#20 KAPE


Maraming bagay ang konektado sa buhay ko kapag pinag-uusapan ang kape. Kaya naman narito ang dalawampung bagay na konektado pa rin sa birthday countdown ko. haha (ang totoo nyan gusto ko lang ipaalala ang birthday wish ko na Coffee Mug) lol.

#20 COFFEE DREAM

  • Coffee Dream ang favorite kong Coffee Shop kahit 3 branches palang naman sa apat na branches nila dito sa Luzon ang napupuntahan ko. Sooner baka mapuntahan ko na rin ang sa Visayas at Mindanao lalo na sa Cebu. Sayang talaga yung sa Davao kasi na missed ko! Bakit Coffee Dream? Astig kasi sobrang relate sa Pangarap ko!

#19 PANGARAP KONG MAGKAROON NG COFFEE SHOP

  • Tagal ko ng sinasabi na gusto ko talagang magkaroon ng coffee shop kahit 3-in-1 pa lang naman ang madalas kong inumin haha. Ang susyal lang kasi lalo na kapag may nagtanong sayong anong business mo? “coffee shop lang” o di ba? ang simple pero ang rock! (ang babaw lang) Kaya nga nanghihingi ako ng mga mugs sa inyo, pandisplay sa unang branch ko. uuuy!! magbibigay na yan🙂

#18 COFFEE DATE

  • Tandang tanda ko pa noong nakipag date ako, wala kasi akong maisip na pagdalhan sa kanya kaya dinala ko na lang sa coffee shop -starbucks. Hindi pa ako nakakapagkape noon gaano (umorder) kaya noong nasa harapan na kami para omorder hiyang-hiya ako. sabi ko ba nama “espresso yung frapped” waaaaaaaaaaaaaaaaaaa. Hindi ko naisip na yung espresso pala yung mainit tapos yung frapped yun yung malamig na may cream na parang ice cream sa taas hahaha. (panget ng discription) basta!. Kaya kapag naiisip ko yun, hiyang hiya pa rin ako sa sarili ko. Susyalin pa naman yun, Med yata kinukuha nun, hindi ko lang matandaan kung taga FEU o UST. Nasaan na kaya yun? Matapos kasi nun hindi na sya nakipag date sakin. hahaha

#17 3-in-1

  • Alam nyo ba na halos nakaka 3-4 sachets ako ng kape sa isang araw? grabe no? sugapa lang. Kaya wag na kayo magtaka kung masyado akong nerbiyoso at laging nanginginig ang mga kamay. (relate? may nakapagsabi lang  sakin nun kaya nerbisyoso daw ako)

#16 FAVORITE

  • Ang favorite kong inoorder kapag nasa starbucks ako ay  Mocha Cappuccino. (wala lang haha)
  • Instant Coffee naman na nasa styro cup  sa 7eleven ang trip namin noong college kami ng mga tropa ko. (may mai-stay-an lang)

#15 COFFEE sa MCDO o sa JOBEE?

  • Mas gusto ko yung coffee float ng Jollibee, pero mas gusto ko yung ice coffee sa mcdo.

#14 COFFEE FARM

  • Gusto ko din makakita ng coffee farm at doon makapag ani din, alam ko meron sa Amadeo sa Cavite e, sana makapunta ako dun balang araw.

#13 KAPE’T KANIN

  • Noong panahong sobrang taghirap kami, naranasan ko na mag ulam ng malagnaw na kami sa tutong na kanin. (nakakamiss din pala) Dati kasi naggagatong lang kami, so hindi talaga maiwasang masunog. Hindi uso sa amin ang almusal at miryenda kaya kapag taggutom na talaga pinapatos namin yung mga tutong at sinasabawan ng kape🙂 Yummy.😛

#12 KAPE BILANG DEDE

  • Noong wala pa akong isang taong gulang, sabi ng ate ko kapag wala na daw akong gatas at mas lalong wala ng pang-am (yung sobrang sabaw sa sinaing) kape na lang daw ang dini-dede ko. Kaya pala ganito kinalabasan ko sa paglake ko. haha

