UHAW SA PANAGINIP


Ilang beses na rin akong nagising mula sa isang malalim na pagkakatulog. Hindi ko man mawari o maipaliwag kung ano ang mga pakuhulugan nito sa kasalukuyan, na kung mamalasin pa nga’y ni-isang detalyeng kaganapan ay wala akong matandaan. Basta’t ang natatangi ko lang nalalalaman at nararamdaman  habang pilit-humahalukay sa isipan ay isa iyong magandang karanasan.

Nakangiti.

Yakap ang unan.

Bakas ang panis na laway.

Bakat ang haliparatot na bagay.

Hindi na naman lingid sa kaalaman ng karamihan ang katamaran. Kaya muling pipikit. At kahit hindi naman pilitin kusang magpapaubaya ang mga matang malumanay. Pilit na hahabulin kung saan natapos ang huling eksena.

Magpapatuloy.

Tutunog ang orasan.

Hahanapin kung saan nakalagay.

Papatayin at sasabihing “limang Minuto pa”.

Muling magpapauba ang mga mata. Subalit sa muling pagkakahimbing ay nasa iba ka na palang planeta. Magpapaindayog kahit hindi naman alam kung ano ang nakikita. Bubuo ng bagong kuwento kahit wala ka naman talagang kontrolado dito. Tila nabubuhay sa diwa na patay  naman ang kaluluwa.

Napakasaya.

Nangyayari talaga siya.

Alam kong isa itong hiwaga.

Pero bakit pilit-pikit akong nagpapaubaya?

At sa huling kabanata ng mga pinagtagpi-tagpi kong kwento ni isa wala akong naalala, maliban sa isang taong pilit kong ginagawang karakter sa loob ng isipan ko.

Gising.

Pilit bumabagon at kumikilos.

Magugutom kakain at saka maghihilamos.

Mapapaisip… Katuparan nga’y naaabot, subalit natatapos.

Papasok sa opisina. Sa Sakayan, sa daan at kahit saan ay laging mararamdaman -kalungkutan. Mabuti pa sa panaginip hindi man natatandaan pero may kasiyahan, may katuparan. Bakit sa kasalukyang buhay, totoo naman ang nasa puso’t isipan pero madalas kabaliktaran pa rin ng kasiyahan ang nararamdaman?

►►►

Maraming Salamat sa mga  bago kong Subscribers/Followers:

maphnie
http://hiseyesthroughmyheart.wordpress.com
Million Feelings
http://singkitnamakulit.wordpress.com
Bahay Kubo Kahit Munti !
http://BahayKuboKahitMunti.wordpress.com
ambixioza
http://ambixioza.wordpress.com

Kung nais mong mag subscribe sa mga naisusulat ko, punta lang sa upper rightside ng blog na ito. Ilagay ang email o i-click ang  “SUNDAN SI OTEP”Maaari ding i-like ang facebook page ko sa www.facebook.com/librelangmangarap

7 thoughts on “UHAW SA PANAGINIP”

  1. Wala pa ring kupas, lupet parin ng iyong mga isinusulat, makalipas ng higit na anim apat o anim na tao.. ang Kutserong Kulot noon at nandito pa rin (baka lang di mo na maalala)

  2. napaka maka meaningful na post hehe ^_^

    honga bakit sa panaginip kahit alam mong hindi totoo masarap paden sa pakiramdam? samantalang pag gising mo realidad na tapos ang bigat pa sa dibdib. ^_^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s