KL Sentral

WELCOME TO KUALA LUMPUR!


KL Sentral 2
o diba! ang lakas-maka Turista ni Bino🙂

MALAYSIA
DAY 1/3

Sabi ko noon, kinakailangan ko munang malibot ang Pilipinas bago ako maglagalag sa ibang bansa. Napuntahan ko na naman ang Luzon (Sagada | Feb 2012), Visayas (Iloilo | Nov 2011)  at Mindanao (Davao | July 2012) kaya sabi ko din, baka pwede na rin siguro! hahaha, ito na yun e! choosy pa ba ako?😀

Nagsimula sa isang imbitasyon ng isang super active na blogger na si Rye aka FlaminDevil (na nagpapaalipin na sa pera ngayon sa KL) sa pangakong may aampon na sa amin pagdating doon. At pagnanais na rin siguro mapuntahan at malaman kung ano nga ba ang sinasabi ng isang tower sa isa pa nitong tower ala Miss You Like Crazy ni Bea at John Lloyd.

Malay mo, Malay ko, Malay ba nating lahat na mabibigyang katuparan pala ang unang paglabas ko sa bansa ngayon taon. Salamat kay Bino na walang sawang humikayat na magbook na ako agad-agad ng ticket, ganoon na rin sa discount😀 lol.

Air Fare Ticket ( Cebu Pacific flight 499 | Round-trip) P 3,000.00*

Dumating na nga ang oras matapos ang ilang buwan na paghahanda, preparado naman ako kung tutuusin pero hindi ako makaramdam ng excitement, basta ang plain lang ng feelings (gumaganon). Siguro hindi pa rin ako makapaniwala na sa kabila ng kadukhaan ko ay nagagawa ko pa ring tuparin yung mga pinapangarap ko. Bigla tuloy pumasok sa isip ko yung elementary days ko, kahit isang fieldtrip kasi namin wala akong nasamahan noon kasi nga dukha! Tapos ngayon, nakakapag Malaysia na ko T.T (teary eyed) lels.

Isa pala sa paghahanda na ginawa ko ay tiis-uhaw sa pag-inom ng kape. Oo isang linggo akong hindi uminom ng kape dahil sa paniniwala ko mababawasan nito ang nerbyos at kaba ko kapag humarap na ako sa immigration officers ng magkabilang bansa.

10:30 AM | MANILA Time

Usapan namin ni Bino na alas diyes y medya kami magkikita sa NAIA pero sa ganoong oras ay sakay pa lang ako ng Taxi. Nakalimutan ko kasi magdala ng brief maliban sa suot ko kaya dumaan pa ako sa SM pala bumili nito (ganoon ako ka -prepare lels). Nasa SM na rin ako kaya dumaan na rin ako sa National BookStore para bilan ng pasalubong na libro ni Bob Ong si Rye na request nya sa akin long time ago. Ang saya ko no? parang wala lang flight.

Taxi (Pandacan to SM Manila) = P100.00

Nagmadali akong sumakay muli ng Taxi sa SM Manila papunta sa NAIA 1. Hindi ko namalayan inuulan na pala ako ng tawag at text ni Bino. At Hindi pa man nakakalayo ng SM sinalubong na agad ako ng kalbaryo -traffic men! Paglagpas naman ng U.N. Avenue naging normal na naman ang takbo. Kaso pagdating sa Quirino Avenue sa harap ng Manila Zoo traffic na naman! Doon ko naalala na Weekdays pala ngayon. Ito pala yung unang sakay ko ng eroplano na pumatak ng weekdays at sikat na sikat na ang araw, kaya nakakapanibago. Anong petsa nang makarating ako Baclaran, pagdating ko doon panibago na namang traffic. (Kung dumadaan kayo papunta sa Coastal Road mauunawaan n’yo ko.)

—————————————————

[Tip #1 sakaling nagagahol na kayo sa oras at papunta sa NAIA  mula sa Maynila huwag n’yo nang padaanin papuntang Coastal Road. Pwedeng padaanin na lang sa Quirino/Osmeña Highway o Skyway. Promise ang traffic kasi doon!]

