United Pinoy Bloggers Photo by Bino Bautista

#19 FRIENDS


Kinukunsidera kong kahinaan ko ang pagkakaroon ng kaibigan o totoong kaibigan (magkaiba kasi yun). Madalas, pakiramdam ko wala ako nun kahit ang totoo nasa paligid  lang naman sila. Siguro iba pa rin kasi yung totoo ka sa kanina o yung tipong wala kang sekreto at naibubulaslas mo lahat ng baho mo sa kanila. Hindi naman literal na utot sa baho pero parang ganun na din, yung tagpong kapag naamoy nila iyon sa sitwasyong hindi sila nakapaghanda ay kaya kang  batukan at murahin tulad nito “tang ina mo otep! ang baho!” haha😀
Pero paano naman kasi mangyayari yun kung wala yung pisikal na sila! kapag kailangan mo?

Minsan naman, iniisip ko na kasalanan ko din naman kaya nawawala ang iba sa kanina. Ako na mismo kasi ang umiiwas at tumataboy sa kanila. Tae kasi pati kaibigan ko pinagseselosan ko pero hindi naman ako magseselos kung walang batayan. Hindi ko naman masisi dahil hindi ko naman sila hawak at pag-aari.

Halimbawa sa sitwasyong nakilala ko si Pedro (naging kaibigan), samantalang matagal ko na mang kaibigan itong si Juan. Dahil naging daan ako sa pagkakakilala nila, naging magkaibigan din sila. Samakatuwid, naging magkakaibigan kami. Ang saya di ba? Kaso madaming pagkakataon na halos naiiwan na ako sa ere at para bagang (hindi pala “parang” kasi totoo na) na set aside ako.  Ang sakit lang sa parte ko kasi kapwa ko sila kaibigan at ako ang naging daan para maging magkaibigan sila, pero ito ako ngayon -nganga.

Ang hirap unawain sa totoo lang, ganoong may sari-sarili silang pag-iisip. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil hindi ko nga sila hawak. Saganang akin lang, bakit may lihiman at bakit may kailangan akong hindi malaman? Kala ko ba magkakaibigan?

Hindi ako perperktong kaibigan. May mga kaibigan na rin akong iniwasan, nasa intensyon man pero mas pinapalagay ko na lang na sila’y ordinaryong kakilala na lang. Wala na naman akong kinukunsederang kaaway kasi mabigat lang sa loob, kaya ang tawag ko na lang sa kanila ay “dating kaibigan” (parang ang bitter pa rin no?) haha.

Ganoon pa man narito na ang birthday countdown ko. Sana tuparin nila ang Birthday wish ko -Coffee Mug haha. (lakas magparinig). lol

LABING SIYAN NA MGA KAIBIGAN KO

#19 MGA MAMBABASA KO

  • Sila itong mahilig magbasa  at mag comment sa blog ko kahit wala silang mga blog. Nakakatuwa kasi kahit pakiramdam ko wala namang kakaiba sa pagkatao ko, ay sumusubaybay sila sa bawat lapat ng letra ko. May matatanda, estudyante, kasing edadan ko, mga bata, may mga may gusto sakin (wahaha joke lang) -sila/kayo ang mga online friends ko. Syempre gusto kong mgapasalamat sa inyo🙂

#18 BLOGGER FRIENDS

  • Ito na yun!- ito ang isang batalyon na mga kaibigan ko. Ayaw kong magbanggit ng pangalan kasi sigurado may makakalimutan ako. hahaha. sila/kayo ang totoo kong tropa. Ang dami ko ng na meet sa kanila/inyo. pero marami pa rin sa kanila/inyo ang hindi ko pa nakikita kewl! Gusto kong magpasalamat sa kanila/inyo dahil sila/kayo ang naging dahilan kung bakit nasabi ko sa sarili na isa nga akong BLOGGER. Malaki ang pasasalamat ko dahil tinanghal akong bilang Bloggers’ Choice sa Philippine Blog Awards 2011. Sobrang laking karangalan yun.
  • Isa sa hindi ko malilimutang kaganapan  na kasama kayo/sila ay noong ngapunta kami/tayo sa ILOILO-GUIMARAS gusto ko sana maulit yun kasi sobrang hindi ko malilimutan.

