadaan ko ibang-iba na yung sa labas, paano pa kaya sa loob? Ganoon din yung Arellano High School, balita ko may bagong building. Gusto kong makita muli yung mga guro ko pati na rin yung balikan ang mga alaala ng kakulitan ko.

#4 BACOLOD

  • Bukod sa gusto ko maka aatend ng MASSKARA festival, may mga lugar din akong gustong marating dun, iba pa yung mga bagay na gusto kong makita😀 ayiiiiiiiii.

#3 BATANES

  • Sino namang tao ang ayaw makarating dito? miski nga mga travel blogger bibihira lang makapunta dito, hindi dahil sa layo kundi sa gastos. Kaya nga gustung-guto ko makapunta dito feeling ko kasi hindi madaling puntahan. Parang ang astig kasi! Gusto ko mag bike dun at mahawakan kahit yung ibabang bahagi lang ng light house.

#2 BANAUE | SAGADA

  • Ano pa bang lugar ang pinaka importante sakin? syempre ang mga lugar na ito kung saan may rice terraces, pangarap ko ‘tong puntahan at hinding-hindi ako magasasawang balik-balikan. Minsan na akong nakapunta sa Sagada at kahit gaano pa yan kalayo sulit na sulit talaga, basta unexplained!🙂 Pangarap yun ng pagkabata ko kaya siguro ganun.

#1 (—————–)

  • Reserve ko yan. Para sa taong gusto kong makasama, yung lugar na kahit saan, gaano man kalayo, ka-baho, ka-dumi at kung anu-ano pa wala kang pipiliing sitwasyon o lugar basta’t kasama kita. este kasama mo sya🙂 Ayun yung gusto kong mapuntahan at balik-balikan na hindi mawawala sa list ko. Alam mo yun? yung tipong parang… gusto mo iyon lang ang mundo nyong gagalawan tulad ng mundo mong umiikot lang sa kanya. (asim!)

Ayan! in general gusto ko mapuntahan lahat, nilandee ko lang. haha

bukas uli sa #20 BIRTHDAY COUNTDOWN KO.

****

[BIRTHDAY WISH: Gusto ko sanang magkaroon ng mga Coffee Mug. Sobrang hilig ko kasi sa Kape kahit 3-in-1 pa yan! Kaso nga nabasag  yung pinaka favorite mug ko na binili ko pa sa Davao, gusto ko sanang mapalitan🙂 Sana mabigyan n’yo ng katuparan ang wish ko kahit anong Mug pa yan. Kahit saan pa galing basta sa Puso nyo. Ipadala lang sa 9th Floor, GLC Bldg., T.M. Kalaw corner A. Mabini Street, Ermita, Manila 1000 syempre ipangalan sa’kin –Joseph Zablan po real name ko. SALAMAT!😀 ]

10 thoughts on “#21 BIRTHDAY WISH”

  1. ibibili na lang kita ng coffee mug pero di ko na papadala. hahaha magkikita naman tayo. Advance happy bday😀

    ► susyal! galing ba sa Malaysia ang mug? lol

  2. Late kong nabasa to bago mo pa ipinadala ang address mo. nabroadcast mo na pala dito. Dahil malayo ako pag-uwi ko nalang ang mug mo, Made sa country kung nasan ako. Basasgin mo muna yung mga mug na una mong matatanggap. lol dyuk Advance Happy Birthday😛

    ► oi kaya nga ako nanghihingi kasi nabasag na yung iba tapos magbabasag pala ako uli wahahaha lol. asahan ko yan ha🙂 Salamat

  3. advance Maligayang kaarawan!

    Gusto ko ring bumisita sa bahay ampunan, parang may calling ako doon.

    ► kapag mayaman na ako at magpupunta muli sa mga bahay arugaan kokontakin kita.😀 haha

  4. Advance Happy Birthday Otep!
    Ini-encourage kita at wini-wish ko rin na matupad ang mga wishes mo lalo na sa puerto princesa at ilocos. ako na nagsasabi sa iyo na sulit ang magiging bakas mo doon. kailangan mo na lang na mag-pero fare para makasulit sa pamasahe. hehehe

    isa rin sa collection ko ang mug. hindi ako makakapangako na makakapagbigay ako. pero tingnan ko na lang din kung kaya ko hehehe.
    mabuhay!

  5. I landed here from damuhan while searching for my previous articles online. Keep it up Sir. And advanced happy birthday!

    ► KDR nabuhay! all souls day ba kaya ka nagpaparamdam? lol. kamusta kana? ano na bago mong blog? may blog ka pa ba? wala na yung kingdaddyrich.com mo e, mukhang iba na may ari.

  6. Sir, bigyan kita ng Mug! Set natin pagkikita natin, para at least makakwentuhan na din kita sa personal po, at para mas maeducate pa ako sayo. Ok lang po ba sayo?! =))

    ► oi idol sige ba ayos yan:) text mo ko ha. oi text kita kapag binigay mo number mo. naexcite namana ko dun😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s