—————————————————

Mag-aalas dose na nang tanghali ng Makarating ako sa NAIA 1. Mala-OFW lang ang peg ko, tuwang-tuwa ako kasi first time ko makatuntong doon, akala ko makikita ko na sa loob ang World’s Worst Airport na sinasabi nila.

Taxi (Manila to NAIA 1) = P220.00

Kaso ang saklap! hindi ako pinapasok sa NAIA 1😥 Doon pala ako dapat sa NAIA 3, mangiyak-ngiyak ako na tila sa isang saglit na lang makikita ko na lang yung eroplanong dapat sasakyan ko na nasa ere na at nag ba-bye.😦

Lady Guard: Sumakay ka nalang ng Taxi d’yan para hindi ka malate sa flight mo.

Mabuti na lang at may mga Taxi na rin sa departure area kaya nakasakay din agad ako.

Otep: NAIA 3 po, pakibilisan! (haha lakas ko makautos parang driver ko lang)

Driver: Bakit mali yung pinagdalhan sayo ng Taxi?

Otep: Oo nga e, Tang’na nun! (umaakting na lang ako na kunwari kasalan nung driver pero katangahan ko talaga, NAIA 1 kasi ang sabi ko. Hahaha sorry naman)

—————————————————

[Tip #2 Ugaling tingnan at basahin ang nasasaad lagi sa Ticket n’yo, hindi porke’t International Flight ang biyahe mo NAIA 1 agad. Ang bobo nyo!” hahahaha]

—————————————————

Isang tambling lang naman ang NAIA 1 sa NAIA 3 sana nilagyan na lang nila ng underground yung NAIA para hindi aksaya sa pamasahe😀

Saktong 2 hours before the flight naman nang nakarating  ako sa NAIA 3 nakita ko agad si Bino na halos tubuan na ng ugat kahihintay sa’kin. Sorry na.

Taxi (NAIA 1 to NAIA 3) = P110.00

Derecho agad ako sa TRAVEL TAX Section para magbayad, huwag kayong mag-alala dahil kitang-kita yun sa laki ng signage sa right side ng NAIA 3. parang nagsisigaw na “DITO KAYO MAGBAYAD” Dalawang windows yun: sa window 1 ibibigay n’yo yung passport at ticket mo, tatanungin ka kung OFW o Visit lang. Bibigyan ka ng resibo (ata yun) na babayaran mo. Tapos pupunta ka sa Window 2 para magbayad at ibigay sayo yung official receipt mo.

Grabe ang laki ng Travel Tax, yung.. bigla kang mapapakamot… Hindi ka pa nga nakakaalis ang laki na agad ng gastos mo. At maiisip mo din na kung lahat ng babiyahe ay magbabayad ng ganoong kalaking halaga, ilang milyon kaya ang nakokolekta nila sa isang taon?. At ang pinaka malaking tanong paano kaya nila ginagastos at ibinabalik yun sa taong bayan? yay!

Nalungkot ako bigla, Hindi pa nag ako nakakaalis ang laki na agad ang binayaran ko, iba pa yun sa Terminal Fee na babayaran mo pagkakuha mo boarding pass/seat number mo.

Travel Tax = 1,620.00

Terminal Fee = 550.00

Bago muna kami nagbayad ng Terminal Fee, nagpapalit muna kami sa Foreign Exchange doon sa loob ng NAIA 3. Sinagad na naman lahat ng dala namin inaakala ko/namin kasi na ganun din naman ang palitan kung sa KL pa kami magpapalit ng Malaysian Ringgit.

Noong araw na yun nag check ako sa internet na naglalaro lang sa P13.4 – P13.6 ang palitan ng piso sa Ringgit kaso noong na pinalitan na P14.6 agad ang selling nila. Kaya yung P10,000.oo ko na nasa RM 750 sana, naging RM700 na lang. Pero ayos na rin kasi less hassle.

malaysian ringgit2
Currency of Malaysia = Ringgit

—————————————————

[Tip #3 Sakaling pupunta kayo ng Malaysia, yung kailangan nyo muna na Ringgit ang ipapalit nyo. (hal. pamasahe) at doon na lang kayo sa Malaysia magpapalit, partikular sa KL Sentral (mas ayos palitan doon sa tingin ko)]

—————————————————

[MEMA: Yung pisikal na anyo ng Malaysian Ringgit ay para din daw sa Singapore Dollar palaki ng palaki yung sukat habang tumataas ang value. Yung Barya nila, Sen ang tawag, parang katulad lang din sa atin 100 sentavos = Piso]

Pagkatapos noon nag fill up na kami ng Departure Form na ibibigay sa Immigration Officer kasama ang passport at Boarding Pass.