#17 FACEBOOK/TWITTER FRIENDS

  • Sila naman ang mga kaibigan kong araw-araw kung magparamdam. Nakakatuwa kapag nagtitipon-tipon sila sa twing ila-like nila ang status o photos mo. Ganoon din kapag nirereplayan at ginagawang paborito ang mga tweets mo. Madalas dito mo rin malalaman kung sino yung totoo sayo lalo na kapag nilalait ka at sinasabi lang naman yung totoo. Hindi ka maiinis kahit may violent reaction ka bagkus tinatawanan mo na lang rin ito kasi alam mong mula sa totoong tao ang komento. Makikita mo rin yung mga taong handang dumamay sayo kapag emo ka kahit sa simpleng kumentong “emo ka na naman” haha

#16 CLAN MATES

  • Syempre dumaan naman ako sa pagiging teenager, at naransan ko naman magkaroon ng clan. Sa hindi nakakaalam, ito yung group sa phonebook mo tapos kailangan padalhan mo ng mga text messages. Nauso yun sa kasagsagan na paglabas ng mga promo na unlimited text. Kada buwan may magaganap na Grand eyeball syempre dahil member ako nakakatend ako. Minsan mahihiya ka na rin sa sarili mo kasi ang daming magaganda ganoon din mga guwapo at ikaw mukha kang tuod hahaha. Madalas may makaka-PM ka (personal message/text) pero sa personal hindi kayo nag-uusap haha parang tanga nga lang. Madaming malalanding babae at mga haliparot na lalaki sa clan. Noong na busy na ako at nagkaroon ng work tinigil ko na rin. Pero madami naman akong naging kaibigan at minsan nagkikita pa rin naman kami. Ilang taon na akong walang ganun at ayaw ko ng subukan uli.

#15 ELEMENTARY FRIENDS

  • Sa totoo lang mula noong nakatapos ako ng elementary wala na akong balita sa mga kaibigan ko (kasagsagan noong napupupu pa ako sa short). Kailan lang, malaki ang pasasalamat ko sa facebook dahil natuntun nila ako. Ilan nga sa kanila sina Jonathan (teacher na) at Brye Yan (Navy na! astig).
  • Kahit sobrang tagal na yun at mahigit isang dekada na, hindi ko pa rin malimutan kapag naiiwan kami sa klase kapag hindi kami nakakaubos ng paninda galing sa canteen. Ganoon din kapag nagka-cuting classes kami para maligo sa ilog🙂

#14 HIGHSCHOOL FRIENDS

  • Syempre kapag may elementary, may high school. Sinong makakalimot sa highschool days? Sa batch namin sa Arellano High School uso samin ang grupu-grupo may mga pangalan pa nga. Hanggang ngayon wala pa ring nakakalimot sa grupong BERKS -grupo ng matatalino at ako lang ang bobo. babanggitin ko sana yung mga members kaso baka may malimutan😀 para safe wag na lang.

 #13 COLLEGE FRIENDS [BT-GAPT E/F (EVE)]

  • Kapag may highschool may college LOL. Ibang-iba ang college syempre. Kahit sunugan kilay hindi parin mawawala ang bonding lalo na kung mula first year ay block section kayo. (hindi na ako magbabanggit ng pangalan para safe uli) haha. Nakakatuwa lang sa mga classmate ko na ‘to talagang annual ang reunion/xmas party.
  • Kami-kami nagtutulungan at nag re-referan sa trabaho.

#12 CHILDHOOD FRIENDS: MELANIE  IDA, ENRILE JOSON, MARY ROSE MENDOZA & VANESSA SIPE

  • Lyn-lyn, Rile, Rose, Vane -yan yung mga nickname nila. Yung mga babae mag pipinsan. May hindi ako malilimutan noong mga bata kami noong nagpapractice kami sumayaw ng (5, 6, 7, 8) nakalimutan ko na yung title hahahaa. Ako na lang ata single sa kanila. hahaha

#11 KENNETH SUMANTING

  • Si King! -ito na lang yata yung kapit bahay namin sa cavite na nakakausap ko pa. Emo din ‘tong tao. super relate ako sa pinagdadaanan nito kaya kapag nagkukwentuhan kami talagang detail to detail haha.

#10 ALEXIS JAY RAMOS

  • Si AJ isa ito sa pinakamayaman kong kaibigan, nakapunta na ako sa mansyon nito sa Nueve Ecija, sa malawak nilang lupain. Kaso sobrang binaon ako nito sa lupa sa sobrang kaba noong pinakilala ako bilang Nurse sa mommy nya. e hindi naman ako nurse! Naalala ko noon parang ayaw yata sya magkaroon ng barkada kaya pinagpalagay na classmate nya ako. hahaha.
  • Mayaman pero kuripot.
  • Nagtampo na sa akin ‘to pero nagkabati din kami, ganoon naman di ba? dapat kapag kaibigan kailangan inuunawa. LOL

#9 FREDERIC BIASURA

  • Si Rico – blogger friend noong una, nirefer ko sya sa office at dahil matalino nakapasok naman agad bilang Subcription Account Executive kahit Nurshing ang natapos. At dahil naging mag officemate kami naging close kami. Katsismisan, Tagakunsulata kapag emo at sabihan na rin ng problema. Sayang nag e nagresign, pero hindi naman natapos ang pagkakaibigan doon, ito nga o may pinapagawa. Gagawin na po! hahaha (sorry na sa super delay)

