DAY 2 MALAYSIA: GO GENTING!


resorts world3

Otep: Knock! Knock!

-Who’s There!?

Otep: Genting!

-Genting Who!?

Otep: ♪ ♫So c’mon and Genting!, Genting!, Genting!, Baby I’m yours c’mon and Genting!. You’ll never be lonely, lonely, lonely, So baby… c’mon and Genting! ♪♫  Wahahahah! lol 

Sa di naka-gets [Get Me, by Mymp]😀

Maagang nag-simula ang araw namin sa Malaysia, 5:00 am ang call time namin pero mga 5:30 AM na ata noong kumilos ako. Hinahabol kasi namin ang First Trip ng Bus papuntang Genting.

Para talaga kaming naka-inn sa bonggang hotel, pagkagising namin may almusal na agad!😀

Napaka sarap na hotdog at itlog ang hinain sa amin ni Rye with hot coffee at Gardenia’ng tinapay plus with cheese na napakamahal (ginto daw cheese dun, kaya pang-mayaman talaga ang breakfast namin)!.

hotdog ni rye
Mga Hotdog ni Rye
breakfast
Ang fresh ni Bino dito😀 Goodmorning!😀

Pagkatapos noon umalis na din kami agad at nilakad ang harap ng Bukit Jalil National Stadium, doon din kasi matatagpuan yung LRT nila o KLRapid [Ampang Line] papuntang Hentain Puduraya (Pudu Sentral/Puduraya Bus Terminal) kung saan naman kami sasakay ng Bus papuntang Genting Highlands.

(Hulaan nyo kung ano ibig sabihin ng KL sa KLRapid? :D)

Syempre sa LRT nila, hindi uso ang mahabang pila at lahat naka machine sa pagbili ng ticket. Hindi din uso ang terorista kaya walang mga security guard na may dalang magic wand kontra bomba sakaling may bitbit ka nito.

Alam nyo naman kasi sa Pilipinas kulang na lang magbigkas ng spell yung mga guard natin ala- Wingardium Leviosa” ni Harry Potter tapos kusa ng lulutang yung bomba o anu mang nakamamatay na instrumento kung mayroonn man…, yung sitwasyong ipabubukas sa’yo yung bag mo pero hindi naman titignan. #mema

Rapid KL
Si Rye at Bino habang bumibili sa Ticket Vending Machine ng KLRapid (Bukit Jalil Station)

6:36 AM na noong nakatuntong kami sa taas ng Bukit Jalil Station at makikita nyo sa ibaba na parang gabi pa rin, pasado alas-7:00 pa kasi ang sunrise dito.

As usual nakakapanibago pa rin, yung tren kasi sa kanan mo lagi manggagaling hindi tulad sa Pinas na laging nasa Kaliwa. (maliban sa ilang station ng MRT sa atin)

Rapid KL2
Si Rye habang malayo ang tingin sa pagdating ng Tren

May pagka hightech din ang ticket/chip nila, ipapatong mo lang tapos pagbubuksan ka na. Sa paglabas mo naman sa station ihuhulog mo ito, syempre para makadaan ka.

Rush hour na sa atin ang mga ganitong oras, pero dito kahit ganitong oras na, hindi pa rin siksikan ang mga tren. At kahit madami pang upuan hindi sila nakikipag trip to Jerusalem🙂

LRT: Bukit Jalil to Pudu Sentral RM 1.90 (Php25.84 -+)

rapid Kl coin
Ticket/Chip ng KL Rapid (LRT)

7:00 AM na nang makababa kami sa Pudu Station, at mula doon kaunting lakad lang nasa Pudu Sentral ka na, kung saan kami sasakay ng bus at bibili ng Pagkage papunta sa Genting Highlands.

Resorts World Genting (Package: Round Trip Bus, Round Trip SkyWay [Cable Car/Gondola], Rides all you can OutDoor Theme Park or Buffet Lunch RM58 = (Php 788.8-+)

May ikukwento ako tungkol kay Rye: Kasi may babaeng (unknown nationality, na may eyeliner yung mata) gustong sumingit, takot atang maiwanan ng bus, ang aga tuloy uminit ng ulo ni Rye buti na lang na lang nakapagtimpi haha.

Pansin din naman ng chinese national yung binabalak nung babae kaya sabi nya:

Chinese: There are plenty of seats left, so you don’t need to hurry! 

Ewan ko lang kung naintindihan ni ate, basta ako naintindihan ko yun kahit nosebleed haha. (Ikaw na Lolo!)