—————————————————

[Tip #4 Laging Magdala ng bolpen, iwasang manghiram haha.]

—————————————————

Ito na yung kinakatakutan ko – Immigration. Biglang pumasok sa isipan ko yung mukhang manyakis na Immigration Officer sa Pelikulang Bourne Legacy. Si Bino ang unang pumunta sumunod ako. Since may immigration officer din naman sa tabi n’ya, doon ako pumunta. Kaso nagduru-duruan yung isang immigration officer, doon daw ako pumunta sa kabila (parang ayaw kami pagtabihin).

Immigration Officer 1: Doon! Doon! (kakatakot yung boses kala mo papatay :D)

Di ko pinahalatang kinakabahan ako, dinaan ko na lang sa malaking smile.

Immigration Officer 2: Saan papunta?

Otep: Sa Malaysia po.

IO2: sino pupuntahan mo dun?

Otep: Friend po namin.

IO2: Patingin ng ID

Otep: (bigay naman ako)

IO2: San ka nagtatrabaho?

Otep: Sa Daily Tribune po.

IO2: Ilang taon ka na nagtatrabago doon?

Otep: Mag pa-five years na po.

IO2: San ‘tong opisina nyo?

Otep: Sa Kalaw po, sa Ermita.

Para akong nasa police station tapos may ilaw na nag le-left and right sa ulunan ko para umanin ng kasalanang di ko naman ginawa. haha

Narinig yata boses ni Bino sa kabila.

IO2: Magkasama kayo?

Otep: Opo.

IO2: Ilang araw kayo dun?

Otep: 4 days po.

IO2: Patingin ng ticket

Binigay ko naman. Syete ang daming tanong, medyo nangangalay ako, ang taas pa naman ng window (para sakin)

Kulang na lang mag-ala Boy Abunda sya! yung.. fast talk?

IO2: Boxer or Brief?

Otep: Boxer.

IO2: Sunrise, Sunset?

Otep: Sunset.

IO2: Facebook, Twitter?

Otep:... ahh.. ahh, pwede both?😀

Tapos sa huli sasabihin nya yung huling kataga ni Boy Abunda sabay tatawa.

IO2: Ikaw na! (ahihi)

Tatatakan din naman ang dami pang getching! haha! Joke lang.

Sobrang nakahinga kami ng maluwag pagkatapos noon (ako lang pala) sisiw lang kasi sa immigration si Bino. Problema ko na lang yung papasok sa Malaysia panibagong Tanungan na naman sa Immigration hayyyyz.

—————————————————

[Tip #5 Huwag ipakitang kinakabahan ka, lalo na kung wala ka mang iregularidad na ginagawa. Normal lang ang kabahan sa first timer. Basta ang turo sa akin, yung tanong lang ng immigration officer ang sasagutin mo. No more, No less. in other words, Less Talk, Less Mistakes haha.]

—————————————————

Pasok na pasok! naman sa banga yung 2 hours before the flight na pagdating ko kaya nakakain pa kami sa loob ng NAIA. Grabe ang mahal ng pagkain sa loob kaya mas maganda kung magbabaon na lang ng pagkain at inumin.

Food: P180.00* (thanks to Bino)

otep NAIA2
Sayang ang salamin kung hindi mapi-picturan (mahal yan P400 haha)

Ilang sandali lang, tinawag na agad ang flight namin.

