USAPANG GASTOS AT UTANG


Commercial muna: Maraming salamat sa patuloy na pagbisita kahit karamihan ay naliligaw lang naman dito sa blog ko. Tumataginting na 400,000 hits na ang nakamit ng blog na ito sa loob ng ilang taon na pagiging agrisibo lol. Sobrang nakakataba at nakakalaki ng ulo (sa taas) kapag alam mong nagkakaroon ka ng ganito kadaming hits kahit hindi naman ito gaanong importante lalo kung hindi mo naman pinagkakakitaan ang pagsusulat mo. Akala ko kasi hindi na ako aabot sa ganitong bilang bago matapos ang taon pero Nobyembre palang kota na ko yey!. (sensya na mababaw lang talaga kaligayahan ko)😀

Hindi na lingid sa karamihan na aalis ako at magkakalat na sa Malaysia, sobrang tagal na kasi nun e, January palang ata pero ang bilis talaga na panahon ilang tambling na lang mangingibang bansa na ako. Huwag nyo akong sisihin kung ganito ako ka-heksayted dahil first time ko ito. Magagamit ko na rin sa wakas ang passport ko. Minsan nakakatampo na nga rin e, parang walang nagsasabi na “Ingat ka” o kaya “Enjoy ka” puro “Pasalubong ko ha”, pasalubong talaga mga Ate, kuya? haha.

Pero bago pa iyon syempre kailangan ko munang maghanda para naman hindi ako magmukhang ingnorante doon.😀

PWEDE BANG MAGAMIT ANG BDO ATM CARD SA IBANG BANSA?

Una kong inasikaso ang ATM Card at Credit Card ko (pang back-up lang naman). Yung Credit Card walang problema kasi itatawag mo lang tapos sasabihin mo kung kailan at saan mo gagamitin -ayos agad. yung ATM card naman (BDO) tinawag ko sa hotline. Tinanong ko kung pwede ko bang gamitin ‘to international (Ito yung regular savings na may 5k maintaining balance na may kasamang passbook). Kaso badnews kasi hindi daw pwede kailangan daw kasi may visa or mastercard logo ang ATM card mo. So syempre nagtanong ako kung anong posibleng paraan para magamit ko yun sa ibang bansa. Pwede naman daw basta magpapapalit ka ng ATM Card na may  mastercard logo. Punta na lang daw ako sa Branch kung saan ko inopen account yun at magpapalit ng ATM card. So Punta naman ako.

Panggabi ako nun, so paglabas ko sa office ng tanghali dumerecho agad ako sa Filinvest Branch (doon yun sa kambal na building na pagkataas-taas ng Insular Life sa Alabang). Syempre dumulog agad ako sa magandang babae sa section ng new accout etc.

otep: “bali tumawag na po ako sa hotline sabi nga punta na lang ako para mapalitan yung ATM card ko gagamitin ko kasi sa ibang bansa”

miss: “kuhain ko na lang yung ATM number sir”

binigay ko yung ATM ko.
(tiktitktitkt.. nagtype sya)😀

miss: “sir sorry pero kailangan may atleast P25,ooo maintaining balance ka for 3 months”

otep: “ay ganun ba? wala naman kasing sinabi sakin yung nakausap sa hotline nyo” (sana pala di na ako nagpunta, sabi ko sa isip ko)

Napaisip tuloy ako, ni-hindi nga ata umaabot ng 25k ang naiipon ko doon dahil payables ko palang sa isang buwan umaabot na ng 20k renta sa bahay, kuryente, tubig, internet, postpaid line, minsan insurance etc.

miss: “….” -wala lang behave lang sya. haha

otep: “paano kung mag deposit ako ng 25k ngayon?”

miss: “kailangan po 3-month maintaining balance po talaga”

otep: “Paano po kung mag open account na lang ako, new account, at mag deposit ng 25k mabibigyan ba ako ng ATM na pwedeng gamitin sa ibang bansa?”