May seat number naman kami pero agad din kaming tumakbo pababa ng Sentral kasi doon nakaparada yung mga bus papuntang Genting Skyway Station mahirap ng maiwanan.

pudu sentral
Ito si Lolong Chinese
singit
Ayun si Ate!😀

—————————————-

[Tip #8: Be on time, parang mga flight lang  din ng eroplano ang mga bus dito, hindi ka nila hihintayin kahit may ticket ka pa]

—————————————-

Saktong 7:30 AM ng umalis ang bus namin at mula doon nakakabusog na ganda ang nasilayan ko sa Malaysia. Natanaw din namin yung Batu Caves na pupuntahan namin sa Day 3.

kalmado
Nakasabay din namin si Ate, sa likod sya nakaupo😀 kaya ganyan si Rye haha.
kl skyline
Malaysia Skyline
skyline
Mga Gusali sa Malaysia

RESORTS WORLD GENTING/THEME PARK

Sa daan habang bumabiyahe kami napansin ko yung parang syudad sa taas ng bundok. Nakakabilib lang! kasi ang taas ng bundok na puro ulap na pero ang tataas ng gusali. Sinabihan na lang ako ni Rye na doon pala kami pupunta hahaha.

genting view
Ito yung Pupuntahan namin.

[Mema: Walang major natural calamity sa Malaysia tulad ng Bagyo at Lindol kaya ganun na lang ang lakas ng loob nila magtatayo ng matataas na gusali sa taas ng bundok. Ang kewl! (sila na mahal ng Diyos)😀 ]

to genting
Kita na sa labas ang Skyway/Cable Car

Halos isang oras din ang biyahe ng marating namin ang Genting Skyway Lower Station.

Alam nyo unang araw palang namin sa Malaysia (literally) pero pakiramdam ko ito na ang highlights ng trip na ito. Biruin n’yo first time ko makakasakay ng cable car!🙂

[Mema: Itinayo daw ang Genting Skyway noong 1997 na pwedeng sakyan ng dalawang libong katao kada oras Wower!! Na may habang tatlo at kalahating kilometro sa loob ng 15-20 minutes depende sa panahon, so kung maulan baka mas matagal kayong nakabitin yey!😀 sa bawat gondola o cable car pwede ang hanggang walong katao. At dahil maaga kami tatlo lang kami sa loob syempre🙂

skyway
Astig di ba!? wala pang gaanong ulap diyan

Sa ibaba (Kagubatan) habang umaandar kayo, makikita nyo yung maraming unggoy.

Habang palayo kami ng palayo at papalapit nang papalapit sa itaas, hindi ako makapaniwala na nasa gitna na kami ng ulap. Wow! As in sobrang nakaka amazed!! Mapapatanong ka kung paano nila ito natayo kung ganito kakapal ang ulap noon🙂

At dahil nasa taas kami damang-dama ang lamig!

—————————————-

[Tip #9 Huwag kalimutang magdala ng Jacket dahil sobrang lamig dito lalo na sa umaga kasing lamig ng aircon 17-22°, pagdating naman ng tanghali ang init naman]

—————————————-

gandola 3
Parang paakyat lang ng hangin🙂

Pagkababa namin ng Skyway isang magandang gusali na pangmayaman ang sumalubong sa amin.

Picture-picture syempre at pumunta na rin sa theme park, kamuntikan pa nga kami maligaw kasi malawak yun. (buti na lang marunong mag-Malay si rye (malay mo) lol).

genting higlands
First World Hotel (not sure)

[Mema: Kapag package na yung binili nyo, hindi nyo na pala kailangan pang pumila sa window kung saan nabibili ang mga ticket ng Outdoor themepark, derecho na kayo sa loob habang pinapakita yung Pagkage ticket nyo. Pupunitin/kukuhain yun sa pagkakadugtong saka bibigyan ng sticker na bracelet. -yung parang sa Star City lang na rides all you can sa atin.]

theme park
Outdoor Theme Park entrance

Pero dahil may option kami kung Outdoor Theme Park o Buffet Lunch sa Coffee Terrace ang kukuhain namin, yung Outdoor Theme Park na lang yung kinuha namin, at kumain na lang sa mga mabibilhan doon. Meron naman sa Indoor Theme Park nila tulad ng KFC, Mcdonalds etc., medyo may kamahalan nga lang. Kakain sana kami doon kaso puro breakfast pa lang  kaya sa MarryBrown na lang kami kumain.

