FIRE PREVENTION: BOY LIMOT


Update: Noon pa man malilimutin na pala talaga ako. Hayaang n’yong balikan ko ang mag iisang dekadang kwentong ito.

Pilit kong nilabanan ang antok matapos kong marinig ang nagngangawa kong cellphone. kasabay ng pagbigkas ng isang “magic word” na maituturing kong pampagising. Mahirap man, pero kailangan ko itong gawin kung gusto ko talagang mabago ang kasalukuyan kong dukhang pamumuhay. Effective naman ang mahiwagang salitang ito na itinuro lang sa akin ng isa ding mahiwagang tao. hahahaha. Hindi ko maintindihan kung psychological lang ito pero totoo syang nangyayari, hindi ito isang panaginip lamang! Lels 😛

Mag-iisang cutoff na rin ng sahod ko sa opisina mula nang subukan ko ito. At kahit papaano, masasabi kong sobrang laki na nang improvement ang nagawa nito  kung pag-uusapan ang pagiging late. Siguro maglalaro na lang sa 3 hanggang 10 minuto ang pagiging late ko. Lahat pasok sa grace period. 😀

Kaya naman isang umaga dali-dali kong ginawa ang nakasanayan kong seremonya sa paggising. Kaso mahigit isang linggo na rin buhat noong umuwi si Mama sa Cavite kaya sariling sikap ako sa pag-aasikaso sa sarili ko. At dahil ayaw ko na ngang maleyt at para makatipid na din, nagawa kong magsaing at magluto ng de latang sausage (na galing pa sa US! susyal!) at baunin na lang sa opisina.

Maswerte namang hindi ako nakasunog ng kanin (medyo lata lang), kahit pa sabay kong ginagawa yun habang naliligo. Umuusok pa at halos matunaw ang baunan ko nang nilagay ko ang kanin dito. Talu-talo na! ayaw ko talagang maleyt.

Matapos kong gawin ang dapat gawin sa sarili ko, dinampot ko na ang kandado kasabay ng pagpatay ng ilaw sa lungga ko.

Napakainit sa labas dahil tanggaling tapat yun, pero pakiramdam ko mas mainit ang loob ng bag ko dahil sa kanin at ulam na baon ko.

Habang nasa loob ng bus bigla akong nagpanic! Nakalimutan ko ‘atang patayin ang kalan! Patay! nakasalang pa naman doon yung kalderong hindi ko naman inubos ang laman. Sobrang napapraning ako sa loob ng bus hindi ko alam kung bababa ba ako o sa opisina na muna para mag log-in.

Naglalaro na isip ko ang mga kaganapang nagkakagulo na sa baranggay namin habang inaalam kung saan nanggagaling ang nasusunog ko nang kanin. O kaya sinira na ang pintuan ng apartment ko para apulahin ang nagtututong kong sinaing.

Naisip ko ring hayaan na lang siguro dahil mauubos din naman ang gaas noon kung nagkataon, ang kaso nga lang nakapatong pa dun yung kaldero! -Mangangamoy yun! Yay! 😦

Gusto kong ipanatag ang loob ko sa sitwasyong mangyari ngang naiwanan ko ang kalan habang nasusunog ang sinaing ko, ay agad naman itong mapipigilan ng land lord ko dahil may susi naman sila. Pero sakali ngang mangyari yun, sigurado din akong pag-uwi ko nasa labas na ng bahay lahat ng mga gamit ko. 😥

Nagpasya na lang akong mag time-in muna sa opisina, kahit pa kahibangan ang ipagpalit ang pagiging leyt sa kahihinatnan ng apartment ko pagnagkataon. Lakas loob kong pinapaniwala ang sarili kong hindi pa mangangamoy yun dahil nasa mahinang apo’y naman iyon nang iwanan ko.

1:07 nang mag time-in ako. Pasok sa grace period na 1:15PM o 15 minutes! Binaba ko agad ang gamit ko at di man lang namansin sa mga ka-opisina ko (suplado lang), saka bumaba at sumakay ng taxi.

Malayo pa man ako sa apartment, nakikiramdam na agad ako at pilit tinatanaw kung saan ako patutungo, baka kasi may maitim na usok na. (ang nega lang!)

Pakabog-kabog ang dibdib ko na tila may naghahabulang daga’t pusa dito. Parang ang hirap humakbang kahit pa halos magtatakbo na ako. Pakiramdam ko mistulan akong aso na pasinghot-singhot habang pilit umaamoy kung amoy sunog na kanin na nga ba.

Gusto ko na ngang sipain ang pintuhan ko dahil hindi ko mabuksan-buksan dahil sa taranta. Pagbukas ng pinto, kinapa ko ang switch ng ilaw at saka dumercho sa kusina. Winasiwas ko ang kurtinang nakaharang sa pinto at nagulantang sa nakita ko!