miss: “ay hindi sir, hindi po pwede”

otep: “ay ganun ba wala bang other WAY?”

miss: “wala po”

otep: Akala ko ba “we find ways” pero walang other ways ano kaya yun? (walk out)

Haha alam mo yung pakiramdan na antok na antok ka tapos nabaliwala lang pagpunta mo. Baliw-baliwan din kasi yung sa customer service nila sa telepono, magbibigay lang ng info kulang-kulang pa. Sa pagkakataong yun hindi way ang na-find ko kundi “I find waste” -waste of time.

Sana talaga mayaman na lang ako.

Mabuti na lang talaga madaming option at alternative. May account din kasi ako sa BPI yung parang cash card pero walang maintaining balance pero wala ding interest maliban sa 5pesos na service charge tuwing mag wi-widraw ka. ayun! buti meron ako BPI Express Teller na may nakasulat na International. Tinawag ko lang ayun okay na, magagamit ko na. Tapos ang problema!🙂

CREDIT CARD BILLING STATEMENT

Ilang buwan palang ako sa mundo ng pangungutang gamit ang credit card. Syempre anga-anga pa rin pero minsan sa kaangaan natin may matutuhan naman tayo.

Noong October natanggap ko Billing Statement ko. Siguro yung utang ko ay nasa 4,000 kasama na dun yung installment na laptop ko na binabayaran ko ng 2.5k kada buwan. Natuwa ako kasi 2,600 lang yung pinapabayaran sakin o yung “Minimum Payment”. Syempre dahil iyon lang naman yung sa tingin kong pinapayaran sakin yun lang binayaran ko.

Ngayong November nag Quick Inquiry ako kung magkano na lang ba yung available balance ko, nagulat ako kasi parang nabawasan ako na kulang-kulang 300. Tinignan ko yung online billing statement ko tapos nakita ko nga nandun yung “finance charge” na tinatawag. Nagulat ako e wala naman akong naaalalang may binili o inutang na Finance Charge. Akala ko na nga kainan yun o botique. hahaha.

Kabayaran pala yun sa hindi ko pagbabayad ng buo dahil tanging minimum payment lang yung binayaran ko. Taragis na yan! naisahan ako dun ha! Hindi kasi ako nagbabasa ng mga kontrata e.

Kakainis lang, kaya ko namang bayaran ng buo inutal ko pa. At iyon na nga ang tinatawag na lesson learned. -Magbayad ng buo kung may pambayad naman at ‘wag magpapaniwala sa minimum payment na yan hahaha.

Ngayon unti-unti ko ng natututuhan ang kalakaran sa pangungutang sa credit card at kung bakit maraming nababaon sa utang hahaha.

Kaya sa mga wala pang credit card, alam nyo na😀

NAHIPNOTISMO AKO

Galing ako sa SM para bumili ng sabon, deodorant at pang-ahit sa baby bigote ko. Nang makita ko yung Jacket na BUM Equipment na nagkakahalaga ng 1499.00. Sobrang trip na trip ko yung maong-jacket na yun! hindi pa kasi ako nagkaroon ng ganoon. Syempre libre naman sukat, kaya sukat-sukat ako. Hanggang sumulpot yung sales lady “sir, sukat nyo yan may sizes pa yan”. Sinukat ko yung small saktung-sakto naman. “Miss may medium ba kayo nito?”. “Teka lang sir ha, kukuha ako” Sobrang nasa senaryo na ako na bibilhin ko yung jacket kahit hindi naman talaga ako bumibili ng original prize, unless kung may sale. Mga pantalon ko nga e puro sale kasi hindi ko afford yung 1k sa mahal. Maralitang taga lungsod lang kasi ako.