#8 OFFICE FRIENDS | ROSE ANN SERAFICA, HANNAH LAZATIN

  • Sa loob ng mahigit apat na taon, lima na nga kung tutuusin syempre naging magkakaibigan na rin kami. Halos araw-araw ba naman kayo nagkikita, at alam bawat pangyayari sa buhay, pag-ibig man yan o usapang pamilya. Kaya nga hindi ko maiwanan ang trabaho na kahit maliit ang sweldo kung ganitong mga tao naman ang makakasama mo sa hanapbuhay nanaisin mo paring manatili.

#7 YARNASHER PADAM

  • Si Kim – boardmate ko ‘yan sa Sampaloc noong nangungupahan pa ko. Sobrang hindi ko malimutan pinagsamahan namin n’yan. Wala kaming lihim sa isa’t isa. Maraming pagkakataon na nag-uutangan kami kapag kapos sa budget, mabuti nga lang magkaiba kami ng sahod. Tulungan talaga kami. Kaso yun nga hahanap at hahanap ka ng paraan para mas makatipid kaya kailangang lumipat.

#6 MAR CASTILLO

  • Si Mar (hindi tunay na pangalan) Sobrang na tats ako sa taong ito! mga taong 2009 yata nun (so mga 4 years na ang nakakaraam) Hindi naman kami magkakilala sa personal pero nagawa ako nitong pautangin. Sa ngayon maswerte akong naging kaibigan ko ‘to. Kahit hindi naman nya ako literal na mapagtatanggol sa mga nang-aaway sa’kin, pakiramdam ko lagi akong may kakampi. Kahit minsan, balat sibuyas. Bawal sya biruin na tulad ng pagbibintang at mga bagay na may kinalaman sa kalusugan at kamatayan. hahaha.

#5 NORIEL RAMOS

  • Si Noriel yung bestfriend ko noong highschool, sobrang kulet kaya kapag nagsama kami sobrang natutuwa yung sa paligid namin kasi ang kukulet namin. Lagi ko ‘tong kasama sa pangongopya at sa gala na din. kaya halos di nagkakalayo grades namin. Kaya wag na rin kayo magtaka na mula second yeaar hanggang makagraduate ay magkaklase kami.
  • Sa ngayon, inaanak ko ang cute na cute na first baby nya.

#4 SHERYL TINAY

  • Si Tinay naman ay bestfriend ko noong College (Sheryl pangalan nya pero tinatawag ko syang Tinay -apelyido nya). Sobrang ingay nitong babaeng ito. Pero sabi nga nila kapag sobrang saya ng isang tao may tinatagong kalungkutan. Sobrang tragic ng buhay nito pero laging think positive kaya tuwang-tuwa ko ‘to nang naging bestfriend ko ‘to. Hindi naman kami mayaman kaya nagagawa naming lakarin ang TUP manila hanggang Pandacan. 9pm kasi ang last trip ng Bus kaya madalas naglalakad kami. Alam nyo yun? ang simple lang. Madaming lungkot pero madami ding saya -balanse. Sayang nga e hanggang first year lang sya, kasi di na kayang tustusan ng pamilya nya.
  • Sa ngayon nasa Batangas na sya kasama ang asawa’t mga anak, sana magkita kami muli.

#3 JOAN RUEDA, NORVEN VALENZUELA, RENZ TUGAY, LUIS & BERNADETH SENORA

  • Ito yung mga tropa ko noong college na hanggang ngayon ay tropa ko pa rin. Hindi man kami lagi nagkikita pero mababakas ang pinagsamahan namin. Gawin ba naman akong ninong ng mga anak nila e. Si Joan at Norven di pa man kasal (haha sinabi ko talaga) ay masaya namang nagsasama. Ganoon din si Luis at Burn nandoon kami noong kinasal sila. Ang kewl no? dalawa ang nagkatuluyan sa 8 magkakabarkada.
  • Si Tinay (yung besfriend ko). Si Renz na magpaparamdan nga sa YM o Facebook pero kapag nireplayan mo hindi na magpaparamdam. Si Jenny yung Pangwalo kaso mukhang pang-wala na sya. hahaha. Ganoon yata talaga sa magkakaibigan, minsan kapag nagkatampuhan sandali lang tapos na, minsan naman kapag nagkatampuhan parang forever na. Ganoon pa man, naging parte pa rin naman siya ng barkadahan.