ON BOARD

Nakakainip din pala ang kulang-kulang na apat na oras na biyahe sa ere. Mas nakakainip dahil hindi kami nakaupo sa side ng window, wala kaming makita kundi ang loob ng eroplano. Nagbasa-basa na lang ako ng magazine at nangakong sa pagbalik na lang ako mag-uuwi ng kopya nito. peace*

Sa unang pagkakataon nakabili ako ng inumin sa loob ng Eroplano, naiingit kasi ako kay Bino, Taru/Taro yata tawag doon na Thai drink daw. Wala lang naikwento ko lang haha.

Taru/Taro P100.00

Noong malapit na kami sa kalupaan, nasa ere palang kami may nareceived na agad akong text. “Welcome to Malaysia”

Ang dami kong tuwa kasi sa wakas makakababa na rin kami.

—————————————————

[Tip #6 Mas makakabuti kung dito palang sa Pinas ay mag Roaming na. Kung Globe user ka meron silang PowerRoam na tinatawag kung saan consumable na sya. Sa ganoon makakatext ka pa rin sa mga iniwanan mo sa Pilipinas at syempre para makareceive ka pa rin ng text.]

—————————————————

Mga Bandang 5:40pm na nang makababa ang eroplano namin. Wala namang pagkakaiba sa time natin sa kanila, pinagkaiba lang mag-aala-sais na, sobrang liwanag pa sa Malaysia, malamang ganun din sa umaga. Sabi sakin alas-7 na nang umaga sa Malaysia medyo madilim pa.

Simple lang yung Low Cost Center Terminal (LCCT Malaysia International Airport), Kung tutuusin maganda pa yung NAIA 3 natin. (Hindi yun panlalait ha, share ko lang yun).

May nagbigay din ng hint sa’kin na bawal daw mag picture sa Airport kaya hindi na ako nag buwis-buhay.😀

Inaakala kong may interview portion na naman sa immigration, pero sandali lang may Stamp na agad ang passport ko. (hindi man ako pinawisan) haha.

airport stamp2
Nagka-tatak din sa wakas ang Passport ko!

Hinanap agad namin yung AirAsia Bus (Red Bus) kung saan kami sasakay papunta sa KL Sentral, walking distance lang naman sya kaya madali makita.

skybus2
Ito yung sample ng Bus😀

Umabot din ng mahigit isang oras ang biyahe mula sa KL Sentral. Nakakapanibago ng sobra kasi parang baliktad yung mundo sa kanila. Lahat ng kanan natin kaliwa sa kanila vice versa, mapa-pintuan ng Bus hanggang sa mga kalsada. Sobrang ang lalawak ng mga kalsada sa Malaysia parang yung Taft Avenue sa atin, NLEX na ang luwag sa kanila.

[MEMA: ang Kanan (Right) sa kanila ay same lang ng meaning sa atin]

Ang lakas din syempre maka-Amazing Race ng feeling! Yung pakiramdam na mawala-wala kayo, mabuti na lang nasa kabilang linya lang si Rye.

[MEMA: Sa KL Sentral, parang nandoon na halos lahat ng land transportations nila. Mga Tren, Bus, Taxi kaya siguro tinawag na Sentral lels]

Dinala kami ng pagtatanong sa Booth ng Budget Taxi kung saan doon na kami sasakay papunta sa Mansyon ni Rye sa Bukit Jalil.

Budget Teksi Ticketing Booth (KL Sentral)

IMG_9341[MEMA: Halos hindi naman tayo nagkakalayo ng wika sa kanila, parang kung anong basa/bigkas sa hiram o walang katumbas na salita sa kanila parang ganoon din ang baybay nila tulad ng TAXI = Teksi; POLICE = Polis, parang bisaya lang. Kaya nga sabi nila mas mauunawaan nila kapag kinarabao english mo sila (Malaysian) kaysa sa grammatically correct na english haha (bagay ako mag TNT dito)]

Pagkabayad mo sa window bibigyan ka ng Ticket na sya namang iaabot mo sa driver ng taxi.

Teksi (KL Sentral to Bukit Jalil) RM 23.00 (P312.00 – +)

Matiwasay naman kaming nakarating sa patutunguhan namin na inabot din ng kulang-kulang isang oras ng walang imikan. Pero sa kasawiang palad kahit may ticket na kaming ibinigay sa Malaysian-Chinese na driver ay nagawa pa rin kaming i-metro. At dahil literal na nagbukas palad ang driver naubliga kaming bayaran yung metro.

