CHUCHU


chuchu

Sabi nila kung magkakaroon ka ng alagang hayop o pet huwag mo itong pangangalanan, para sakaling mawala s’ya sa buhay mo hindi na ganoon kasakit ang mainawan.

Nitong mga nakaraang buwan nakakatuwang bigla na lang nagkaroon ng tuta sa bahay. Galing daw ito sa Bulacan (may namatay kasi kaming kaanak kaya napadpad sila doon) kung saan may alaga daw doong aso na nagluwal ng napakaraming tuta, at dahil wala namang mapagbigyan isa kami sa nabibiyaan.

Syempre mag-iisip ka kaagad ng pangalan, Carl yung naisip ko para isang syllable lang. Kaso matapos ang isang linggo natuklasan kong babae pala kaya Carla na lang. Kaso ang baduy palang ipangalan sa Aso lalo na kapag tinatawag, kaya hinayaan ko na lang si mama magbansag. Natuwa naman ako kasi nakaisip agad sya –Maya. Sabi ko bakit Maya e Aso yan?  yung sa “Be Careful With My Heart” pala. Kaso pagkasing ko naging Mikay na. Syempre napatanong na naman ako  -yung sa “Princess and I” pala. Hindi naman kasi ako nanonood noon kaya hindi din ako masisisi kung bakit hindi ko alam. Pagkatapos noon madaming pang sumunod na mga pangalan.😀

Hanggang isang gabi pagbukas ko ng pinto nagulat na lang ako may dala na namang bagong tuta si Mama (Galing sa isa ko pang Tita). Sobrang cute! Kasi kulay brown para syang bear. Ang dami kong naiisip na pangalan kaso hinayaan ko na si Mama. Noong una Sir Chief daw hanggang naging Mikoy para daw partner ni Mikay haha.😀

Dumating yung araw na sa kabila ng mga ngiti na nadadala nito lalo na sa akin (tulad ng paghaharot sa paa ko sa pagdating sa bahay) ay madalas puro kabwisitan na. Nagkakaroon na ako ng Alarm Clock na sobrang advance sa sini-set kong oras. Tapos minsan sa pagbangon ko, nakakaapak pa ako ng wiwi at pupu! nakakadiri talaga.

Kaya napagpasyahan na lang naming ipamigay si (Maya aka Mikay). Ayos na  rin kung tutuusin kasi nabawasan yung maiingay at nag-aaway na aso.

Naiwang mag-isa si Mikoy (Pero hindi ko sya tinatawag sa ganoong pangalan, chuchu lang). Ang bilis n’yang lumaki sugapa kasi sa pagkain hindi pwedeng kumain ako na hindi s’ya kumakain kasi magwawala sya. Dumating sa point na kapag may lumalabas sa aming dalawa ni mama ay agad itong nagwawala at gustong sumama (parang bata). Halos bakbakin nya yung ilalim na bahagi ng pinto namin. Kaya para maiwasan ang mga paninira n’ya ng gamit lalo na ang sapatos at mga tsinelas ko, napilitan na naming syang itali.

Sa totoo lang matagal na naming balak ipamigay s’ya tulad ni Mikay, wala lang talagang gustong tumanggap.

Noong Araw ng mga Patay maswerteng may napag-iwanan kami kay Chuchu sa katauhan ng mabait naming kapit bahay dito sa Maynila kaya nakauwi naman kaming walang inaalalang asong nagugutom.

Kaso ngayong holidays problemado na naman kami kung saan namin ito iiwanan (hindi na kasi pwede sa dati) hindi naman pwedeng i-lock na lang ito sa loob dahil baka makisira, magutom, magwala lalo na kapag pumatak na ang alas-dose sa pagpasok ng bagong taon. Hindi naman namin s’ya pwedeng iuwi sa Cavite kasi baka mag-amok sa sasakyan dahil medyo malaki na sya.

Sayang kung may sasakyan lang sana kami sana naisama namin sya sa pag-uwi.

Sayang! Kahapon nakahanap si Mama ng Buyer. Oo binenta ni Mama si Chuchu sa hindi ko kilalang tao. 500 pesos daw binibenta ni mama kaso natawaran kaya 400 pesos na lang.

Syempre nalungkot ako kasi baka katayin lang. Wala na naman akong magawa kasi nga inaalala lang din namin s’ya sa ilang araw naming pag-uwi mula sa Maynila. Iniisip ko na lang na mas mabuti yun kaysa mamatay siya sa gutom at takot sa ingay ng mga paputok.