Dumating si Ate “sir, sukat nyo ‘tong medium mukhang mas okay ‘to lalo na kung magsusuot pa kayo ng doble sa loob” ako naman si “Sige ito na lang” Nagulat na lang ako noong hawak ko na yung plastik ng SM at natauhang nagamit ko na naman pala credit card ko.😥

Alam mo yun? yung.. 300 na tshirt sobrang nanghihinyang ako tapos ito 1.5k nabili ko agad ng walang kahirap-hirap.

Doon ko naisip na nakakahipnotismo pala ang credit card, nakakadarang, yung sige ka lang ng sige at hindi mo iniisip kung kailan mo mababayaran.

Nakakasisi rin pala, sana pala iniwan ko na lang sa bahay yung credit card ko hindi ko na sana nagamit. Ngayon nauunawaan ko na rin na ang hirap din pala magkaroon ng credit card.

Malinis pa ang credit Card ko sa ngayon hihintayin ko pa bang madungisan? hahaha.

Hindi na po ako uulit.

Tandaan: Isip muna bago Utang😀

►►►

Maraming Salamat sa mga  bago kong Subscribers/Followers:

jonasisyohan
http://jonasisyohan.wordpress.com
xhariszdulin
http://yukamei.wordpress.com
kamotefarmer
http://kamotefarmer08.wordpress.com
Kung nais mong mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito. Ilagay ang email o i-click ang  “SUNDAN SI OTEP”
Maaari ding i-like ang facebook page ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

13 thoughts on “USAPANG GASTOS AT UTANG”

  1. Ganyan naba sa BDO? Samin 5k lang yata maintaining. Master card pa yun kaya pwede sa ibang bansa. Naku wag masyadong magastos. Ingat sa mapanuksong credit card. Laging bayaran ng full at wag ang minimum due. SA interest sila kumikita…

    Ui, nagsubscribe ako ah. Bat di mo parin ako binabangit. lol Ganyan!
    Congrats pala😛

  2. Ingat sa byaheng Malaysia Kuya Otep!

    credit crad nga naman, may available naman na guidelines ang BSP kuya pwede nyong i-check para mas lalong makilala nyo credit card na gamit nyo.

    sabi ng kaibigan ko, kapag magshoshoping iwan ang credit card sa bahay para yung cash mo lang ang gamit mo haha

  3. Oy. Taraaaay. Pupunta ng Malaysia. Mayaman. May pera. Pasalubong ha. De joke lang. Hey ingat ka. Lalo na sa immigration, baka di ka makapasok. Or worse, di ka na makalabas ng Malaysia. De joke ulit.

    Kaya ayaw ko ngang mag-credit card. Afford ko naman, lol. HAHAHA. Compulsive shopper kasi ako baka mamaya isang buwan hina-hunting na agad ako ng bangko dahil ‘di nakakabayad. HAHAHA.

    Basta bro, ingat sa biyahe. And pasalubong.

    (Pagdating mo sa Kuala Lumpur International Airport, sigaw ka ng “It’s More Fun in the Philippines. Hahaha.)

  4. I agree with you. I used to have CC pero ngayn wala na I learned from it. ayoko na…hahahaha ng gastos..so now I only use my debit card with visa and mastercard logo so I can still purchase online or used it whenever I’m on travel. I just make sure na may laman sya ng bongga bongga..this way wala akong isipin na utang:)

    Goodluck sa travel and enjoy!

  5. hinding hindi ako kukuha ng credit card na yan. muntik ng masira ang buhay namin dahil dyan e kaya kapag nagkawork na ako di ako kukuha ng credit card. anyway..ingat kayo nila kuya bino sa malaysia. =D

  6. One of the reasons credit cards put interest is when you only pay the minimum amount! Otherwise wala yang interest!🙂 Credit cards are a good thing lalo na kung may mga gusto kang bilhin na possibly hindi mo magagawa kung iipunin ang pera because in reality sobrang bibihira ang nakakaipon these days. Be careful next time, maraming nadadali dahil sa minimum amount.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s