Teksi (Meter) RM16.00* (P217.00 -+)

—————————————————

[Tip #7 Kapag may ticket na sa Budget Taxi hindi na pala kailangan pang magbayad uli ng metro. (naisahan kami doon). Ugaling kuhain ang detalye ng sasakyang Taxi.]

—————————————————

Masyadong mahigpit ang mga aliping guwardiya sa Mansyon ni Rye kaya kinailangan pa naming mag log-in😀. At sa wakas! Matapos ang halos buong araw na biyahe mula Pilipinas ay naka pirmi na rin kami!🙂

bino and Rye2
Bino and Rye inspired by Kumagcow.com trademark lels haha

Isang nag-uumapaw sa Sarap na kaldereta/Afritada (sorry di ako sure😦 ) ang inihain sa amin ni Rye. At dahil ilang araw akong di naka kape kaya nagrequest talaga ako.

afritada2
Kaldereta/Afritada ni Rye. waaaaaaaaaaaaaaa at least hindi na kare-kare😀 Yummy🙂

Ang ganda ng pwesto ng Mansyon ni Rye, Tanaw ng bahagya ang Twin Towers at sa harap mismo nito matatanaw ang Bukit Jalil National Stadium kung saan ginaganap ang kalahating bahagi ng AFF Suzuki Football Cup ngayon.🙂

bukit jalil natioanal statium2
Bukit Jalil National Stadium

Habang nasa bintana, mapapaisip ka at mangangarap ng gising na sana ganito din kaganda at kalinis ang Pilipinas. Tingnan n’yo naman yung kalsada nila walang katraffic-traffic🙂

bukit jalil skyway2

Natapos ang gabing iyon sa panonood ng The Walking Dead Season 3 Episode 6.

Bukas magsisimula ang totoong paghalugad at pagtuklas sa mga kilalang bahagi ng Malaysia.

See you Genting!😀

DAY 1 (Personal) EXPENSES
P3,000.00** = Air Fare Tickets (Roundtrip)
P    100.00 = Taxi to SM
P    220.00 = Taxi to NAIA 1
P    110.00 = Taxi to NAIA 3
P 1,620.00 = Travel Tax
P    550.00 = Terminal Fee
P    180.00*= Food
P   100.00 = Taru/Taro
P   112.00* (RM 8) = Bus to KL Sentral
P   312.00 (RM23) =Taxi to Bukit Jalil (2)
P   217.00* (RM16) = Taxi Meter (2)
P 6,012.oo -+ Total

►►►

Maraming Salamat sa mga  bago kong Subscribers/Followers:

eloiski
http://eloiski.wordpress.com
Maricar B.
Reah P.
Kung nais mong mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito. Ilagay ang email o i-click ang  “SUNDAN SI OTEP”. 
Maaari ding i-like ang facebook page ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

12 thoughts on “WELCOME TO KUALA LUMPUR!”

  1. bigla tuloy akong nakapaglog-in (after a long time) para magcomment. hehe. first of all, afritada yun. isang malaking TSE!🙂

    natats naman ako. dumaan ka pa pala talaga sa National Bookstore para bilhan ako ng Alamat ng Gubat at Stainless Longganisa.

    terima kasih sa pagbisita nyo sakin dito! sobrang nag-enjoy ako kasama kayo. sabi ko nga sa sarili ko (hindi ito shit talk ha!), I have never smiled that big for the longest time (nung time na nagkukulitan tayo sa KLCC.) kakamiss din kayong mga friends ko from Pinas.

    abangan ko next post mo. trending ka sa twitter ngayon. lels.

  2. ang galing!😀 ang detalyado.. pwede bang magtanong kung magkano ang budget mo sa buong trip? hehehe. gusto ko rin mapuntahan ang malaysia, dahil naimpluwensyahan rin ako nila bea at john llyod.😛

  3. salamat sa entry mo. hitik sa impormasyon with funny side comments. matanong lang po, my fees ba kayon binayaran sa LCCT? d nakasulat pero makulit lang ako hehehhe kinakabahan din tulad mo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s