Kanina pag-uwi ko, sa nag-iisang kalsada na nilalakaran ko pauwi sa apartment, sa ilalim ng South Nagtahan Bridge, nakarinig ako ng hindi ordinaryong kahol ng Aso. Halos iisa lang naman ang tunog na nagmumula sa Aso pero kakaiba ang dating nito sa akin na napaka pamilyado. Noong una nag-alangan pa ako, pero sigurado akong siya iyon habang nakatali malapit sa mga motor at sasakyang nakaparada dito (in short ginawa syang literal na Bantay) Bahagya syang nasisilungan ng tulay ng Nagtahan pero sigurado akong naaanggihan s’ya ng ulan.

Wala akong magawa kundi pagmasdan sya, ibang-iba sa dating kalagayan nya. Walang sapin ang tulugan na dati’y nasa ilalim ng higaan ko natutulog, walang inumin o lalagyan ng makakainan.

Alam kong nakilala nya ako dahil tinitigan nya ako at saka sya natahik sa pagkakaupo habang nakatindig ang dalawang paa nito sa unahan. Nangungusap, parang may gustong sabihin.

Wala talaga akong magawa kundi maglakad palayo. At habang umuusad, hindi ko maiwasang mapalingon. Nakakapagtaka, pero sa paglingon ko’y tila nangungutya at nagmamakaawang chuchu ang nasisilayan ko.😦

Bukas sigurado akong madadaanan at makikita ko na naman sya, malulungkot na naman ako😦

24 thoughts on “CHUCHU”

  1. Kawawang ChuChu.. balikan mo. isalba mo sa pang aalipusta ng mga walang awang tao. HAhahaha… Masayang magkaroon ng aso.. infact gusto ko magkaroon ng aso.. ayaw lang nang Land Lady naming mukhang aso.. hahaha

  2. Grabe naman ito. Haist. Hindi ako mahilig sa aso kasi takot ako, pero alam ko magagawan ng paraan yun. Pero ang gawing bantay ng sasakyan ang aso, tsk tsk.

    Nawalan na ako ng sasabihin. Masyado itong nakakalungkot.

  3. Waaah naiyak naman ako… sure ako na naaalala ka nya kasi sa inyo siya lumaki, please make sure na ok siya dun at inaalagaan kasi kung hindi kunin mo nlng ulit…kawawa naman…

  4. ngeeee, naluha ako sa story…otep pls, kunin mo na si chu chu
    uy! anu ba! kawawa si chu chu😦
    huhu.,…
    pleassssse :((
    pwede naman siyang itali sa labas ng bahay ….
    siya ay may puso rin at damdamin, marunong masaktan…yeah baby…

  5. Meron ka magagawa. Alam mo sa sarili mo na may mali hindi ba? Kung ako nasa kalagayan mo, kakausapin ko ang bagong may-ari. magpakilala ka as dating may-ari ni chuchu..sabihn mo na SANA ayusin naman nila ang sitwasyon ng aso.Sapat na pagkain, inumin at silong. YUN LANG NAMAN.Or, mag-ambag ka ng puedeng maging silong nya. Kung hindi mo man sya mabawi SANA may gawin ka. Compassion is not compassion if you will not do anything. Kausapin mo yung bagong may-ari, please. kaya ba ng konsensya mo na makita ang kalagayan nya na ganun?

  6. Kahit aso yun, karapatan pa rin nilang i-trato sila ng tama at mabuhay sila ng comportable.. Puede mo siguro isama ang mama mo para kausapin ung bagong may-ari.. Sobrang mahal ko mga hayop lalo na aso. pag may nakikita akong di magandang ginagawa sa kanila, kahit nahihiya ako, kinakapalan ko na muka ko PARA SA KAWAWANG aso. Trust me, you will feel better once you have done something..Kaya please, marami kami dito ang nag-uudyok sayo😦

  7. PLEASE HELP THE DOG! Kausapin nyo naman yung bagong may-ari na baka puede bigyan naman ng tamang pag aaruga yung aso..Sana makonsensya naman kayo. Hahayaan nyo lang yung aso na habangbuhay ganon kalagayan nya?

  8. kawawa namn si chuchu… kahit hindi naman sya sayo you can do something para masave sya.. o para mapaayos kalagayan nya… mabait ka namn diba??? >0<

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s