[Mema: Yung MarryBrown sa Malaysia ay parang Jollibee daw sa Pilipinas]

marybrown
Chicken w/Rice and Egg, peanut at cucumber na may napakaanghang na Sambal

Marybrown RM10.5 (Php 142.80 -+)

Napakaanghang lang ng Sambal nila saka pansin ko lang parang laging may peanut sa mga meal nila.

attractions
Liberty, Big Ben at Eifeel Tower @ Indoor Theme Park

[Mema: Yung sambal ito yung napaka-anghang na condiment nila, parang bagoong sa atin pero hindi maalat]

Para naman kaming nasa loob ng Las Vegas sa loob ng indoor themepark kasi may Eiffel Tower, Big Ben at Liberty meron pang Oscar! Kaso iba na daw bayad sa mga rides dito.

carosel
Carousel
walls
Ferris Wheel

[Mema: Kapansin-pansin yung mga Outdoor Advertisment sa Theme Park, at napansin ko nga yung Selecta Ice Cream, Ang tawag nila doon ay Wall’s]

Madaming rides sa loob, pero madami ding hindi gumagana tulad ng roller coaster/corkscrew nila at iba pa. Mabuti na rin kasi ayaw kong mahilo sa pagkakataong ito, nagsisimula pa lang kasi ang 4-day Trip ko sa Malaysia mahirap ng sumakit ang ulo🙂

roaler coaster
Corkscrew

Hindi naman sa pagiging KJ o Kill Joy pero ayaw ko i-try yung mga buwis-buhay na rides tulad ng Space Shot sa baba.  Para kasing maiiwan kaluluwa mo sa itaas kapag bigla kang nilalaglag pababa. (hahaha! natawa ako sa “nilaglag pababa”, meron bang nilaglag na paakyat? lol) Kaya ayos na sa akin magpapicture kasama ang space shot🙂

Genting Highlands
Ang pogi ko dito no? lels

Pero hindi nagpaaninag sa takot itong si Kokey ay!Rye pala kaya nagbuwis buhay siya sa Space shot!

rye buwis buhay
Rye aka Kokey (kokey na pogi) haha

Sinubukan din namin ang Dinosaur Land na 10 years bago ka makasakay sa haba ng pila. Pero kahit isang ikot lang yun sulit naman. Meron pang short story telling sa loob kasama ang mga gumagalaw na Dinosaur ala Jurassic Park.

dino
Dinosaur Land

Ang lakas makabata ng Dinosaur Land!🙂

dino2
Nakasakay na kami sa Bangka nito🙂
dino4
Ito na yung story telling na sinasabi ko may lights and sound effects, yung dinosaur dyan kala mo lalapa sa laki ng bunganga😀
dino 8
Ang laki ng Dino no? o maliit lang talaga ako?
dino 6
Sasakyan ko sana yan kaso hindi ko abot haha.
dino 5
Sa loob ng bahay na ‘yan madaming Dinasaur na nakatira.
dino 9
May hangin bridge pa pagkatapos sumakay sa bangka.

Inubos namin ang oras namin sa loob ng Outdoor Them Park. Sumakay din kami sa parang horror house  (Pirates Train) na wala namang laman kundi kadiliman, nagpakapagod lang kami sa pila.😀

Bago kami sumakay muli ng cable car pabalik, hinintay talaga muna naming maayos yung ride na Monorail na 15minutes din ata ang itatagal habang iniikot ang buong theme park. Ayos na rin para makapagpanginga habang nagla-last look sa buong Genting Theme Park🙂

UWIAN NA!

Sa Pagsakay namin sa Gondola/Cable car may magpicture-picture sa inyo.

gandola 2
Pababa na kami!🙂 As usual, maulap pa din.

Pagkababa namin, nakadevelop na yung picture!😀 Pero hindi na namin kinuha kasi medyo mahal. Sa sobrang mahal hindi ko na maalala.😀

Maaga kami ng isang oras sa 4:30 PM na sked namin pabalik ng Pudu Sentral. Akala namin makakasakay kami sa mas maagang biyahe kaso hindi pwede kaya hinintay na lang namin.

resorts world2
Bus Station Going to Pudu Sentral

Naisipan muna namin kumain. Pero dahil baka mapaaga ang dating ng Bus, nagtake-out na lang kami ng Mee Hon Goreng (parang pancit) at sa upuan namin kinain habang naghihintay. Napakaanghang pala nun kaya bumili ako ng Soda in can, kaso ayaw tanggapin ang pera ko sa machine kaya lumipat pa ako ng biglang dumating yung bus! Kangkarot kami! kasi baka maubusan ng upuan😀 Isang soda in Can lang tuloy ang nabili ko.