#2 JASON DE GUZMAN

  • Hindi man opisyal na mag bestfriend kami pero sya yung pinaka matalik kong kaibigan ngayon. Siguro masusukat talaga yung pagkakaibigan kapag mula kayo sa malalim na away. Ayun, napatunayan namin na kapwa biktima lang kami. At nangakong di na magpapaapekto. Minsan nakakapanghinayang din yung nawalang panahon pero hindi naman pinanghihinayangan yung aral na natutuhan namin. Hindi tulad noon, nararamdaman ko sa kanya ngayon na may kakapmi ako tulad ng nararamdaman ko kay Mar kapag may nang-aaway sakin. haha (parang away-bata lang). Since matatanda na nga kami alam na namin kung saan kami lulugar kapag maraming maligno sa paligid hahaha😀

#1 MAMA

  • Wala ng hihigit na kaibigan sa’tin kundi ang mga magulang natin. Laging nandyan kapag may kailangan tayo. Kapag nagkakasakit tayo at nangangailangan tayo ng higit sa tinaguriang haplos ng pagmamahal . Kapag kailangan natin ng magmumura sa’tin para matuto at maramdamang may nag-aalala sa atin. Kapag kailangan nating makaramdam ng sakit mula sa hanger o walis tambo para magtanda tayo, bilang paghahanada na rin sa hindi man literal na sakit pero mas masakit sa inaakala natin. Kapag kailangan natin ng pera na higit sa pwede nating utanging sa mga kakilala na’tin at iba pa. Wala na ngang hihigit sa pagkakaibigang ibinibigay sa atin ng mga magulang natin sa pamamagitan ng pagkalinga, pagmamahal, suporta at pagprotekta sa atin laban sa mga posibleng mag-away sa atin pagdating ng panahon at pagkakataon. Kaya sa mama ko na lagi kong nasasabihan ng “paulit-ulit ma?” -The best ka!

Sila/Kayo ang 19 na mga kaibigan ko, kaya inaasahan ko ang coffee mug ko ha wahahaha lol.

ulitin ko lang yung address kung san nyo ipapalda  ha, o kaya i-meet nyo na lang ako. hahaha😀

c/o Joseph Zablan | 9th Floor, GLC Bldg., T.M. Kalaw corner A. Mabini Street, Ermita, Manila 1000

►►►

Related Post :

#21 BIRTHDAY WISH

#20 KAPE

7 thoughts on “#19 FRIENDS”

  1. Ang hirap unawain sa totoo lang, ganoong may sari-sarili silang pag-iisip. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil hindi ko nga sila hawak. Saganang akin lang, bakit may lihiman at bakit may kailangan akong hindi malaman? Kala ko ba magkakaibigan?

    naku relate na relate ako dito. may kaibigan kasi ako na ganyan eh. di ko lang alam kung bakit kailangan nyang itago sa akin un. akala yata eh di ko sya matatanggap. inaantay ko lang naman na magconfess sa akin. nakakatampo lang din kasi

  2. Huwaw nakakatats makabasa ng mga ganito.. matagal ko na gusto gumawa ng ganitong post.. kaso parang nagdadalawang isip akong ilagay ang mga pangalan ng mga friends ko kasi baka magtampo yung isa sa sasabihin ko sa isang friend. Alam mo na gaya mo seloso ako pagdating sa friends.

    Kudos to you Otep! kasi ayan name drop kung name drop.. im sure bilib ang mga taong yan sayo.. wohoo.. kaya dahil diyan, ibibigay mo na sticker ng starbucks mo sa akin ahahahaaha…

  3. dear otep,

    poutang ina mo! hahaha. mapapakoment ako nang wala sa oras. hahaha. pero salamat ah. akalain mo yon frend pala turing mo sa akin. hahaha. di ba sinabi ko naman sayo nun na hindi man kita maipagtanggol nang harap harapan sa mga nangaaway sayo but they dont know how they were cursed on my mind. english??? hahaha

    bukas na yong bday ko! yong gift ko ha! andami mong alam. me-paganito ganito ka pang countdown ang ending naman nito eh mag-eemo ka. hahaha.

    saka na yong gift mo sa akin. pag nagkita tayo!

    as always,
    mar c.

  4. natawa ako sa sinabi mo dun sa friend mong si mar kasi kahit ako siguro ayaw mabiro ng tungkol sa kamatayan haha tapos ang mas nakapagpatawa sa akin eh yung comment mismo ng friend mong si mar. haha nakakatuwa yung friendship nyo tsaka yung iba mo pang friends. hihi =D

  5. Nako, hindi ako kasama sa blogger friends mo lalong-lalo na sa mga “dating kaibigan” pero eto naglalakbay ako sa blog mo para makibalita. Malapit ka na rin palang mag-birthday? Aba, aba.

    Goodluck sa Saranggola Blog Awards entries mo. Sana manalo ka.😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s