Napaatras ako! Hanggang maramdaman ng paa ko ang higaan ko’t saka napaupo. Tulala akong naghahabol ng hininga dahil sa pagod sa pagtakbo habang tumutulo ang ang mga pawis sa noo’t sintido ko.

Patay ang kalan! wala akong naiwanang nagtututong na kaldero, maliban sa naiwanan kong memorya kung nagawa ko bang tapusin ang lahat ng dapat kong gawin bago umalis sa tahanan ko.

Napaisip ako bigla, hindi nga ako mababawasan ng sahod dahil sa late. Nabawasan naman ang allowance ko dahil sa hindi inaasahang pag sakay sa taxi at mababawasan pa muli sa pagbalik ko sa opisina.

Hindi ko alam kung kailangan ko bang matuwa o magpasalamat sa mga pangyayaring ito o sadyang hindi ko lang talaga alam kung ano ba ang mas importante.

Ang alam ko lang sa mga ganitong senaryo wala kang dapat gawin kundi kumilos ayon sa naiisip mong paraan. Mas okay na yun kaysa naman maghintay ka na lang sa magiging resulta. Mahirap maparanoid sa isang bagay kaya gagawa at gagawa ka ng paraan para malaman mo kung ano na ang mga nangyayari.

Gaya ng dati!, mahirap man tanggapin pero pumapasok na naman ang kasabihang “Sa kamalian tayo natututo”.

Kaya naman gumawa ako ng tip para sa sarili ko at pwede din sa inyo.

hoy otep

MGA DAPAT TANDAAN BAGO UMALIS NG BAHAY

  • Kung madalas kang gumamit ng Plantsa (Flat Iron) at minsan mo na rin itong nakaligtaang tanggalin sa pagkakasaksak nito, ganoon din ng electrict fan at kung anu-ano pang kasangkapang de kuryente, ugaliing tanggaling/hugutin ang main plug sa bahay nyo. Sa Ganoon hindi mo man natanggal sa pagkakasaksak ang isang appliance sigurado namang walang dumadaloy na kuryente dito dahil napatay mo naman sa main. Kaya nga sa apartment ko, gumagamit kami ng safe na extension wire, pwedeng saksakan ng madami pero konektado lang sa iisang main plug, pag-alis isa na lang ang tatanggalin. (ang galing!) lol 😛
  • Naging safe nga ako sa kuryente kamuntikan naman akong mapahamak sa Kalan. Kaya naman maimumungkahi kong ugaliing tanggalin ang lahat ng nakapatong sa kalan bago umalis ng bahay. Sa ganoon sakaling hindi mo nga napatay o naiwanang nakabukas ito, at least panatag kang walang masusunog o iinit na kasanggapang gamit sa pagluluto. Super kalan kasi gamit ko e, pero kung LPG ang gamit nyo ugaliin ding patayin ito sa ilalim o sa LPG mismo para maiiwasan ang pagsingaw nito.
  • Minsan na rin akong nakaiwan ng tubig sa banyo kaya bago ako umalis ng bahay ugali kong bumalik sa kusina at CR. Pero para sigurado ka sa kaligtasan o para makatipid sa bayarin ng bahay nyo dahil sa kapabayaan. Gumawa ka ng Note sa likod ng pintuan nyo. Sa ganoong sa tuwing lalabas ka ng tahanan mo sa kahit anong pagmamadali, mare-remind ka kahit papaano 🙂

Ayan! Sana natuto din kayo sa katangahan ko. Hahaha 😛 Apir*

10 thoughts on “FIRE PREVENTION: BOY LIMOT”

  1. parang gusto ko rin gumawa ng ganyang reminder.

    nangyari na rin sakin yan sa plantsa naman pero di ako nagpanic. hinayaan ko na lang … eh ano kung masunog ang hacienda namin? whahahahha

    Like

  2. wahahaha, dalawang saksakan lang ang meron sa crib ko, good thing naman na de kuryente ang kalan sa bahay kaya kasama yun sa hindi ko nakakalimutan… pero ang gandang suggestion about the note sa may pintuan.. 😀 hindi ko na makakalimutang patayin ang ilaw.. 😀 bago umalis…

    Like

  3. hanep ka din anoh! paranoid whole day sa work. hahahaha. at nakaka relate ako sau. whole day akong walang ginawa kundi itext ang tita ko or cousin ko kung nakauwi na sila. at sa pambihirang pagkakataon ako pa talaga ang naunang umuwi. at whole day akong napaparanoid kung natanggal ko ang plancha.

    Like

Leave a reply to kyakototentimes Cancel reply