BACK-UP!


blogger magIto ang unang blog post ko ngayong taon kaya naman hayaan nyo muna akong batiin ang sarili ko “Kamusta ako!?” at hayaan nyo din namang sagutin ko ang sarili ko “Ito bukod sa nananatiling dukha ay mukha pa ring _________” (fill in the blank!)” haha.😀

Biruin n’yo ngayong 2013 o sa darating na hulyo ay mag-iika-pitong taon na pala ako sa mundo ng blogging! Wow naman di ba!? Parang wala lang. Kaya minsan napapatanong na rin ako sa sarili ko kung ano nga ba ang naidudulot nito sa personal kong buhay kung bakit ko ito pinagpapatuloy. Simple lang naman e, yung mga bagay na nangyari pala sa mga hindi inaasahan at mga sinadyang pagkakataon dito mo matatagpuan. Para syang baul na sa iyong pagkakabukas ay parang nais mong salatin yung mga bagay na napapaloob dito. Para syang photo album na mababakas ang mga napaglumaang larawan mo.

Madalas yung mga bagay na iyon ay bigay-haplos sa nakaraan kaya nais mong muling tingnan at gamitin. At yung mga bagay naman na sa tingin mo’y hindi na dapat itinatago pa ay nais mo pa ring ibalik sa pagkakasalasan kaysa sunugin. Bakit kaya? Weh?

Ang lakas ko maka mema sa intro ko no!? Hahaha.😀 Pero ang totoo n’yan gusto ko lang sabihin yung isang malaking dahilan kung bakit ngayon lang ako nakakapagsulat.

Halos isang buwan ko ding hindi napindot yung“add new” sa dashboard ko. E kasi naman parang ayaw ko magsimula sa pagbablog hanggang hindi pa ako nakakapag year-ender post dito. Ang sagwa naman kung ihabol ko pa yan! ngayong mag bu-buwan na ng mga puso (single pala ako #mema) Lels😛

Pero ang totoo nyan naisip ko, na kaysa mag year-ender ako ng napakahaba edi i-compile ko na lang, parang… –back up!

Kahit sabihin kasi nating secured ang mga bahay natin sa mundo ng mga sapot ay pwedeng-pwede pa rin itong pasukin ng mga Tarantula! at sa isang iglap, bigla na lang mawala yung mga bagay na nagpakatao sayo o mga bagay na bumuo kung ano ka ngayon. Sayang naman di ba?

Naaalala nyo pa ba yung pinagpo-post ko sa isang Facebook group na magazine cover? –as in cover lang sya, kasi wala syang content, kasi wala naman talaga. Hahaha😀

Mga panahon iyon na nag-aambisyon akong nakabuo ng isang magazine kaso hindi ko alam kung paano sisimulan maliban sa nasimulan ko na ngang mga cover kada buwan. (ambisyoso lang talaga no? may monthly release ng cover nyahahaha). :D  Halos isang taon ko din yun ginawa habang nagnanakaw ako ng mga primary pic na mapapaglaruan.😛

Ito na nga yung ideya ko kung anong pwedeng gawin sa mga naisulat at nakuwento ko  sa nakalipas na taong 2012… IBACK-UP na tulad ng isang magazine! (oo ambisyoso pa rin, pero kanya-kanyang trip lang yan🙂.

Naging dahilan siguro  kung bakit naisipan ko yan ay dahil  isa na lang ang trabaho ko ngayon hahaha (wala na ako mapagkaabalahan) o siguro naiinspire lang talaga ako sa mga magazine na naiuuwi ko mula sa mga erpley sa tuwing babiyahe ako. lels.

Isa na rin siguro sa pwede kong idahilan kung bakit ko ito napagtripan ay ang mga imaheng hindi ko naman naipi-print o magawang ipa-hard copy. Tanging sa facebook at blog ko lang naitatabi. Pero hindi ko naman sinasabing magpapaprint ako ng magazine. Ito’y parang online edition lang (malay mo may mag sponsor para ma print edi okay! lels).

Nag-aral naman ako ng book binding kaya panatag akong makakabuo ako nun kahit isang kopya lang.🙂

mag insideSa ngayon, mapalad akong may mga kaibigan na tumutulong sa akin para iproofread agad-agad yung mga natapos ko ng layout. Syempre lahat kayo kasama sa bawat kwento ko doon! Kaya sana abangan nyo at maki-trip sa mga kwento kong nailapat sa may daang pahina. Wish me luck ha! Sana matapos.🙂

Sa mga gusto pa lang maglagay ng AD ng blog nila mag email lang sakin ng Full Page/Full Color A4 Size. Libre lang!

►►►

Maraming Salamat sa mga  bago kong Subscribers/Followers:

Ang blogger daw na si Iska
http://parangpagibig.wordpress.com
kyakototentimes
http://kyakototentimes.wordpress.com/
herwincabasal
http://herwincabasal.wordpress.com
Kung nais mong mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito. Ilagay ang email o i-click ang  “SUNDAN SI OTEP”
Maaari ding i-like ang facebook page ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

9 thoughts on “BACK-UP!”

  1. yung saken, asan na, eto nga payat na ko pwede na ko magcover ng magazine. sports issue. lol demanding

    keep it up! first post mo jan 30, not bad! hahaha

  2. yun oh! salamat sa special mention. Hihi. Dati na talaga akong nagbabasa ng posts mo. 2010 ata o 2011 pa ata nasa blog roll na kita. Hehe. Naglaho lang ako sa blog world ng maraming buwan kaya eto, nga-ngayon ko lang na-follow ang blog mo. Hihi.

    go go go lang sa idea mo. siguradong KAYANG-KAYA MO YAN TEN TIMES!😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s