#11 ANG MGA BASO NAMIN

  • Naaalala ko noong bata pa ako ang mga baso namin ay mula sa nestcafe na garapon na madalas kong mabasag (Sorry naman)

#10 STARBUCKS PLANNER

  • Taun-taon na lang sa hindi mapaliwanag na dahilan haha lagi ako nag-aaya mag starbucks, minsa para makalibre na rin at minsan para mabilis na mapuno ang sticker card ko. Nasusulatan ko naman ang planner kaso wala pang kalahating taon hindi ko na sya ginagamit parang tanga lang. haha

#9 THE COFFEE BEAN AND TEA LEAF

  • Una akong nakapag kape dito noong namatay si Cory. Hindi kami nakasilip man lang ni Jason Hamster at Bernard Umali dahil sa haba ng pila kaya napadpad na lang kami sa Robinson’s Manila. Hindi ko malilimutan yung kapehang ito kasi dito ko naiwanan yung cellphone ko at makalipas ang dalawang araw napasakamay ko pa muli. Nainsulto lang ako kasi bakit hindi man lang pinag-intrisan ng nakakuha at binalik pa sa staff ng Coffeee Shop. hahaha lol😀

#8 KAPAG NIYAYAYA AKONG MAGKAPE…

  • Kapag may nag-aaya sa akin na magkape, o kaya kapag ako ang nag-aaya mga kape, pakiramdam ko makikipag sex ako. hahaha Joke lang yun. (adik kasi yung unofficially yours na pelikula ni John Llyod Cruz at Angel Locsin lagi kong naaalala yun).

#7 XMAS GIFT

  • Hindi ko na mabilang kung ilang mug na ang naregaluhan ko tuwing pasko. Wala kasi akong maisip na regalo na madaling mahanap at swak sa bulsa. Madali pang ibalot kasi kadalasan may box na. Madali ring i personalized, tulad ng paglalagay ng pangalan ng bibigyan. Tulad noong 2010 binigyan ko lahat ng officemate ko sa department, edi ang saya lahat sila may mug na tuwing magkakape🙂

#6 ANG CRUSH KO NOON

  • May karas na karas ako noon, na sya namang first kiss ko mga taong 2008 (ang tanda ko na bago makatanggap ng halik). Kaso na hopia ako! pina-asa at pinag-laruan lang ang nararamdaman ko. haha. At dahil totoo nga ang kasabihang “hindi mo malilimutan ang first kiss mo”, hindi ko nga nakalimutan. Minsan hinahanap-hanap ko pa rin pero hanggang doon na lang yun. Ang ginawa ko, nagpagawa ako ng Mug na may pangalan nya sa Quiapo, ayun!  lagi ko syang ginagamit kapag nagkakape ako, minsan kapag nagkakape ako at nababasa ko ang pangalan nya, kinikilig at sarap na sarap ako sa kape ko. Wahahahaha (landeee LOL!)

#5 KINUWENTO LANG SA’KIN

  • Noong namatay daw ang erpat ko, habang nagluluto daw ng kape ang mga tumutulong sa huling lamay ng erpat ko nalaglag daw yung basahan sa kaldero (napaisip ako, bakit hindi na lang kasi nag-init ng tubig sa takore) Dahil doon hindi ako nakapag kape ng gabing iyon. Secret lang daw yun, pero ang weird talaga ng kwento. (wala lang, sabi ko sa inyo kwento lang e. haha)

#4 COFFEE PRINCE

  • Kung makakapunta ako sa South Korea, gusto ko puntahan yung location kung saan ginanap yung Coffee Prince. Astig kasi parang ang sikat-sikat ng lugar na yun, pinalabas din yun sa Hello Stranger (Thai Movie). Parang mas nakakainspired magkaroon ng sariling coffee shop kapag nakapunta ka doon. Pero ewan ko ba sa GMA7 parang ang panget na kapag nireremake nila yung mga korean drama. peace*