Mee Hon Goreng RM 5.00 (Php 68.00-+)

Soda in Can RM 2.00 (Php 27.20 -+)

malaysia pancit
Mee Hon Goreng

Bawal kumain sa loob ng bus, pero dahil uhaw na uhaw na kami at isa lang ang nabili ko, palihim namin iyon inimom sa loob ng bus hahaha. Yung pancit (Mee Hon Goreng) ko naman hindi ko naubos kaya nauwi ko pa sa Mansyon ni Rye.

Dami naming pagod kaya nakaidlip kami sa bus, as usual on time talaga ang bus sa Malaysia.

Pagkababa namin sa Pudu Sentral dumerecho kami sa China Town, walking distance lang dun. Nandoon na rin kami, kaya doon na rin kami bumili ng Souvenir. Bumili ako ng 2 tees, 2dozens ng keychain, ballpens at mug🙂

SOUVENIR RM39.00 = (Php 530.00 +-)

Sumakay kami ng KLRapid pabalik ng Bukit Jalil.

LRT: Pudu Sentral to Bukit Jalil RM 1.90 (Php25.84 -+)

—————————————-

[Tip #10: Sa pagsakay sa LRT laging tignan yung mga digital sinage dun. Hindi porke’t derecho ang mga riles ng tren hindi na ito liliko. tulad ng Ampang line bigla na lang nag i-split :D]

—————————————-

ampang_lrt_route_map

Palubog na ang araw noong nakarating kami sa Bukit Jalil, walang gaanong bilihan doon o sari-sari store pero meron din namang parang turu-turo kung saan doon kami bibili ng dinner ni Bino. Hindi daw kasi nag di-dinner itong si Rye.

Astig nga nagluluto e! professional chef talaga, nakakabilid kasi pinapanood namin syang nagluluto. Yung panlinis nya ng Kawali ay walis tingting.😀 Malinis naman daw kaya keri lang😛

Inorder namin yung cream butter chicken, hindi ko na napicturan kasi naubos ko agad sa gutom🙂

Dinner: Cream Butter Chicken RM6.00  (Php81.60 -+)

BIRTHDAY KO!

Birthday eve ko pala, kaya nagkainum pa, daya nga di Bino e tumba agad kaya nag one-on-one kami ni Rye pero hindi din naubos.

Doon natapos ang Day 2, saglit lang nakatulog na agad kaming tatlo🙂

Bukas uli!

See You KL Gallery, Batu Caves, Petronas Towers at Putrajaya !!

DAY 2 (Personal) Expenses:

  • Php    51.68 (RM 3.8) = Round Trip LRT
  • Php    788.80 (RM58) = Resorts World Genting Package
  • Php    142.80 (RM 10.5) = MarryBrown
  • Php      95.20 (RM 7.00) = Mee Hon Goreng + Soda
  • Php  530.00 (RM 39.00) = Souvernir
  • Php      81.60 (RM6.00)Cream Butter Chicken
  • Php 1,690.08* (RM 124.3*) = Total

►►►

Maraming Salamat sa mga  bago kong Subscribers/Followers:

Kung nais mong mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito. Ilagay ang email o i-click ang  “SUNDAN SI OTEP”
Maaari ding i-like ang facebook page ko sawww.facebook.com/librelangmangarap

10 thoughts on “DAY 2 MALAYSIA: GO GENTING!”

  1. sobrang detalyado.wow! ulitin ko lang, ang oily sa picture nung chicken hotdog! lels

    yung kinain natin, hindi pala meehon kasi mataba yung noodles. mee goreng lang yun. churi naman.

    meehon = parang pansit bihon
    mee = parang pancit canton

    natawa ko sa pic ko, ang lakas ngang maka-kokey! hahahaha

  2. Nice pictures… Saya ng adventure… Gondola po yata…😀
    At napansin mo na ang peanuts sa mga pagkain nila…🙂
    Staple serving yan sa Malay sets… Wala masyado sa Chinese or Indian…🙂

  3. Weehhhh, tinitingnan ko pa lang ang cable car at picture pa lang nakikita ko eh nalulula na ako, parang di ko keri, mukhang maiiyak ako sa takot. ;(

    sana ni-try mo mga buwis buhay rides, gaya nga ng lagi ko sinasabi sa mga friends ko, takot ako sa heights pero yun mga rides na seconds lang sa bilis keri na, la na kase ko time matakot eh, kakaumpisa pa lang tapos na. Hehe…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s