KUNG BAKIT MAHIRAP MAGING MABAIT


gatoradeMadaming beses na akong nakaramdam ng mga panghihinayang sa buhay ko, yung mga bagay na hindi dapat pinanghihinayangan lalo na’t ito’y isang pagtulong pero nagawa ko.

Natatandaan ko pa noong nakaraang buwan habang sakay ng isang ordinaryong bus papasok sa opisina mula sa Pandacan. Katatapos lang noon ng tanghalian, siguro nasa pagitan ng ala-una hanggang alas dos. Wala na sa pinakatuktok o tirik ang araw, kaya malamang pumasok na ang liwanag at init sa loob ng bus.

Dahil may mga bakante pang upuan sa pangtatluhan at mga natitirang kalalakihang may magagandang kalooban na tulad ko, nagpaunlak ako sa isang hindi naman gaanong katandaang babae ng upuan. At dahil napakainit nga sa tabi ng bintana itinuro ko iyon kung saan sya pwedeng maupo (bali ako yung nasa gitna, ayaw ko mainitan syempre! pero mabait na ako noon) Kaso mukhang antribida s’ya kaya napakabait nyang sinabi sa akin na “Umusog ka na lang!”. Syempre ayaw kong gawin yun dahil napakainit talaga (ayaw ko naman mangamoy pawis dahil papasok palang ako sa office at traffic pa -tuyo ang abot mo dun kapag nagkataon) kaya tumayo na lang ako at nag give way sa kanya para nga naman hindi na rin sya mapaso sa init (wala namang may gustong mabilad sa init ang araw). Habang nakatayo na at nakahawak sa handrail ng bus bigla na lang nagpantig ang tenga ko, na ako pa pala ang maarte lagay na iyon.

Hindi na lang ako umimik pero sa sama ng loob ko parang gusto ko syang ilaglag sa bintana hahaha. lels

Pero hindi naman talaga yun ang totoong kwento ko.

Nitong nakaraang araw pakiramdam ko sobrang dehydrated ako kaya dali-dali akong nagpunta sa 7-eleven para bumili ng Gatorade yung 1.5 na kulay blue. Nagkataon namang meron pala akong 10 pesos na GC  oh gift certificate sa promotion nila ngayon na Merry CashMass, e sayang naman, kaya ginamit ko. Bali yung Gatorade 1.5 litre na 82 pesos ay nabili ko na lang ng 72 pesos.

Noong nasa itaas na ako ng office nagtaka ako na parang sobra yung sukli sakin. Hindi ko naman mahagilap yung resibo kasi kinuha pala dahil kailangang naka attached yun sa inavail kong promo.

100 pesos ang binayad ko at may hawak ako ngayong 72 pesos. Pagkakaalam ko ay 72 pesos din ang bill ko kaya hindi dapat 72 pesos ang sukli ko. Iniisip ko naman na tama ang sukli kasi nga promotion naman yun kaya nagkaganoon.

Dahil mahina ako sa guilty lumapit ako sa officemate ko si Ms. Rose

Otep: Ms. Rose may kasalanan ako😦

Rose: Oh?

Otep: Bumili kasi ako sa 7-eleven sobra yung sukli, ibabalik ko ba?

Rose: Hala ka. oo ibalik mo, kasi idi-deduct yan sa cashier.

Otep: Oo nga no.

Rose: Baba ka na

Mula 9th Floor ng building namin, agad-agad ko yung binaba para nga isauli yung sobrang sukli.

Sa Loob ng 7-eleven

Otep: Miss, excuse me, ask ko lang magkano yung bill ko kanina wala kasing resibo e.

Miss: Teka (Hinanap nya yung resibo), Bali 82 yun plus may GC kang 10 bali 72

Otep: ahhh kasi 72 din yung sukli mo.

Miss: Ay hindi! bali 72 pala ang sukli mo.

Hindi ko alam kung wala sya sa sarili nya o ewan. Wala namang gaanong customer para mataranta sya ng Bongga.

Miss: (galit sa mundo) Ano ba yan nagugulo ako sayo!

Taragis! Badtrip na badtrip ako, parang ako pa may malaking kasalan sa kanya. Sa inis ko binalik ko na lang agad.

Otep: O sige ganito na lang, penge na lang akong 6 pesos. (72 pesos yun, tinabi ko yung 22 pesos at binigay sa kanya yung 50 pesos na buo. Dapat kasi 28 pesos na lang ang sukli ko kasi nga 100 pesos ang binayad ko)

May pagkabobita talaga yung babae hindi n’ya alam yung ginagawa nya, 6 pesos na lang hinihingi ko pero binibigyan ako ng 28 pesos.

Otep. 6 pesos na lang miss.

Miss: Ano ba yan nalilito ako!

Haaaaaaaaaaay… sobrang nakakainis talaga na parang ikaw pa yung may kasalan, yung tipong naghihintay ka sa simpleng “salamat” kahit di naman kailangan pero -nganga! hahaha

Kaya minsan naiisip ko na ang hirap-hirap maging mabait lalo na kapag lalo ka pang napapasama.

Ganoon pa man alam ko sa sarili ko na mabait ako, hindi lang halata lol.

►►►

Sa mga nais mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito. Ilagay ang email o i-click ang  “SUNDAN SI OTEP”
Maaari ding i-like ang facebook page ko sa www.facebook.com/librelangmangarap
Salamas🙂

8 thoughts on “KUNG BAKIT MAHIRAP MAGING MABAIT”

  1. Relate na relate ako sa tindera. Pasensyahan na talaga pag nagkaganyan kasi stressed out na siya. Kahit walang tao, may mga instances talaga na nawawala sa isip ang mga tindero. I can speak from experience kasi may sari sari store kami at minsan, parang ganito ako…wahahaha!

  2. hahaha natatawa ako sau otep. ang baet baet mo. kung ako yun nako ewan ko. baka pinamukha ko sa kanya anong nagawa nya. kasi magiging ganun kasi sa next customer diba?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s