#3 STARBUCKS SA ILOILO

  • Noong nagpunta kami sa Iloilo nagkape kasi sa Starbucks. Hindi ko alam kung maarte lang ba yung baklang nasa cashier o sadyang hirap lang magtagalog kaya inenglish-english ako (with accent, nosebleed naman ako) noong tinanong ako kung ano name ko. syempre sinabi ko at inispell ko pa. O.T.E.P -Otep. pagkaupo namin at pagtingin ko sa pangalan ko -Otip. taragis na yan pina-ulit-ulit pa sakin. doon din pala babagsak. haha

#2 TIMPLA MO ‘KO

  • Pangarap ko isang gabi, o isang umaga  na may magtimla sa akin ng kape , tapos sabay kami magkakape habang nakadungaw sa bintana (tapos pareho pa kayong naka white -ang sweet!), o para mas susyal habang tinatanaw ang beach.

#1 LUGAR KUNG SAAN MASARAP MAG KAPE

  • Pinaka-nasasarapan ako magkape at sa tingin ko’y pinaka wirdo kong ginagawa ay ang mag kape sa loob ng CR. Ewan ko basta sarap na sarap ako. Siguro dahil malamig sa loob ng CR at habang naghihintay mapupu sa umaga. Try nyo minsan😀 Sabi ng Mama ko, namana ko daw yun sa Erpat ko.

***

Ulitin ko lang yung address kung saan nyo ipapadala yung coffee mug sakaling gusto nyong bigyan katuparan ang wish ko. hahaha (kapal ng mukha😛 )

c/o Joseph Zablan | 9th Floor, GLC Bldg., T.M. Kalaw corner A. Mabini Street, Ermita, Manila 1000

►►►

Maraming Salamat sa mga  bago kong Subscribers/Followers:

rocelalbano
http://sillycellie.wordpress.com
182official
http://fallwishingflower.wordpress.com
Kung nais mong mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito.
Ilagay ang email o i-click ang  “SUNDAN SI OTEP”
Maaari ding i-like ang facebook page ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

15 thoughts on “#20 KAPE”

  1. cool…dami kong nalaman tungkol sa’yo…sana mag kape rin tayo in the future :))

    advance happy birthday OTIP!!!! ^^

    ► pwede mo na ako i-cyberstalking nyan yey! lels salamat🙂

  2. nakakatakot ka namang yayaing magkape! lols haha basta pag nagyyaya wag kalimiutan un sachet sa bulsa ng polo! hahah (adik din sa unofficially yours)

    yung sinasabaw ang kape naranasan ko din yun, pero mukhang hindi mo nasubukan na gawing kape ang bigas! ^_^

    naalala ko ung OTIP sa Iloilo yun pala ang kwento non haha taragis!

    ► kasing sarap ng pakikipagsex ang pagkakape JOKE Lang! LOL. Wahahaha ibang sachet naman yun e! may coffee flavor na ba yun?
    ►hala ka? paano gawing bigas ang kape ang pait nun!
    ►namimiss ko na nga ang ilo-ilo natin e😥

  3. #6 so parang nakikipaghalikan ka narin ulit sa kanya kapag umiiinom ka ng kape using mug na may pangalan nya. lols. #8 lol ulit. Yung mug mo pag-uwi ko nalang ah.😛

    ► wahahaha ganun na nga yun, kahit sa imagination man lang mahalikan ko sya uli wahahahaah (landeee)

  4. ang dami mong alam sa kape.. at kakatakot ka rin yayain magkape.. baka mkainom ako ng espresso frapped. (bago yun) hahaha

    ► isa ka pa nitatawanan mo ako, napahiya na nga ko e. haha. Mug ko ha😀

  5. #11. Relate! mula nung natuto akong uminom sa baso hanggang 9 years old ako, ang pinapagamit na baso sa akin ng nanay ko e ung pinaglagyan ng kape (blend 45, nescafe) kasi madalas akong nakakabasag ng baso.

    natutuwa ako pag nagbabasa ng mga sinulat mo kasi they hit close to home! (: napasubscribe tuloy ako.

    more power!

  6. paano ba umorder ng kape sa starbucks, i mean, what is the process? hmmm. sana seryosong sagot po makuha ko.😦

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s